Hindi ko type ang isda at dahil bumili at kumain ako ng manok ngayon, ang daming dinakdak sa akin na nauwi sa kung anu-anong sumbat. Akala naman nakagawa ako ng mabigat na krimen. Nakapatay ba ako ng tao? Aba e galit na galit sa akin.
Edi sana naglagay ka ng malaking sign sa refrigerator na bawal kumain ng manok. Ewan ko, never akong naging observant sa Holy Week. Ang alam ko lang pag Holy Week e nagdadasal at nanonood ng mga panoorin tungkol kay Kristo. Hindi ko alam kung anu-ano yung mga bawal-bawal. At hindi ko alam kung bakit nga ba may mga bawal-bawal na yan.
Tradisyon sabi niya. Pag sinabing bawal, bawal! Sumunod ka sa tradisyon! Hindi raw ba naituro ng teacher namin yun? Na bawal kumain ng karne pag Holy Week? Ang sagot ko naman, Hindi! Sa Catholic school ako nag-aral noong High School pero wala namang nabanggit na ganun. Palibhasa naman kasi e April pala ang Holy Week at pagdating ng March e tapos na ang klase, so paano pa maituturo. Wala naman yatang subject matter na HOLY WEEK. Sorry po, hindi ako educated sa kung anu-anong tradisyon pag Holy Week. Edi sana pala ikaw na lang ang nagsabi at nung nakaraan mo pa sinabi sa akin na bawal na pala kumain ng karne, hindi yung nagagalit ka sa akin bigla at para kang nag-ala-monster nung nagtanong ka ng, Sino ang bumili ng manok na ito?!!!!! Rarrrr! Sabi ko, puntahan niya na lang yung tindahan ng lechon manok at sabihan niya na bawal ang manok ngayon. Sinasabi pang bawal ang karne e ang dami ko ngang nadaanan na tindahan ng barbecue? Dun ka magalit!
Ang sinabi niya e, noong bata pa raw siya naituro daw sa kanila ng teacher niya yun. Ang sabi ko e, Paki paliwanag sa akin kung bakit bawal kumain ng manok ngayon. Hindi naman masagot. Akala ko ba naituro ng teacher nila? E bakit hindi niya nasagot yung sinabi ko? Ano ba ang purpose ng di pagkain ng manok? E sa di ko trip ang isda e. Mapupunta na ba ako sa impyerno dahil lang sa pagkain ng manok?
Tapos may mga narinig pa akong...
Bakit ganyan ka sumagot sa akin? Purkit ba malaki ka na?
Hindi ako sumasagot nang wala sa katwiran. Ang gusto ko lang malaman e kung bakit bawal kumain ng karne. May nakita ako sa isang website na pwede naman palang kumain ng karne. Hindi naman pinipilit na huwag kumain. Nasa sa iyo na lang daw yun kung kakain ka o hindi.
Palibhasa kasi may trabaho ka na!
Siguradong pag wala naman akong naging trabaho parehong complaint lang ang maririnig ko.
Pag nagkaanak ka, may magmamana ng ugali mo!
Sana nga. Mukhang magkakasundo kami.
and the best line is...
Ma-karma ka sana!
Hebigats! Sinumpa na ako ng nanay ko. *lol*
Wag po kayong mag-alala, bukas magtutubig na lang ako. Matahimik lang ang kaluluwa ninyo. *mad*
P.S.
Kung may nakakaalam man po ng verse sa bible na nagsasabing bawal kumain ng manok pag Holy Week, pwede po ba pakicomment na lang dito? Salamat po.
oo nga naman.. kami nga pork pa kinain nung holy week.. di naman tumutol si mama..
ReplyDeletemga kasabihan.. kasabihan na di mo alam kung papaniwalaan mo o hinde.