No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 16, 2012

Rhythm of Heartbeat (24)



***
Chapter 24
Intentions

Sa kasalukuyang panahon.

     Naging madalas na rin ang paglabas ni Iris kasama si Hans tuwing may libreng oras nitong mga nagdaang linggo. Naging dahilan na rin ito para mabawasan ang oras nila ni Kyle sa isa’t isa na ramdam niyang nagbago na ang pakikitungo sa kanya simula nang sumama-sama siya kay Hans. Talagang ikinalungkot niya ito dahil isang araw na nilapitan niya si Kyle ay umiwas ito. Akala niya ok na sila noong huli silang nag-usap, noong sinabi ni Kyle na nagseselos siya kay Hans pero mas lumala pa ito ngayon. Hinayaan niya na lang munang lumipas ang tampo ng kaibigan niya.

     Ala una ng tanghali. Magkasamang namamasyal ngayon sa mall sina Hans at Iris. Niyaya nila sina Reed at ang iba pa pero hindi sumama ang mga ito at hinayaan silang lumakad nang magkasama. Simula kasi nang sabihin na rin ni Hans sa tropa na nagugustuhan niya si Iris ay tinukso na sila sa isa’t isa. Hindi naman tumutol si Ivan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa lahat kung ano ba ang nararamdaman ni Iris para kay Hans.

     Nang magutom na si Iris ay nagyaya siyang magpunta sa isang fast food na isang puwesto rin sa loob ng mall. ‘Di muna sila pumila at magkatabing tumayo sa isang tabi upang pumili ng makakain.

     “So, what do you like?” tanong ni Hans sa kasama.

     Sandaling nag-isip si Iris. “Hmm…” Pero hindi niya talaga malaman kung ano ba ang gusto niyang kainin. “Hindi ko alam e!”

     “How about hamburger?” tanong ni Hans.
     “Ok lang,” sagot ni Iris.
     “Spaghetti?” tanong muli ni Hans.
     “Puwede rin,” sagot na naman ni Iris.
     “Sundae?!” huling tanong ni Hans.
     “Kahit ano!” nakangiting sagot ni Iris.

     Pumila na si Hans at si Iris naman ay naghanap ng puwestong ‘di kalayuan para madali siyang mahanap ni Hans. Habang nakapila si Hans ay tinitingnan siyang mabuti ni Iris. Sinusukat ni Iris ang taas ni Hans at kung ikukumpara sa taas ni Benjo, kung naaalala niya pa ito, masasabi niyang mas matangkad si Hans. Kung ‘di rin siya nagkakamali, baby face si Benjo at wala siyang dimple na gaya ng kay Hans. Magkamukha nga sina Hans at Benjo pero magkaibang tao sila. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit sila magkamukha. ‘Di kaya kambal sila?

     Umiling si Iris. “Imposible,” kanyang nasabi. “Si Kyle ang kapatid ni Hans at hindi si Benjo.”

     Dumating na si Hans dala ang isang tray at ang order na pagkain. Inilagay niya na isa-isa ang order sa lamesa, “Your hamburger, spaghetti and sundae.”

     Samantala sa labas, sinisilip nina Reed, Ivan, Chad at Duncan kung ano ba ang ginagawa nina Hans at Iris. Kunwari pang ayaw sumama ng apat, yun pala’y sumunod din at may kalokohang balak gawin. Pati si Ivan ay nakisali na rin sa kalokohan nila. Naghahagikgikan pa sila habang sumisilip sa pader na salamin ng fast food.

     “Napaka gentle dog naman ni Hans,” pagbibiro ni Reed nang makitang inilalagay ni Hans ang order sa lamesa. Nagtawanan ang tatlo niyang kasama. “Kuhanan mo ng picture, Chad,” utos niya.

     Dali-daling kinuha ni Chad ang cell phone niya at kinuhanan sina Hans at Iris. May kalayuan pero puwede namang i-zoom. Umalis sila matapos na tawa nang tawa.

     Nakaayos na ang lahat sa loob at kakagatin na lang ni Iris ang hamburger nang mapansin niyang wala palang inorder si Hans para sa sarili niya.

     “Where’s yours?” tanong niya.
     “Nah, I’m not really hungry,” sagot ni Hans.

     Hinawakan ni Iris ang ibabaw ng hindi pa nabubuksang lalagyang styro ng spaghetti at ipinadulas ito sa lamesa papunta sa puwesto ni Hans.

     “Kain na! Ok na ako sa hamburger,” pagkumbinsi niya kay Hans.

     Ngumiti si Hans. Binuksan niya ang lalagyang styro, pinaikot ang tinidor sa pasta at inalok si Iris.

     “Gustoh mow?” tanong ni Hans sa kanyang teribleng Tagalog accent.
     “Hhmpft,” pigil na pagtawa ni Iris.
     “Ok, I won’t speak Tagalog anymore!” pagtatampo ni Hans.

     Tumawa si Iris. “Haha! Ok lang naman ang pagta-Tagalog mo ha!” pagsisinungaling niya.

     Nagpauto naman si Hans, “Really?” Tuwang-tuwa pa niyang isinubo kay Iris ang spaghetti.

     Sa mga ganitong pagkakataon, dapat ay maging mabilis ang kamay mo sa pagkuha ng litrato sa kilig moment na tulad nito. Tagumpay na nakuhanan ni Lex na gitarista ng grupong Backstabbers ang eksena. ‘Di kasi sinasadyang mapadaan sila sa fast food at ‘di sinasadyang makita niya si Iris na may kasama.

     “Sino ‘yang pinicture-an mo?” tanong ni Cliff na bokalista naman ng kanilang banda. Wala namang pakialam ang tatlo pa nilang kasama sa kung anumang ginawa ni Lex.
     “Si Iris, kapatid ni Ivan. Isusumbong ko. May ka-date e! Hehehe!” pero hindi naman talaga yun ang intensyon ni Lex.

     Nang matapos nina Hans at Iris ang pagkain nila, lumabas na sila sa fast food. Pagkakataon nga naman, siya namang pasok ng mag-inang Millie at Kyle.

     “What a pleasant surprise!” sabi ni Millie sa anak.
     “Oh! Hi mom,” matamlay na bati ni Hans sa kanyang ina.
     “Magandang araw po,” nahihiyang bati ni Iris kay Millie. Nginitian siya ni Millie, isang plastic na ngiti.

     Ito ang unang pagkakataong nakita ni Iris sa personal ang mommy nina Hans at Kyle. Maganda ito sa litrato pero mas maganda pala sa personal kahit na may edad na.

     “Aren’t you going to introduce me to your friend, Hans?” tanong ni Millie sa anak.
     “Mom, this is Iris. Iris, this is my mom, Mildred,” walang kabuhay-buhay na pagpapakilala ni Hans.
     “Nice meeting you po,” masiglang wika ni Iris.
     “Nice meeting you, too,” tugon ni Millie na nakataas naman ang kaliwang kilay. Pumasok na sila ni Kyle.

     Alas siyete ng gabi, sa mansyon ng mga Evans. Naririto na naman si Millie sa terrace. Suot niya ang isang manipis na damit pantulog at hawak ang isang basong may lamang red wine. Sa pagkakataong ito, hindi siya nag-iisa.

     “Siya pala si Iris,” pag-uumpisa niya. Uminom siya nang kaunti. “Siya ang kinalolokohan ng kapatid mo?” tanong niya kay Kyle. “She’s NOT really PRETTY.”
     “She’s smart and she’s really nice,” pagtatanggol ni Kyle.
     “She’s nice?” natatawang tanong ni Millie. “E hindi ka nga niya binati kanina!”
     “We’re not ok, ilang araw ko na rin siyang hindi pinapansin,” katwiran ni Kyle.
     “Why is that so?” tanong ni Millie.
     “Paano kasi lagi niyang kasama si Hans. Feel ko nga inagaw na ni Hans si Iris e!”
     “Edi ibabalik natin siya sa iyo,” sabi ni Millie.
     “Paano?”

     Isang nakakalokong ngiti ang nakita kay Millie, “Paghihiwalayin natin sila.”

     Kinabukasan, nakatanggap ng tawag si Iris mula kay Millie. Nakuha ni Millie ang number ni Iris kay Kyle. Sinabi nitong gusto niyang makipagkita kay Iris at ibinigay niya ang pangalan pati address ng restaurant na pagkikitaan ng dalawa. May klase si Iris pero hindi niya na muna ito pinasukan dahil isang malaking oportunidad na ito para makilala si Millie. Pagdating ni Iris sa nasabing lugar, binati pa siya ng masayang mukha ni Millie. Pinaupo siya nito at maya-maya’y kumuha ng fountain pen, naglabas ng tseke, sinulatan, pinirmahan at inilapit sa mukha ni Iris.

     “Ten million,” madiing sabi ni Millie. Nagulat si Iris. “Mabibili mo na ang lahat ng gusto mo. Kahit na bahay at lupa, puwede. Makakapagtapos ka ng pag-aaral. Makakatikim ka pa ng masasarap na pagkain.”
     “Hindi ko po kayo maintindihan,” sagot ni Iris.
     “Huh! Akala ko pa naman matalino ka gaya ng sabi ni Kyle pero tanga ka naman pala!” isip ni      Millie. “Ten million,” ulit niya. “Layuan mo ang anak ko. Layuan mo si Hans!” Itinapon niya sa mukha ni Iris ang tseke na agarang nahulog sa lamesa.

     Dinampot ni Iris ang tseke. “Ten million… Ten million…” bulong niyang tila nasa alapaap.

***



No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly