No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 16, 2012

Rhythm of Heartbeat (29)



***
Chapter 29
Facing the Truth

     Hindi na makapaghintay ang bawat isa sa kanila na malaman kung ano ang nilalaman ng kahon. Inilawan nila ang kahon gamit ang liwanag na nagmumula sa cell phone nila para makita kung anumang nasa loob nun. Inilabas ni Reed ang unang bagay na nahawakan niya sa loob ng kahon.

     “Lampin,” sabi niya. Hinalungkat niya pa ang laman ng kahon. “Mga baby dress, laruan, may pacifier pa,” pahabol niya.

     Kung matatandaan, ito yung kahong pinaglagyan ni Bernadette ng mga gamit ni Reeve. Wala nang silbi ang mga gamit dahil wala na rin si Reeve kaya itinago na lang.

     “Kanino iyan? Kay Benjo?” tanong ni Duncan.
     “I’m sure na hindi ‘yan kay Benjo,” sabi ni Neri. “Isipin ninyo, bakit may ‘Do not open’ na nakalagay? Saka sobra ang pagkakalagay ng tape, parang sinadyang itago at ayaw ipabukas.”
     “Hindi ito kay Benjo,” boses ni Ellie. “Tingnan ninyo,” ipinakita niya ang bib na nahanap niya sa loob din ng kahon. May nakaburdang pangalan.
     “Reeve,” ang pangalang nabasa ni Reed.
     “Ano? Reeve?” tanong ni Chad.
     “Sinong Reeve?” naman ang tanong ni Ivan.
     “Malay!” sagot ni Reed.
     “Hindi kaya si Hans?” palagay ni Neri. Nagkatinginan silang lahat.
     “Palagay ko rin, Ate Neri,” tugon ni Ellie.
     “Itanong mo kaya kay Tita Rita kung sino si Reeve,” mungkahi ni Neri sa kasintahan. “Baka alam niya kung sino. Saka siya na lang ang pinakamalapit sa papa mo o sa parents ni Benjo na hindi pa natin napagtatanungan,” dagdag niya.
     “Gusto ko sana kaso natatakot ako,” sagot ni Reed, nag-aalinlangan.
     “Nakakatakot talagang malaman ang katotohanan pero sa gagawin nating ito, may mga bagay na maaari tayong mabago. Reed, malakas ang kutob kong kay Hans ang mga gamit na iyan,” ang mga salitang nagmula kay Neri.
     “Paano ko gagawin? Paano ko itatanong kay mama? Hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula,” ang mga bagay na bumabagabag kay Reed.
     “Hindi lang naman ikaw ang haharap sa katotohanan e! Tandaan mo, nandito kami. Sasamahan ka namin, Kuya Reed,” pagpapagaang loob ni Ellie.

     Nakita ang isang ngiti sa mga labi ni Reed. Masarap ang pakiramdam ng may kaibigan at masarap sa pandinig ang sinabi ng kapatid ng kanyang kasintahan, ang salitang “Kuya”. Pakiramdam niya ay tanggap na siya nang tuluyan ng pamilya ng babaeng iniibig niya.
     Siniguro ng lahat na kasama sila ni Reed sa pagharap sa katotohanan. Naalala din nga ni Ivan ang sinabi sa kanya ni Reed noon, “Hindi kami yung tipong iiwan at pababayaan ka na lang bigla sa laban.” at iyon din ang sinabi niya kay Reed nang sandaling iyon.

     Ibinalik na nila sa ayos ang lahat bago umalis. Pagkatapos, lumabas na sila sa bahay dala ang ebidensyang kailangan nila. Bumuo rin sila ng plano. Sana nga ay hindi pumalpak. Hindi muna umuwi si Reed sa bahay nila at nakitulog muna kina Chad. Noong gabing iyon, natulog silang lahat na walang pangamba. Positibo nilang haharapin ang pagdating ng bagong umaga.

     Kinabukasan, sa mansyon ng mga Evans. Malungkot na mukha ang ibinigay ni Hans kay Kyle noong umagang magkita sila sa kusina. Maiintindihan pa sana ni Kyle kung galit si Hans o ‘di kaya’y nakangiti. Minsan niya na ring nakita ang masayang mukha ng kanyang kapatid. Nagtataka nga siya sa sarili niya dahil masyado siyang apektado sa naging emosyon ni Hans. Siguro ay hindi lang siya sanay na makitang ganito ang kapatid niya.

     Kumuha si Hans ng isang bote ng beer sa ref. Kitang-kita ni Kyle kung paano ubusin ni Hans sa isang lagok lamang ang laman ng bote na akala mo’y tubig lang ang iniinom. Lumapit uli si Hans sa ref nang maubos ang iniinom at kumuha pa ng dalawang bote.

     “Sarap ng almusal mo ha!” sabi ni Kyle kay Hans.
     “Want some?” tanong ni Hans nang buksan niya pa ang isang bote. Tinanggihan siya ng kapatid.
     “Later na lang, pag-uwi ko,” sabi ni Kyle. May naalala siya bigla, “Oo nga pala, Hans. Binalik na ni mommy yung wallet mo pati yung charger ng cp mo. Kunin mo na lang sa kuwarto ko. Nakabukas naman yun e!”
     “Ok,” matamlay na sagot ni Hans.

     Nagpaalam na si Kyle, “Hmm. O sige, papasok na ako.”

     Pagkaalis ni Kyle sa kusina ay agad na inubos ni Hans ang iniinom. Ibinalik niya uli sa ref ang bote ng beer na hindi niya nagalaw at nagpunta siya sa silid ni Kyle para kunin ang mga gamit niya.

     Tahimik ang buong bahay nang maglakad siya. Malungkot talaga ang nagiging pakiramdam niya kapag naririto siya sa mansyon. Ilang sandali pa’y nandito na siya sa loob ng silid ni Kyle. Malinis at maayos ang silid. Nakita niya ang wallet at charger ng cell phone niya sa madalas paglagyan ni Kyle: sa ibabaw ng cabinet, sa tabi ng lampshade, malapit sa isang picture frame.

     Hindi niya maiwasang tingnan ang litrato sa picture frame. Kinuha niya ang picture frame at pinagmasdan ito. Kuha ito nina Kyle at Iris. Tiningnan niya na rin ito noong ‘di pa niya kilala si Iris. Wala siyang pakialam dati pero ngayon habang tinitingnan niya ang litrato, maraming alaala ang bumabalik sa kanya. Subalit naisip niyang ano pa ang silbi ng mga alaalang iyon kung tinalikuran na siya ni Iris? Ilang araw pa lang naman silang ‘di nagkikita at walang communication pero para sa kanya ay napakatagal na panahon na nun.

     Siguro nga ay katulad din si Iris ng mga naging kaibigan niyang sa umpisa lang magaling pero kinatagalan ay nagbago rin. Katulad din siya ni Hannah na nagpakita ng kabaitan at pagmamahal sa kanya pero iniwan siya at nalaman niyang nabili pala ng pera ni Millie. Ibinaba na ni Hans ang picture frame. Ibinalik niya na rin ang charger ng cell phone niya sa kuwarto niya at ngayon ay lalabas siya ng bahay. Gusto niyang mamasyal sa ibang lugar para makapag-isip.

     Hindi niya nakitang nakaparada ang kotse paglabas niya. “Where’s the car?” tanong niya sa napadaang kasambahay.

     Lumitaw bigla si Martha mula kung saan at siya ang sumagot sa tanong ni Hans. “Sir Hans, umalis po si ma’am Millie dala ang kotse.”

     “Where did she go?” siyang tanong ni Hans.
     “Ang sabi niya e mag-iinquire siya. Balak niya pong bumili ng bagong kotse. Ibinilin niya ring huwag kayong palabasin ng bahay.”
     “Really, huh? Well, I don’t follow orders. She’s not here and there’s nothing she can do. She cannot stop me. I’ll leave if I want to!”

     Walang laban si Martha sa sinabi ni Hans. “A, o sige po. Ako na lang ang bahalang magpaliwag pag dumating siya at wala pa kayo.”

     “I’m going out but I’m not staying for long,” paniniguro ni Hans. “She doesn’t have to worry because I’m not going out with Iris anymore.” Nalungkot na lang siya bigla nang sabihin niya yun.
     “Sir Hans, nakuwento po sa’kin ni Sir Kyle ang nangyari. Hindi naman sa nakikiaalam ako pero mabait na bata si Iris. Hindi niya magagawa kung anong iniisip ninyo sa kanya.”

     Nasasaktan lang si Hans pag nakakarinig ng tungkol kay Iris. Kunwari hindi na lang niya narinig ang sinabi ni Martha pero umalis siyang mabigat ang loob.

     Nag-commute na lang si Hans tutal e nakuha na naman niya ang wallet niya. Nagpunta siya sa parke kung saan sila unang nagkita ni Iris. Nilanghap niya ang sariwang hangin at bumuti ang pakiramdam niya kahit na may kaunting tama gawa ng pag-inom niya ng beer. Balak niya ring puntahan ang puno kung saan sila nagtagpo ni Iris noon.

     Sa malayo pa lang ay natanaw niya nang may ibang tao sa lilim ng punong mangga. Nakatayo ang isang babae at nililipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok. Papalapit nang papalapit si Hans sa punong mangga at nang marinig ng babae ang kaluskos ng damo, lumingon siya upang tingnan kung sino ang nasa paligid. Nakita niya si Hans.

     “Si Hans,” sabi ng isip niya.
     “Iris,” sambit ni Hans. ‘Di niya akalaing magkikita sila sa lugar na ito.

     Hindi nakasuot ng uniporme si Iris na nangangahulugang hindi siya pumasok. Umiwas ng tingin ang dalaga at nagbalak umalis. Gusto niyang lumayo kay Hans pero nang akmang aalis na siya ay nahawakan siya nito sa braso.

     “You’re leaving huh? Why does it seem to be so easy for you to stay away from me?” tanong ni Hans kay Iris. Masama ang loob niya.
     “Hindi yun madali para sa akin pero kailangan kong gawin ito!” sagot ni Iris. Tinanggal niya ang kamay ni Hans.
     “Why? Is it because of the money?”
     “Anong money?” pagtataka ni Iris.
     “The money! The ten million pesos that my mom gave to you!”

     Umiling si Iris, “Hans, wala akong tinatanggap na pera galing sa kanya.” Sinabi niya na rin kay Hans ang totoo. “O sige, aaminin ko. Nag-offer siya sa akin dati ng ten million para layuan ka pero ‘di ko tinanggap. ‘Di ko sinabi sa‘yo dahil ayokong masira ang mommy mo sa‘yo.”

     “But… but she said you accepted the money. And… and she showed a document! It was stated there that you accepted the money and you have signed it!”

     Isang papel lang naman ang alam ni Iris na pinirmahan niya at yun ay ang galing sa lalaking nagdeliver sa kanya ng expired na tsokolate at bulaklak ng patay na galing kay Millie. Napakatanga niya kasi hindi niya binasa ang nakasulat sa papel.

     “Hans, hindi ko tinanggap ang pera. Kahit ganito kami, hindi ko magagawang tumanggap ng perang ‘di ko naman pinaghirapan. Kaya ko lang naman gustong lumayo kasi sabi ng mommy mo itatakwil ka niya bilang anak niya. Ayokong mangyari sa iyo yun o kahit na kay Kyle. Siguro nga hindi tayo bagay gaya ng sabi niya kasi mahirap lang kami at walang maipagmamalaking yaman. Wala kang mapapala sa akin.”
     “That’s nonsense! I don’t care whatever she does to me! Iris, I love you. You told me before that you love me too, right?”
     “Oo,” sagot ni Iris.
     “Then don’t do this! Don’t go!” pakiusap ni Hans.
     “Pero—“
     “Or maybe you just love me and you all wanted to be close to me because I looked like Benjo.”
     “Sinabi ba ni Kyle sa iyo ‘yan?”

