Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...
***
Kabanata 3
Pumasok na ako sa classroom at nadatnan ko si Bb. Aragon. Nagsipasukan na rin ang lahat ng mga estudyante, pati na rin ang kambal. Sabay pa nga silang umupo. Matutuwa ka kung makikita mo silang dalawa pero mas nababaling ang atensyon ko kay Carlo kaysa kay Mr. Walang Galang. Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya pero sigurado namang malalaman ko rin iyon.
Nagsimulang magsalita si Bb. Aragon. Aayusin niya na ang uupuan namin. “Pumila na muna kayo sa labas at by height, ok?”
Nagkagulo ang mga estudyante sa paglabas at pagpila, at halos hindi na nga ako makasingit. Nagmagaling si Mr. Walang Galang at pinapila niya ang mga estudyante.
Sinigawan niya sila, “HOY! Pumila nga kayo nang maayos. Wala kayong disiplina ha!”
Halos lahat ay natakot sa kanya. Ewan, hindi naman siya ganoon kabangis. Inayos na ng guro namin ang mga upuan at tinawag na kami isa-isa.
“Angelica, dito ka,” tawag ng aming guro sa estudyanteng nasa unahan ng pila. Pinaupo iyon sa harap at nakatabi niya ang isang nagngangalang Angelo. Sunod na tinawag si Carlo. “O, doon ka sa sunod na upuan.”
Hindi naman siya maliit pero bakit doon siya pinaupo? Naisip ko ring baka malabo ang mga mata niya kasi kanina noong nagbabasa siya, napakalapit ng libro sa mukha niya. Hindi ko na siya inintindi at inisip na lang kung saan ako ilalagay ng guro namin at kung sino ang makakatabi ko.
“Sunod, ikaw naman, Ms. Cruz.”
Nagulat ako. “Ha, ako kaagad? At katabi ko pa si Carlo! Hala! Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?”
Papasok na sana ako pero may sumingit na babae. Tapos, sinabihan ako ni Mr. Walang Galang, “Hindi ikaw. Si Arlene ang tinutukoy niya. Pareho kasi kayo ng apelyido!” Naku, napahiya ako dun ha! Bumalik na lang ako sa pila.
Tinawag na sila isa-isa at nangangalay na ako sa katatayo rito sa labas. Nang tawagin ako ni Bb. Aragon, nakaluwag-luwag na rin. HAY SALAMAT! Halos kaunti na lang ang natitira sa labas at si Mr. Walang Galang ay biglang tinawag. Eee?! Katabi ko siya! Malas! Malas!
Nang uupo na siya, sabi niya, “Ayos din naman pala itong katabi ko!”
May napansin ako sa kanya, sa totoo lang. Hindi lang siya walang galang kundi mayabang pa. Kung ikukumpara mo siya kay Carlo, walang wala siya. Ang tingin ko kasi kay Carlo ay gentleman at mabait samantalang kay Mr. Walang Galang, ano pa nga ba? Edi walang galang at mayabang! Ang lahat ay nasa ayos na at si Bb. Aragon ay nagsalita na.
“First of all, I would like to introduce myself,” pagsisimula ni Bb. Aragon.
Si Mr. Walang Galang, naku napakakulit talaga niya! Kasi um-extra ba naman.
“Kilala ka na namin! Ikaw si Cecilia R. Aragon! At ikaw ang ate namin!” sigaw niya. “Tama, hindi ba?” dagdag pa niya.
Medyo nainis si Bb. Aragon, “Oo. Tama ka nga, at CARL…” Ok! Ayun! Ang pangalan niya pala ay Carl. “…pag hindi ka tumigil diyan sa kaingayan mo, ililipat kita ng upuan!”
Hindi pumayag si Carl, “Hindi, dearest ate. Huwag mo akong ilipat. Sige, titigil na ako.” Parang siyang bata! Tapos tiningnan niya ako, “Sorry ha! Ang daldal ko, ano?”
Aba! Tanungin ba naman ako? Inirapan ko nga, “Buti alam mo.”
Kahit na naiinis na ang guro namin, nagpatuloy na siya sa pagpapakilala niya sa sarili niya at nang matapos, pagkakataon naman namin upang magpakilala. Unang tumayo ang estudyanteng nasa harapan, si Angelica o Angel na lang.
“My name is Angelica Olivares. Call me Angel. I’m fifteen years old and I love writing poems.”
Sumunod na ring nagpakilala yung katabi niya.
“I’m Angelo delos Santos. Ang trip kong gawin ay matulog. I’m fifteen years old. That’s all.”
Paano ba iyan, next na si Carlo.
“I’m Marvin Carlo R. Aragon. Hobby ko ang magbasa ng adventure books at mangarap. Gusto ko rin yung mga mababait at simpleng tao.”
May bumulong na isang babae, “Talaga? Edi qualified na pala ako.”
Tinanong siya ng guro namin, “Mangarap? Ano namang klase ang mga pangarap mo?”
“Ang pangarap ko ay makatapos ng pag-aaral, makapag-asawa, magkaroon ng maraming anak…”
Sa totoo lang, simple lang ang mga pangarap niya. Kahit naman sino, ganoon ang pangarap. Pero, nang sabihin niya ang…
“… at mamatay, pumunta sa langit kasama ang babaeng mahal ko at mahal ako.”
…talagang nagulat ako. Pumalakpak pa nga si Carl at ewan ko ba kung intensyon niyang batiin si Carlo o inisin lamang habang sinasabi ang, “Ang galing mo, bro! Very touching!” Pero talaga namang nakaka-inspire ang mga sinabi niya. Mayroon palang lalaking ganoon ang pangarap. Akala ko nga ang sasabihin niya sa halip na maraming anak ay maraming babae at nang mga oras na iyon, mas lalo ko siyang hinangaan.
Sunod na nagpakilala si Arlene. Siya yung babaeng sinasabi ni Carl na ka-apelyido ko. Habang tinitingnan ko siya, alam kong isa siyang matalinong tao at may malaking pangarap sa buhay. Nang tumayo siya, nagpalakpakan ang mga estudyante at nagsigawan ng “Go Top One!”
“Hello everyone! The name is Arlene Cruz. I want to be a popular writer someday. Also, a doctor, para matulungan kong gumaling ang mga may sakit. Syempre, pangarap ko ring maging isang international model!”
Nagtawanan ang lahat, “Ilang taon mo nang sinasabi iyan!” sabi nila.
Natawa ako dahil sa sinabi ng mga kaklase namin at dahil ang dami niya kasing pangarap. Sabagay, hindi naman masama iyon lalo na kung pagsisikapan mong abutin ang lahat ng iyon. Nagpakilala na ang mga sumunod na estudyante. Tapos na rin ako at yung katabi ko. Ang sabi nga niya ay:
“I’m Carl Martin R. Aragon. Wala naman akong gustong gawin kundi ang manggulo. Pero kung kakaibiganin ninyo ako, syempre, magiging iba ang trato ko sa inyo.”
Nagpaparinig ba siya? Inisip ko, “Talaga? Hmm. Tingnan nga natin…”
***
No comments:
Post a Comment