No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, April 20, 2012

Alumni: High School Memories (4)

Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...




Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3

***
Kabanata 4

     Lumipas ang mahabang oras na katabi ko si Carl. Ang lahat ay nagkukuwentuhan maliban sa akin at pansin kong si Carlo ay nakatahimik lang din sa kanyang kinauupuan. Buong araw, sa kanya lang nakapokus ang tingin ko. Ewan ko ba kung bakit. Habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang kinauupuan, pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala at napakagaan ng loob ko sa kanya. 

     Alas dose na ng tanghali. Tumunog na ang bell para sa uwian at oras na rin ng paglilinis. Kaunti lang ang nag-volunteer para maglinis. Nakakahiya naman kung hindi ako sasama, ‘di ba? Kahit na new student ako, dapat kong ipakitang may magagawa rin ako. 

     Ang natira sa classroom ay sina Carlo, Angel, Angelo, Arlene at ako. Nagpaiwan din si Carl. Nauna nang umalis yung adviser namin kasi may meeting ang mga teacher. Nagwalis kami ni Angel at si Arlene ay nagbura ng blackboard; si Angelo ay nagbunot at si Carlo ang nagtapon ng mga kalat. Wala namang ginawa si Carl. Nagsara lang siya ng isang bintana at si Carlo pa rin ang nagsara ng lahat. Nagalit tuloy si Arlene sa kanya.

     “Nagpaiwan ka pa, wala ka naman palang gagawin dito! Umuwi ka na nga, Carl! Pampabwisit ka lang e!”

     Sinagot siya ni Carl, “Astig kang babae ka! Taray mo ha! Anong paki mo kung nagpaiwan ako?”

     Nagsungit itong si Arlene, “Matutuwa pa ako kung naging dekorasyon ka na lang edi sana may pakinabang ka pa!”

     Nang-asar pa si Carl, “Sorry ka na lang, Arlene, kasi hindi ako naging dekorasyon!” 

     Inawat sila ni Angelo, “Huwag nga kayong ganyan. Nakakahiya, ‘di  man lang kayo maging model sa new student.”

     Tumingin silang lahat sa akin. Nahiya ako bigla. “Huwag ninyo naman akong tingnan ng ganyan,” sabi ko sabay layo sa kanila.

     May nagpatay ng mga ilaw at mga electric fan. “Halika na, kuya, umuwi na tayo,” pag-anyaya ni Carlo.

     Kuya niya pala si Carl. Kaya pala ginagalang niya ang isang taong hindi karapat-dapat galangin dahil wala rin itong paggalang. Hehe! 

     Bumaba na kaming lahat at lumabas na ng campus. Naghihintay kami ng jeep nang tanungin ako ni Carl.

     “Saan ka nakatira?”

     Sumingit si Arlene at pinilosopo si Carl, “Sa bahay. Saan pa nga ba?” 

     Nabaling kay Arlene ang tingin ni Carl, “Tinatanong ka ba? Hindi naman ikaw ang kausap ko sabad ka ng sabad diyan!”

     Nainis si Arlene sa sinabing iyon ni Carl. “Makasakay na nga. Nakakairita ‘yang pagmumukha mo!” At padabog siyang umalis.

     “Anong problema nun? Iritable ba talaga yun?” tanong ni Carlo kay Angel. 
     “Moody naman talaga yung girl na iyon,” sagot ni Angel. “Minsan bigla na lang siyang nagagalit nang di namin alam ang dahilan.” 

     Sumali si Carl sa usapan. “Kaya naman nagagalit yun kasi hindi ko siya pinapansin,” pagmamalaki niya.

     Halos masuka-suka ako noong sinabi iyon ni Carl. “Hangin a…” bulong ko.

     “Hindi ko siya pinapansin kaya naiirita siya.” Aba, inulit pa!
     “Oh, I see. Hindi mo siya pinapansin, Carl? Bakit nga ba, ha?” tanong ni Angel sa kanya at tila alam na rin ni Angel ang sagot.

     Hindi na nasagot ni Carl ang tanong ni Angel dahil pinara niya ang isang jeep na dumaan. Nang huminto ang jeep, sumakay na sina Carl, Angel at Angelo. Pasakay na rin nga si Carlo nang mapansin niyang hindi pala ako nakasunod sa kanila.

     Huminto siya. “Hindi ka pa sasakay?” tanong niya sa akin.

     “Hinihintay ko pa kasi yung kuya ko. Baka maya-maya pa ako makasakay,” sagot ko. Dinahilan ko iyon. Ayaw ko nga silang makasabay! Nakakahiya kaya.
     “A. Ganoon? Sige mamaya na ako uuwi. Sasamahan na muna kita,” sabi niya sa akin.

     Nagulat ako, “Ha? Bakit naman?”

     “Gusto ko e!” sagot niya sa akin. Tinapik niya yung jeep at sinabihan ang kuya niya, “Mauna na kayo.” 

     Narinig ko pa si Carl na sumigaw ng, “Uy, Carlo!” Mukhang nabigla nang hindi sumabay si Carlo sa kanila.

     Umandar na yung jeep na sinasakyan nina Carl at naiwan kaming dalawa ni Carlo. Ngayon ay isang malaking problema.

     “Bakit ko pa kasi sinabing hinihintay ko si kuya e hindi naman dadating yun?” tanong ko sa sarili ko. Ngayon ay nagbabakasakali akong dadating siya. Na kung susuwertehin ay mapapadaan siya rito at makikita ako. Ilang minuto pa ang lumipas, pero wala talaga. Napabuntong-hininga ako. Siguradong walang Kuya Richie na dadaan dito.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly