No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, July 16, 2009

Naku, Lagot! Inlab Ako Kay Top One! [5]

[5]


Wala si Ruben dito, nasa ospital. Iyan ang sinabi ng mom ni Ruben sa akin. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Yun ang bagay na aking ipinagtaka.

Tinanong ko ang mom niya, “Bakit po siya nasa ospital?”

Nag-reply ito, “Dinalaw niya kasi ang daddy niyang may sakit.”

Hay! Akala ko siya na ang naospital! Kinabahan talaga ako. Kinabahan nga rin si Julia.

Sumipsip naman ako sa mom ni Ruben. Kailangan sa buhay iyan! Haha!

“Ay pakisabi po sa dad niya na magpagaling, kumain ng masustansyang pagkain...” Etc. etc. blah blah blah.

Ilang oras ang lumipas, tumunog ang aking cell phone at pangalan ni Ruben ang aking nakita. Ang sabi niya ay nakauwi na siya. Napag-usapan nga rin namin yung tungkol sa falling star. Ang sabi niya, wala naman daw siyang nakitang falling star pero may nakita siyang magandang babaeng nakadungaw sa bintana ng bahay (ehemm ako yata yun) nang sumilip siya sa bintana ng ospital. Loko ito! Bolahin daw ba ako?

“Sino naman?” tanong ko. “Baka ako yun kasi ako lang naman ang nasa may bintana.”
“Secret na lang kung sino at baka magkaroon pa ng bagong issue,” reply niya. Hmm. Mukhang ako talaga yun a! Haha!

Nang mga sumunod na araw ay nagsabi siyang hindi muna siya makakagamit ng cell phone dahil sira, ipaaayos daw. Nakalulungkot naman yun... Mamimiss ko si Ruben promise!

Buwan ng Abril. Dumating na ang araw ng Despedida Party. Yun ang huling araw na makikita ko si Ruben. Hay...

Noong umaga ay kumuha muna kami ng A.S.U.N.G.O.T ng diploma at good moral. Sa eskwelahan kami nagkita-kita. Pag dating ng tanghali ay dumeretso na kami sa bahay. Nakakaasar naman! Nandoon na yung mga kaibigan ni Ruben, siya wala pa rin! Inaasahan ko pa namang nandoon na siya at makikita ko kaagad ang mukha niya.

“Baka hindi na siya dumating,” isip ko. Pero sabi naman niya ay pupunta siya. Siya pa nga ang nag-suggest na magpa Despedida Party ako, ‘di ba?

Ilang sandali pa ay nagpaalam ang mga kaibigan niya (na mga kaklase rin namin) sa akin, tatawagan daw nila si Ruben. Bumaba sila at nagtungo sa pinakamalapit na pay phone. Wala kasi kaming landline. Nang bumalik ang mga ito, ang sabi ay parating na raw si Ruben. May inasikaso lang sa bahay. Buti naman at dadating na siya. Makikita ko na siya... Sa huling pagkakataon.

Nakaupo ako nun, nag-aabang ng taong aakyat sa hagdan ng condominium na inuupahan namin. Maya-maya’y ayan na siya! Si Ruben! May dala pa ngang payong. Bumilis talaga ang tibok ng puso ko at natuwa ako nang tuluyan ko nang nakita ang kanyang mukha. Ewan ko nga ba kung ano ang ginawa niya sa sarili niya dahil ibang-iba talaga ang aura niya nang dumating siya. Napakalinis niyang tingnan at ang gwapo niya talaga! Nahiya nga ako at pumasok sa loob. Naghiyawan naman yung mga bisita ko na pawang mga kaklase namin.

Pag labas ko ay ibinigay ko sa kanya yung sulat na ginawa ko. Friendly letter yun ha? Hindi love letter no! Ipinasok ko muna yung dala niyang payong sa loob.

Kainan na. Lahat kumain maliban lang sa kanya.

“Uy kumain ka na!” alok ko.
“Sige lang! Kakakain ko pa lang kasi sa bahay.”

Ay... Ang dami pa namang handa. Ni isa wala siyang tinikman sa mga yun. Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Hindi na tuloy ako masyadong nakakain dahil sa pag-aalala sa kanya.

Kinahapunan, naisipan naming maglaro sa isang palaruan malapit lang sa amin. Maaari kang mag volleyball at badminton doon, may swing nga rin, slide at see saw. Hindi naman kami mahilig ni Bea sa sports kaya paupo-upo lang kami. Nakisali ang iba naming kabarkada sa pag-upo namin at ayan, nagsimula na naman nila akong tuksuhin.

“Itanong ko kaya sa kanya (kay Ruben) kung mahal niya ako?” pagbibiro ko.

Ang mga walang hiya! Tinawag si Ruben! Lumapit naman siya. “May itatanong kami sa iyo!” sabi ng mga kabarkada ko.

Sabi ba naman niya, “Ang sagot ko ay HINDI!” at lumayo siya. Wala pa ngang tanong, may sagot na.

“Ang sakit naman,” sambit ko. “‘Di pala ako mahal nun.” Tumawa ang barkada.

Umalis muna ako at bumalik sa bahay dahil sa tawag ng kalikasan. ‘Di naman kalayuan ang palaruan sa bahay. Aba e tinakot ba naman nila si Ruben, ang sabi ay nagalit ako rito at nag walk out. Takang-taka nga yung tao.

Bumalik na ang lahat sa bahay at sumapit na ang gabi. Nagsialisan na yung iba. Ang mga kabarkada ko ay naroon pa.

“Basahin mo na yung sulat na ginawa ko,” sabi ko kay Ruben.

Pinagmasdan ko siya habang siya ay nagbabasa. Ang mukha niya... Huling beses ko na itong makikita. Napansin ko rin ang kanyang pagngiti habang binabasa ang sulat na ibinigay ko. Marahil ay natatawa siya sa mga pinagsasasabi ko sa sulat.

Pinaghirapan ko ang sulat na yun no! Hand written nga yun, ‘di gaya ng ibang pinagbigyan ko na computerized. Sabagay, nawalan na kasi ng ink ang printer namin.

Tinawag niya ako, “Ano ito? ‘Di ko maintindihan.”

KAPAL NG FACE! Ang ganda kaya ng sulat ko! Pero nang basahin ko, hindi ko rin naintindihan. Hehe...

“Parang maganda yung sulat mo a!” pang-uuyam ko.
“Maganda naman talaga yung sulat ko. Ako nga e nagagandahan sa sulat ko.”

‘Di kami makapaniwala ni Bea sa sinabi niyang iyon. E mas madali pa ngang i-translate yung Steno kaysa sa sulat niya. Tumawa kami ni Bea.

Ang ‘di pa katanggap-tanggap, pag chinechekan ang mga kwaderno namin, pareho kami ng grade ni Ruben. Ka lebel niya ba ang sulat-kamay ko? Hindi naman siguro. Kumpleto lang ang notes niya!

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly