Dalawang araw ko nang iniisip yung pagkawala ng singsing na yun.
Ok lang sana kung pangkaraniwang singsing pero hindi e.
Magkapares ang mga singsing.
Sabay naming binili yun.
Nakailang oras din kaming pumili kasi yung talagang natipuhan ko e hindi naman nagkasya sa daliri niya until finally... nakahanap din ng akma sa daliri.
Kahapon graduation ng mga bata. Hindi magkamayaw kung ano ang uunahin ko kasi nag pa make-up sa akin ang co-teachers, sabayan pa ng pagrehearse ko dahil MC ako.
Nagbihis ako, hinubad ko yung singsing tapos naglagay ng lotion, nag-make up ng co-teachers, nag make-up ng sarili. Gulo-gulo ang lahat ng gamit sa mesa ko. Nagkahalo ang make-up paraphernalia at accessories. Lumabas ako ng room dahil kailangan na ako sa venue pero gamit pa rin ng co-teachers ang room ko kaya iniwan ko na sila. Binilinan ko na lang na paki-lock ang room.
Ok na lahat. Nagsimula na ang event. Alam ko Opening Remarks yun e... Pagkapa ko sa daliri ko wala na yung singsing. Nagulat ako. Pero kailangang ipagpatuloy ang event kaya isinantabi ko muna.
Natapos ang event. Napuri ako ng kung sinu-sino dahil sa ginawa ko. Natuwa ako sa pagkakatanggap ng papuri galing sa mga may-ari ng school.
Bumalik ako sa room, tiningnan ang lamesa. Wala ang singsing. Hinalungkat ko ang lalagyan ng accessories, wala. Tiningnan ko ang paligid baka gumulong, wala. Tiningnan ko ang bag ko, wala. Ang mga gamit ko, wala.
May ilang nakapagsabi na nakita pa nila yun sa mesa. Yung iba, nakita rin nila pero hindi na pinansin. Hindi ko na alam. Wala namang aamin kung may kumuha man. Panay kasi ang pasok ng tao sa room ko.
Alam ko sobrang nalungkot siya kasi nawala ko yung kapareha, pero gaya nga ng sabi niya... Hayaan na, bili na lang ng bago. Wala nang magagawa e nawala na.
Hanggang kanina na natulog ako... napanaginipan ko pa yung singsing. Hay... nakakainis. Dapat pala di ko na lang hinubad.
No comments:
Post a Comment