No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 17, 2011

Time Travel (6)

CHAPTER 1

CHAPTER 2

CHAPTER 3

CHAPTER 4

CHAPTER 5


***


HULING EKSENA:

Sa harapan ko ay isang maliit na sinaunang relo, wristwatch yun. Chain of gold ang design ng strap nito.

"A-ano po iyan?" tanong ko.
"Pasalubong. Nakuha ko sa isang bazaar sa disyerto. Napagkatuwaan ko. Sa'yo na lang." Inabot sa akin ni lolo ang relo. Tiningnan ko yun. "Sabi ng nagbebenta niyan e may powers daw iyan. Kaya ka raw niyang dalhin sa future or pabalik sa past." Nagulat ako sa sinabi ni lolo. At nagpatuloy siya habang nag-aayos ng ibang gamit, "Akala naman niya e maniniwala ako sa kanya e tumanda na lang ako, wala pa akong nalaman sa kasaysayan na may taong nakabalik sa past o nakapunta sa future. Alam mo naman ang mga negosyante, gagawin ang lahat makabenta lang." Nabaling ang tingin niya sa akin at nagtanong, "O, why that loook, Davy?"

Sumagot ako, "Wala po, grandpa! Na-amaze lang ako sa kwento ninyo."


***

"Lapit... Halika... Hawakan mo ako..."
--bulong


***

CHAPTER 6

Whisper


Nagulat ako nang pumasok ako at nakita si Hannah na nasa klase namin. Magkausap sila ni Erick. Napatingin si Erick sa akin pagdating ko.

"Morning bro!" bati niya.

Gulo-gulo ang mga upuan. Yun pala'y nagkaroon ng palm reading session bago pa ako pumasok. Courtesy of Hannah.

"New classmate?" tanong ko kay Hannah nang lapitan ko sila. Tiningnan lang niya ako tapos ay lumipat siya ng ibang puwesto.

Umupo ako sa tabi ni Erick, tapos ay kinalabit niya ako at may sinabi sa akin sa pinakamahina niyang boses.

"Bro, I can't believe this. Do you know what Hannah told me? Na nasa inyo raw siya kagabi! Nasa kwarto raw kayong dalawa!" Gulat na gulat si Erick. Tiningnan ko si Hannah. Kausap niya ang ilang kaklase naming babae. Di ko alam kung ano ang motibo niya para sabihin pa yun sa kaibigan ko.
"Mamaya ko na ikukwento," sabi ko sa kanya. Kasabay nun ay ang pagdating ng prof.

Nag-focus lang muna kami sa lecture. Nang magkaroon ng vacant time e saka kami nagkuwentuhan.

"Oo, nasa kwarto nga kami kagabi," sabi ko kay Erick.
"Woaahh! And meron... meron bang nangyari sa inyong dalawa?" usisa ng kaibigan ko. "Alam ni Tita Yna na nagdala ka ng babae sa room mo? Bro, binata ka na!" patuloy niya.
"Alam mo ikaw, minsan, may pagka-green minded ka rin. Wala bro, walang kakaibang nangyari," sagot ko, at ikinuwento ko ang mga nangyari mula dun sa paghawak ko sa diary ni Hannah tapos yung strange feelings and weird vision. Hindi makapaniwala si Erick sa mga sinabi ko at ang conclusion ko e, "She's different gaya nga ng sinasabi mo, bro. I bet she can travel through time, go to different places and even read people's minds!"
"Nakakatakot! Hindi na ako lalapit sa kanya!" sabi ni Erick while doing a shiverring act. Pero kinontra ko siya,
"Hindi. Hindi, bro. Mas dapat pa nga tayong lumapit sa kanya e!"
"Bakit naman?! Mamamatay ako sa takot sa mga sinasabi mo! Buti nga at hindi ako yung nakakaranas ng weird visions na yan. Mamaya hell pa yung mapuntahan ko."
"Sira! Basta. Gusto ko ring malaman kung bakit niya gustong mawala sa landas niya yung kuya niya."
"What?! Mawala sa landas? At... may kapatid siya?"

Tumango ako. "Yun ang nabasa ko sa diary."

"Paanong mawala sa landas? Like papatayin? Ganun? tanong ni Erick.
"Siguro," sagot ko na lang.

Ang dami kong gustong malaman. Unang-una, sino nga kaya talaga si Hannah? Sa anong panahon siya nabuhay? Sino yung kuya niya na gusto niyang mawala? At bakit niya kaya ako tinulungan noon, noong bata pa ako?

Bago tuluyang umuwi e pumunta muna kami ni Erick sa garden para gawin yung parusa sa amin. Nakakairita lang dahil panay ang siko sa akin ni Erick sa tuwing mapapadaan si Celine.

"Ikaw yata may crush diyan e," sabi ko kay Erick na ginagantihan lang niya ng tawa.

Umuwi ako ng bahay na maraming iniisip. Dumiretso ako sa kwarto para makapagpahinga. Binuksan ko ang lamp shade, dating gawi. Humiga ako sa kama. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Pumikit ako at nakatulog na.

Nagising na lang ako sa tunog ng piano. Umaga na pala. Laking gulat ko nang may makita akong babae. Kasama ko siya.

"A, naabala ba kita sa iyong pagtulog?" tanong ng babae sa akin. Huminto siya sa pagtugtog.
"Hindi. Hindi naman," sagot kong tila naliligaw, takang-taka. Panaginip yata ito.

Nakikilala ko ang babaeng kasama ko ngayon. Siya yung babaeng madalas na naroon sa mga pangitain ko.

"Napagod ka yata sa ipinagawa ni papá sa iyo. Hayaan mo't ilang sandali lang at maghahapunan na. Siguradong masarap ang ilulu--"
"Sino ka pala?" siyang tanong ko.

Natigilan ang babae dahil sa itinanong ko tapos ay napangiti.

"Celina."

Celina... Celina... Yun pala ang pangalan niya. Ilang sandali pa'y may narinig kaming tunog ng kampana.

"Tara, maghapunan na tayo, David," pagyaya niya.

Umalingawngaw sa isip ko ang huling pangalang binanggit niya, David. Kasunod nun, wala na akong maalala.

Kinaumagahan, habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Celine. Nakalagpas na siya nang lingunin ko siya at tawagin, "Celine!"

Huminto siya. "Bakit?" tanong niya.

"Sabay tayo kumain mamaya," sabi ko. Nagtaka siya. "Lunch time," dugtong ko tapos ay tumalikod ako at naglakad na.

Nang magtanghalian e magkakasama kami nina Erick at Nicole. Tila nagulat sila nang malamang kasabay pala naming kakain si Celine.

"Niyaya ko siya, bakit ba?" bulong ko kay Erick nang sikuhin niya ako. Parang ang gustong itanong e bakit nandito si Celine. Napangiti naman ang kaibigan ko sa isinagot ko.
"Anong gusto mo?" itinanong ko kay Celine nang pumila na kami upang bumili ng makakain.
"A, hindi ko alam," nahihiyang sagot niya.
"Meatballs na lang para pareho tayo. Paborito ko yun e," mungkahi ko.

Nang matapos akong kumain ng tanghalian e tinanong ko si Celine, "Bukas ba pwedeng sabay tayong mag-lunch uli?"

Nasamid si Erick sa narinig niya. Agad namang hinagod ni Nicole ang likuran niya at pinainom siya ng tubig.

Hindi ko na pinagtatakahan pa ang mga nangyayari. Si Celina sa panaginip ko... Alam ko at sigurado akong siya si Celine. Sa panaginip ko tinawag niya akong "David". Sa pangitain nakita ko siya. Nginitian niya ako. Niyakap pa niya ako. Ako ba si David? Hindi, hindi! Dave ang pangalan ko e! Ano ang kaugnayan nina David at Celina sa isa't-isa? Hindi kaya may kinalaman na naman si Hannah dito?

Nang magkaroon ng pagkakataon na makatakas mula kay Erick e agad kong hinanap si Hannah. Alam ko kasing bubuntot na naman sa akin si Erick at pag nangyari yun e hindi na ako makakadiskarte. Sakto namang nakita ko si Hannah na mag-isang naglalakad sa school grounds. Sinabayan ko siya sa paglalakad niya.

"May gagawin ka ba?" tanong ko kay Hannah.
"Alam ko na ang pakay mo," sabi niya.
"A talaga?" ganti ko naman. "Si Celine at Celina ba e..."

Huminto si Hannah. "Isang tao lang," sabi niya.

"Naguguluhan ako. Bakit palagi siyang nasa pangitain ko?" tanong ko.
"Simple lang. Dahil may kaugnayan kayo. Hindi ka ba nag-iisip?" sagot naman ni Hannah.

Medyo hindi ko nagustuhan ang tono niya kaya tinanong ko siyang muli.

"Bakit ba parang ang sungit mo sa akin?"
"Wala. Gusto ko lang."

Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad. Sinundan ko na naman siya.

"Ano ang kaugnayan namin sa isa't isa?" tanong ko.
"Bakit ba tanong ka nang tanong sa akin? Bakit hindi mo tuklasin mag-isa?"
"Paano ko gagawin yun e wala naman akong powers gaya mo."

Huminto na naman si Hannah. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong nagkaroon ka na ng kaugnayan sa kapangyarihan ko? Kaya sa ayaw ko man e meron ka na rin nun."

Nakakadismaya lang. Hindi ako makakuha ng kumpleto at makabuluhang sagot sa kanya. Nagdesisyon na lang akong huwag siyang kulitin at wag na sundan.

"Sige, salamat na lang," sabi ko. Pagtalikod ko e bigla naman siyang nagsalita.
"Kasintahan mo si Celina!" sabi niya. "Sa nakaraang panahon ikaw si David." Nagulat ako. Tumakbo siya palayo pagkatapos.

Kasintahan... Ibig sabihin girlfriend. Girlfriend ko si Celine noon? Pero... paano? At... iisang tao lang sila? Paano yun? Ibig sabihin from the past e pumunta siya rito sa panahong ito? Pero bakit? Hay! Dumami lalo ang tanong ko.

Nang matapos ang araw ay umuwi ako agad. Tinapos na ni Mr. Sanchez ang parusa niya sa amin. Hindi na rin ako sumama sa gimik nina Nicole, Erick at ng iba pa naming kaibigan kahit na nagyaya sila.

Makulimlim ang langit. Mukhang uulan kaya nagmadali na rin akong umuwi. Pagdating ko sa bahay e agad akong dumiretso sa kwarto. Buti at di ako naabutan ng ulan. Gaya ng palagi kong ginagawa e lamp shade lang ang binuksan ko. Sa pagkakataong yun ay umulan na.

Humiga ako sa kama, tulala. Nagulat na lang ako sa tunog ng hangin na humampas sa kurtina ng bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at isinira ang bintana. Pagsara ko nun ay namatay bigla ang ilaw ng lamp shade.

"Psss! Brownout!" bugnot na pagkakasabi ko. Kasunod nun ay may narinig akong bulong. Naalarma ako.
"Lapit... lapit..." sabi ng bulong.

...ITUTULOY...

TCAF LINKS:

ll CHAPTER 1 ll CHAPTER 2 ll CHAPTER 3 ll CHAPTER 4 ll CHAPTER 5 ll

2 comments:

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly