No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, March 4, 2011

Time Travel (1)

“Huh? Dave ang pangalan ko, hindi David.”

--Dave Samonte


***

CHAPTER 1

Meet Hannah


Malalaki at malilinis na buildings... Magagandang classrooms... Mahahabang hallway... Samu’t-saring mukha at porma ng mga estudyanteng dumaraan; iba-ibang lahi, iba-ibang edad. Kanya-kanyang ingay, tawanan, pasikatan. And most important of all, pakontian ng dalang gamit. That’s College life.

Hi! Ako nga pala si Dave. I’m 17 years old, freshman student. Kumukuha ako ng kursong Business Administration. Hmmm… Hindi ko naman gusto talaga yung course na yun, pero yun kasi ang gusto ni daddy para sa akin. Wala naman akong magawa. Pag kumukontra kasi ako, lagi niya akong inuunahan ng “Parents know best.” At sabi niya pa, someday raw kasi ako ang magpapatakbo ng businesses niya, na hindi ko naman gustong gawin.

Sa totoo lang, lumaki akong malayo ang loob kay daddy. Ewan ko ba kung bakit madalas mainit ang ulo niya sa akin pag nakikita ako. Daig niya pa si mommy, akala mo laging may monthly period. Ang madalas namang ipaintindi ni mommy sa’kin e,

“Hayaan mo na, may pinagdadaanan lang iyang daddy mo.”

Kung anumang pinagdadaanan niya, siya na lang ang nakaaalam nun. Pinipilit ko na lang siyang intindihin, tatay ko siya e!

Minsan nga naiisip ko, siguro ayaw sa akin ni daddy kasi ayaw niya ng set-up nila ni mommy. What I mean is, arranged marriage kasi ang nangyari sa kanilang dalawa. Baka napilitan lang sila pareho, pero paano nga naman ako lalabas sa mundong ito kung napilitan lang sila? Sigurado namang akong may “love” din sila sa isa’t isa. O baka naman anak ako from other man? Minsan kasi binibiro ako ng mga pinsan ko, ampon daw ako. Ewan ko. Natatakot akong malaman kung ano ang totoo. Ang tagal ko na kayang dinadala yung apelyidong Samonte. Kahit madalas na asar si daddy sa akin, sobrang nakakapanibago kung malalaman kong iba pala ang tatay ko.

Ang daming tumatakbo sa isip ko hanggang sa... “Drrrrrrnn!” tunog ng bell for the official lunch break.

Iisang oras lang naman nagkakatugma-tugma ang schedule ng mga estudyante rito sa University e… pag lunch time. Habang naglalakad ako sa hallway, nagulat na lang ako nang may tumapik sa balikat ko.

“Hey Dave!” si Erick pala, best bud ko.

Itong kaibigan kong ito, sa totoo lang ay masyadong mahilig sa pagkain. Lumalapad tuloy. Since elementary magkaklase na kami nito e. Pareho kami ng course ngayong College at classmates din kami. Ayaw humiwalay sa’kin. Minsan nga naiisip ko, di kaya bading ‘to? Pero hindi, may girlfriend siya e, si Nicole. Ang tagal na rin nila, since second year high school pa. Kulang na nga lang sa kanila e ikasal. Kahit ganoon, nakakatawa rin kasi madalas akong pagselosan ni Nicole. Mas matagal kasi kaming naging magkakilala ni Erick.

“Have you heard of Hannah? Yung new student sa batch natin?” tanong sa akin ni Erick.

Marami akong kilalang Hannah, pero Hannah na new student? Nah! “Hannah? Hindi e, bakit?”

“You should know her, bro! She’s a big talk today. Others are saying na may super powers daw siya or something. Alam daw niya yung mga nangyari sa past at mangyayari sa future,” pagbibida ng kaibigan ko.

Matapos marinig ang sinabi ni Erick e natawa na lang ako. “Naku ha! Marami nang nagke-claim ng ganyan. Foolishness!” sabi ko habang napapailing.

“Kaya nga! Pero bro, she’s different! Na-try ko na and ako mismo, hindi makapaniwala!” pagkumbinsi ni Erick.
“Damn, bro! Pati ikaw naniniwala sa ganun?” natatawa kong sinabi. Nagsimula na akong maglakad. Pupunta na lang muna ako sa library. Para kasing trip kong magbasa ng libro ngayon.

Nagpatuloy naman si Erick sa pagbibida kay Hannah, “Bro, Friday ngayon. Maniniwala ka bang alam niya kung ano ang kinain ko for lunch time last week, let’s say nung Tuesday?”

“Maski naman ako, alam ko. Kabisado ko na kaya ang menu sa canteen. Paulit-ulit lang naman kasi,” sabi ko.
“I know bro, pero Hannah is different! Kararating lang niya rito yesterday and how come she knows pati yung kinain ko noong dinner nung Wednesday?”

Huminto ako sa paglalakad. “Bro, ngiti ka nga,” sabi ko kay Erick na hindi naman niya pinagdalawang-isipang gawin.

“Bakit, bro?” tanong niya sa akin habang nakangiti. Kung makikita ninyo lang ang hitsura niya. Stupid! Haha!
“E may tirang pagkain pa yatang nasiksik diyan sa ngipin mo,” biro ko.
“G*go! Wala!” depensa ni Erick.
“Di kaya sa amoy ng hininga mo kaya nalaman niya?” sabi ko sabay tawa.
“F*ck you! Bahala ka na nga!” and ayun, walk-out win ang drama ni Erick.
“Hoy! Di bagay sa’yo nagtatampo! Gawain lang ng mga babae iyan!” pangangantyaw ko sa kanya, sabay takbo para habulin ang nagtampururot kong kaibigan.

Gusto ko mang paniwalaan si Erick e mas matimbang pa rin yung doubt na nararamdaman ko. Siguro maniniwala na lang ako kay Erick kung masasabi nga nitong Hannah na ito ang totoong dahilan kung bakit laging mainit ang dugo ng daddy ko sa akin. I mean what the heck had happened in the past at sobrang irita siya sa akin na pakiramdam ko pag tinitingnan niya ako e para siyang takoreng sasabog sa init? Pero siguro, hindi rin knowing the past iyon kundi going deeper into the person. Mas maaappreciate ko pa yung mga taong marunong magbasa ng isip ng ibang tao.

“Ok bro, tell me more about this Hannah girl,” sabi ko nang magpunta na nga kami ni Erick sa library at nakahanap kami ng pwesto roon. Sasabihin ko sa inyo, naku, buntot ko itong si Erick!
“Bakit pa? E you won’t believe me and HER anyway,” sagot ni Erick na inemphasize pa ang salitang HER at mukhang may itinuturo ang mga tingin niya. Doon ko na-realize na pumasok pala itong tinutukoy niyang si Hannah na may kabuntot na mga babaeng mukhang eager to know some things about their future.

Tiningnan ko si Hannah and suddenly nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam. Though tama lang naman ang lamig ng aircon sa library, pakiramdam ko e may malamig na hanging pumasok sa katawan ko at kinilabutan ako bigla.

“Siya ba si Hannah?” tanong ko kay Erick.
“Yes.”
“She’s pretty,” dagdag ko.
“But creeeeeeepy!” sabi ni Erick na sinang-ayunan ko.

Noong tiningnan ko si Hannah parang gusto kong makumbinsi na hindi siya pangkaraniwan. Isa pa… parang nakita ko na siya rati. Hindi ko lang mataandan kung saan at kailan…

Pinagmasdan ko ang mga galaw at ang paglalakad ni Hannah habang naghahanap siya ng mauupuan sa library. Sinusundan siya ng tingin ng mga estudyante na parang natatakot sa kanya. Ginagantihan naman niya ang mga iyon ng malalamig na tinging nakapangingilabot.

Maputi si Hannah. Tunay nga namang maganda siya. Lagpas balikat ang tuwid at unat niyang buhok. Tama lang naman ang pangangatawan niya at di naman ganun katangkad. At pag tiningnan mo ang mga mga mata niya, ang mukha niya, kung papansinin mo ang mga labi niya, makikita mong ang lungkot-lungkot niya. Wala kang makikitang kurba sa mga labi niya para sabihin at maisip mong ngumingiti pala siya.

“Hannah, sige na naman o! Sagutin mo na yung tanong ko,” pakiusap ng isang babaeng nakabuntot kay Hannah. Napalakas ang pagkakasabi ng babae at narinig ng librarian. Nagbigay tuloy ang librarian ng senyales na naingayan siya at nagpatunog ng bell.
“Mamaya na, may babasahin lang ako,” sabi ni Hannah sabay umupo sa katapat na mesa namin na kanina’y puno ng tao pero ngayon ay bakante na.

Tumayo naman si Erick at kunwari’y kumuha ng libro. Ewan ko kung natakot kay Hannah. Sinundan ko naman siya.

“I told you she’s different,” sabi ni Erick nang lapitan ko siya sa shelf na kinatatayuan niya. Tiningnan niya ang pwesto ni Hannah at pabulong kung makipag-usap sa akin. “Look at all those girls na nakabuntot sa kanya. They’re fanatics!” Tumingin ako sa mga babae saglit. Ang dami nga nila. Nagpatuloy si Erick, “Look at her, bro! Mamaya pag tinanong mo siya, magugulat ka na lang kasi alam niya kung ano ang pinag-usapan natin.”

Tiningnan kong muli ang pwestong kinauupuan ni Hannah pero wala na siya roon. Nakita ko na lang na palabas na siya ng library at nakabuntot pa rin sa kanya ang mga babaeng iyon. “Aaalis na siya?” tanong ko kay Erick.

“Nakulitan yata sa kasama.”

Inalis ko na si Hannah sa isip ko at lumipat ng ibang shelf. “Bro, hanap lang ako ng libro,” paalam ko kay Erick. “Sige, sige,” tugon naman niya.

Pumunta ako sa History shelf, ang shelf na bibihira lang puntahan ng mga estudyante dahil natatakot silang magbasa ng makakapal na libro. Nasa tagong parte rin kasi kaya hindi pansinin ng tao.

Habang naghahanap ako ng librong gusto kong basahin, may isang bagay na nakapukaw ng atensyon ko. Kinuha ko iyon. Hindi ito isang libro kung isang… diary.

Wala namang makikialam sa ginagawa ko kaya nga di na ako nagdalawang-isip na kunin ang diary. May kalumaan na ang pabalat ng diary. I was even surprised to see the word “Hannah’s” in its cover.

“Diary ni Hannah?” tanong ko sa saril ko, and suddenly nandoon na naman yung malamig na pakiramdam na naramdaman ko kanina. Ibabalik ko na sana sa shelf yung diary pero naglaho bigla ang shelf na kanina lang ay nasa harap ko, at nagulat ako kasi nag-iba na ang paligid ko.

“What the heck?!” nasabi ko na lang sa sarili ko.


...ITUTULOY...
(Kailan? Ewan ko. :p)

3 comments:

  1. anong susunod niyan dre? ang angas tuloy mo...

    ReplyDelete
  2. Kelan po ang kasunod? :)

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly