CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
"I can't believe this. Do you know what Hannah told me? Na nasa inyo raw siya kagabi. Nasa kwarto raw kayong dalawa! Meron... meron bang nangyari sa inyo?"
--Erick Villa
CHAPTER 5
An Unexpected Guest
Nang makauwi ay agad akong dumiretso sa kwarto. Isinara ko nang maigi ang pinto para walang ibang pumasok at ang tangi ko lang na binuksan ay ang lampshade na nakapatong sa study table ko. Inilabas ko sa bag ang diary ni Hannah at sumalampak sa higaan. Mariin kong tiningnan ang pabalat ng diary. Hinintay ko munang magdilim at gumabi bago ko tuluyang binuksan iyon. Gusto ko kasi ng may thrill na environment bago ko basahin yun, parang yung sa horror movies ba.
"Ano kayang meron dito?" ang nasa isip ko bago ko buksan. At hayun, binuksan ko na nga. "Dis. 25," ang petsang nakita ko sa unang pahina ng diary. "Dis.? December?" tanong ko sa sarili. Wala man lang taon kung kailan isinulat ang entry pero mukhang matagal na ring nag-eexist ito dahil luma na ang pabalat. Binasa ko ang nilalaman ng diary.
Pasko ngayon. Wala akong ibang natanggap kina mamá at papá kundi ang talaarawang ito. Nakakainis! Walang kwenta! Nagagalit ako kay kuya kasi siya ang paborito ng lahat. Ngayon nga ang dami niyang regalong natanggap. Bakit? Dahil ba espesyal siya? Dahil may sakit siya at malapit nang mamatay? Kung ako kaya ang magiging espesyal, mapapansin kaya ako nina mamá at papá? Kung gagawa siguro ako ng paraan para madugtungan ang buhay ni kuya e matutuwa sila sa akin. Pero hindi e! Mas maigi na nga sigurong mamatay na lang siya.
Nangilabot ako sa nabasa ko. Gusto ni Hannah na mamatay ang kuya niya? "Pero bakit?" tanong ko sa sarili.
"Bakit gusto mong malaman?" isang boses. Napatingin ako malapit sa pintuan dahil doon ko narinig ang boses at mula sa kung saan, malapit sa pintuan, ay lumabas si Hannah!
Nagulat ako nang makita siya na nasa loob na ng kwarto ko. Agaran kong isinara ang diary at sinabihan siya ng, "Trespassing!"
"Invasion of privacy!" ganti niya.
Natahimik ako at tiningnan ang diary. Gusto ko sana itong itago pero sigurado nang nababasa ni Hannah ang mga kilos ko.
"Akin na," sabi niya. "Alam ko ang mga mangyayari. Ibibigay mo iyan sa akin." Nilapat niya ang mga kamay niya, yung tipong gustong kunin ang diary.
Pero hindi, hindi pa sapat ang alam ko. Gusto ko pang lalong makilala si Hannah at makaalam ng mga bagay tungkol sa kanya.
"Kung gusto mo akong makilala edi magpapakilala na lang ako sa iyo," sabi niya.
Pambihira! Nasa isip ko pa lang yun!
"Sasabihin ko sa iyo, wala kang mapapala sa diary ko," patuloy ni Hannah. "Nakasaad na... na ibibigay mo sa akin iyan pagbilang ko ng isa..." Nagsimula na nga siyang magbilang ngunit naging matigas ako.
"Hindi ko ibibigay," sabi ko.
"Dalawa."
"Hindi ko ibibigay."
"Tatlo!"
"Hindi ko ibibigay!"
Pagkasabi ko nun e bigla na lang napatingin si Hannah sa pintuan. May mga yabag ng paa. May palapit sa kwarto ko!
"Daaaave!" pagtawag ni mommy. Lumakad nang paatras si Hannah at kitang-kita ko, sa pamamagitan na rin ng kakarampot na ilaw ng lampshade, kung paano siya nawala. Tumagos siya sa pader.
Kumatok si mommy sa pinto ng kwarto. Pinatay ko ang lampshade at binuksan ang ilaw sa kwarto. Habang binubuksan ko ang pinto ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig, the same old feeling pero di ko pinansin.
"Bakit 'my?" tanong ko nang sumilip ako sa pintuan at nagulat na lang ako nang may makita akong isang dalaga, at kasabay nun ang pagbabago ng lugar sa paligid ko. Tiningnan ko ang paligid. Nag-iba na ang ayos ng kwarto ko. "Sabi na," bulong ko.
Balik uli ang mga mata ko sa dalaga. Tiningnan ko siya. Nakasuot siya ng uniporme, naka-slacks na itim at blusang puti.
Mulat sa likuran ko ay may tumabig sa aking isang kamay, kamay ng lalaki. Nagulat ako nang hawakan ng taong iyon ang door knob at tuluyan niyang binuksan ang pinto at hindi man lang niya ako napansin.
"Pasok," sabi ng lalaki.
Pumasok ang dalaga. Inilapag niya sa lamesita ang dalang shoulder bag at dumaing sa lalaki.
"Ang hirap ng exam," sabi niya.
Ngumiti lang ang lalaki at isinara na ang pinto.
"Hay! Naturta yung utak ko," patuloy ng dalaga. Humiga siya sa kama. "Gene, pahubad nga ng sapatos ko."
"Yes, my princess," tugon naman ng lalaki.
Nakikilala ko kung sino ang dalagang yun: si mommy. Noong maliit pa ako, hilig niya ring pahubarin sa akin ang sapatos niya pag galing siya sa trabaho. Pero... sino... sino si Gene?
Sa isang iglap ay naglaho ang pangitain.
"Sunod ka na lang sa baba ha, Dave!" narinig ko na lang.
Bumalik na pala ako sa reyalidad at nakita ko si mommy na palayo na, pababa na ng hagdanan. Nataranta ako bigla. Itinago ko muna ang diary sa bag ko at gaya ng sinabi ni mommy e bumaba ako. Pag baba ko e nakakita ako ng di inaasahang tao: si lolo! Nag-uusap sila ni mommy.
"Oh my, Davy is here!" sabi ni lolo nang makita ako.
"Grandpa!" Na-excite naman ako nang makita si lolo, my mom's dad! Ang tagal niya na kasing hindi umuuwi sa Pinas. Agad kong nilapitan si lolo at umangkas sa likod niya.
"Ay ay ay! Ang rayuma ko!" pabirong sabi ni lolo. Tinawanan ko lang siya. Na-miss ko yung ganun. Noong bata pa kasi ako madalas ko siyang sakyan sa likod.
"Dave!" saway naman ni mommy pero hindi ko siya pinansin.
"Kumusta, grandpa?" tanong ko kay lolo.
"Heto, pogi pa rin at matinik sa chicks," sabi ni lolo sabay kindat.
Hinampas siya ni mommy sa braso. "Dad, mamaya maniwala sa iyo yang si Dave. At naku ha... ang age!"
"Kalabaw lang ang tumatanda," tugon naman ni lolo. "Itong mommy mo talaga nakapa KJ! Hindi na lang maki-ride," sabi ni lolo sa akin. Ngumisi ako. Pagkatapos nun ay inakbayan ako ni lolo at niyaya sa kwartong tinutuluyan niya pag umuuwi siya rito sa bahay. Sabi niya ay may ipapakita siya sa akin.
"Dad, hindi ko pa naipalinis yung kwarto," sabi ni mommy.
"Nevermind, Yna. Lagi namang ganyan ang sinasabi mo sa tuwing umuuwi ako. At huwag ka nang sumagot dahil alam ko na kung ano ang isasagot mo. Sasabihin mo na namang 'E biglaan ka kasi umuwi!'" sagot ni lolo na nakangisi.
Si Artemio Rubio, o Art para sa karamihan ang paborito kong lolo. Noong bata pa ako e madalas kaming magkita pero habang lumalaki ako e naging bihira na lang. Nangibang-bansa kasi siya, somewhere in U.A.E. raw sabi ni mommy at ang kwento pa ng katulong namin e marami siyang hidden agenda. Sixty five years old na si lolo at sa kabila ng edad e malakas na malakas pa rin ang pangangatawan.
"How's life?" tanong ni lolo nang magpunta kami sa sa kwarto niyang nasa first floor ng bahay namin. Naroon na ang ilan niyang maleta. Mukhang kabubukas lang ng kwarto. Ang ibang gamit sa loob ay natatakluban pa ng kumot para hindi maalikabukan.
"Maayos naman po," sagot ko.
"Kinuwentuhan ako ng mommy mo, madalas daw kayong mag-away ni Rick," sabi ni lolo.
"Grandpa, hindi ako ang nang-aaway. Siya ang umaaway sa akin," sagot ko.
Tiningnan ako ni lolo at napailing. Kasunod nun ay nagbukas siya ng maleta at may inilabas doon, ipinakita sa akin. Sa harapan ko ay isang maliit na sinaunang relo, wristwatch yun. Chain of gold ang design ng strap nito.
"A-ano po iyan?" tanong ko.
"Pasalubong. Nakuha ko sa isang bazaar sa disyerto. Napagkatuwaan ko. Sa'yo na lang." Inabot sa akin ni lolo ang relo. Tiningnan ko yun. "Sabi ng nagbebenta niyan e may powers daw iyan. Kaya ka raw niyang dalhin sa future or pabalik sa past." Nagulat ako sa sinabi ni lolo. At nagpatuloy siya habang nag-aayos ng ibang gamit, "Akala naman niya e maniniwala ako sa kanya e tumanda na lang ako, wala pa akong nalaman sa kasaysayan na may taong nakabalik sa past o nakapunta sa future. Alam mo naman ang mga negosyante, gagawin ang lahat makabenta lang." Nabaling ang tingin niya sa akin at nagtanong, "O, why that loook, Davy?"
Sumagot ako, "Wala po, grandpa! Na-amaze lang ako sa kwento ninyo." Nagawa ko pang magpasalamat, "Thanks dito sa watch. I like it. Very unique!" Nginitian ako ni lolo.
Hindi nagtagal ang pag-uusap namin dahil dumating ang katulong dala ang walis. Aayusin daw muna ang kwarto ni lolo. Sinundan iyon ng pagdating ni mommy at sinabihan niya akong aalis muna sila ni lolo dahil pakakainin daw niya si lolo roon sa resto na pagmamay-ari ng kaibigan niya. The best daw kasi ang pagkain doon. Sinabihan naman ako ni lolo na bukas na lang kami magkwentuhan. Marami rin siyang gustong itanong sa akin. Bumalik ako sa kwarto dala ang relong ibinigay ni lolo. Ipinatong ko lang yun sa study table at hindi na ginalaw. Sa pagpasok ko pa e bigla kong naalala ang diary. Nagmadali akong tingnan ang bag na pinaglagyan ko nun. Pagbukas ko ay napailing na lang ako. Wala na ang diary ni Hannah. Bakit ko ba kasi iniwan? Hay... Di ka talaga nag-iisip, Dave!
No comments:
Post a Comment