April 12, 2012
Kaninang umaga nagpunta kami ng nanay ko sa Super 8, yung shopping center diyan sa may Molino, malapit sa Jollibee. Gusto raw niya kasing bumili ng pineapple juice. Tamang-tama may appointment kami pareho sa dentist kaya after nun e dumiretso kami dun sa tinatawag niyang, "168," kahit "Super 8" yun. Natawa na lang siya nang mapagtanto niyang mali pala yung sinasabi niyang "168".
Medyo nailang nga lang ako pag dating dun sa Super 8. Ang hirap pala maging pipi. Kasi naman nag undergo ako ng operation sa gums and sabi ng dentist bawal akong magsalita at cold foods lang ang pwedeng kainin (for two days). At inemphasize niya,
"Wala kang karapatang magsalita!"
Nung nandun na kami sa Super 8 mukha akong ewan kasi may gusto akong ipabiling junk food pero di ko masabi kay mama kasi bawal nga ako magsalita. So hinila ko siya at tinuro ko yung gusto kong ipabili. Nang matapos na kami mag shopping kuno (sabi niya pineapple juice lang yung bibilhin niya, pero nakagastos siya ng 800 sa dami ng pinamili) e feel ko gusto kong mag CR. So ang ginawa ko e tinuro ko kay mama yung sign ng CR. E mukhang di niya naintindihan at para akong ewan na pinagtitinginan ng mga tao dun kasi wala akong ginawa kundi sumenyas. Akala yata nila talaga pipi ako. Di ako maintindihan ng nanay ko, di niya kasi makita yung sign na tinuturo ko kaya ayun.. Nag sign language na ako ng letters C and R pero mukhang lalong di niya naintindihan kaya hinila ko na lang siya papunta sa CR at ayun nagets niya na.
Natapos na akong mag CR at papalabas na kami ng Super 8 nang bigla kaming lapitan ng isang salesman, promodizer yata ang tawag dun at tinanong niya kami,
"May 500 po ba yung nabili ninyo?" sabay hingi ng resibo. At dahil 800 pesos mahigit yung nabili namin, inalok niya kami ng kung anong kutsilyo na 900 pesos daw pero makukuha na lang ng 200 pesos dahil nga lagpas sa 500 yung nabili namin at may kasama pang peeler, chopping board, isa pa uling kutsilyo tapos yung lalagyan yata ng labahan yun.
Wala naman akong concern dun sa mga inaalok niyang items. Tinititigan ko nang maigi itong si Salesman kasi ang gwapo niya. Wahaha! He's wearing a pink uniform, matangkad and very neat kung tingnan.. Gwapo na sana e kaso medyo turn off sa pananalita kasi may punto. Feel ko rin bading siya. Nyahaha! Tapos habang kinukumbinsi niya yung nanay ko na bilhin na yung items na yun na worth 200 pesos, out of nowhere bigla niyang tinanong sa akin,
"May contact lens ka?"
And I was so surprised. Bakit niya ako tinanong ng ganun? Tinitingnan niya yung mata ko? Oh my! At ako naman... Bawal raw magsalita pero kiber na lang kasi tinanong niya ako.
"Yes," sagot ko. Wahahaha!
"Kulay gray," then he smiled. Shocks!
Ang gwapo niya.
Then ayun, sinabihan ko yung nanay ko, "Sige na, ma, bilhin mo na." At binili na ni mama yung item/s na inaalok ng salesman.
Tapos yun... Habang palayo na kami, sinabihan ko si mama,
"Gwapo sana si kuya kaso nakaka-turn off magsalita."
At natawa pa ako dun sa tinanong niya sa akin, "Bading ba yun?"
Ba't ba karamihan na lang ng gwapo, bading o kaya e parang bading? Wahaha! Asar!
No comments:
Post a Comment