No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 22, 2012

Alumni: High School Memories (13)

Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...



***
Kabanata 13

     “Masyado mo namang sineryoso yung sinabi ko, Denise,” sabi ni Carl. Tumawa siya, “Hahaha! Hindi naman kita mamahalin e! 'Di naman kita type!”

     Sabi ko na nga ba’t isa na naman ito sa mga pambibiro niya. “Hindi mo naman ako mauuto. Alam ko namang gusto mo lang akong pagtripan kaya pag sinabi mo pang mahal mo ako, 'di na ako maniniwala sa iyo,” sagot ko naman.

     Iniba niya na ang usapan, “Mag-aral na nga lang tayo.” Binuklat niya na yung libro.

     “Mabuti pa nga,” tugon ko. At nagsimula na ang walang sawa naming pakikinig sa aralin.

     Isang hapon noong nasa tambayan kami, tinanong naman ako ni Carlo. Mukha ngang 'di pa siya mapakali nang kausapin niya ako.

     “D-Denise, may gagawin ka ba sa Sabado?”

     Kami lang ang nandoon. Hinihintay namin sina Carl, Angel at Gelo kasi may tinatapos pa silang school work. Si Arlene naman, minsan na lang siya sumasabay sa amin. Tinapat niya akong hindi siya komportable pag naroon ako. Kaysa naman daw awayin pa siya ni Carl, siya na lang ang lalayo. Nalungkot nga ako nang sabihin niya yun.

     “Wala,” sagot ko kay Carlo. “Bakit?” tanong ko.
     “Puwede mo ba akong samahan? Gusto ko lang sanang mamasyal sa mall. Tagal ko na rin kasing 'di nakakapunta roon,” sabi niya.

     Mamamasyal kami? Mukhang exciting ha! Hindi pa rin kasi ako nakakagala e. Sino naman kaya ang ibang kasama namin?

     “A, o sige,” pagpayag ko. “Sinong kasama natin?” tanong kong muli. Baka naman kasi may isasama pa siya e.
     “Tayong dalawa lang,” sagot niya.
     “Wala tayong ibang kasama?”

     Nginitian niya ako, “Wala at gaya ng sabi ko, tayong dalawa lang.”

     Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti nang sabihin niyang kaming dalawa lang ang magkasamang aalis. Gusto ko nga ba talagang ma-solo si Carlo? O baka masaya lang ako kasi pagkakataon ko na ito para makasama siya. Palagi na lang kasing si Carl sungit ang kasama ko.

     “Anong oras ba?” tanong ko.
     “Mga alas onse. Dito na lang tayo sa campus magkita.”

     At napagpasyahan na nga namin ang ganoon. Magkasama kami sa Sabado. Ayos!

     Nang dumating na ang araw ng Sabado, pagkagising ko pa lang ay nagpaalam na ako kina Kuya Richie at Ate Diana na aalis ako. Ayaw pa nga akong payagan ni Ate Diana.

     “Sino ang magluluto, maglilinis ng bahay, maglalaba at mamamalantsa pag umalis ka?” ang tanong niya sa akin. Mataas ang boses niya. “May gana ka pang umalis ng bahay e alam mo namang maraming gagawin dito. May panahon ka pa sa pakikipag-date tapos yung gawain mo rito sa bahay 'di mo aasikasuhin? Magaling ka rin ano, Denise?” Nagalit na naman siya.

     Date? Date nga ba ang tawag doon? “Hindi naman po ako makikipag-date, ate,” sabi ko kay Ate Diana. “Kaibigan ko po yun. Nagpapasama lang kasi siya sa akin.”

     “Payagan mo na iyan,” sinabi sa kanya ni Kuya Richie. Mukhang naawa sa akin. “Ako na lang ang gagawa ng mga trabaho ni Denise tutal off ko naman ngayon.”

     Nakasambakol pa rin yung mukha ni ate pero sa huli ay pumayag din siya. Inayos ko na ang sarili ko pagkatapos at mga alas diyes y medya ay umalis na ako ng bahay. Sakto alas onse nang dumating ako sa campus at nakita ko si Carlo na nandoon sa labas, nakasandal sa pader at hinihintay ako panigurado.

     “Hi Carlo!” pagbati ko sa kanya. “Kanina ka pa ba?”
     “Hindi naman, kararating ko lang,” sagot niya.

     Nakatutuwa naman yung porma niya. Ang gwapo niya kasi roon sa suot niya at saka ang bango niya pa. Pinuri ko siya.

     “Ang gwapo mo naman ngayon,” sabi ko. “Ang ganda mo naman,” sabi naman niya. Tumawa kami pareho. Paano kasi’y nagkasabay kami sa pagsabi nun.
     “Bola ha!” sabi na naman namin pareho at tumawa na naman kami.
     “Tara na nga!” yakag niya sa akin. Sumakay na kami ng jeep at pumunta na sa mall.

     Pag dating namin doon, ang daming tao. Sa loob ng ilang buwan, ngayon lang ako nakapasyal dito sa mall. Madalas kasi nasa bahay lang ako at nagkakandakuba sa paggawa ng mga gawaing bahay.

     “Saan tayo?” tanong ko sa kanya.
     “Sa bookstore na lang muna,” sabi niya. Pumunta na nga kami roon.

     Tumingin-tingin siya ng mga libro. Puro adventure books ang tinitingnan niya. Alam ko namang iyon ang hilig niyang basahin. Kumuha siya ng isa at sabi niya’y matagal niya nang gustong bilhin ang librong iyon. Tinanong niya ako kung may gusto akong bilhin. Ang sabi ko mayroon kaya sinamahan niya ako. Nagpalakad-lakad kami sa bookstore hanggang sa mahanap ko na ang gusto kong bilhin.

     “Autograph book?” tanong niya sa akin.
     “Oo,” sagot ko.
     “Mahilig ka pala sa ganyan,” sabi niya.
     “Oo, mula noong elementary pa. Yung mga kaklase ko kasi may ganito rin kaya gumaya na rin ako.”

     Binayaran na namin yung libro at autograph book at lumabas na kami ng bookstore.

     “Denise, pasulat ako ha,” sabi ni Carlo sa akin.
     “Oo ba, gusto mo ikaw pa una e,” sagot ko.
     “Huli na lang ako, i-save mo ako ng space ha.”

     May ilang oras din kaming nag-ikot-ikot ni Carlo sa mall. Ang sarap pala ng pakiramdam pag kasama siya. Hindi naman kasi siya madaldal at nagsasalita siya ng makabuluhang bagay, 'di gaya ni Carl na maingay at kung anu-ano lang ang sinasabi. Kung iyon siguro ang kasama ko ngayon siguradong ubos na ang enerhiya ko at nangungunsumi na naman ako. Si Carlo, para sa akin, yung maituturing na gentleman.

     Nang kumalam na ang mga sikmura namin, napagpasyahan naming kumain. Sa fast food kami nagpunta. Ang nakatutuwa pa, sinabi niyang ililibre niya ako. Uy, swerte!

     Nang nandoon na kami, hinila ni Carlo yung isang upuan. Ako naman ay ganoon din at umupo na ako. Pinagmasdan niya ako.

     “Bakit?” tanong ko.
     “Diyan ka ba uupo? Ayaw mo ba rito?” ang puwestong tinutukoy niya ay yung upuang hinila niya.
     “Ay akala ko diyan ka!” sabi ko. Tumayo ako uli at umupo roon sa upuang hinila niya. “Thanks,” pagpapasalamat ko. Nginitian niya ako.
     “Anong gusto mo?” tanong niya sa akin.
     “Ikaw na bahala,” sagot ko. Pumunta na siya sa counter.

     Kumain na kami pagbalik niya. Gutom na kasi talaga kami. At habang kumakain kami, humingi siya ng pabor sa akin.

     “Denise, puwede bang Marvin na lang ang itawag mo sa akin?”

     Nagtaka naman ako, “Marvin?!” Bakit kaya gusto niyang iyon na lang ang itawag ko sa kanya?

     “E kasi yun naman ang first name ko saka para hindi na nakakalito. Hindi ka ba nalilito? Tinatawag mo akong Carlo tapos si Kuya Carl e Carl,” paliwanag niya.
     “Hindi naman nakakalito, nasanay na kasi akong ganoon ang tinatawag ko sa iyo,” sabi ko sa kanya.
     “Marvin na lang,” pakiusap niya.
     “Hmm. Sige na nga,” pagpayag ko. Nakakapanibago naman yun. Nasanay na kasi akong Carlo ang tawag ko sa kanya.
     “Sanayin mo na lang ang sarili mo na tawagin akong Marvin, ok?” sabi niya. Sumang-ayon na lang ako.

     Alas singko nang umuwi ako sa bahay. Ang saya ng araw ko kasi nakasama ko si Car—Marvin pala, nakalimutan ko. Kahit paano e nabawasan yung pag-iisip ko kay Carl. Pakiramdam ko kasi unti-unti nang nahuhulog yung loob ko sa kanya at ayaw kong mangyari yun. Ayaw ko dahil alam kong kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan, na si Dara pa rin talaga ang laman ng puso niya.

     Tinapik ko ang pisngi ko. “Huwag mo nang isipin si Carl, Denise. Huwag mo nang isipin,” sabi ko sa sarili ko at sa ginawa ko ay gumaan ang pakiramdam ko.

     Nang magpasukan na naman, nagsimula na naman ang kalbaryo ko. Nag-iingay na naman yung bibig ni Carl. Lalo pa siyang umingay nang makita yung binili kong autograph book.

     “Uy! Autograph!” ang lakas ng boses niya. “Pasulat ako, Denise!” Inagaw niya yung autograph at nilipat ang mga pahina. “Save mo sa akin ‘tong last page.”
     “Hindi puwede, may naka-save na riyan,” sagot ko.
     “Sino? Uupakan ko!” pagbabanta niya.
     “Si Marvin,” sagot kong muli.
     “Marvin? Sino yun?” nakakunot-noo niyang itinanong.
     “Kapatid mo,” sabi ko.
     “Huh? May kapatid ba akong Marvin?” nagtaka pa siya.

     Nakunsumi na naman ako. “Marvin Carlo R. Aragon. O ayan full name na! Hay naku, Carl!”

     Tumawa siya, “Hahahaha! Ay oo nga pala! Yun pala pangalan niya.” Napailing na lang ako. Ang kulit kasi niya. “E bakit ba Marvin ang tawag mo dun? 'Di ako sanay,” sabi niya.

     “Yun kasi ang sabi niya. Marvin na lang daw ang itawag sa kanya,” sagot ko.
     “Sabi niya yun? Bakit naman? Teka, mayroon ba akong 'di nalalaman dito?” tanong niya.

     Binigyan ko siya ng pilyang ngiti, “Marami.”

     “A ganoon? Halikan kita riyan e!” pananakot niya.

     Dinilaan ko siya. “Gawa!” sabi ko. Puro naman kasi siya salita e!

     “Huwag mo akong hinahamon!” nakangisi pa niyang sinabi. At sa pagkakataong ito, hindi lang siya puro sabi. Natahimik ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Naku po! Hahalikan niya ba talaga ako? Napapikit na lang ako.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly