No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, July 16, 2009

Naku, Lagot! Inlab Ako Kay Top One! [3]

[3]


‘Di kalaunan, nag-open ako kay Julia na gusto ko na nga si Ruben. Pero yung tipong pabiro lang. Yun bang, “Oi Julia, alam mo ba, mahal ko na siya!” At pagkatapos nun ay tatawa. Malaki rin kasi ang pagkagusto nito ni Julia kay Ruben. Ang problema nga lang, napakabagal niya kung kumilos. Nagpapa istilong Maria Clara pa e ang mga babae sa ngayon, karamihan ay agresibo na.

Buwan ng Marso, tuluyan na akong nahulog kay Ruben. Napaka caring niya kasi. Dinalaw niya ako sa bahay noong lumiban ako sa klase dahil masama ang pakiramdam ko.

“Check lang kita kung ok ka na,” sabi niya.

Nagulat nga ako nang bigla siyang bumulaga sa pintuan kasama si Jervis (ang dating seatmate ko). Buti na nga lang at wala si mama kundi inasar na ako nun! Kilig nga ako at mega text sa friends na dinalaw niya ako.

Siya rin yung naging Prom Date ko nang magkaroon ng JS Prom. Naalala ko nga noong pinapili kami ng magiging Prom Date namin, lintik... Ako pa nga ang nagyaya sa kanya! Paano, si Gabby na boyfriend ko kuno (super close kasi kami at boyfriend-girlfriend ang naging tawagan namin noong 4th year, hindi ko nga alam kung paano nagsimula yun) ay dinaan-daanan lang ako! Kaysa naman mapahiya ako, ‘di ba? Baka maubusan na ako ng kapareha. Asar...

Pinapila sa isang side yung may partner na at alam ninyo ba kung sino ang partner ni Gabby? Si Julia! Wahahahaha! Kawawang Julia! Naunahan ko kay Ruben. Ang bagal niya kasi.

“Naawa lang ako kay Julia. Paano e dinaan-daanan lang ng mga kaklase natin,” pagtatapat ni Gabby. Sira ulo... E ako nga dinaan-daanan niya rin lang.

Ayan na naman ang problema, wala kaming sasakyan. Pakapalan na lang ng mukha ito! Sinabi ko kay Ruben na sunduin niya ako, may kotse kasi sila. Pati nga plate number ng kotse nila, alam ko. Inalam ko na rin ang pangalan ng nanay niya, tatay niya, kuya niya. Pati presyo ng ice candy na tinitinda nila, alam ko. Tatlong piso nga isa, ang mahal-mahal e ang liit-liit naman. Dinaig pa yung business naming papel. Terible!

Pumayag siya sa gusto ko at susunduin niya raw ako, pero makalipas ang ilang araw ay nagbago ang isip ko. Nahiya kasi ako e. Biruin mong meron pala ako nun?

“Uy, huwag mo na akong sunduin,” sabi ko.
“Bakit?” pagtataka niya.
“Basta!”
“E bakit nga?” tanong uli niya. “Paano na iyan, nasabi ko na sa parents ko. Pumayag na nga sila.”

Hindi ko na siya inintindi at nag-arkila na lang kami ng mga kabarkada ko ng van dahil wala rin silang kotse.

JS Prom. Ito na ang huling JS Prom na dadaluhan ko. Tabi kami ni Ruben noon sa table namin. ‘Di nga kami nakikinig sa program. Naglalaro lang kami ng games sa cell phone ko, yung “Cannons”. Yun ang paborito niya. Parang Gunbound daw sabi niya. Pero tumigil din kami. Ang yabang e! Lagi akong talo. Bulok daw ako tumira.

Award-an na ng Best Dressed. Ang daming napili. Nagkaroon kasi ng parang fashion show at ipinakita ang suot naming gown.

“185.”

Aba, ang number ng lola ninyo ay natawag! E hindi naman kasi ako nakikinig. Tapos sabi niya sa akin,

“Uy! Natawag yung number mo!”
“‘Di ko naman narinig,” sagot ko.
“Natawag nga! Tumayo ka na! Sayang yun!”
“E!” angal ko.

At nagulat ako noong sinabi niya ang...

“Kung pwede ko nga lang yun kunin para sa iyo...”


Hindi naman ako nagpakita ng pagkakilig. Basta umiwas na lang ako ng tingin. Hmm. Pero deep inside... Haha!

Sayawan. Si Ruben ang first dance ko. Ang saya! Nakahawak ako sa baywang niya at siya naman ay nakahawak sa balikat ko. Hmm. Parang... parang baligtad yata. Ilang minuto rin ang sayaw na iyon, sulit na rin. Natapos ang kanta at isinalang ang iba pang kanta. Kami ng bestfriend kong si Bea (na kasama rin namin sa table) ay umupo na lamang dahil wala kaming masyadong kasayaw.

Nang makailang salang ng kanta, nilapitan ako ni Peter para magsayaw. Ano ba iyan, nananahimik na nga ako sa isang sulok e! Pero nakatutuwa kasi naalala niya pa akong isayaw.

Lumalim na ang gabi hanggang sa inabot na ng madaling araw. Hindi na sinalang yung iba pang kantang nakalagay sa invitation. Wala na kasing oras at yung ibang magulang, nagwawala na sa labas ng eskwelahan. Sayang naman yun, si Jervis pa man din ang last dance ko. At noong araw na yun, si Peter ang huli kong nakasayaw kaya parang siya na rin ang last dance ko. Nakakaasar naman, Jervis na nga naging Peter pa!

Ngunit hindi nagpapigil ang mga estudyante at humirit pa ng isang kanta. Huling kanta na yun, yayayain ko nga sana si Ruben. Laking pagkagulat ko nang makita ko na lamang na hinihila sina Ruben at Julia ng mga kaklase namin para magsayaw sa tugtuging Iris. Nakaramdam nga ako ng kaunting selos. Naisip ko naman ang kalagayan ni Julia, paano’y hindi na nga napapansin ni Ruben tapos ni hindi man lang siya niyaya nito para magsayaw. Naging masaya na rin ako para sa kanila. Kinuha ko ang dala kong camera at kinuhanan sila ng litrato.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly