No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, April 14, 2012

Rhythm of Heartbeat (4)




***

Chapter 4
Deepest Secret

     Hindi lang isa ngunit tatlong bouquet ng bulaklak ang dala-dala ni Arthur. Puro pulang rosas ang mga bulaklak na iyon. Sinabi ni Arthur sa sarili na gagawin niya ang lahat mapapayag lang niya si Mildred sa dinner date.

     Kasalukuyan siyang naglalakad sa corridor. Napapatingin nga ang lahat sa kanya habang dumadaan siya dala ang mga bulaklak na iyon. Ang iba ay nag-iimagine na titigil si Arthur at ibibigay sa kanila ang mga bulaklak na hawak. Narating niya na ang silid-aralan ni Mildred; kasalukuyang nagkaklase.

     Kumatok siya sa bukas na pinto, “Excuse me, may I talk to Ms. Mildred Roces?” Pumasok si Arthur kahit hindi pa siya binibigyan ng prof ng pahintulot. Nagtilian ang mga kababaihan nang maglakad siya patungo kay Mildred. Lumuhod siya sa harap nito at nagmakaawa, “Please Mildred, dinner date lang naman ang hinihiling ko e!”

     Hindi nakapagsalita si Mildred dahil sa sobrang pagkagulat. Ibinigay ni Arthur ang tatlong bouquet sa kanya, tumayo at lumabas bigla ng silid-aralan. Para ngang napadaan lang.

     Hiyang-hiya si Mildred. Nakatambak sa kanyang desk ang tatlong bouquet na iyon. Inaasar nga siya ng mga kaklase niya. Ang sabi e kaya raw tatlo ang ibinigay ni Arthur ay dahil nangangahulugan ito ng “I love you”. Napailing na lamang siya, “Hay! Si Arthur talaga!”

     Oras ng tanghalian. Magkasama sina Mildred at Rico sa kantina. Dala-dala pa nga ni Mildred ang mga bulaklak. Naikuwento niya rin kay Rico kung ano ang ginawa ni Arthur kanina. Natawa nga si Rico.

     “Haha! Ginawa ni Arthur yun?”
     “Oo. Hiyang-hiya nga ako e! Pinagtitinginan at inaasar ako ng lahat.”
     “Ang sabihin mo, kinaiinggitan ka ng lahat. Bakit kasi ayaw mo pang pumayag doon sa dinner date? Ang gwapo kaya ng makaka-date mo!”
     “Hindi ko naman kasi gusto si Arthur. Baka pag pumayag akong makipag-date sa kanya, isipin niyang may gusto rin ako sa kanya at binibigyan ko siya ng chance.”
     “E paano pag ako ang nagyaya sa iyo, sasama ka?”

     Walang patumpik na sumagot si Mildred, “Oo naman!”

     “O sige, mamayang uwian.”
     “Mamayang uwian na agad?”
     “Oo, sa may wishing well. Mas maaga ang labas ko sa iyo kaya hihintayin na lang kita roon, Mildred.”

     Nang matapos ang oras ng tanghalian ay inihatid ni Rico si Mildred sa silid-aralan nito, bagay na hindi niya naman ginagawa noon, noong hindi pa siya umaamin ng nararamdaman para sa kanyang pinsan. Malapit na naman sila sa isa’t isa noon pa ngunit ang pangyayari kahapon ang nagpalapit lalo sa kanilang dalawa.

     Nang uwian na ay nagtungo si Mildred doon sa may balon at nadatnan niya si Rico. Dala pa rin ni Mildred ang mga bulaklak. Sagabal nga ito sa kanyang paglalakad. Inilapag niya sa isang tabi ang kanyang mga gamit pati na ang mga bulaklak. Tapos ay nilapitan niya si Rico na nakatayo sa tabi ng balon; nakatitig ang binata sa mga barya.

     “Ang daming barya, ano?” sabi ni Rico. “Siguro lagi kang nandito, lagi kang naghuhulog. Ano ba ang hinihiling mo?”
     “Hinihiling ko… gabi-gabi sa balong iyan... na sana ay mapansin mo ako,” isip ni Mildred.
     “Kung ‘di mo alam, Mildred, nagpupunta rin ako rito at alam mo ba kung ano ang hinihiling ko?”
     “Ano?” tanong ni Mildred.

     Tiningnan ni Rico si Mildred at nagwika, “Na sana ay mapansin mo ako.” Nagulat ang dalaga. Ang hiling niya at ni Rico ay iisa!

     “Noong high school pa tayo, doon ko narealize na gusto kita. Kay Kuya Rich ko sinabi na may pagtingin ako sa iyo. Syempre tumutol siya. Hindi raw puwede iyon dahil magpinsan tayo, pigilan ko raw ang nararamdaman ko. Ginawa ko naman kaso hindi ko kaya e!
     “Ang tagal kong itinago ang nararamdaman ko. Kaya lang kagabi nang makita kita rito, hindi ko na kinaya. Sorry kung nahalikan kita, Mildred. Mahal kasi talaga kita.”

     Niyakap bigla ni Mildred si Rico at nagsimulang umiyak. Sinabi niya kung gaano niya kamahal si Rico, na iniibig rin niya ito. Isang taon na siyang nagpupunta sa lugar na iyon. Isang taon na siyang naghuhulog ng barya sa wishing well. Gabi-gabi niyang hinihiling na sana ay mapansin rin siya ni Rico, na sana ay mahalin rin siya nito.

     “Aaminin ko, takot akong sabihin ang nararamdaman ko dahil baka layuan mo ako, baka ikahiya mo ako,” pagtatapat niya kay Rico.

     Pinunasan ni Rico ang mga luha ni Mildred. “Hindi mangyayari yun, ok? Hindi kita ikahihiya kasi mahal kita e! Huwag ka nang umiyak.”

     Umupo sila ni Rico sa isang tabi nang tumigil na si Mildred sa pag-iyak. Nakapatong ang ulo ni Mildred sa balikat ni Rico at magkahawak ang kanilang mga kamay. Seryoso ang mukha ni Rico at walang anu-ano’y sinabi niya ang,

     “Mildred, gusto ko sanang maging boyfriend mo.”

     Nagulat si Mildred, “Ha? Paano yun?”

     “Edi liligawan kita tapos kapag sinagot mo ako, yun na. Ililihim naman natin e! Tayo lang ang makakaalam.”

     Nag-aalinlangan si Mildred. Iniisip niya ang isa pa niyang pinsang si Rich. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman ang tungkol sa kanila?

     “Hindi ko naman sasabihin sa kanya. Gaya nga ng sabi ko, tayo lang ang makakaalam. Wala nang iba,” sabi ni Rico. “Ano, payag ka na?” tanong pa niya.

     Sumang-ayon si Mildred, “Basta, walang ibang makakaalam ha? Tayong dalawa lang.”

    “Oo, tayong dalawa lang, ” sagot ni Rico, tila siguradong-sigurado.

     Nagkaroon nga ng kasunduan ang magpinsan na walang ibang makakaalam ng lihim nila. Ano kaya ang magiging bunga ng pag-iibigang ito? Ano ang patutunguhan ng relasyon ng dalawa? Maging maligaya kaya sila sa bandang huli?

***



No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly