No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, July 13, 2009

Mga Di Kanais-Nais na Gawain sa Kalye

Ika-labing tatlo ng Hulyo, taong dalawang libo't siyam, Manila.

Alas otso y medya ng gabi ang tapos ng klase namin. Dahil sa gutom ay niyaya ko ang dalawa kong kaibigan na kumain matapos ang klase. Libre ko. May lagnat yata ako kaya nanlibre. Nyahaha!

ANYD: Saan ninyo gusto kumain?
VHINE: Ah, ikaw bahala.
MHARGE: Libre mo ba?
ANYD: Oo nga, kulit!
MHARGE: Nice, nice!
ANYD: 7-11 na lang?
VHINE: Wala na yung 7-11 diyan sa labas.

Giniba na pala yung 7-11.

ANYD: Ah wala na ba? Mini Stop na lang tayo.
MHARGE: Mini Stop?
ANYD: Oo, yung malapit diyan sa San Sebastian. Ok lang sa inyo kahit gabihin tayo?
VHINE: Ok lang.
MHARGE: Ok lang kahit gagawa pa ako ng lesson plan.
ANYD: Ay sige wag na lang.
MHARGE: Bakit?
ANYD: E gagawa ka pa ng lesson plan.
MHARGE: Ano ka ba? Ok nga lang.
ANYD: Ok lang basta pagkain e noh?
KAMING TATLO: (Nagtawanan)

Lumabas na kami ng eskwelahan at naglakad papunta sa Mini Stop. Umorder kami ng hotdog in buns with drinks. Matapos mabusog e umalis na kami ng Mini Stop.

VHINE: Ui ANYD, thank you ha.
MHARGE: ANYD, thank you.
ANYD: Oo na, paulit ulit! Haha!

Dumaan kami sa may San Sebastian, ako sa kaliwa, si Vhine sa gitna, si Mharge sa kanan, at may nadaanan kaming mga kalalakihang nag i-skateboard.

VHINE: Dito ba tayo dadaan?
ANYD: Dito na.
VHINE: Parang nakakahiya naman sa kanila, nag i-skateboard sila. Harang tayo.
ANYD: Sila nga yung nakaharang.

Nagdire diretso kami. Matapos malagpasan ang mga lalaki e naging tahimik ang paligid.

ANYD: Nakakatakot naman dito.

Sa aming paglalakad ay may nadaanan kami. Sa may bandang kanan, lalaking umiihi sa pader. Di ko na nga sana papansinin yung ginagawa niya kaso, masyado kasing exposed yung pag-ihi niya at nakikita talaga yung range ng ihi niya, pati yung mga kaibigan ko napansin siya.

VHINE: (Nagulat) Ay!
MHARGE: Ano ba naman yang si kuya!

Tumawa lang ako. Sa kaliwa ko naman ay may lalaking nakaupo, nakabukaka. Di ko na siya gaanong tiningnan dahil parang sa pagkakabukaka niyang iyon ay may kakaiba siyang ginagawa. Paglagpas namin sa lugar na iyon, nagbigay ng reaksyon ang kaibigan ko.

MHARGE: Nakita mo ba yung isang lalaki?
ANYD: Nakita ko.
VHINE: Sino?
ANYD: Yung lalaki kanina, malapit dun sa umiihi.
MHARGE: Yung nakaupo!
VHINE: Ay hindi ko nakita.
MHARGE: Parang may ginagawang kakaiba! Ano ba yan!
ANYD: Haha! Di ko na nga tiningnan kasi nga parang may ginagawa nga siya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. May kadiliman sa nadaanan namin. Sa gilid, may nakita kaming lalaking nakahiga at ito pa ang pinakamalala. Si manong, taas-baba, taas-baba ang paghawak sa ari niya. Ay diyos ko po!

MHARGE: (Nanlumo sa nakita) Ano ba yan...
VHINE: (Napatakip ng mga mata at hinila ako)
ANYD: (Natatawa) Ano ba naman itong nadaanan natin!
MHARGE: Bilisan na natin! Natatakot na ako!

Nagmadali kami sa paglalakad. Nang makalagpas kami, usap-usap uli.

VHINE: Grabe naman iyon, kung gagawin niya yun, dapat sa private place!
MHARGE: Ang baboy!
VHINE: (Tanong kay Mharge) Nakita mo ba yung ano niya?
MHARGE: Hindi. Pero siyempre nakita ko yung kamay niya kaya yun na yun!
VHINE: Ang nakita ko lang yung motion e. (Tanong sa akin) Nakita mo?
ANYD: Ano ba, e di ba malinaw nga yung mata ko?

Pare-parehong malalabo ang mga mata namin, pero naka contact lens kasi ako kaya ayun.. nakita ko.

VHINE: (Nagulat) Nakita mo?!
ANYD: Hindi ko na matandaan kung ano ang hitsura! Hehe!

Nakakadiri. Nakakatakot talaga yung naranasan namin. Sarap pa naman ng kinain namin sa Mini Stop.. Hotdog in buns.

1 comment:

  1. natawa naman ako dito... tindi ng trip nila.. maitry nga minsan. lol

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly