No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, April 25, 2012

Parte ng Isang Pangarap (Tagpo 32-41)



***
TAPOS NA ANG LABAN…

(Sigawan)

SA BAHAY NI LENA…

LENA: (Biglang babangon) Ang laban ni Ryan! Ate Lara…

LARA: Hinatid ka rito ng parents ni Ran. Wala kang malay kanina.

LENA: Ang laban ni…

LARA: Baka tapos na. Gabi na, e!

***

LENA: (Tatawagan si Tweety sa telepono) Tweety!

TWEETY: (Sa kabilang linya) Impaktita ka! Hoy girl, bakit wala ka roon kanina?

LENA: (Iiyak) Si Ran… Si Ran ang may gawa nito.

TWEETY: (Magugulat) Si Ran? (Mag-aalala) Pinagsamantalahan ka ba niya? Anong ginawa niya?

LENA: Hindi! Si Ran ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakapunta. Magkasama kami kanina. Nahilo siya, masakit daw ang ulo niya. Pumunta kami sa bahay nila, uminom siya ng gamot tapos pinagtimpla niya ako ng juice tapos… Wala na akong matandaan.

TWEETY: Nandoon si Ran sa laban kanina. Ano naman kaya ang dahilan niya? Galit na galit si Ryan. Kung gusto mo, kausapin mo siya! Sasamahan kita. Nasa school pa yun sigurado. Ipaliwanag mo ang lahat, bruha!

SA ESKWELAHAN…

COACH MIGUEL at IBA PANG VARSITY: Una na kami, Ryan!

RYAN: Sige po! Coach, Nike, Mac, Kevin, Jay, ingat kayo!

COACH MIGUEL at IBA PANG VARSITY: (Aalis)

RYAN: (Uupo sa bench) Hu! MVP! (Huhubarin ang medalyang natanggap, itatapon, yuyuko, iiyak)

***

LENA at TWEETY: (Dadating)

TWEETY: (Sisenyasan si Lena na lapitan si Ryan. Mananatili lang sa malayo)

***

LENA: (Dadamputin ang medalya, lalapit kay Ryan)

RYAN: (Mararamdaman ang pagdating ni Lena, papahirin ang mga luha) Bakit nandito ka?

LENA: Umiiyak ka?

RYAN: Bakit ako iiyak? Ang OA ko naman. Pawis lang ito.

LENA: (Titingnan ang medalya) MVP ka pala. Ryan, sorry kung hindi ako nakarating, hindi ko―

RYAN: (Hahablutin ang medalya) Nanalo naman kami kaya ayos lang. Nakalaro ako kahit wala ka. Ibig sabihin, hindi kita kailangan kaya umalis ka na!

LENA: Ryan?!

RYAN: Alam mo, nakakainis ka e! Pangalawang beses mo na akong in-indian!

LENA: (Maguguluhan) Anong sinasabi mo?

RYAN: (Tatayo) A, hindi mo matandaan yung una dahil oo, tama. Ang akala mo siguro si Ran ang tumawag sa iyo, no? Sino ka ba? Wala ka, isa ka lang tuldok sa kanya!!!

LENA: (Sasampalin si Ryan)

RYAN: (Para nang nasisiraan) Maraming beses mo na akong sinaktan. Ako ang tumawag sa iyo, Lena! Naghintay ako. Ginawa ko ang lahat. Pero bakit ganoon, hindi mo ako napapansin? Lagi na lang si Ran ang pinag-aaksayahan mo ng panahon! Alam mong ang laban ko ang pinaka importante sa lahat at dapat, ang nanonood nun ay ang pinaka importanteng tao sa buhay ko ―ikaw! Tapos hindi ka pumunta. Sinabi kong sa graduation ko sasabihin ang babaeng mahal ko pero, hindi ko na matitiis pa. Ang babaeng mahal ko… ay ikaw! (Yayakapin si Lena) Mahal na mahal kita, mahal na mahal!!!

LENA: (Pilit na kakawala kay Ryan) Ryan, bitiwan mo ako! Magkaibigan tayo! Hindi dapat ang ganito!

RYAN: Hindi kita bibitiwan. Hindi kita papakawalan. Hindi! HINDI!!!

TWEETY: (Susugod) Tama na! (Aawatin si Ryan) Ryan, huwag mong gawin ito! (Hihilain si Lena) Lena, halika na!

TWEETY AT LENA: (Aalis)

RYAN: Lena, bumalik ka rito! Mahal kita, Lena! Mahal kita!!!

KINABUKASAN…

TWEETY: (Dala ang kanyang pamaypay, ibabatok ito kay Ryan) Hoy, Ryan! Nagtatampo ako sa iyo!

RYAN: Dahil ba sa ginawa ko kay Lena?

TWEETY: Hindi naman talaga niya gustong hindi makapunta. Ang sabi niya, si Ran ang may kagagawan.

RYAN: (Magtataka) Si Ran?

TWEETY: Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung sinabi niya sa telepono. Aalamin ko na lang kung bakit.

RYAN: Gawin mo iyan para sa akin, maaari ba?

TWEETY: Sige. Aalis na me…

***

MILLIE: Kailangan mo raw ako?

LENA: Pwede bang ikaw muna ang magtago nito? Ang totoo, galing iyan kay Ryan. (Ibibigay kay Millie ang kwintas)

MILLIE: (Mapipilitang tanggapin ang kwintas) Lena… Ikaw Lena, ikaw ang mahal ni―

LENA: Millie, si Ran, siya lang ang lalaking gusto ko. Kahit baligtarin mo pa ang mundo, siya lang talaga.

MILLIE: Alam ko ang totoo kay Ran! Ang pagkatao niya! Ang gusto niya ay hindi babae kundi… isang lalaki!!! Si… si… si Ryan! Isa pa, balak niyang paglayuin kayo ni Ryan!

LENA: Talaga ba? (Mapapatingin sa ibaba) Kaya niya pala ginawa iyon. Nagalit tuloy si Ryan sa akin. Aalis na ako. (Aalis)

***

BAKLA 1 at 2: (Magkasamang papasok sa eksena, lalapitan si Bakla 3)

BAKLA 1: Alam mo mare, may tsismis kami sa iyo.

BAKLA 2: May bago na tayong ka-pederasyon at grabe, sobrang pretty niya!

BAKLA 3: (Maiintriga) Talaga? Sino?

TWEETY: (Biglang papasok sa eksena na nagpapaypay) Aba! Mukhang may pinag-uusapan kayo!

BAKLA 1: A oo, Tweety. Actually, before you enter, pinag-uusapan namin ang isang bagong ka-pederasyon.

BAKLA 2: Oo mare and you know what, he I mean she is so pretty.

TWEETY: Naiintriga ako, sino iyan ever?

BAKLA 3: Oo nga, sino iyan?

BAKLA 2: Quiet lang kayo, ha! Baka kasi marinig ng iba, masira ang image niya.

BAKLA 1: Actually, may isa kaming source na nagsabing itong guy na itong mare na natin ngayon ay dead na dead sa isang basketball player.

BAKLA 2: At ang taray, ha! Varsity pa ang basketbolistang papa!

TWEETY: Wait lang, si Ryan ba na friendship ko ang tinutukoy ninyo?

BAKLA 2: Hindi natin alam, kasi di ba, maraming members ang Varsity. Nandyan si Nike, si Mac, si Kevin, si Jay. Pero oo, si Ryan nga.

BAKLA 3: E, sino ba yung vaklalush ever na iyan?

BAKLA 1: Gusto ninyo bang malaman kung sino?

BAKLA 3: Oo! Kanina pa nga kating-kati ang tainga ko sa chizmax!

BAKLA 2: Pinangalan namin siyang “Baclaran”

TWEETY: Baclaran? Why Baclaran? Napaka unique ng name na iyan, ha!

BAKLA 1: Actually it has two meanings. Number 1.

MGA BAKLA: (Magkakapit-kapit)

BAKLA 1: Okay. Mareng Tweety, stay calm. Baclaran as in… Bakla si Ran! Ang bagong mare natin ay si… Ran Arnaiz!

TWEETY: (Mabibigla) Ano? Si Ran bakla? (Saktong pagkasabi nun ay biglang dadaan si Ran)

RAN: (Mapapatingin sa kanila)

BAKLA 2: (Sasawayin si Tweety) Mare, ang ingay mo!

BAKLA 3: (Nagmamadaling magtatanong) Ano yung number 2 meaning?

BAKLA 1: Ang number 2 meaning? Baclaran ang ibig sabihin ay… Bakla! Run for your lives! Narinig niya tayo! Ahhh!!!

MGA BAKLA: (Magsisitakbuhan)

***

TWEETY: (Itataas ang kilay, nakapamewang din) Kaya naman pala, kaya naman pala sinabi mo kay Lena na masakit ang ulo mo noong araw na may laban si Ryan. Kaya naman pala.

RAN: Gusto ko kasing―

TWEETY: Ano, gusto mong makasama si Lena? Hindi! Si Ryan pala. Ang balak mo talaga ay paghiwalayin silang dalawa nang sa gayon ay pwede ka nang umeksena kay Ryan. Alam ko na! Kinaibigan mo si Lena rati para mapalapit ka kay Ryan. Tama ba ako?

RAN: Oo, tama ka. Nagkunwari akong masakit ang ulo ko. Ang totoo, pinainom ko si Lena ng pampatulog para hindi na siya makarating pa. Hinalo ko yun sa juice na binigay ko sa kanya. Nalaman ko kasing dalawang tao lang ang pwedeng isama ni Ryan. Ginawa ko iyon. Pero pagkatapos, naisip kong nagkamali ako.

TWEETY: Bakit Ran? Alam mo ba, pag nalaman ni Lena ito, malulungkot siya. Dahil hindi niya sukat aakalain na ang taong gusto niya, ang taong nirerespeto niya, ang taong parte ng kanyang pangarap ang tunay na may kasalanan ng pag-aaway nila ni Ryan!

RAN: (Hindi iimik)

TWEETY: Ano? Bakit wala kang masabi riyan? Nahihiya ka?

RAN: Ibig sabihin, may gusto talaga sa akin si Lena? Totoo nga ang sinabi ni Millie.

TWEETY: Napaka manhid mo para hindi malaman iyan. Ito lang ang masasabi ko sa iyo, Ran. Wala kang kwentang tao! Baklang 'to! Hmp! (Aalis)

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly