No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, July 16, 2009

Naku, Lagot! Inlab Ako Kay Top One! [4]

[4]


Lalo kong minahal si Ruben at lahat ng mga crush ko sa buhay ay nakalimutan ko nang dahil sa kanya. Sinabi ko nga kay Bea na hindi ko gusto itong nararamdaman ko para kay Ruben. Natatakot kasi ako at saka bakit pa nahulog ang loob ko sa kanya kung kailan malapit nang matapos ang klase? Pinayuhan naman ako ng bestfriend ko. Hindi ko nga alam na magaling palang magpayo si Bea pag dating sa love life, kala ko kasi ang alam niya lang gawin ay ang tumawa at magtakip ng mukha sa tuwing magpapakuha kami ng litrato.

Rehearsal ng Graduation. Malungkot ako. Biniro pa nga ako ni Ruben. Sabi niya, “Siguro kaya ka nalulungkot kasi ‘di mo na makikita yung mga crush mo ano?”

Hindi ako sumagot. Ngumiti ako lang ako, binigyan ko siya ng candy gaya ng nakagawian ko at umalis ako kasama si Bea. Marahil ay tama siya sa sinabi niya... Hindi ko na makikita ang (mga) crush ko... Hindi ko na siya makikita... Pero ‘di lang yun, lilipat na kasi kami ng bahay sa buwan ng Abril. Nakabili kasi ang pamilya ko ng sariling bahay. Ang sakit nga naman talaga. Unang naisip ko ay magkokolehiyo na kami, mapapalayo na ako kay Ruben at lalo pa pala akong mapapalayo sa kanya dahil lilipat na kami ng tirahan. Siya pa nga ang nagsabi na magpa Despedida Party ako. Para namang mangingibang bansa ako. Ako namang si tanga, sumunod sa gusto niya.

“O sige, sa April 6,” sabi ko. Kinabukasan kasi nun ang petsa ng paglisan namin. “Punta ka ha?” dagdag ko pa.

Pupunta raw siya. Pero ang Despedida Party na iyon ay walang kasiguraduhan. Kailangan ko pang magpaalam kay mama. Nang sabihin ko naman yun pag-uwi ko ng bahay ay pumayag din ang mama ko.

Graduation Day, ika-labinlima ng Marso taong 2006. 4th Honorable Mention si Ruben. Ang galing niya nga! At proud na proud kami dahil itinaas niya ang bandera ng 4th year D. Balak ko pa ngang magpakuha ng litrato kasama siya kaso hindi na namin siya makita ni Bea noong uwian.

Kumain kami ni Bea sa canteen bago kami umuwi kasama ang aming mga nanay at sa kalagitnaan ng pagkain ko ng hotdog in sandwich, pagkakataon nga naman! Dumaan si Ruben kasama ang mom niya at ang picture na inaasahan ko ay nakuha ko.

Recollection kinabukasan. Parang ewan nga, nauna pa ang Graduation kaysa sa Recollection. Imbis na bakasyon na ay kailangan pa naming bumalik sa eskwelahan. Hay...

Ang mga malalapit na kaibigan ni Ruben sa classroom ay alam na may gusto ako sa kanya pero siya, walang ideya. Buti na lang at magaling magtago ng sikreto ang mga yun.

Nagmungkahi ang isa niyang kaibigan na umamin daw ako ng nararamdaman ko para kay Ruben sa ang araw ng Despedida Party, bago ako umalis. Ha? Ano? Bakit ako aamin? Nakakahiya yun! Babae pa man din ako at saka ayaw kong magmukhang tanga no!

“Asa!!!” sabi ko.

Kinabukasan, nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa aking kama. Ilang linggo na lang, lilisanin na namin ang inuupahan naming condominium. Isa pa, bakasyon na. Ano naman ang gagawin ko sa bahay? Edi mag-text!

Ayan na naman ang nakakaadik na unlimited text. Nagtetext kami ng barkada at syempre, ni Ruben. Maging si Julia ay katext ko. Niyayaya ko nga siya na pumunta sa bahay para naman makita niya rin si Ruben bago kami tuluyang maghiwa-hiwalay pero hindi siya pumayag, nahihiya daw siya. Hay naku, Julia!

Isang linggo ang lumipas nang tawagin ako ng nakababata kong kapatid dahil may falling star daw siyang nakita. Nakiusyoso naman ako at nang sumilip ako sa bintana ay may falling star nga! Humiling pa nga ako. (Secret na lang kung ano.)

Maya-maya ay nag-text ako kay Ruben at sinabi kong nakakita ako ng falling star nang ako ay sumilip sa bintana. Subalit hindi siya ang nag-reply sa akin kundi ang mom niya.

Natakot ako. Sabi kasi ng mom niya ay nasa ospital si Ruben. Ano naman kaya ang nangyari sa kanya? Ibinalita ko iyon kay Julia.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly