Pagkagising ko kani-kanina, nagdasal ako. Pero dahil inaantok pa ako, ayun, di ko naintindihan yung dasal ko.
Ang weird ng panaginip ko. Napanaginipan ko na nakasabay ko raw sa jeep si Noli De Castro at may kasama siya. Tapos nagsasabi raw ako ng mga hinaing ng isang guro. Nyahaha! Nung nag-uusap pa kami, bigla na lang may sumingit sa gitna namin. Ang weird lang. Tapos kilala raw niya ako kasi nung pababa na raw ako ng jeep e sinabihan niya akong mag-ingat tapos binanggit niya yung nickname ko. Nyahaha! Tapos pagbaba ko, nagulat na lang ako dahil nakasakay na siya sa motor kasama yung kasama niya.
Tapos nanaginip ako na lumipat na raw kami ng bahay kasi nirerenovate daw yung bahay namin. Ang weird.
Tapos napanaginipan ko si ex. Binigyan niya ako ng chocolate. Tapos sabi mahal pa niya ako. Nyahaha! Buset na yan.
Good morning pala sa inyo. :)
No comments:
Post a Comment