May sumakay na magulang kasama ang kanyang anak at nagbayad ang ina ng bata. Sinuklian siya, kulang. Nang magreklamo, hindi pinakinggan. Sabi ng nanay, "Manong kulang po yung sinukli ninyo. Ang hirap sa inyo, pag nagbabayad sa inyo ng kulang grabe kayo kung makareklamo."
Oo nga naman. Mayroon nga akong nasakyan na ganyan. Sabado kasi noon, e nakalimutan kong siyete pesos pala ang singil sa pamasahe,
Inis na inis naman ang mga tao lalo na sa tuwing dadaan sa gasolinahan. Makikita mo talaga yung kakaibang reaksyon ng mukha nila. May ilang nagpapatunog ng paa at nagsasabi ng "Tsk!" Idadahilan pang mahuhuli na sila. Sabagay, minsan naman kasi napakatagal magpagasolina ng tsuper.
Ito pang isang napansin ko: nagsisiksikan ang mga pasahero sa loob ng jeep! Halimbawa, waluhan lang talaga ang laman dapat tapos sasabihin na siyaman! Gitgit na gitgit na talaga yung mga pasahero. Kawawa.
Pag nag-"para" ka naman, ay sus napakabingi ng iba. Kailangan pa yatang sumigaw ng buong bayan para marinig niyang may nag-"para" na pala.
Ang ibang tsuper naman ay napakabilis magpaandar ng sasakyan na kala mo e kasama sa isang racing. Nakasakay na rin ako sa ganyan, nakakatakot nga kaya todo kapit ako sa hawakan. Kung may sobrang bilis e meron din namang sobrang bagal na akala mo ay karo ng patay ang pinaaandar. Ang nakakagigil pa ay sobrang tagal umandar lalo na pag naghihintay ng pasahero o yung iba ay pahinto hinto bawat kanto.
Kaunting konsiderasyon naman para sa lahat. Kawawa nga naman talaga yung mga nagmamadali.
At para naman sa mga pasahero, "Barya Lang Sa Umaga" at saka "God Knows Hudas Not Pay." Sapul yung mga nag wa-one two three!
Kayo, ano namang napapansin ninyo sa mga tsuper ng sinasakyan ninyong jeep?
No comments:
Post a Comment