No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, April 14, 2012

Rhythm of Heartbeat (3)




***

Chapter 3
Forbidden Love

     Lumapit si Mildred kay Rico, tarantang-taranta, “Diyos ko! Rico, ayos ka lang ba?” Hindi sumagot si Rico. Mukhang napalakas ang pagsiko ni Mildred sa kanya. “Rico, sorry! ‘Di ko naman sinasadya. ‘Di ko naman kasi alam na―”

     Umiling si Rico. “A-ayos lang,” sabi niya.

     Inalalayan ni Mildred si Rico at isinandal sa pinakamalapit na puno. “Ikaw naman kasi e!” pinalo niya ito sa braso. “Ang hilig mo talaga akong pag trip-an! ‘Wag mo nang uulitin yun ha? Nakakatakot kaya.”

     Tahimik na pinagmasdan ni Rico si Mildred. Sa payat palang pangangatawan nito ay may itinatagong kakaibang lakas. Natakot tuloy siya bigla.

     Nagpalipas sila ng ilang sandali sa lugar na iyon. Hinihintay ni Mildred na mawala ang sakit ng tiyan ni Rico para makabangon na ito at nang makauwi na sila.

     “Masakit pa ba?” tanong niya.
     “Hindi na,” sagot ni Rico. Nakaya niya nang tumayo. Pinagpagan niya ang kanyang puting uniporme. Nursing din ang kursong kanyang kinukuha at pareho silang nasa ikatlong taon ni Mildred. “Mildred, sorry ha kung natakot kita?” paumanhin niya.
     “Sorry din, akala ko kasi magnanakaw ka e! Tapos nakakatakot pa yung boses mo. Akala ko talaga ibang tao!”
     “Ano ba kasing ginagawa mo rito mag-isa?” tanong ni Rico. “Huwag mong sabihing naniniwala ka riyan?” sabay nguso sa wishing well.
     “E ano naman kung ganoon nga? Malay mo, ‘di ba, magkatotoo yung hiling ko?”

     Inakbayan ni Rico si Mildred, “Bakit, ano ba yung hiling mo? Sabihin mo dali! Secret lang natin ito, promise!”

     Tinanggal ni Mildred ang kamay ni Rico na nakapatong sa kanyang balikat, “Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Dalhin mo na nga lang itong mga libro ko, ang bigat e!” Ibinigay niya ang kanyang mga libro kay Rico tapos ay humawak siya sa kamay nito.

     Nang naglalakad na sila, naramdaman ni Mildred na isinuksok ng pinsan niya ang mga daliri nito sa espasyong nasa pagitan ng kanyang mga kamay. Kinilabutan siya ngunit pagkatapos ay mahigpit nilang hinawakan ang kamay ng isa’t isa.

     Dahan-dahang naglakad ang dalawa. Paano kasi’y madilim na, wala silang makita. Natapilok na naman nga si Mildred at napayakap kay Rico.

     “O, ayos ka lang?” tanong nito sa kanya.
     “Ayos lang,” sagot ni Mildred; namula ang mukha niya.

     Nagpatuloy sila. Mahigpit pa rin ang paghawak ng kanilang mga kamay. Kung hindi mo sila kilala, mapagkakamalan mong magkasintahan sila.

     Huminto si Rico. Nakatatanaw na siya ng liwanag. Kaunti na lang ay malapit na sila sa bukana. Makaaalis na sila sa lugar na iyon pero hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nasasabi kay Mildred ang nasa loob niya.

     “Bakit ka huminto, Rico? May problema ba?” tanong ni Mildred.

     Hinila ni Rico si Mildred papunta sa gawing kanan at isinandal niya ito sa puno. Naguguluhan si Mildred. Ano kaya ang nangyayari sa kanyang pinsan?

     “Rico, anong ginagawa mo? Bakit ―”

     Hanggang sa naramdaman ni Mildred na nabasa ang kanyang mga labi. Ikinagulat niya iyon pero hindi niya namalayang nakapikit na pala siya at hinahalikan si Rico, ang kanyang pinsan.

     Niyakap siya ni Rico at siya naman ay humawak sa buhok nito. Mukhang gustong-gusto nila ang ginagawa nila. Dahan-dahang bumababa ang kamay ni Mildred at sa kanyang bulsa ay kumuha siya ng piso. Nilaglag niya iyon sa ‘di malamang kadahilanan.

     Nagtagal ng ilang minuto ang halik na iyon. Basang-basa ang kanilang mga labi. Sandaling namayani ang katahimikan. Nakayakap si Rico kay Mildred, gayundin si Mildred sa kanya. Hinimas-himas ni Rico ang buhok ng kanyang pinsan at sinabi ang,

     “Mahal kita, Mildred. Ang nararamdaman kong pagmamahal sa iyo ay higit pa sa isang pinsan. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.”

     Hindi lubos akalain ni Mildred na mangyayari ito. Ito na siguro ang katuparan ng mga kahilingan niya at hindi siya nagkamaling magtiwala sa balon.

     Umalis na sila sa lugar na iyon at umuwi na sa kanilang mga bahay. Anong oras na, baka hinahanap na sila ng kanilang mga magulang. Inihatid pa nga ni Rico si Mildred sa bahay nito.

     “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na? Bakit ngayon ka lang? Sino ang kasama mo?” ang pagtatanong na parang isang reporter ng ina ni Mildred nang siya ay dumating.
     “Puwede yung pang apat na lang ang sagutin ko? Si Rico po ang kasama ko.”
     “A ganoon ba? Sige kumain ka na, magbihis ka at matulog ka na.”

     Buti naman at ‘di na siya tinalakan ng nanay niya. Pag ibang pangalan kasi ang isinasagot niya, mag-uumaga na ay wala pa ring tigil ang nanay niya sa panenermon.

     Kumain na si Mildred, nag-ayos ng sarili at nagbihis. Nagsuklay muna siya bago humiga sa kama. Humarap siya sa salamin at sinuklayan ang kanyang buhok. Tinitigan niya ang mapupula niyang labi. Pumikit siya at inalala ang ginawa ni Rico sa kanya.

     Matamis ang mga halik nito, malambot at mainit ang mga labi. Sana nga ay maulit pa iyon. Kahit mali, kahit bawal; wala siyang pakialam. Basta ang alam niya, siya ay masaya dahil ang unang halik niya ay ang pinsang iniibig niya, si Rico Salas. At si Rico, na sa paglipas ng ilang taon ay tatawaging ama ni Benjo.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly