Nanaginip ako. Sa panaginip ko bumili raw ako ng maraming plato, kutsara at tinidor. Hindi ko alam kung ba't ako bumili nun pero sabi sa panaginip ko, kaya ako bumili nun kasi panregalo ko raw. Wahaha! Ba't naman ako magreregalo ng ganun?
Nakita ko na lang na nagbabalot ako ng regalo, pero hindi ko maibalot nang tama. Tapos sabi ng utak ko kailangan ko raw manood ng tutorial ng gift wrapping sa YouTube. Haha!
Tapos nakatulog daw ako. Sa panaginip ko nakatulog ako? Wow ah! At paggising ko raw sa panaginip ko e wala na yung plato, kutsara at tinidor dun sa supot na pinaglagyan. Actually, paper bag yun kasi bawal na ang plastic sa Cavite. Pero yung bahay na nasa panaginip ko e parang hindi naman yung bahay namin dito sa Cavite kundi yung bahay namin sa Makati. Ang weird.
Tinanong ko kung nasaan na yung mga pinamili ko. Sabi ni kuya ginamit daw ni mama. At ayun, umiyak ako. "Bakit ginamit ni mama, e panregalo ko nga yun?" Nung tinanong ko si mama, ang sabi niya e akala raw niya padala ni papa yung mga plato kaya ginamit niya.
Tapos pumasok daw ako sa school at kinuwento sa classmate ko yung nangyari. High school ako? Wahaha! At pag-uwi ko raw ng bahay, lumayas daw ako kasi masama yung loob ko. Dumaan daw ako sa bubungan para hindi ako makita ni mama. Haha! Biglang umulan kaya bumalik ako sa bahay para kumuha ng jacket... at pera na rin kasi bibili raw ako uli ng plato, kutsara at tinidor. Alangya. Umalis ako ng bahay na umiiyak.
No comments:
Post a Comment