Ang kulit lang.
Kahapon nag-screen kami ng mga bata, ages 5-7, kasi yung school kung saan ako nagwowork e may summer program na Libreng Pag-aaral sa Kinder.
This program is for the less fortunates na walang kakayahang mapag-aral ang mga anak nila sa Kinder.
Itong program na ito e crash course. Ibig sabihin pag ganun, ang kukunin e mga batang sabihin na natin, e maalam na sumulat, magbasa at magbilang. Yun ay sa kadahilanang short lang ang span ng program, 8 weeks. (Para kang nag summer class sa College, yung tipong ia-advance mo yung iba mong subjects.) At kung hindi naman makakapasa ang mga bata e hindi sila pupwede. Ang mga hindi pa maalam magbasa, magbilang at magsulat, ultimo yung sa pag-identify ng colors, ay need na mag-apply for a whole school year program kasi di sila uubra sa summer program.
May mga iilan kaming na-screen na wala talagang background, hindi marunong magsulat, magbasa at magbilang. Ibig sabihin nun e hindi na sila kasama sa program kasi hindi na na-meet ang qualifications.
Although nakakapagod dahil ang dami talagang dumating para magparegister e masaya naman. Nakakatawa ang mga bata. Habang ini-screen ko sila e ito ang mga katuwa-tuwang napansin ko.
PAGSUSULAT...
AKO: Marunong ka na bang magsulat?
BATA: Opo.
AKO: Kaya mo na bang isulat ang pangalan mo?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga. Bibigyan kita ng papel at lapis tapos isusulat mo yung pangalan mo. *bigay ng papel at lapis*
BATA: *sulat sulat*
Tapos napansin ko na ginagaya niya lang pala yung isang pangalan na nakasulat doon sa papel.
AKO: Teka, teka. Hindi mo gagayahin yang pangalan na yan. Isusulat mo kung ano ang pangalan mo.
BATA: Ay, hindi ko po alam e. :razz:
PAGBABASA...
AKO: Alam mo ba kung ano itong nasa papel na hawak ko?
BATA: Opo.
AKO: Ano ito?
BATA: ABC
AKO: Very good! Ang tawag dito ay alphabet. Alam mo ba kung ano ang mga ito?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga titingnan ko.
Noong una, tinuro ko ang pagkakasunod-sunod ng alphabet at nagawa naman ng bata iyon.
AKO: Wow! Ang galing na pala mag-ABC e!
Tapos nagturo ako ng letters (random letters) at doon ko nalamang alam ng bata ang pagkakasunod-sunod ng alphabet pero noong tinuro ko na yun isa-isa (random) e hindi niya na alam. :p
PAGBIBILANG...
AKO: Alam mo na ba kung paano magbilang?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga. Meron ako ditong popsicle sticks. Pwede mo bang bigyan si teacher ng five na popsicle sticks?
BATA: *bigay ng popsicle sticks*
AKO: Ang galing a! Ngayon naman bigyan mo ako ng SIYAM na popsicle sticks.
BATA: Hindi ko alam e!
AKO: A o sige. Bigyan mo na lang ako ng seven popsicle sticks.
BATA: *bilang* One, two, three, four, five, six, seven
Doon ko napansing english pala magbilang ang bata. Kaya pinaulit ko yung isa.
AKO: Sige, sige. Bigyan mo ako ng nine na popsicle sticks.
At ayun... nagawa niya. Hindi niya alam kung ano ang SIYAM. Ang alam niya... NINE. :p
Hanggang dito na lang yung ikukuwento ko. Ang haba na e. :roll:
No comments:
Post a Comment