     Tumango si Hans, “Yeah, that’s what he told me.”

     “Hans, noong una ganun na nga ang dahilan ko. Na kaya kita nagustuhan kasi kamukha mo si Benjo pero sa sandaling panahong nagkasama tayo, masasabi kong iba ka sa kanya. Sa mga panahong masaya ako o malungkot, ikaw ang nakasama ko at hindi si Benjo. Minahal kita hindi dahil ikaw si Benjo kundi dahil ikaw si Hans. Sana huwag mong isiping dahil lang dun kaya ka namin kinaibigan. Mahalaga ka sa amin. Lalo na sa akin.”

     Masayang-masaya si Hans nang marinig niya ang mga sinabi ni Iris. Siguro nga kung may nagsisinungaling man sa kanila e si Millie na yun. Hindi niya mapapatawad ang kanyang ina sa mga pinaggagagawa nito. Bakit ba kasi ayaw ni Millie na maging masaya siya sa piling ng iba? Akala nga niya ay magiging malungkot na siya habang buhay at inisip niyang hindi niya na muling makakasama si Iris pero heto siya ngayon, nakatayo sa lilim ng punong mangga at kasama ang babaeng tangi niyang mahal.

     “I love you, Iris,” sabi niya kay Iris. Niyakap niya ang dalaga at dito sa lilim ng punong mangga naganap hindi lang ang unang pagkikita nila kundi pati na rin ang unang halik nila.

     Sa bahay ng mga Salas. Eksaktong tanghalian nang umuwi si Reed sa bahay kasama sina Ivan, Chad at Duncan. Susunod na lang daw si Neri dahil susunduin niya pa si Ellie sa Unibersidad. Alas dos y medya pa naman ang sunod na klase ni Ellie at siguradong makakahabol siya kahit na saan pa siya gumala.

     Hinalikan ni Reed sa pisngi ang ina nang madatnan niya ito sa bahay at kasalukuyang nagluluto ng pananghalian sa kusina. “Anong ulam, ma?” tanong niya sa ina. Tiningnan niya kung ano ang niluluto ni Rita. “Wow! Lechon paksiw! Paborito ni Benjo ‘yan ha!”

     Ngumiti si Rita at nagtanong sa anak, “Hindi ka pa ba kumain ng tanghalian?”

     “Hindi pa e!” sagot ni Reed.
     “E sila?” ang tinutukoy ni Rita ay ang tatlong kasama ng anak.
     “Hindi pa rin. Kaya nga nagpunta sila rito e! Makikikain. Hehehe!” muling sagot ni Reed. Tinanong niya ang tatlo, “‘Di ba, mga pre?”
     “Oo!” sagot ng tatlo.

     Nilakasan ni Rita ang boses niya nang sa gayon ay marinig siya ng lahat, “Naku kayo ha! ‘Di kayo nagsabing dito kayo manananghalian edi sana marami itong niluto ko.”

     “Ok lang po,” sagot ni Ivan.
     “Matipid naman kami sa ulam,” sabi ni Duncan.
     “Basta ba maraming kanin ayos na sa akin yun,” sagot naman ni Chad.

     Hanggang sa maalala ni Rita na hindi pa pala siya nakakapag saing. Inutusan niya si Reed, “Reed anak, magsaing ka nga muna. Hay! Hirap talaga ng tumatanda, nagiging makakalimutin. Damihan mo na baka may dumating pa uling kaibigan mo.”

     Narinig na lang nilang nagsabi si Ivan ng, “O nandito na pala sina Neri at Ellie e!” Nagkatinginan ang mag-ina. “Sabi ko sa iyo e,” wika ni Rita.

     “Good aftee!” masiglang bati ni Neri at nakipag beso-beso pa siya kay Rita. Agad namang tumabi si Ellie kay Ivan. “Nagdala kami ni Ellie ng lechon manok para sa pananghalian!” pagbibida ni Neri.

     Sumingit si Reed, “Wow! Favorite ni Benjo ‘yan ha!”

     “A talaga?” tanong ni Neri.
     “Oo, mahal ko! Kahit anong lechon paborito nun e!”

     Napapangiti si Rita. Natutuwa siya kasi hindi pa rin nakakalimutan ng lahat si Benjo.

     Dumulog na ang lahat sa mesa nang maluto ang pananghalian. Magkakatabi sina Ellie, Neri at Reed tapos ay sina Ivan, Chad, at Duncan. Pinilit rin ni Reed na umupo si Rita sa tabi niya. Nagsimula na silang kumain. Nakipag-agawan pa nga si Reed kay Chad sa pagkuha ng hita ng manok. Nakuha na kasi ni Ivan yung isa.

     Nagbukas si Neri ng usapan para hindi naman boring ang kanilang tanghalian. “Hey guys, pag nagkaanak kayo ilan ang gusto ninyong maging anak?”

     “Wala pa nga akong syota, anak na kaagad!” sabi ni Chad.
     “Ayan si Duncan o, single and available pa,” si Reed ang nagsalita.
     “Pre, ikaw ang type ni Duncan e! Ang pogi mo raw kasi.” Natawa ang lahat sa sinabi ni Chad.
     “E kayo ‘van, ilan ang gusto ninyong maging anak ni Ellie?” tanong ni Reed.
     “Hmm. Apat siguro o lima para puwedeng makabuo ng banda,” sagot ni Ivan.
     “O sige ba, basta ikaw ang manganak,” sabi ni Ellie sa kasintahan. Nagtampo tuloy si Ivan.

     Si Neri naman ang nagbahagi, “Ako gusto ko dalawa lang. Tapos twins para isang labasan lang. Ang cute siguro tingnan pag magkamukha yung magiging anak namin ni Reed.”

     “Wow! Gusto ko rin niyan!” tugon ni Reed. “Para masaya, para kasing lonely pag only child e! Pero hindi ako naging lonely kasi nandiyan si Benjo e! Only child din.”

     Mukhang may tinatamaan na sa mga pinagsasasabi ng tropa pero ayaw lang magpahalata. Minadali na lang ni Rita ang pagkain niya para lumuwag na rin sa puwesto nina Reed at tumayo siya upang kumuha ng tubig na maiinom na isasalin niya rin sa baso ng bawat isa.

     Patuloy na nagsalita si Neri, “Reed, anong gusto mong ipangalan natin sa magiging anak natin?”

     Sumagot si Reed, “Dapat letter R din pero ayoko na ng the third ha!”

     “Gusto ko sana Reeve ang ipangalan natin sa panganay natin,” mungkahi ni Neri.

     Ikinagulat ni Rita ang sinabi ni Neri. Nananadya ba ang mga bata o nagkataon lang?

     “Oo nga, maganda yun!” tugon ng iba pa.

     Hindi na lang pinansin ni Rita kung ano ang pinag-uusapan nila at sinalinan na ng tubig mula sa pitsel ang baso ni Reed. Nang makita iyon ni Chad ay siniko niya si Ivan.

     “I-dial mo na,” bulong niya.

     Tinawagan ni Ivan ang numero ni Reed. Nang mag-ring ang cell phone ni Reed ay kinuha niya iyon sa kanyang bulsa. Sinadya niya ring hulugin ang bib. Ibinaba na ni Ivan ang tawag nang ilabas ni Reed ang cell phone at inilagay sa kanyang tainga. Sinagot kunwari ni Reed ang tawag. Napansin ni Rita na may nahulog sa bulsa ng anak niya. Inilapag muna niya ang pitsel sa lamesa at pinulot ang bagay na nahulog. Nagulat si Rita nang makita ang bib na binili noon ni Bernadette para kay Reeve na siya mismo ang nagburda.

***



No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly