No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, April 13, 2012

Philhealth Card

Para lang sa kapirasong papel na naglalaman ng kung anong health benefits e pumila ako ng ilang oras na hindi naman siguro aabutin ng ilang oras kung mabilis ang proseso gaya nung pumunta ako sa DFA.

Pagdating namin ni mama dun sa Philhealth sa may Las PiƱas e katakut-takot na paghihintay ang inabot namin. Edi inorient yung mga bagong paregister pa lang (at kasama na ako dun). Ang gusto lang namang ipunto ng staff doon e pag nagbayad ka sa Philhealth ng period ng April to June 2012, P300 lang ang ibabayad mo. P100 lang per month. Starting July 2012 kasi, magtataas na ang bayad, magiging P200 pesos na. At kung magbabayad ka ng July, P200 na ang payment kumpara sa dati na P100. Kung mag-aadvance ka ng bayad ng 1 year (this April), maaavail mo pa yung P100. Bali P1200 lang ang ibabayad mo at allowed kang mag advance hanggang 2 years. Pero kung di ka makakaabot ng pag advance bago mag July (bago sila magtaas) e P200 na nga talaga ang ibabayad mo kesyo advance pa yan o hindi. Pwedeng mag advance ng bayad pero di pwedeng mahuli.

Inabot kami ng ilang minuto dahil sa kung anu-anong pagtatanong ng mga kasama ko dun at di ko maintindihan kung bakit di nila agad maintindihan kung ano yung sinabi ng staff. At nang magsalita yung kasama ko ng, "Ok. Naintindihan ko na," sabi ko na lang sa sarili ko, "Hay salamat naman!" At nandun na kami sa ikalawang proseso... yung encoding. Matapos ma encode yung Member Data Record ko e pinuna ako ng staff,  "Paki check kung tama yung spell. Ang haba ng pangalan mo!" Nginitian ko na lang siya. Diretso na sa payment sa third floor.

Sa dinami ng tao e mapapakamot ka na lang ng ulo kung sasabihin kong tatatlo lang ang cashier at yung dalawa dun e panay pa ang kwentuhan at di na lang mag focus sa ginagawa nila para naman mabilis!

Ang masama pa nun para kang pumasok sa pugon dahil sa sobrang init at may isang electric fan lang dun sa payment section at dalawang aircon na salamat na lang kung malamigan ka pa dahil open yung mga pinto at hindi naiipon ang lamig. Jusmiyo. Hindi rin enough yung upuan at standing ovation talaga ang drama mo dun.

Tanong nga ng nanay ko, "Paano na lang kung may senior na pipila?"

Sinagot siya ng isang lalaki na mukhang disappointed sa sistema, "Wala. Mahihirapan. Nakatayo rin."

Ok lang sakin kung nakatayo. Walang problema dun pero ang di ko lang ma-take e yung init at inip dahil sa bagal ng proseso sa pagbayad. At may sinasabi pa silang cut off ng 4 pm pero 4 pm na nun at lalo pang padami nang padami yung mga tao.

Dahil sa kainipan ko nun e ngumuya na lang ako ng chicklet at bigla kong nakagat yung dila ko.

"Nakagat ko yung dila ko," sabi ko sa nanay ko.

Bigla naman siyang nagbigay ng number kahit di ako nagtatanong, "Number 1!"

"Letter A." Nag isip pa ako kung sino yung letter A na yun. Hanggang sa sinabi pa ni mama yung pangalan NIYA sabay tawa. ^_^ Kailangang isinisigaw sa Philhealth office? Gusto lang siguro akong aliwin ni mama.

Sa huli, napakain kami sa Jollibee dahil sa sobrang gutom. At sinabi ko talaga sa mama ko na ayoko nang bumalik dun. *mad* Pero kailangan daw kasi magbabayad pa ako next year. :p

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly