No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 15, 2012

Rhythm of Heartbeat (18)



***
Chapter 18
Strange Feeling

     Nagising si Millie sa ingay ng tambol at nalaman niyang si Hans pala ang gumagawa nito. Nasa ibaba si Hans, malapit sa main door at kasama niya ang bagong dating na drum set na binili niya. Pinadeliver niya ito. Habang ang tatlo nilang kasambahay, si Martha at ang hardinero na tinawag niya upang maging audience niya ay manghang-mangha sa husay niyang tumugtog, si Millie naman ay galit na sumugod sa kanya.

     “Hi mom!” nakuha pang bumati ni Hans sa kabila ng umuusok na tainga ni Millie.

     Tumingin nang matalim si Millie sa mga manonood. Natakot ang mga ito kay Millie kaya’t nagsibalikan ang lahat sa trabaho. Naisip na ni Hans na paaalisin ng mommy niya ang audience niya. Nang wala nang tao sa paligid, ibinuhos na ni Millie ang galit niya. “Stop that noise!!!” sigaw niya.

     Tumigil si Hans sa pagtambol at humarap kay Millie. “Noise? This is music, mom! Don’t you know the difference between noise and music? You’re the noise, mom!”

     “I’m the noise, huh? And you call the loud banging music? My god, Hans! It’s too early. I need sleep! And didn’t I tell you long time ago to stop playing that stupid thing?”
     “Oh! Sorry mom but this ‘stupid thing’ that you are saying makes me really happy.”

     Natigilan si Millie sa sinabi ng anak. Ito pala ang nakapagpapasaya kay Hans. Noong oras na yun, hiniling niyang sana ay maging kagaya rin siya ng “stupid thing” na tinutukoy niya para mapasaya niya rin ang anak niya. Umiwas na lang siya ng tingin, huminga nang malalim at pinakalma ang sarili. Dahil sa inis, lumabas si Hans dala ang drumsticks at umalis ng bahay sakay ng kotse.

     Sa bahay ng mga Salas. Binisita nina Ivan, Chad at Duncan si Reed noong umagang iyon. Mukhang seryosong usapan ang mangyayari kaya’t minabuti ng lahat na mag-usap sa labas. Baka kasi marinig ng ina ni Reed, si Rita, kung anuman ang pag-uusapan nila.

     Napili ng apat na magpunta sa isang bakanteng loteng may kalayuan nang kaunti sa bahay ni Reed. Doon sila nag-usap.

     “Mga pre, sa tingin ninyo bakit kamukha ni Hans si Benjo?” si Chad ang nagbukas ng usapan.
     “Baka… reincarnation? O baka si Benjo talaga yun?” opinyon ni Duncan.
     “Imposible, pre,” banat ni Reed. “Imposibleng reincarnation. Walang patunay na nangyayari talaga yun. Lalong imposibleng si Benjo yun. Kabisado ko si Benjo. Alam ninyo ba kung ano ang napansin ko sa kanila ni Hans?”
     “Ano?” tanong ng lahat.
     “Dito,” pinindot ni Reed ang kanang pisngi niya. “May dimple si Hans dito, si Benjo wala.” Namangha ang lahat kay Reed dahil pati simpleng bagay ay napansin niya.

     Nagpatuloy si Reed. “Imposibleng si Benjo si Hans! Nasaksihan namin ni Ivan ang pagkamatay niya. Naroon tayong lahat sa ospital, sa morgue. ‘Di natin siya iniwan! Naroon tayong lahat noong inilibing si Benjo,” naiiyak niyang sinabi. ‘Di pa rin pala naaalis ang sakit kay Reed.

     Sino ba naman kasi ang 'di maiiyak kapag naaalala yun? Naging magkakaibigan silang lima noong nasa kolehiyo at nabuo ang bandang Rascals noong sophomore si Reed samantalang sina Benjo, Ivan, Chad at Duncan ay freshmen. Sa loob ng maikling panahon, sumikat sila sa Unibersidad dahil sa husay nila. Masasabi ng bawat isang higit pa sa kapatid ang turingan nila. Magkakasama sila palagi hanggang sa bawian ng buhay si Benjo sa araw pa mismo ng Battle of the Bands.

     Nagsalita si Ivan, “Baka naman kakambal niya?” Nagulat ang lahat sa sinabi niya.

     “Tama! Kakambal niya yun!” sabi ni Chad pero kumontra si Reed.
     “Imposible!” na naman ang sinabi ni Reed.
     “Ano ka ba pre, tama sina Ivan at Chad,” si Duncan. “Sinabi mong si Hans ay hindi si Benjo e bakit sila magkamukha? Kaya sila magkamukha kasi kambal sila!”
     “Walang kapatid si Benjo,” matigas na sabi ni Reed. “Simula pagkabata, kami na ang magkasama. Kahit na magkalayo ang mga bahay namin, madalas na bumibisita ang pamilya namin sa pamilya nila. Lumaki ako at si Benjo na magkasama at kahit kailan, wala akong nakitang anino ng kapatid niya! Walang kapatid si Benjo. Pareho kaming nag-iisang anak.”

     Naiba bigla ang usapan nang isingit ni Reed ang tungkol sa aksidenteng naganap pitong taon na ang nakalilipas.

     “Naalala ko noon, noong namatay sina Tito Rico at Tita Bernadette, parents ni Benjo, at si papa, nagdamayan kaming dalawa. Iyak kami nang iyak. Inilibing sina tito at tita na magkasama, cremation naman ang nangyari kay papa. Nang mailibing sila, sa amin na tumira si Benjo.”
     “Hindi ba sa car accident namatay ang parents ni Benjo at ang papa mo?” paglilinaw ni Ivan.
     “Oo, magkakasama sila. Gabi nangyari yun, sa highway. Pumailalim sila sa ten-wheeler truck. Nang makarating ang mga pulis sa pinangyarihan, sinabi ng driver ng truck na wala siyang kasalanan. Aksidente ang nangyari. Sinabi rin ng ilang lumitaw na saksi na mabilis na mabilis daw ang takbo ng kotseng sinasakyan nila, parang may hinahabol. Ang kotse ang bumunggo sa ten-wheeler. Umuulan pa nun at madulas ang kalsada.”
     “Ang sama naman ng nangyari!” bulalas ni Chad.
     “Masama talaga kaya nga iniiwasan naming pag-usapan yun sa bahay. Ang nakalulungkot pa, namatay sila isang araw bago ang 14th birthday ni Benjo.” Binago na ni Reed ang usapan. “O ano, nasaan na nga ba uli tayo?”

     May dumaan na kotse sa harap nila. Napansin ng lahat na pamilyar ang kotse.

     “Parang kilala ko kung kanino yun,” sabi ni Reed.
     “Kay Hans yun,” sagot ni Ivan.

     Laking gulat ng lahat nang biglang tumakbo si Reed upang habulin ang kotse.

     “Uy! Anong problema nun?” tanong ni Chad.
     “Si Tita Rita!” naalala bigla ni Ivan.
     “Tara!” yakag ni Duncan.

     Tumakbo ang tatlo at sinundan si Reed.

     Pumarada ang kotse sa tapat ng bahay nina Reed. Mula rito, bumaba si Hans. Tahimik ang buong paligid, walang katau-tao, kaiba sa huling punta niya rito na naging maingay dahil sa pagtugtog ng Rascals. Siya pala ay miyembro na rin ng bandang Rascals. Siya ang pumalit kay Benjo na dating drummer na sinasabing kamukha niya.

     Naglakad siya mga ilang hakbang at narito na siya ngayon sa tapat ng pinto. Hawak niya ang drumsticks sa kaliwang kamay. Kakatok siya sa pinto gamit ang kanang kamay. Nasa loob ng bahay si Rita. Pag kumatok si Hans, pagbubuksan siya ni Rita at makikita nito ang kamukha ng paborito niyang pamangkin. Iyon ang ikinakatakot ni Reed kaya nang makita niya ang kotse, tumakbo siya bigla upang sundan si Hans. Hayan na, dadampi na ang kamao ni Hans sa pinto ng bahay nang biglang…

     “Hans!” sigaw ni Reed.

     Lumingon si Hans, “Reed, there you are!”

     “Halika rito,” tawag ni Reed, hinihingal. Lumapit si Hans. Siyang dating nina Ivan, Chad at Duncan.
     “Oh, you three are here, too,” sabi ni Hans sa tatlo.

     Hinihingal ang apat. Tinanong ni Hans kung bakit sila hinihingal at sumagot si Reed ng,

     “Nagjojogging kami e! Alam mo na, exercise sa umaga.”
     “That’s good,” sabi ni Hans. “Hmm. Can we go inside?”
     “Naku, hindi puwede e,” sagot ni Reed. “Nasa loob si mama. Sa iba na lang tayo pumunta.”
     “Oh, ok!” Nakuha ni Hans kung ano ang ibig sabihin ni Reed. Nasa loob ang mama ni Reed kaya pag nakita siya nito, siguradong magugulat yun. Dapat pala ay nag-isip din siya bago kumatok. Hindi bale, ‘di naman natuloy kasi tinawag siya ni Reed. “So shall we go somewhere else?” mungkahi niya. Sumakay na sila sa kotse.

     Mabagal ang pagpapatakbo ni Hans sa kotse. Sa harap nakasakay si Reed samantalang nagtabi-tabi sa likod sina Ivan, Chad at Duncan. Makikita ang patay na ekspresyon sa mukha ni Hans. Napansin siya ni Reed.

     “Ba’t ganyan mukha mo?” tanong niya.
     “Oh, it’s nothing,” sagot ni Hans. Ngumiti siya bahagya at lumitaw ang dimple niya.
     “Cute ng dimple mo a,” pambobola ni Reed. Napangiti lalo si Hans.
     “Huhulaan ko, may problema iyan,” boses galing sa likuran, si Chad.
     “You’re right. It’s about my mom,” sabi ni Hans. “It’s strange but… I really don’t like her.”
     “Hindi mo gusto ang mom mo?” pagtataka ni Reed.

     Tumango si Hans, “Since I was a kid. I don’t like her ways and I grew up with the feeling that I’m in prison. She always has her eyes on me, always watching me. She doesn’t want me to mingle and to be friends with other people. I even have a curfew! Another thing is I am not allowed to have a girlfriend so I decided to engage in a secret relationship. It didn’t last long because mom learned it. I don't know how she learned it. Maybe she did investigations or even hire a private detective. She's the worst! And one day she told me that I only belong to her.”

     Matapos marinig ang kuwento ni Hans, biglang napaisip ang lahat kung bakit ganoon ang mommy ni Hans. Hindi nga normal ang mga gawain nito tungo sa kanya. Sinabi na lang nila na mahal lang siya ng mommy niya kaya ganoon ito sa kanya pero para kay Hans, hindi pagmamahal yun. Sinabi niya ngang naiinggit siya kay Kyle dahil iba ang pakikitungo ni Millie rito. Natapos ang usapan nang ipatigil ni Reed ang sasakyan nang madaanan nila ang paboritong kainan ng Rascals.

     “Are we going to eat?” tanong ni Hans.
     “Ayaw mo? Hindi pa kasi kami nag-aalmusal e medyo gutom na kami ng tropa,” sabi ni Reed. Tinanong niya ang iba pa, “‘Di ba, ‘di ba?” Sumang-ayon ang tatlo.
     “Ok, my treat,” sinabi ni Hans. Ipinarada niya ang sasakyan. Tinanong siya ni Reed kung seryoso siya. Sinabi naman niyang ‘di siya nagbibiro. Tinanggal niya na ang seatbelt at lumabas ng kotse. Lumabas na rin ang apat sa kotse.

     Si Reed ang nanguna sa kanila. Itinulak niya ang pinto ng kainan at may nakita siyang lalaking ‘di niya inaasahang magpupunta sa lugar na ito. Mukhang palabas na ang lalaki.

     “Lex!” nagulat si Reed nang makita ang lalaki.
     “Uy pogi, ikaw pala,” bati ni Lex. Hindi pa rin siya nagbabago. Mahilig pa rin siyang manigarilyo. “Kasama mo ang tropa?” Kung matatandaan, si Lex ang gitarista ng Backstabbers, ang kalabang grupo ng Rascals, na minsang nagtangka sa buhay ni Ellie. Naroon din siya noong namatay si Benjo. Tinulungan niya pa nga si Reed na bugbugin ang taong bumaril kay Benjo. Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng mga kasama ni Reed. Nakita niya si Ivan, si Chad, si Duncan at si… si… si Benjo! Napasigaw siya, “Aaaaa!!! Multo!!!”

     Mabilis na sinunggaban ni Reed si Lex at tinakpan niya ang bibig nito. “‘Wag kang maingay!” sabi ni Reed. Hinila niya si Lex papunta sa bakanteng puwesto. Pumasok na rin sina Ivan, Chad, Duncan at Hans. Naisip nga ni Hans na siya siguro ang sinasabihang “multo” dahil kamukha niya ang namatay na si Benjo.

     Samantala, sa sementeryo, ang lugar na parang isang paraiso. Nakatayo si Millie suot ang isang napakaputing damit. Ito ang unang beses na bumisita siya sa puntod na ito. Hindi niya alam kung saan nakalibing ang taong gusto niyang puntahan pero may kamag-anak na nakapagsabing dito nga yun. Nag-alay siya ng bulaklak at pinagmasdan ang puntod. Tatlong pangalan ang nakita niya: Rico Salas, Bernadette Salas at Benjamin Rico Salas.

     “Patay na pala pati ang anak nila. Nakalulungkot…” nasabi niya sa sarili. “Kung ako sana ang pinili mo, wala ka sana riyan,” para kay Rico ang mensaheng iyon. Nagdasal siya sandali.

     Maya-maya’y tinabihan si Millie ng isang dalaga. Nag-alay din ito ng bulaklak. Nang mailapag na ng dalaga ang bulaklak sa puntod, tinanong niya ito,

     “Kaibigan ka ba nila?”
     “Ni Benjo po,” sagot ni Ellie at nang makita niya ang magandang mukha ni Millie, may bigla siyang naisip. “Nakita ko na siya sa picture… ang mommy nina Hans at Kyle… si Millie Evans!” Inalis muna niya kung ano ang inaalala niya at tinanong din si Millie, “E kayo po?”
     “Kaibigan ako ni Rico,” sagot ni Millie. “Mildred Evans. They call me Millie,” pagpapakilala niya. “Ikaw miss, anong pangalan mo?”
     “Eliza San Luis po,” sagot ni Ellie.

     Nagulat si Millie, “San Luis?”

     “Opo. Bakit po?”
     “Wala. May naalala lang akong isang kaibigan.” Umalis na si Millie.

     Naliwanagan na si Ellie. Nasagot na ang tanong niya. Natupad na ang hiling niya sa wishing well. Una’y nalaman niya kung sino si Mildred at kaya pala pamilyar ang pangalang Rico dahil ito ang pangalawang pangalan ni Benjo at ito rin ang pangalan ng tatay ni Benjo. Kakaiba ngunit malakas ang pakiramdam niyang ang dalawang taong ito, sina Millie Evans at Rico Salas ang may-ari ng mga pangalang nakaukit sa puno. Naniniwala siyang higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon kina Millie at Rico. Sa ikinuwento pa nga lang ni Kyle noon, malalaman mong nagmamahalan ang dalawa ngunit bakit iniwan ni Rico si Millie? Dahil ba kay Bernadette na napangasawa nito? Isa pa, bakit kaya magkamukha sina Hans na anak ni Millie at si Benjo na anak naman ni Rico? At sino kaya ang kaibigang naalala ni Millie nang sabihin ni Ellie ang apelyido niya? Marami pa palang tanong na nangangailangan ng kasagutan at aalamin ni Ellie ang sagot sa lahat ng iyon.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly