Edi bumili ako ng Potato Fries kahapon, then nanghingi si Pated. Binigyan ko naman. Tapos si Pated ko nainggit sa'kin; sabi niya bibili rin daw siya ng tsitsirya. Tapos pagbalik niya ganyan yung hawak niya... yung Pritos Ring! Tapos mega gulat naman ako kasi may ganyan pa palang tsitsirya. Akala ko kasi na-extinct na yan, parang dinosaurs. Wahaha! :roll:
Pero seriously, huling kita ko riyan e nung bata pa ako. Mga elementary yata ako nun. Tapos nanghihingi ako kay Pated, ayaw akong bigyan! Huhu! Tapos sabi ko ang daya niya, siya binigyan ko ng Potato Fries. Edi binigyan niya na rin ako pero isang piraso lang. Hmp! E isa lang daw yung ganyan sa tindahan na binilhan niya. Halu-halo kasi yung mga tsitsirya sa isang lalagyan.
At pagkain ko ng Pritos Ring, naalala ko yung kabataan ko. Wahaha! Naalala ko yung mga kalaro ko kumakain din ng ganyan. Tapos nilalagay namin sa daliri, tapos kakainin namin. Si Pated ko nag-share din ng moments niya with the Pritos Ring. Wahahaha! Katuwa lang. :blush:
Bongga na yung cover ng Pritos Ring, pero same old taste. Kaso maliit na yung butas e. Di na kasya sa daliri.
No comments:
Post a Comment