No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, April 14, 2012

Rhythm of Heartbeat (5)




***

Chapter 5
Long Time No See

Kasalukuyang panahon.

     Umaga pa lamang ay abalang-abala na ang lahat sa masyon ng mga Evans. Ang mga kasambahay ay naglilinis, may nagwawalis sa bakuran at nagdidilig ng halaman.

     Lumabas sa kanyang silid ang isang lalaki, o lalaki nga ba? May balingkinitan siyang pangangatawan, maputi ang balat at maamo ang mukha. Ang lalaking ito ay mayroon ding dugong Amerikano. Sayang nga lang dahil kung naging tunay na lalaki siya, tiyak na pagkakaguluhan siya ng karamihan.

     Humikab ang lalaki at nag-unat. Takang-taka siya sa nakita. Bakit abalang-abala ang lahat? Bumaba siya sa baitang ng hagdanan.

     “Anong meron?” tanong niya kay Martha, ang mayordoma ng kanilang mansyon. Matagal na rin iyong nagsisilbi sa kanilang pamilya.
     “Tumawag po ang mommy ninyo at ang sabi ay uuwi siya ngayong araw.”

     Nakitaan ng ngiti ang lalaki at maya-maya’y tumawa siya. “Ahaha! Masaya ‘yan!” Matapos ay tumaray bigla ang mukha niya. “E bakit ngayon lang kayo nag-aayos?”

     “Yun nga po e, katatawag lang kanina. Hindi man lang nagsabi nang maaga na uuwi pala. Mukhang biglaan po.”

     Nagtanong muli ang lalaki, “Mag-isa lang si mommy?” Umiling ang mayordoma at kanyang nakuha na uuwi rin ang kapatid niyang lalaki na walang alam kundi ang paiyakin at pasamain ang loob ng kanilang ina. Tinaas niya ang kilay niya, “Hay naku! Kasama niyang uuwi yung impaktong Hans na yun!”

     Hinawakan siya ni Martha sa balikat, “Wala na tayong magagawa roon. Maligo na po kayo at baka mahuli na kayo sa pagpasok.”

     Sa Unibersidad. May inaayos si Iris sa kanyang mga gamit nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan.

     “Iris!!!” sigaw nito.

     Napapikit ng kanang mata si Iris, wari’y nabingi sa pagtawag sa kanya. “Ang aga-aga, ang ingay mo!” kanyang sinabi kay Kyle o mas nanaisin pa nitong matawag na Kyla. Ito ang lalaking nabanggit kanina at magkaklase silang dalawa.

     Tumawa nang mahinhin si Kyle at humingi ng paumanhin. Sunod ay umupo siya sa tabi ni Iris. Kasulukuyan silang nasa tambayan.

     “Alam mo, sis, dadating ang mom ko ngayon!” masayang ibinalita ni Kyle.

     Ikinatuwa ni Iris ang balita. Matagal na kasing hindi nakikita ni Kyle ang kanyang ina. Pitong taon na rin siguro. Nang magtungo kasi iyon sa Estados Unidos ay naiwan si Kyle sa Pilipinas. Hindi nga nila alam ang dahilan kung bakit hindi pa siya isinama ng kanyang ina at tanging ang nakatatandang kapatid niyang si Hans ang isinama. Biglaan din ang pag-alis nila. Naiwan siya sa mansyon at si Martha na ang nag-alaga sa kanya mula noon.

     “Pero hindi rin maganda e! Kasi kasama niyang uuwi yung kapatid ko,” dugtong ni Kyle.

     Alam ni Iris na may kapatid si Kyle pero hindi niya pa ito nakikita maski sa litrato. Ang alam lang niya, barumbado ito, basag-ulero at masama ang ugali. Iyon kasi ang madalas sabihin ni Kyle sa kanya.

     Maya-maya’y dumaan si Ellie at binati si Iris. Binati rin siya ni Iris at ipinakilala ang kaibigang si Kyle. Ngumiti si Kyle nang batiin din siya ni Ellie. Matapos ay nagpaalam na si Ellie dahil pupunta pa siya sa Music Hall.

      “Kita tayo mamayang uwian ha!” sigaw ni Iris. Sumang-ayon si Ellie.
      “Sino siya, sis?” tanong ni Kyle kay Iris.
      “A, si Ellie, girlfriend ng kuya ko, ate ko in the near future. Pasensya na at ‘di kita naipakilala nang mabuti kasi mukhang nagmamadali siya e!”

     Oo nga, isang school year na ring magkasama sina Iris at Kyle ngunit hindi man lang naipakilala ni Iris si Kyle kay Ellie.

     Tumunog na ang bell. Niyaya na ni Iris si Kyle at nagpunta na sila sa kanilang klase. Dalawang oras ang lumipas ay tumunog naman ang door bell sa mansyon ng mga Evans.

     Sa mansyon ng mga Evans. Pinagbuksan ng mga kasambahay ang mga dumating, ang ina ni Kyle na si Millie at ang kapatid niyang panganay, si Hans. Wala pa ring ipinagbago si Millie, may kaunting wrinkles nga lang pero maganda pa rin. Si Hans naman ay suot ang paborito niyang Oakley shades, bad boy ang hitsura at mukhang mainit ang ulo. Nagtuloy-tuloy siya papasok. Hindi man lang niya inintindi ang mga taong bumati at sumalubong sa kanya. Pumasok siya sa silid ni Kyle. Kabisado niya pa rin ang bahay kahit matagal silang nawala, at padabog na isinara ang pinto.

     Humingi ng pasensya si Millie sa mga kasambahay, “Pagpasensyahan ninyo na si Hans dahil mainit na naman ang ulo niya.”

      “Wala po yun, Ma’am Millie. Alam naming ganyan talaga si seryorito Hans,” sagot ni Martha.

     Naipasok na ang dala nilang gamit. Nang makaupo na, sinabi ni Millie na sa Pilipinas na muna sila maninirahan. Kaya siguro mainit ang ulo ni Hans dahil ayaw niyang umuwi at tumira sa Pilipinas. Hindi rin nakalimutang kumustahin ni Millie si Kyle. Ang tagal din niyang hindi nakita ang anak. Hindi rin kasi sapat ang web cam at phone calls.

      “How’s Kyle?”
      “Ayos naman po siya. Nag-aaral siyang mabuti.”

     Marami pang bagay na ikinuwento si Martha. Masaya si Millie na marinig iyon. Wala siyang problema kay Kyle, kabaligtaran naman ang nararanasan niya kay Hans. Masyado kasing matigas ang ulo ng kanyang panganay. Sa kabila nito, mas mahal niya pa rin si Hans.

     Nang mag-uwian na sa Unibersidad, nagkita sina Ellie at Iris. Si Kyle naman ang nagmamadali ngayon kaya’t hindi rin sila nakapag-usap ni Ellie. Gusto na kasing makita ni Kyle ang kanyang ina at pag-uwi nga niya sa bahay ay sinalubong siya nito ng yakap at halik. Nakita niya rin ang kapatid niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng masamang tingin. Napansin siya ni Millie at inayos niya bigla ang tingin niya sabay sabi ng, “Sorry!”

     Pumasok muna si Kyle sa silid niya at inilapag ang kanyang mga gamit. Ipinatong niya ang kanyang cell phone sa ibabaw ng cabinet, sa tabi ng lampshade, malapit sa isang picture frame. Nagbihis na siya ng damit.

     Nang maghapunan, hindi inubos ni Hans ang pagkain niya. Nagsipilyo siya ng ngipin, samantalang sina Millie at Kyle ay kumakain pa, tapos ay pumasok na naman sa silid ni Kyle. Nang magpunta si Kyle sa silid niya, naka-lock ang pinto. Bumaba siya at umangal kay Millie,

     “Pumasok siya sa kuwarto ko!”
     “Hayaan mo na, doon ka na lang sa room niya matulog.”

     Wala na ring nagawa si Kyle kundi ang matulog sa kabilang kuwarto.

     Sa silid ni Kyle. Tahimik na nakahiga si Hans. Suot pa rin niya ang paboritong Oakley shades. Madilim sa kuwarto kaya binuksan niya ang lampshade. Kapansin-pansin ang isang picture frame na nasa tabi ng lampshade. Tiningnan niya iyon at nakita si Kyle kasama ang isang babaeng hindi niya kilala, si Iris panigurado.

     Umilaw ang cell phone ni Kyle. Naka set ang message alert tone nito sa beep once kaya hindi gaanong narinig ang pagtunog nito. Sa una ay nag-alinlangan si Hans na pakialaman ang cell phone pero ‘di siya nakatiis at binasa niya rin ang message na galing kay Iris.

Hi Kyla! Este Kyle pla..
Hehe.. Nkta m n ang
mom m? Qmsta nmn ang
get 2geder ño? E ung
kuya m?

      “Huh! I am included in this message,” tila naasar si Hans. Bakit pa kasi siya ikinukuwento ng kapatid niya sa ibang tao?

     Ibinalik niya na ang cell phone sa dati nitong kinalalagyan ngunit may dumating na namang text message.

Bkt d k ngre2ply? Busy
kb?

     Sinagot iyon ni Hans.

No, he’s not busy. I think
he’s asleep in the other
room. This is his
brother.

     Napatakip ng bibig si Iris pagkabasa niya ng text message na iyon.

     “Bakit, Iris?” ang naitanong sa kanya ng kapatid na si Ivan na nasa tabi niya.
     “A, wala kuya, ‘wag mo na akong pansinin,” sagot niya. Nag-reply si Iris ng,

Ah gnun b? Cge, aq rin
m22log n. Wla nmn kcng
mkausap.

     “U can talk 2 me if u want,” ang isinagot ni Hans. Napangiti si Iris. Mukhang hindi naman pala ganoon kasama si Hans, ‘di gaya ng palagi niyang naririnig kay Kyle na sira ulo at barumbado ito.

     Aliw na aliw si Hans dahil mukhang hindi nauubusan ng load ang cell phone ng kapatid niya. Iyan ang nagagawa ng Unlimited Text! Matagal din silang nag-usap ni Iris. Ayaw niya pa ngang patulugin ito, gusto niya pang kausapin. Hindi niya na rin ito napigilan. Siya rin naman ay natulog na.

     Tinanggal niya na ang kanyang shades at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasinagan ng liwanag ng lampshade ang kanyang mukha. Makikitang may biloy siya sa kanang pisngi. Mukhang matutuwa si Iris kapag nakita siya, kung magkikita nga sila, at karamihan ng makakakita sa kanya ay magugulat, sigurado iyon.

***



No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly