No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, July 16, 2009

Naku, Lagot! Inlab Ako Kay Top One! [6]

[6]


Sa Despedida Party. Apat na lang ang natira sa mga bisita ko: ang bestfriend kong si Bea, dalawa kong kabarkadang babae at si Ruben.

Sinabihan ko si Ruben, “Kumain ka na!” Pero ayaw niya talaga, hanggang sa maalala niya ang dala niyang payong at kinuha iyon sa loob. Sayang naman at naalala niya pa, harbatin ko na lang sana yun. Haha!

“Mamaya ka na umuwi,” pamimilit ko sa kanya.
“Oo,” tugon niya pero lumipas pa ang ilang minuto at ‘di nagtagal ay nagpaalam na siya. Bago siya umalis ay tinawag niya ako, “A Darcie...”
“Bakit?” tanong ko. Ano kaya ang sasabihin niya? Baka naman ipagtatapat niyang mahal niya ako. Hay asa pa ako!
“Ayos na nga pala yung cp ng mom ko,” sagot niya. Haha! Talagang asa nga ako.

Ayaw ko pa nga siyang pauwiin. Sayang no... Last day ko na kaya siyang makikita! Pero mukha ngang uwing-uwi na siya. Malalim na kasi ang gabi. Kaya nagprisinta akong ihatid siya sa ibaba. Talagang ako pa naghatid e no?

“Huwag na!” tanggi niya pero hinatid ko pa rin siya pababa ng condominium. Nasa third floor kami. Nang naglalakad na kami sa second floor, tinanong niya ako, “Bakit mo pa ako hinatid? Parang napakaimportante ko naman.”
“Syempre no! Luv na luv kita e!” sagot ko at tinawanan niya lang ako. Naisip niya sigurong binibiro ko na naman siya. Hay naku Ruben, kung alam mo lang.

Nang kami ay makababa na, tumingin siya sa langit. “Madilim na pala. ‘Di kaya ako pagsamantalahan ng mga bading dito?”

Bading ka diyan...

“Wala namang bading dito, ikaw lang,” pagbibiro ko. Naglakad na siya palayo. “Text mo ako ha!” aking sinabi nang makita kong papalayo na nga siya.
“Oo!” sigaw niya.

Bumalik na ako sa taas at nagtsismisan ba naman ang mga kabarkada ko.

“Ang gwapo niya ano?” sabi ng isa sa aking mga kabarkada. Nabigla nga raw siya nang makita niya si Ruben. Ngumiti lang naman ako.

Maya-maya’y tumunog ang aking cell phone. Natuwa ako kasi pangalan ni Ruben ang nakita ko. Naisip ko nga, “Ang bilis namang makauwi nito.” O baka naman dala niya ang cell phone, nagtetext siya habang naglalakad.

Excited akong makita kung ano ang mensahe niya at nang aking basahin ang message... Hay... Ang ganda. Bakas talaga ang concern at pag-aalala.

Pakisabi kay Ruben umuwi na siya.


Haha! Mom niya pala yung nag-text sa akin. Akala ko siya na...

Lumipas ang ilang oras at nagsiuwian na ang mga kabarkada ko. Sa isang sulok ay nakaupo ako, nakatahimik at nag-iisip ng mga bagay-bagay habang ang iba ay nag-iimpake ng mga gamit.

‘Di ko nagawang sabihin kay Ruben ang nararamdaman ko. Nakakahiya kaya! At ano na lang ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang may pagtingin ako sa kanya? Baka tawanan niya na naman ako gaya ng palaging ginagawa niya. Hindi ko nga sukat akalain na yung taong hindi ko pinapansin noong 3rd year high school at binibiro ko nung 4th year high school na mahal na mahal ko kunwari ay mamahalin ko pala talaga.

Ang mga naimpakeng gamit namin ay inilagay na sa 10-wheeler truck na inarkila namin at nang sumakay ako sa harapan ng truck ay tinext ko ang lahat ng pumunta sa Despedida Party.

Mamimiss ko kayo. Ingat kayong lahat.
God bless sa mga course ninyo sa College.


At nang umandar na ang truck, maraming bagay akong naisip. Mas maigi na rin sigurong hindi malaman ni Ruben ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa bago naming tirahan, alam kong mas marami pa akong magiging kaibigan. Sa pagpasok ko sa kolehiyo sa susunod na pasukan, marami pa akong makikilalang tao at magiging bahagi ng buhay ko.

Sa aming dalawa ni Julia, walang nanalo at marahil ay pareho kaming talo dahil nahihiya kaming ipadama ang nararamdaman namin. Siguro nga ay masyado pa akong bata para umibig. Paglipas ng ilang taon, makakalimutan ko rin ang pag-ibig ko kay Ruben. Pero habang nabubuhay ako, mananatili siya sa aking puso at pag nakita ko si Ruben muli, hindi ko alam kung mararamdaman ko pa rin ang naramdaman kong pag-ibig sa kanya. Pagtatawanan ko na lang siguro pag naalala ko ang mga sinabi ko noon. Ang mga salitang hinding-hindi ko malilimutan, ang “Naku, lagot! Inlab ako kay top one!”

Masaya na rin ako dahil kahit papaano ay dumating si Ruben sa buhay ko. Dumating siya para paibigin ako. Sana nga ay dumating ang araw na sabihin niya ang tatlong salitang pinapangarap ko... “Mahal kita Darcie...”

Pero mangyayayari pa kaya ang araw na iyon? Sana nga. At sana ay may nararamdaman din si Ruben kahit na katiting na pagmamahal sa akin.

...WAKAS...

3 comments:

  1. wow.haha:))
    indi co akalain nah
    matatapos cong basahin lahat>:)
    ang gndah.
    ka2wa.
    uahahhaa>:))

    ReplyDelete
  2. Ikaw cguro c darcie dito. :)

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly