No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, July 12, 2009

Bata Ka Pa Lang, Inggitera Ka Na

Hindi ko ugaling kumain ng almusal. Kadalasan, umaalis ako ng bahay nang hindi kumakain. Noong umagang sumakay ako ng bus, masasabi kong swerte ang araw ko dahil nakaupo ako sa bus. Kadalasan kasi nakatayo na ako dahil puno na ang bus. Siksikan ang mga pasahero at wala man lang gentleman na magpaupo (Hindi ako nagpaparinig). Extinct na yata sila ngayon.

At ayun nga, nakaupo ako sa bus. Bigla ko na lang naisipang kainin yung pagkaing binili ko na nasa loob ng bag ko.

Ingredients:

wheat flour, vegetable oil (partially hydrogenated &/or hydrogenated coconut palm or palm kernel or blends), sugar, cocoa powder, baking soda, salt, milk powder, yeast, chocolate flavor


Hulaan mo na lang kung ano ang kinain ko. Pag nahulaan mo, meron kang premyo.. :D

Napapasarap na ako ng subo nang bigla akong napatingin sa isang pasahero sa bus, isang batang babae. Maiksi ang buhok ng bata, cute at mukhang inosente. Ganito rin ang mukha ko noong bata pa ako. lol! Nakakandong siya sa nanay niya (feel ko nanay niya yun) at nakatitig siya sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit siya nakatingin. Ganda ko ba?

Tumuloy na ako sa pagkain. Nakatitig pa rin siya sa akin. Maya-maya, bumulong siya sa nanay niya at tumingin muli sa akin. Matapos, bumulong na naman siya. Pagkabulong niya, nagbukas ng bag yung nanay niya at may inilabas na pagkain. Alangyang bata! Nainggit lang pala sa kinakain ko kaya nakatitig sa akin! :p

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly