Minsan hindi ko rin maintindihan si Madam Principal...
MADAM: Pag may tanong kayo, sa akin kayo magtanong, huwag sa co-teachers ninyo.
Dahil end of classes na e kung anu-anong forms ang pina-a-accomplish sa amin... na wala akong kamalay-malay kung paano fill-up-an kasi nung nag-aaral pa ako sa Kolehiyo e hindi naman kami na-exposed sa kung anu-anong forms.
Hindi ko alam ang gagawin dun sa binigay na tinatawag nilang "Form 18" (na na-delay nang ibigay ng Admin office kaya kaming mga high school teacher e hindi agad nakapag-pa-clearance at nahuli na ang sahod namin, kasi di pa kami pirmado ng Principal) e lumapit ako kay Madam, pero bago ako lumapit sa kanya e nagtanong ako sa co-teacher ko (ako na pasaway, sige!).
AKO: Ma'am, ano po bang ilalagay rito? *turo sa form*
Ma'am A: Hindi... ko alam e.
AKO: A sige po, salamat po.
Lumapit na ako kay Madam para magtanong.
AKO: Ma'am, ano po bang ilalagay rito?
MADAM: Hindi mo ba nakita yung gawa ng ibang teachers?
AKO: Hindi po e.
MADAM: Itanong mo kay Ma'am A...
Windang naman ako dun kasi siya na mismo ang nagsabi na kung may tanong e sa kanya lumapit at wag sa co-teachers.
MADAM: Itanong mo kay Ma'am A... *continuation* ... ALAM NIYA YAN.
AKO: E ma'am lumapit na po ako kay Ma'am A, sabi niya po di niya po alam. :confused:
MADAM: Itanong mo sa office.
AKO: A, sige po. *out*
Ayun... Nagtanong na lang din ako sa ibang teacher. Tapos kanina nung na-accomplish ko yung form (kasi sabi ng ibang teachers ganun daw ang dapat ilagay) at ipinasa ko na kay madam e may nakita siyang error.
MADAM: O bakit hindi naka-decimal ito?
AKO: E ma'am sabi po kasi ng ibang teacher fraction po ang ilagay e.
MADAM: Ayan kasi, di ba sabi ko pag may tanong kayo, sa akin kayo magtatanong. Kasi pag sa iba, mali-mali yan. O tingnan mo. Palitan mo iyan.
Hay... Ayun... Nalilito ako sa kanya. Pabago-bago ang isip. Wala. Tahimik na lang ako. Sabi niya kasi sa akin noon, siya ang boss kaya dapat siyang sundin. Ayaw niya kasing nagdadahilan ka e, hindi ka niya pakikinggan. Pero may times naman na mabait siya talaga.
At ayun... natapos din pirmahan ang clearance ko. Nakuha ko na yung sweldo... pati 13th month pay... tapos may binigay pa na pera para dun sa mga umattend ng 2-day-seminar. Ang galing. Nag-seminar ka na, may free lunch, tapos may pera ka pa.
May schedule pa next month. Busy busy ako...
April 4 - 8 (Seminar)
April 11 - June 3 (Summer Program, Project 1-11)...
With incentives. Salamat sa blessings... Hindi ako pulubi sa bakasyon. Haha!
No comments:
Post a Comment