No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 22, 2012

Alumni: High School Memories (8)

Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...




Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7


***
Kabanata 8

     Hindi maipinta ang mukha ko nang sumapit ang oras ng tanghalian. Bad trip naman kasi ‘tong Mr. Walang Galang na ‘to. Binoto-boto pa akong Presidente ng klase e ayoko ngang maging officer! Wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin ang responsibilidad. 

     “Alam mo, nakakainis kayo!” sabi ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa canteen.
     “Ano namang nakakainis doon?” tanong sa akin ni Angelo o Gelo na lang. Sabi niya kasi yun na lang daw ang itawag ko sa kanya e.
     “Pinagkaisahan ako ng magbabarkada,” sagot ko. Tinawanan nila ako. Nainis tuloy ako lalo. “Sige tawa pa!” sabi ko sa kanila.
     “Denise, bawal ang pikon,” ang sabi ni Carl. “Tingnan mo nga itong si Carlo, hindi naman nagalit noong nabotong Escort. Ang masama nga lang, si Rhea ang Muse.”
     “Binoto mo ba iyon, Angel?” tanong ni Gelo kay Angel.

     Sumagot naman si Angel, “Bakit ko i-vo-vote iyon? I hate her! Duh!” 

     “Si Angel talaga ang laki ng galit kay Rhea! Dati nga bestfriends kayo nun,” sabi ni Gelo.
     “Mag bestfriends kayo?” tanong ko kay Angel.
     “Dati yun,” sagot ni Angel at kinausap niya si Carl, “Alam mo, mali ka Carl, dapat ni-nominate mo na lang si Denise sa Muse.”

     Nagmaktol naman itong si Carl, “Ayoko nga siyang maging Muse! Edi pag nagkataon, sila ni Carlo ang mag-partner. Gusto ko sa akin lang siya.”

     Natahimik ang lahat nang sabihin ni Carl yun. Bakit niya ba sinabi yun? Gusto niya sa kanya lang ako? Hay naku, siguradong nagbibiro lang siya.

     Nang mapansin ni Carl na tumahimik ang lahat, sinabi niya, “Ano ba kayo? Joke lang yun! 'Di na kayo nasanay sa akin. Ayoko siyang maging Muse kasi 'di naman siya bagay dun! Kasi 'di naman siya maganda! Hahaha!” Nagawa niya pang tumawa.

     “Ang corny mo, Carl,” nasabi ko na lang. Ang sakit nun a! Nauna na lang akong maglakad sa kanila.
     “Uy, Denise! Pikon ka talaga!” narinig ko pa iyon mula kay Carl. Wala talaga siyang puso! Nakakainis.

     At habang lumalayo ako sa kanila, naririnig ko pa ring daldal nang daldal si Carl, “A! Basta ako! Walang makakatalo sa pagiging Sergeant-at-Arms ko!”

     Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad para makapunta na ako sa canteen. Habang naglalakad ako, naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.

     “Denise,” ibinulong niya pa ang pangalan ko.

     Napahinto ako at nawala bigla ang inis ko nang makita ko kung sino ang humawak sa kamay ko, si Carlo. Sinundan niya pala ako.

     “Pagpasensyahan mo na si Kuya Carl,” ang sabi ni Carlo sa akin. Ramdam kong malamig ang kamay niya. Kinakabahan ba siya? Hanggang sa bumitiw na siya sa akin. Iyon ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya.
     “A, ok lang,” sagot ko. 

     Dahil sa paghinto kong iyon ay naabutan na kami nina Carl. Ngingiti-ngiti pa siya nang tawagin niya ako.

     “Denise pikon!”

     At sa sobrang asar ko ay naisigaw ko ang bansag ko sa kanya, “Mr. Walang Galang!”

     Tila nagpintig ang tainga ni Carl dahil sa sinabi ko. “Anong sinabi mo?” ang itinanong niya kaagad sakin. Naku, nagalit yata!

     Napatakip ako ng bibig. Ano nga ba yung sinabi ko? Sinabi ko ba talaga yun?

     “Anong itinawag mo sakin?” muling tanong niya habang papalapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Kitang-kita sa mukha ni Carl ang pagkaasar. Hinila niya ako at nagdire-diretso kami sa canteen. Mukhang enjoy na enjoy talaga siya pag hinihila niya ako. “Umupo ka!” utos niya sa akin. Sinunod ko naman ang utos niya. 

     Sumunod rin sina Angel, Gelo, Carlo at Arlene sa canteen. Hindi na sila tumabi sa amin at naghanap na lang ng ibang puwesto. 

     Dalawa lang kami ni Carl dito sa puwesto. Nakatitig lang siya sa akin. Ano bang balak niyang gawin? Tititigan niya lang ba ako hanggang sa matunaw ako para mawala na ako sa mundo? Bakit ko pa kasi nasabi yung bansag ko sa kanya? Ang tanga-tanga ko!

     “Anong gusto mong kainin?” Sa wakas ay nagsalita na rin siya.
     “A, kahit ano,” mahinang tugon ko.
     “Kahit ano? Bigyan kaya kita ng lason,” sabi niya. Umalis siya. Mukhang bibili ng pagkain.

     Para naman akong napako sa kinauupuan ako. Nakayuko lang ako. Nakakahiya talaga. Nagalit ba talaga siya? Teka, bakit ba ako ganito? Pag ako ang ginagalit niya parang ok lang sa kanya pero pag siya yung nagagalit ko, hindi ako mapakali.

     Bumalik na si Carl sa puwesto namin. May dala siyang tray. Bumili siya ng isang baso ng iced tea, isang order ng Giniling at kanin. Kita mo ‘tong taong ‘to, napaka makasarili talaga. Bumili lang siya ng pagkain para sa sarili niya e!

     Inilatag niya ang binili niya sa lamesa. Seryoso ang mukha niya. Galit nga talaga siya. Magso-sorry na ba ako? Ano ba?

     “Carl, sorry,” paghingi ko ng paumanhin.
     “Kumain ka na,” sabi lang niya.
     “Galit ka ba?” tanong ko.
     “Kumain ka na,” sinabi niyang muli.

     Nagbuntong-hininga ako at tumayo. Hay! Makabili na nga ng pagkain.

     “O, saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
     “Bibili ng pagkain. Sabi mo 'di ba, kumain na ako?” sagot ko.
     “Ang engot mo talaga! Binili ko na nga ito para sa iyo tapos bibili ka pa?”

     Para sa akin yung inorder niya? Malay ko ba! Akala ko para sa kanya yun e! 

     Inusog niya ang plato, baso pati kutsara’t tinidor at sinabi sa akin, “Kumain ka na!”

     Sinunod ko kung ano ang sinabi niya. Bago ko pa isubo ang pagkain, tinanong ko muna siya, “Carl, galit ka ba sa akin?”

     “Hindi no! Nagda-drama lang ako. Kunwari galit ako, gusto kasi kitang masolo kaya hinila kita,” sagot niya, tapos tumawa. Ano ba talaga ang nasa isip nitong lalaking 'to?

     Hay naku! 'Di naman pala siya galit sa akin tapos sobra pa yung pagka-guilty ko. Kahit ganoon, napangiti na lang ako.

     “Hmm. Carl, hindi ka pa ba kakain? Gusto mo share tayo?” tanong ko sa kanya.
     “Hindi na. Tititigan na lang kita habang kumakain ka. Busog na ako makita lang kita,” sagot niya.

     Tumawa ako, “Haha! Lakas mambola ha!”

     “A Denise, sorry nga pala kanina ha. Kasi sinabi kong hindi ka maganda,” paumanhin ni Carl. 
     “Ok lang yun. Tama ka naman dun e,” ang sabi ko kay Carl. “Sorry nga din pala kasi sinabi ko pa yun sa iyo.”
     “Ang alin?” tanong ni Carl.
     “Alam mo na,” sagot ko. Ayoko nang ulitin pang sabihin yung bansag ko sa kanya, yung Mr. Walang Galang, baka kasi magalit na naman.
     “Yung Mr. Walang Galang ba?” tanong muli ni Carl. Tumango ako. “Sus, ayos lang yun. Sanay na akong matawag na ganun e!”

     Sanay na siya? Anong ibig niyang sabihin?

     “Sanay ka nang matawag na,” binulong ko na lang, “Mr. Walang Galang?” tanong ko sabay takip ng bibig. 

     Napangiti si Carl at tumango. “Matagal nang may nagsasabi sa akin ng ganyan. Ganyan din kasi ang tawag sa akin ni Dara.”

     Nang sabihin ni Carl ang pangalang iyon, napaisip ako. Tinatawag rin siyang ‘Mr. Walang Galang’ ni Dara? Teka, sino ba si Dara?

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly