No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, March 13, 2011

WALANG PAMAGAT (8)

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sid kay Santina.

Inirapan muna ni Santina si Prinsesa Zurfc bago sumagot kay Sid ng, “Dinadalaw ka.” Abot-tainga pa ang ngiti niya.

Sa puntong iyon ay nagpaalam si Prinsesa Zurfc kay Sid para di magambala ang pag-uusap ng dalawa, “Pupunta muna ako sa kwarto.”

Nanlaki ang mga mata ni Santina sa sinabi ng prinsesa. Teritoryo niya kasi ang kwarto ni Sid. Doon sila gumagawa ng… Yun na yon.

“Teka, teka, teka!” pigil niya sa prinsesa. “Anong gagawin mo sa kwarto?” Matapos ay tinanong naman niya si Sid, “Babes, sino ba iyang babaeng iyan?”
“Kaibigan ko, si Shin,” sagot ni Sid. Ipinakilala naman ni Sid si Santina, “Shin, si Santina, girlfriend ko dati.”
“Hmpft!” pagsusungit ni Santina nang marinig ang salitang “dati”.
“Sige na, maiwan ko na kayo,” paumanhin ng prinsesa. Tumuloy na nga siya sa kwarto kung saan naroroon sina Eunice at Iane.

Sinundan ng tingin ni Sid ang prinsesa habang ito’y papaalis nang tanungin siya ni Santina, “Bakit naman sinabi mong dati mo akong girlfriend? Para namang napahiya ako dun.”

“Bakit, e di ba nga nakipag-break ka na sa akin?”

Nilapitan ni Santina si Sid, hinimas-himas ang dibdib nito at nagpacute, “Hindi ba cool off lang naman tayo?”

“Cool off? Ano yun? E sabi mo nga, ‘Break na tayo!’”
“Hindi lang tayo nagkaintindihan, babes!”
“E ano bang pinagkaiba nun?” bitter si Sid.
“Spelling! Hahaha!” Nagawa pang tumawa ni Santina sa kabila ng pagiging bad mood ni Sid. Nairita tuloy lalo yung isa. Umayos na si Santina. “Babes, can I have you back?”

Hindi sumagot si Sid.

“Promise, hindi na talaga mauulit yung dati. Please, gusto kong maibalik yung dating tayo,” pagmamakaawa ni Santina.
“Para saan pa ba? Babalikan mo ako tapos iiwan mo rin naman ako,” malungkot na pagkakasabi ni Sid.
“Hindi na nga e,” pangako ni Santina.
“Ilang beses mo nang sinabi yan,” sabi ni Sid. “Please lang, ayaw muna kitang makita ngayon.”
“Babes naman,” hirit ni Santina. Nakatingin lang sa kanya si Sid, hinihintay siyang umalis. Nakaramdam na rin naman siya at nagkusa na ring lumabas. “Babalik na lang ako,” sabi niya sa dating kasintahan. Sumara na ang pinto. Napabuntong-hininga si Sid.

Kinaumagahan, maagang nagising si Sid. Hindi rin naman kasi siya gaanong nakatulog kagabi kaiisip kay Santina. Inaamin niya, may nararamdaman pa rin siya sa dating kasintahan pero di lang niya nagustuhan yung iiwan siya nito pag nawalan ng trabaho at babalikan kapag may nahanap na siya ulit. Ginising niya si Eunice na natutulog sa sapin na karton,

“Hoy Eunice, Eunice!”

Kakamot-kamot ng mukha si Eunice na nagtanong, “Ano?” Wala pa siya sa kondisyon.

“Bumangon ka nga at may itatanong ako sa iyo,” utos ni Sid.

Bumangon si Eunice sa higaan at kinusot ang mga mata. “Bakit ba? Natutulog e!”

“Bakit nagpunta si Santina dito kagabi?” tanong ni Sid.
“Tinext ko,” sabi ni Eunice.
“Sabi ko na nga ba e! Wag mo na ngang papupuntahin yun dito.”

Hindi makapaniwala si Eunice sa narinig niya. “Himala! Samantalang dati ikaw pa nakikiusap sa akin na kausapin ko siya at papuntahin dito.”

“Napapagod na rin kasi ako. Lagi na lang kasing ganoon ang nagiging sitwasyon.”

Sumang-ayon si Eunice. “Ok, pero huwag kang pakasiguro. Narinig ko sa usapan ninyong babalik siya rito.”

Sa gitna ng pag-uusap ng dalawa, lumabas ng kwarto sina Prinsesa Zurfc at Iane. Nakita ng prinsesa na malungkot at parang binabagabag si Sid.

“Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kagabi?” tanong ng prinsesa. Hindi sumagot si Sid. “Wag mo nang alalahanin yun.”
“Sige, hindi ko na dapat isipin yun, prinsesa,” tugon ni Sid.
“Sandali lang,” singit ni Eunice nang may marinig siyang bago sa pandinig. Tinanong niya ang kapatid, “Anong tinawag mo kay Ate Shin, ‘Prinsesa’?”
“A, sinabi ko ba yun?” pagmamaang-maangan ni Sid. Maski siya ay nagulat. Napaisip siya, “Patay! Nadulas ako!”
“Bakit ‘Prinsesa’ ang tawag mo sa kanya, Kuya Sid?” tanong muli ni Eunice.
“Ano bang paliwanag ang gagawin ko?” tanong ni Sid sa sarili. “Tinawag ko ba siyang ‘Prinsesa’? Hindi naman a!” pagpapalusot niya.
“Narinig ko kaya! May tinatago kayo sa akin no?” tamang hinala ni Eunice.

Ngumisi si Sid, feeling kampante pero sa totoo lang, butil-butil na ang pawis niya. “Ano naman ang itatago namin sa iyo?” tanong niya.

Tinanong ni Eunice si Iane, “Ate Marian, girlfriend ba ng kuya ko si Ate Shin?”

“Uy Eunice, ano ka ba?” saway ni Sid.
“Girlfriend?!” pagtataka ni Iane.
“Oo, girlfriend. Kasintahan, katipan, irog,” sabi ni Eunice. Natawa si Iane. “Ano?!” tanong ni Eunice, gustong-gusto niyang malaman kung ano ang meron.
“Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi silang dalawa ang tanungin mo?” mapanuksong sabi ni Iane.

Pasimpleng kinurot ni Prinsesa Zurfc si Iane sa tagiliran.

“Marian a, huwag kang ganyan,” saway ni Sid kay Iane. Tatawa-tawa lang naman si Iane.

Nagbigay ng palagay si Eunice, “Sinasabi ko na nga ba! Kaya siguro ayaw mo nang makita si Ate Santina kasi may bago ka nang mahal.”

Tumawa si Sid, “Haha! Ano ka ba naman, Eunice? Wag mo naman akong pahiyain sa harap ni Shin.”

Sinubukan namang magpaliwanag ni Prinsesa Zurfc, “Eunice, mali ka sa iniisip mo. Hindi kami―”

Pero sarado na ang isip ni Eunice. “Hep! Wag kayong mag-alala, malinaw na sa akin ang lahat. Wag na kayong mag-deny kasi naiintindihan ko naman kayo,” sabi niya. Tumayo na siya. “Mabuti pa e magpe-prepare na ako ng almusal, baka gutom na ang prinsipe’t prinsesa.” Pumunta siya sa kusina.

Pagkaalis ni Eunice, nagkatinginan sina Prinsesa Zurfc at Sid.

“Paano iyan? Akala niya magkasintahan tayo,” sabi ng prinsesa.
“E pabayaan mo na,” sagot ni Sid. Sa totoo lang e kilig na kilig siya.

Binigyan ng masamang tingin ng prinsesa si Iane, “Ikaw kasi e!” Tumawa lang naman si Iane.

Samantala, sa Hilagang Kahariang Elenai. Matapos ang ginawang planong pagpapatakas ng mga taga-Elenai kay Prinsesa Zurfc at ang pagsugod ng mga taga-Tankape, binalikan ni Reyna Loura ang kanilang kaharian kasama ang ilang mamamayan. Nadismaya siya sa nakita. Naging abo na ang lahat ng kanilang mahahalagang gamit pero buo pa rin ang palasyo nilang yari sa bato. Wala kang makikita sa paligid kundi ang pait ng nakaraan. Pinigilan niyang umiyak dahil ayaw niyang ipakita sa iba ang kanyang kahinaan. Nilibot niyang mag-isa ang palasyo at sinariwa ang alaala ng nakaraan. Masaya pa silang pamilya noon pero ngayon… winasak ng mga taga-Tankape ang lahat. Galit na galit siya sa kanila.

“May araw din kayo!” sambit niya. “Pag nagtagumpay si Zurfc, matatapos na ang pagpapahirap ninyo sa aming lahat!”

Isang dalaga ang sumunod sa kanya sa palasyo, humahangos ito at sinabihan siya, “Mahal na reyna, ang kabalyerong si Exodus po!”

Nagulat ang reyna, “Si Exodus?”

“Nasa labas po,” sagot nito.

Dali-daling lumabas ang reyna sa palasyo at nakita si Exodus kasama ang kabayo nito. “Exodus!”

Nilapitan ni Exodus ang reyna, lumuhod sa harap nito at hinalikan ang kaliwang palad nito bilang tanda ng paggalang. Tumayo rin siya pagkatapos.

“Buti at nagpang-abot tayo,” sabi ng reyna. “Anong balita?”
“Nabihag kami ng mga taga-Tankape pero nakatakas din kaya't naririto kami. Nakita namin doon sina Haring Tacki at Prinsesa Anyd,” pagbabalita ni Exodus.

Nabigla ang reyna sa narinig. “Ku-kumusta sila?” tanong niyang nanginginig ang tinig.

“Nakakulong sila sa bilog na apoy. Imposibleng makatakas sila,” pagpapatuloy ni Exodus.
“Ano?” hindi makapaniwala ang reyna.
“Matindi ang lakas ng apoy, kulay asul ang alab na hindi kayang sugpuin kahit siguro pagsama-samahin pa ang lahat ng kapangyarihan natin.”

Lungkot na lungkot ang reyna sa narinig. “Siguro ay kailangan na lang nating maghintay sa pagbabalik ni Zurfc.” Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.

Balik tayo sa mundo ng mga tao. Naluto na ang agahan. Nakapag-almusal na ang lahat. Nilapitan ni Sid ang prinsesa na nakaupo sa sofa kasama sina Eunice at Iane. Nagkukuwentuhan sila nang biglang sumingit si Sid sa usapan.

“Eunice, pwede bang umalis ka muna at may sasabihin lang ako sa kanila?”
“A sige, gagawa na lang muna ako ng homework,” pagpayag ni Eunice. Nagpunta siya sa kwarto kasi naroon ang kanyang mga gamit.
“Pagpasensyahan ninyo na nga pala si Eunice, medyo makulit kasi yun e,” paumanhin ni Sid kina Prinsesa Zurfc at Iane.
“Oo nga e, tinatanong niya nga ang prinsesa kung kailan pa raw kayo, at tayo, nagkakilala saka kung kailan ninyo raw balak magpakasal,” sabi ni Iane.
“Ano? Sira-ulo talaga yun!” sabi ni Sid, hiyang-hiya sa pinagsasabi ng kapatid niya.

Tumawa lang naman si Iane at si Prinsesa Zurfc ay nagbigay ng matamis na ngiti. Nag-blush tuloy si Sid nang makita ang ngiti ng prinsesa. Ito na rin siguro ang tamang pagkakataon para hingin ng prinsesa kay Sid ang panulat.

“Sid, kung di mo sana mamasamain, pwede ba akong humiling sa iyo?”
“A, o sige, prinsesa,” tugon ni Sid. “Ano ba yun?”
“Yung panulat sana, pwede ko bang makuha? Alam mo namang mahalaga yun, di ba? Yun kasi ang gagamitin namin para makabalik pa kami sa mundo namin.”

Inalala ni Sid kung saan nga ba niya inilagay yun. Sa banyo nga pala. “Pag ibinigay ko ba yun sa inyo, aalis na kayo?”

“Hindi pa kami pwedeng makabalik hangga’t di pa nahahanap ng prinsesa ang kanyang pag-ibig,” sagot ni Iane.

Ikinatuwa naman yun ni Sid kasi makakasama niya pa nang matagal si Prinsesa Zurfc. Nananalangin din siya na sana siya ang maging pag-ibig ng prinsesa. Alam niyang mahirap ang sitwasyon pero gusto niyang makatulong sa kanila.

“A sige, kukunin ko lang,” paalam niya sa dalawa. Pumunta siya sa banyo at hinanap doon ang panulat. Tiningnan niya ang lugar kung saan niya natatandaang inilapag ang panulat pero nasurpresa siya nang hindi niya makita yun doon. “Shit! Dito ko lang nilagay yun a!” bulong niya. Hinalughog niya ang banyo pero wala talaga. Kinabahan siya. Nawala niya ang panulat! Lumabas siya sa banyo.
“Nasaan na?” tanong ni Prinsesa Zurfc.
“Ahehehe, saglit lang,” sagot ni Sid. Pumunta siya sa kwarto at inilabas ang kaba niya. “#&$@(*$&(*^*&@^!!! &%$^#$%#(*! #$$$&#**#&!!!!!!” sabi niya.

Napakunot-noo naman si Eunice na kasalukuyang nagsasagot ng homework. “Huy! Ano nangyayari sa iyo diyan?”

Nagpaliwanag si Sid, “#&$@(#$%#$!*&@^!!!”

Nairita si Eunice, “Kuya Sid, kumalma ka nga at ayusin mo yung pananalita mo nang hindi puro number at dollar signs ang lumalabas sa dialogue mo!”

Kumalma nang kaunti si Sid at nagtanong, “Eunice, nung pumasok ka ba sa banyo, may nakita kang kakaiba?”

“Kakaiba? Like what? Like kung may nakita ba akong lapis na may kakaibang design?” tanong ni Eunice.

Nakita ni Sid na hawak-hawak ni Eunice ang panulat. “Ayan! Ayan! Akin na nga iyan!” utos niya.

Nagulat si Eunice, “Hala! E akin na ito e!” Kung kukunin kasi ng kapatid niya ang panulat, wala na siyang magagamit.

“Kay Shin iyan,” sabi ni Sid.
“Kanino? Kanino?” tanong ni Eunice. Gusto niya kasing sabihin ni Sid yung bago sa pandinig na salitang narinig niya. Pang-asar ang ngiti ni Eunice, “Kay?!”

Nakulitan na si Sid. “Sa prinsesa ko iyan kaya ibigay mo na sa akin!”

Ngingiti-ngiti si Eunice na ibinigay ang panulat. “Palitan mo yan ha! Wala na akong ball pen e!”

“Gusto mo G-Tech point three pa e!” pagmamayabang ni Sid. Lumabas siya sa kwarto. Nawala na ang kaba niya at handa nang ibigay sa prinsesa ang panulat. “Prinsesa, ito na o.”

Saktong pag-abot niya ng panulat sa prinsesa ay bumukas bigla ang pinto. Napatingin sina Iane, Prinsesa Zurfc at Sid dito.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly