No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 16, 2012

Rhythm of Heartbeat (33)



***
Chapter 33
Revelation

     Naikuwento na ni Rita sa mga bata ang dapat nilang malaman. Kuntento na rin naman sila sa nalaman nila at hindi na nila kukulitin si Rita dahil naaawa sila rito nang mapaiyak ito habang nagkukuwento. Niyakap ni Reed ang kanyang ina at hinalikan ito sa noo. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit nasabi ng mga saksi noon na parang may hinahabol ang kotse. Sina Millie at Hans pala ang hinahabol ng mga ito nang maganap ang aksidente. At kung may inamin man si Rita sa kanila, sila rin ay may aaminin kay Rita.
     “Ma, paano kung sabihin namin sa iyong natagpuan na namin siya?” tanong ni Reed sa ina.
     “Sinong siya?” balik na tanong ni Rita.
     “Siya! Yung kapatid ni Benjo, si Reeve!” sagot ni Reed.
     “Paano? Isinuko na nga nila Rico noon ang paghahanap sa kanya e!”

     Sumingit si Ellie sa usapan, “Alam ko kung saan sila nakatira, sina Mildred Evans at si Reeve o ang kilala natin bilang Hans.”

     “Sandali lang, Ellie,” pagputol ni Reed. “Ilang buwan na rin nating nakakasama si Hans pero sa totoo lang hindi pa niya nasasabi kung saan ba ang bahay niya, so paano mo nalaman?” tanong niya. “And don’t tell me na close kayo ng mommy niya.”
     “Well, hindi na nakapagtataka yun, Reed,” sabi ni Neri sa kasintahan. “Mas nauna pa nga niyang malaman na may kapatid si Benjo e! Kayo, nag-bother ba kayong alamin kung ano ang pagkatao ni Hans?”
     “Anong pinalalabas mo, Neri? Na wala kaming pakialam? Na kuntento na lang kaming malaman na may kamukha si Benjo?” tanong ni Reed.
     “Sa iyo galing ‘yan, hindi sa akin,” sagot ni Neri. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa.

     Umawat si Ivan, “O, tama na. Mag-e L.Q. pa kayo e!”

     “Pasensya na kung hindi ko nasabi kaagad sa inyo,” paumanhin ni Ellie. “Pakiramdam ko kasi hindi pa ito yung right time,” dahilan niya.
     “So, kailan ang right time? Bukas? Sa makalawa? Paaabutin pa ba natin ng isang taon bago pa natin sabihin kay Hans ang totoo?” ang ilan sa mga tanong ni Reed.

     Tumayo si Ellie sa kinauupuan. Tapos na rin naman siyang mananghalian. Tumalikod siya at palabas na ng bahay.

     “Nagalit yata,” bulong ni Chad kay Ivan.

     Umiling si Ivan, “Hindi ‘yan.”

     “A, teka, Ellie,” pigil ni Reed. “Saan ka pupunta?”

     Lumingon si Ellie, “Ngayon na ang right time, Kuya Reed. O ano, tutunganga ka na lang ba riyan?”

     “A e, hindi!” sagot ni Reed, tila nahihiya. Akala niya kasi nagtampo si Ellie sa mga sinabi niya. Sinundan niya si Ellie. Tumayo na rin ang lahat.

     Habang naglalakad, siniko ni Chad si Ivan. “Boyfriend ka nga talaga ni Ellie. Kilalang-kilala mo na siya e!” sabi niya.

     “Hindi rin. Minsan, hindi ko talaga alam kung ano ang nasa isip niya,” pagpapakumbaba ng binata.

     Sumakay sina Neri, Ellie, Reed, Ivan at Rita sa kotseng dala ni Neri. Nagpaiwan na lang sina Chad at Duncan para magbantay ng bahay. Ngayon na nga ang tamang pahanon para sabihin kay Hans kung ano ang totoo.

     Tinungo nila ang mansyon ng mga Evans. Sa labas na lang nila ipinarada ang kotse. Malugod silang tinanggap ni Martha. Kilala niya si Ellie dahil minsan na itong nagpunta sa mansyon. Sinabi nilang si Hans ang pakay nila. Ang sabi ni Martha, umalis si Hans pero nangako naman itong babalik kaagad. Kung hindi nila mahihintay si Hans, maaari naman nilang lisanin ang mansyon. Sinabi nilang hihintayin nila si Hans kaya pinatuloy sila ni Martha sa visitor’s area.

     Nagtanong din si Ellie kay Martha, “Nandiyan po ba yung mommy ni Hans?”

     “Kanina pang umaga umalis si ma’am Millie. Maaaring anumang oras e bumalik na rin siya,” sagot ni Martha. Nagpaalam na siya, “Maiwan ko muna kayo.” At pagkaalis niya ay dumating ang isang kasambahay na may dalang cookies at juice. Inihain iyon sa kanila. Umalis din ito pagkatapos.

     Sila na lang ang naiwan sa visitor’s area. Mapapansin ang mga litratong nasa picture frame. Kuha ito ni Kyle kasama sina Iris at Ellie nang magpunta sila rito noon.

     “Kaya naman pala alam mo ang bahay nila. Nakapunta ka na pala rito,” pagtatanto ni Reed nang makita ang mga litrato. Sumang-ayon si Ellie.
     “May alam din ba ang kapatid ko kung sino talaga si Hans?” tanong ni Ivan. Tumango si Ellie.

     Nainis si Reed, “Aaargh! Alam ni Ellie, alam ni Iris at alam ni Neri pero hindi man lang sinabi sa atin!”

     “Hindi pa nga right time, Ricardo!” sagot ni Neri.

     Samantala, nakatahimik lang si Rita hanggang sa iabot sa kanya ni Ellie ang isang lumang photo album na nasa ilalim ng glass table.

     “Tingnan ninyo po,” alok ni Ellie.

     Nang buksan ni Rita ang album, nakita niya ang mga litrato ni Millie kasama si Hans na noon ay maliit pa lamang.

     “Ang kapal ng mukha niya!” may hinanakit na sabi ni Rita. “Nagpakuha pa siya ng picture. Akala niya naman anak niya yun!” Hinimas ni Reed ang likod niya. “Ang tagal siyang hinanap nina Rich at Rico, dito lang pala nagtatago yung demonyitang yun!”

     Hindi niya na kayang tingnan ang mga litrato kaya ibinalik niya na ito kay Ellie. Nilagay na rin ni Ellie sa dating kinalalagyan ang photo album.

     Lumipas pa ang ilang minuto. Alas dos na sa orasan. Nangangamba na si Ellie. Tatlumpung minuto na lang ay magsisimula na ang kanyang klase. Anong oras kaya dadating si Hans? May mahabang pagsusulit pa naman kaya hindi siya maaaring lumiban.

      ‘Di nagtagal, may mga yabag na narinig at bumulaga si Hans sa pintuan ng visitor’s area. “Hey!” pagtawag niya sa mga kaibigan.

     “Hans!” sambit nila.

     Pumasok si Hans sa visitor’s area. “Martha said that you’re looking for me. What brings you here? Is it about Iris and I? I’m really sorry for that.”

     “Forget it! May sasabihin kami sa’yong mas important,” sabi ni Neri.
     “I see,” sagot ni Hans. “And what is that? But before that, hmm, do you mind telling me who she is?” Si Rita ang tinutukoy niya.
     “Mama ko. Oh, I mean, mama ni Reed,” sagot ni Neri.
     “Hi ma’am,” bati ni Hans kay Rita.

     Napaiyak si Rita nang makita si Hans. Siya nga ang nawawalang anak nina Rico at Bernadette. Kamukhang-kamukha nito si Benjo. Nilapitan niya si Hans.

     “Ikaw nga,” sambit ni Rita. ‘Di niya napigilan ang sarili at niyakap niya si Hans.

     Nagulat si Hans. Hindi niya maintindihan kung bakit siya niyakap ng mama ni Reed.

     “Ikaw nga si Reeve. Ikaw ang nawawalang anak nina Rico at Bernadette,” sabi ni Rita.
    “Rico? Bernadette?” nagtatakang tanong ni Hans. At naalala niya ang sinabi ni Millie sa kanya noong nalasing ito at hinalikan siya,

     “I love you, Rico.”

     “Hans, ikaw ang nawawalang kapatid ni Benjo,” pagtatapat ni Ellie.
     “You are his long lost twin!” sabi naman ni Neri.
     “I am his what?” tanong ni Hans. ‘Di niya napansing nangingilid na pala ang luha sa mga mata niya.
     “Kakambal ka ni Benjo,” sagot ni Ivan.
     “At pinsan kita,” dagdag ni Reed.

     Bumitiw si Rita sa pagkakayakap at hinawakan na lang sa kamay si Hans. Sinabi niya ang, “Kinuha ka ni Mildred kay Bernadette, sa mama mo, sa ospital, noong kapapanganak mo pa lang.”

     “What a scene!” ang boses na narinig nilang lahat. Dumating na pala si Millie. Pumasok siya sa visitor’s area at nagtaray. Tinanggal niya ang kamay ni Rita na nakakapit kay Hans, “Get your hands off him!” At hinila niya si Hans nang kaunti, palayo sa kanila. “All at once leave our house!” utos niya sa mga bisita ni Hans.

     Lumaban si Rita, “Hindi kami aalis dito hangga’t ‘di namin nababawi ang anak nina Bernadette at Rico!”

     “Anong sinasabi mo? Anak ko siya! Anak ko si Hans.”
     “Baliw ka, Mildred! Hindi siya si Hans. Siya si Reeve! At anak siya nina Bernadette at Rico!”
     “Anak ko siya! Sa akin lang siya!” pagmamatigas ni Millie. Tinawag niya si Martha, “Martha! Martha!” Nagpakita si Martha. “Palabasin mo sila ngayon din!” utos ni Millie. Halata ang galit sa boses niya.

     Hinawakan ni Martha si Rita pero hinawi siya nito. Nagbanta si Rita,

     “Akala mo panalo ka na? Aalis kami ngayon pero babalik kami para kunin si Reeve. Hayop ka, Mildred! Pinatay mo sina Rich, Rico at Bernadette! Hayop ka!” Umalis na sila.

     Nang makaalis na sila, hinawakan ni Millie ang magkabilang pisngi ni Hans. “Are you all right? Did they do something bad to you?”

     Binigyan siya ng masamang tingin ni Hans at sinabing, “Get your hands off me!” Kalmado ngunit matigas ang pagkakasabi niya nun.

     Nagulat si Millie sa sinabi ng anak. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay niya. Umalis si Hans sa visitor’s area at umakyat papunta sa kuwarto. Pagkaalis ni Hans, sinabihan ni Millie si Martha,

     “You are fired!”
     “M-ma’am Millie?!” parang ‘di niya nakuha ang sinabi ni Millie.
     “Bobo kang matanda ka? Gusto mong tagalugin ko pa? Ang sabi ko, tanggal ka na! Kung sinu-sino ang pinapapasok mo rito sa mansyon! Mamaya mga magnanakaw pa yun!”

     Masakit man sa loob ni Martha, tinanggap niya na lang ang desisyon ni Millie.

     “Umalis ka na bago pa dumating si Kyle. Bilisan mo!”

     Lumabas na si Martha sa visitor’s area. Sumunod na rin si Millie. Kung dati ay nakatakas siya sa kamay nina Bernadette, ngayon ay wala na siyang kawala. Hindi niya pang habang-buhay na maitatago kay Hans kung ano ba ang totoo.

***


No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly