Kanina ang ingay-ingay ng mga Kinder. Ayaw ko namang magalit kaya sabi ko na lang e...
AKO: Sige! Ang mag-ingay lalagyan ko ng tape ang bibig! (sabay salansan ng tape)
LAHAT: *Tahimik*
Wala talagang nag-ingay. Yun lang pala katapat nila. :))
Sana applicable din sa high school. *lol*
Pages
No to Plagiarism!
ANYD's NOTE:
It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.
Wednesday, April 27, 2011
Tuesday, April 26, 2011
KSP... Kaloka (na naman)!
Eksena ng estudyante namin sa Kindergarten Summer Program...
Habang tinitingnan ko ang mga sinusulat ng mga bata sa kanilang notebook e tinawag ako ng isang estudyante.
DENMARK: Teacher, teacher!
Lumapit naman ako sa kanya at nagtanong.
AKO: O bakit?
DENMARK: Teacher, teacher, yung mata mo po, parang mata ng aswang.
AKO: *lol* Hindi ah!
Ako na may malabong mata! *lol* Dapat pala talaga clear contacts na lang yung binili ko.

Labels:
Buhay Titser
Friday, April 22, 2011
Time Travel (7)
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
HULING EKSENA:
Makulimlim ang langit. Mukhang uulan kaya nagmadali na rin akong umuwi. Pagdating ko sa bahay e agad akong dumiretso sa kwarto. Buti at di ako naabutan ng ulan. Gaya ng palagi kong ginagawa e lamp shade lang ang binuksan ko. Sa pagkakataong yun ay umulan na.
Humiga ako sa kama, tulala. Nagulat na lang ako sa tunog ng hangin na humampas sa kurtina ng bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at isinira ang bintana. Pagsara ko nun ay namatay bigla ang ilaw ng lamp shade.
"Psss! Brownout!" bugnot na pagkakasabi ko. Kasunod nun ay may narinig akong bulong. Naalarma ako.
"Lapit... lapit..." sabi ng bulong.
"Hindi ka makakaalis sa panahong ito hangga't hindi mo matututunang mahalin si Celina."
--Hannah
CHAPTER 7
David, my Son
"Lapit... lapit..." sabi ng bulong.
Nanggagaling yun sa study table ko.
"Halika... Halika..." pag-anyaya nito na habang nagpapatuloy ay naririnig ko lalo nang mas malinaw at mas malakas.
Nakabibighani ang boses. Lumapit ako sa lugar kung saan iyon nanggagaling.
"Kunin mo... Hawakan mo... Hawakan mo..."
"Ang alin?" tanong ko.
"Ako," lumiwanag ito.
"Ang relo..." bulong ko.
Lumiwanag ang relong ibinigay sa akin ni Lolo Art. Kulay ginto ang liwanag. Sobrang liwanag. Nakasisilaw. Nakabibighani ang liwanag.
"Lumapit ka... Hawakan mo..." sabi nito.
Para akong isang aliping sumusunod sa kung anumang sinasabi ng nakabibighaning boses. Hinawakan ko ang relo.
"Isuot mo..."
Isinuot ko pa iyon sa kamay ko. Nang isinuot ko na ay nawala ang ilaw nito na lubusang ipinagtaka ko. Pero di pala roon natatapos ang lahat.
"Ikutin mo... ang pihitan... Ikutin mo... Pabalik."
Inikot ko ang pihitan gaya ng sinasabi ng boses, at sa pag-ikot ko nun, biglang humangin nang malakas. Ang bintanang isinara ko ay biglang bumukas. Narinig ko ang tunog ng mga nag-gagalawang gamit sa silid ko dahil sa lakas ng hangin. Naririnig ko rin ang pagbabaklasan ng mga gamit sa kwarto ko na parang dinadala ng malakas na malakas na hangin. Hindi ko kaya ang lakas ng hangin! Tinabunan ko ang mukha ko. Parang pati ako ay matatangay!
Pagkatapos nun ay kadiliman. Wala na akong maalala sa mga sumunod na pangyayari. Namalayan ko na lang na nakahiga ako sa isang matigas na higaan.
Nasaan ako?
Bumangon ako at nakaramdam ng kirot sa tagiliran ko, masakit pero kaya namang tiisin. Tumayo ako at inangat nang bahagya ang pang-itaas kong damit kung saan nararamdaman ko ang kirot. Teka, bakit ganito ang suot kong damit? Nakasuot ako ng long sleeves na damit, gaya ng damit na isinusuot ng mga mangingisda at magsasaka na napapanood ko sa TV. Sa pagtaas ko sa aking damit ay nakakita ako ng nakatapal na tela sa tagiliran ko. May dugo! Paano ko nakuha ito?
Pinagmasdan ko rin ang paligid ko. Nasa isang silid ako. Malinis ang kwarto bagama't di ito kalakihan. Maaliwalas din iyong tingnan. Kawayan ang sahig. Kahoy ang pader at kisame. Nilibot ko ang silid.
"O bakit bumangon ka na?" tanong ng isang babae sa akin. May edad na ang babae at puti na ang karamihan sa kanyang buhok. Inalalayan ako ng babae papunta sa higaan. "Hindi ka pa magaling. Dapat nagpapahinga ka lang."
Ayoko nang humiga sa matigas na higaan kaya sinabihan ko ang babae, "Pero, Inang, ayos na po ang lagay ko. Malakas na po ako."
Nagtaka ako sa sinabi ko. Sinabihan ko ang babae ng "Inang"?
"Hay, ikaw talaga, David! Napakatigas ng ulo mo."
Kasunod nun ay may pumasok na batang babae at sabik na sabik nang makita ako, "Kuya David! Ayos ka na?" Yumakap siya sa akin.
"Ayos na, Mayumi," sagot ko sa bata. Teka, papaanong nangyaring kilala ko ang batang babaeng ito?
Pinagsabihan ng babaeng kasama ko ang bata, "Mayumi, dahan-dahan sa pagyakap sa kuya mo. Ang sugat niya baka matamaan mo. Lumabas ka na muna at magpapahinga pa ang Kuya David mo." Lumabas na ang bata. Bumaling sa akin ang babae, "Sige na, David, anak, magpahinga ka na muna. Hindi ka pa lubusang magaling." Kinumutan pa ako ng babae bago umalis.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit tinawag ko ang babae na "Inang"? Bakit alam ko ang pangalan ng batang babae? Bakit tinatawag nila akong "David"? No, no, no! Don't tell me na part ito ng past? Hindi! Panaginip lang ito. Panaginip... Bukas wala na ito. Tama. Matutulog na lang muna ako. Pumikit na ako...
Kadiliman... Tapos ay tunog ng kampana. Nagising na ako.
Naloko na! Nandito pa rin ako sa kwarto. Madilim ang paligid. Walang kuryente? Bumangon ako at hinanap ang daan palabas ng kwarto. Nang makalabas na ako ay nakaaninag ako ng liwanag. Sinundan ko iyon. Napunta ako sa kusina nang dahil sa pagsunod ko sa liwanag. Naroon ang babaeng tinatawag kong "Inang". Naghahanda siya ng makakain. Tinanong ko siya.
"Inang, wala po bang kuryente?"
Natawa si Inang. "Itong batang ito. David, mula nang isinilang ka wala na tayong kuryente."
"A ganun po ba? Pasensya na, Inang, medyo nananaginip pa yata ako," sabi ko na lang.
"Madalas namang mangyari sa iyo iyan."
May naaninag akong nakapaskil sa dingding. Lumapit ako doon at nakakita ng isang kalendaryo.
"Abril, 1925."
What?! Hindi! Ang lahat ng ito ay joke!
Naabala ako nang may humatak sa pantalong suot ko. Pagtingin ko'y si Mayumi pala.
"Kain na tayo, kuya," sabi niya.
"Maigi pa nga," tugon ni Inang.
Pinagsaluhan namin ang inihandang lutong gulay ni Inang. Matapos maghapunan ay lumabas ako ng bahay. Malamig ang simoy ng hangin. Naririnig ko ang pagaspas ng mga dahon. Napakatahimik ng paligid.
"Kuya David," narinig kong pagtawag sa akin.
Lumingon ako, "Mayumi, anong ginagawa mo rito? Pumasok ka na at baka mahamugan ka pa."
Tinitigan ako ni Mayumi.
"O bakit ganyan ang tingin mo?" tanong ko.
"Huwag ka nang makikipag-away ha?" sabi niyang tila nakiki-usap.
"Kailan pa ba ako nakipag-away?"
"Araw-araw!"
"Araw-araw ba ako nakikipag-away?"
Tumango si Mayumi. "Magpakabait ka na ha?" sabi niya. Ngumiti ako.
Hindi ko pa nga naiintindihan sa ngayon kung nasaan na ba talaga ako, o kung sino ba talaga ako sa panahong ito. Tinanong ko kay Mayumi kung paano ko nakuha ang sugat na nasa tagiliran ko. Nagtaka pa siya sa itinanong ko, pero kalauna'y sinabi niyang nasaksak ako ni Antonio, ang lalaking karibal ko kay Celina.
Lumipas ang oras. Tahimik lang ako. Naninibago ako sa mga tao sa paligid ko. Si Inang at si Mayumi... sila siguro ang pamilya ko sa panahong ito.
Nang lumalim ang gabi e niyaya ako ni Inang. Matulog na raw kami. Kailangan ko raw ng maraming pahinga para agad na gumaling ang sugat ko.
Kinaumagahan, nag-ayos ako ng sarili. May kung ano kasi sa loob ko na nagsasabing may kailangan akong puntahan. Tinanong ako ni Inang nang makita niya ako,
"Saan ang patungo mo, David?"
"Sa trabaho po, Inang," sagot ko.
"Mahabagin! Hindi pa nga magaling ang sugat mo!" pag-aalala ni Inang sabay antanda ng krus.
"Inang, kung hihintayin ko pang gumaling ang sugat na ito ay baka isang araw magising tayong wala na pala tayong makain. Kailangang kumayod, Inang. Huwag po kayong mag-alala. Hindi naman ito nakamamatay."
"Ano bang hindi nakamamatay? E nasaksak ka nga!"
"Inang, buhay pa po ako."
Napailing si Inang. "Matagal ko na kasing sinasabing umalis ka na sa tahanan ng mga Gomez, ayaw mo pa rin."
Hindi ko na pinakinggan si Inang. Nagmano ako sa kanya, "Paalam po, Inang," at lumabas na ng bahay suot ang isang sumbrerong gawa sa buri.
"Mag-iingat ka David, anak," sabi ni Inang habang ako ay papalabas ng bahay.
Naglakad na ako. Pinagmamasdan ko ang bagong kapaligiran kung nasaan ako ngayon. Kung mayroon lamang isang taong makapagpapaliwanag sa akin ng mga nangyayari ngayon, pasasalamatan ko talaga siya. Ang ibig kong sabihin e sana man lang e lumitaw si Hannah.
Sa paglalakad ko, laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Tumigil ako. Tinanggal ko ang sumbrero ko at yumuko upang batiin ang dilag na nasa harap ko ngayon, "Magandang umaga po, señorita." Sinuot kong muli ang sumbrero at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan ko lang ang dalagang nakasalubong ko. Nagtaka ako bigla sa ikinilos ko.
"Sandali lang, David!" sabi niya. Tumigil akong muli at nilingon siya. Nagpatuloy siya, "Papunta sana ako sa inyo. Gusto ko lang sanang malaman kung... kung bakit ilang araw ka nang wala sa halamanan. Ang sabi ni papá baka raw abala ka lang. Pero hindi niya pala alam kung ano ang totoong nangyari. Ang sabi... ang sabi ni Ate Sophia nag-away daw kayo ni Antonio. May ginawa raw siyang hindi maganda sa iyo."
"Wala po, señorita, abala lang nga ako," tugon ko. "Sabayan ninyo na po ako sa pagpunta sa hacienda, señorita." Nauna na akong maglakad.
"Teka lang, David!" lumapit siya sa akin. "Hindi ako mapalagay. Alam kong may itinatago ka sa akin."
"Wala po, señorita. Tara na po." Sabay kaming naglakad papunta sa hacienda... kung saan man iyon.
Hindi ko maintindihan... Ang sabi ni Hannah kasintahan ko si Celina pero bakit tinatawag ko siyang "señorita"? At bakit wala akong maramdamang kakaiba? Ang ibig kong sabihin e yung kilig o anuman?
Nang makarating na kami sa dapat puntahan e humingi ako ng paumanhin kay Celina dahil magsisimula na ako sa gawain ko. Sa isang magarang bahay ako napadpad. Kumuha ako ng walis at winalisan ang mga tuyong dahon sa paligid. Teka, tama ba itong ginagawa ko? Naglilinis ako?!
"Aba, nandito na pala si David!" sigaw ng isang babae. Nakita ko siyang nakadungaw sa isang bintana. "Papang! Nandito na si David!" Sumilip sa bintana ang isang matandang lalaki. Ngumiti iyon nang makita ako.
"Magandang umaga po, Don Hernan," pagbati ko sa matandang lalaki.
TCAF LINKS:
ll CHAPTER 1 ll CHAPTER 2 ll CHAPTER 3 ll CHAPTER 4 ll CHAPTER 5 ll CHAPTER 6 ll
Labels:
Time Travel
Thursday, April 21, 2011
Kids Don't Lie
At bigla naman akong naniwala sa sabi-sabi na yan, na ang mga bata raw ay hindi nagsisinungaling.
Eksena sa Kindergarten Summer Program...
Naglilibot ako sa room at nagsasaway ng mga maiingay habang ang co-teacher ko e nag-didiscuss. Dalawa kaming naghahandle sa isang classroom. Pumwesto ako sa likuran at sumandal sa pader nang tawagin ako ng batang nakaupo sa kaliwa ko.
ANGELO: Teacher, teacher!
Si Angelo... Siya yung madalas lumapit sa akin at bigla na lang nagsasabi ng, "Teacher, hindi ako makulit; Teacher, hindi ako maingay; o di kaya naman e Teacher, hindi po ako nang-aaway." Lagi ko naman siyang sinasabihan ng very good dahil dun.
At ayun na nga, tumingin ako kay Angelo dahil tinawag niya ako.
AKO: Bakit?
ANGELO: Teacher, ang ganda mo po.
Wahahahaha! Napangiti ako ni Angelo. Gusto ko tuloy siya tatakan ng star sa kamay dahil sa sinabi niya. *lol*

Wednesday, April 20, 2011
Nang dahil sa manok...
Hindi ko type ang isda at dahil bumili at kumain ako ng manok ngayon, ang daming dinakdak sa akin na nauwi sa kung anu-anong sumbat. Akala naman nakagawa ako ng mabigat na krimen. Nakapatay ba ako ng tao? Aba e galit na galit sa akin.
Edi sana naglagay ka ng malaking sign sa refrigerator na bawal kumain ng manok. Ewan ko, never akong naging observant sa Holy Week. Ang alam ko lang pag Holy Week e nagdadasal at nanonood ng mga panoorin tungkol kay Kristo. Hindi ko alam kung anu-ano yung mga bawal-bawal. At hindi ko alam kung bakit nga ba may mga bawal-bawal na yan.
Tradisyon sabi niya. Pag sinabing bawal, bawal! Sumunod ka sa tradisyon! Hindi raw ba naituro ng teacher namin yun? Na bawal kumain ng karne pag Holy Week? Ang sagot ko naman, Hindi! Sa Catholic school ako nag-aral noong High School pero wala namang nabanggit na ganun. Palibhasa naman kasi e April pala ang Holy Week at pagdating ng March e tapos na ang klase, so paano pa maituturo. Wala naman yatang subject matter na HOLY WEEK. Sorry po, hindi ako educated sa kung anu-anong tradisyon pag Holy Week. Edi sana pala ikaw na lang ang nagsabi at nung nakaraan mo pa sinabi sa akin na bawal na pala kumain ng karne, hindi yung nagagalit ka sa akin bigla at para kang nag-ala-monster nung nagtanong ka ng, Sino ang bumili ng manok na ito?!!!!! Rarrrr! Sabi ko, puntahan niya na lang yung tindahan ng lechon manok at sabihan niya na bawal ang manok ngayon. Sinasabi pang bawal ang karne e ang dami ko ngang nadaanan na tindahan ng barbecue? Dun ka magalit!
Ang sinabi niya e, noong bata pa raw siya naituro daw sa kanila ng teacher niya yun. Ang sabi ko e, Paki paliwanag sa akin kung bakit bawal kumain ng manok ngayon. Hindi naman masagot. Akala ko ba naituro ng teacher nila? E bakit hindi niya nasagot yung sinabi ko? Ano ba ang purpose ng di pagkain ng manok? E sa di ko trip ang isda e. Mapupunta na ba ako sa impyerno dahil lang sa pagkain ng manok?
Tapos may mga narinig pa akong...
Bakit ganyan ka sumagot sa akin? Purkit ba malaki ka na?
Hindi ako sumasagot nang wala sa katwiran. Ang gusto ko lang malaman e kung bakit bawal kumain ng karne. May nakita ako sa isang website na pwede naman palang kumain ng karne. Hindi naman pinipilit na huwag kumain. Nasa sa iyo na lang daw yun kung kakain ka o hindi.
Palibhasa kasi may trabaho ka na!
Siguradong pag wala naman akong naging trabaho parehong complaint lang ang maririnig ko.
Pag nagkaanak ka, may magmamana ng ugali mo!
Sana nga. Mukhang magkakasundo kami.
and the best line is...
Ma-karma ka sana!
Hebigats! Sinumpa na ako ng nanay ko. *lol*
Wag po kayong mag-alala, bukas magtutubig na lang ako. Matahimik lang ang kaluluwa ninyo. *mad*
P.S.
Kung may nakakaalam man po ng verse sa bible na nagsasabing bawal kumain ng manok pag Holy Week, pwede po ba pakicomment na lang dito? Salamat po.

Kung Anu-Ano Lang
Tuesday, April 19, 2011
Alaala sa Basura
Nakita ko sa mga gamit ko... Hindi ko na maalala kung sino ang kasama ko na nanood nito... Tapon ko na lang nga ito.
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Humpburger
Matagal na akong hindi nakakapag-bisikleta. Dahil may ipinahiram sa aking bisikleta (na may basket) ay kailangan ko yung aralin kung paano paandarin. Kahapon nag-bisikleta kami ni Pated. Nagpalibre kasi siya sa Minute Burger na may kalayuan din sa amin. Edi go naman ako. Wala namang problema basta may pera. At ayun na nga. Ok sa olrayt pala itong lugar namin. Huwaw! Ma-a-amaze ka sa dami ng humps!
Eksena habang dumadaan sa humps...
PATED: Oh my God!
AKO: Sh*t!
Hindi ka pa nakakalayo, may hump na naman. Nakarating rin naman kami sa dapat puntahan. Pero sumakit yung pwet ko, pramis! *mad* Nag-order na kami.
Nang pauwi na, nilagay ko sa basket ang order na apat na cheese burger na nakapaloob sa isang plastic. Imaginin mo na lang ako, nakasakay sa bisikleta, nasa basket ang burgers, at sa bawat pagdaan ko sa madaanang humps e tumitilapon ang burgers paitaas. Buset!
Huminto kami ni Pated dahil may dinaanan kaming shortcut. Baku-bako ang daan kaya nilakad na lang namin, dala-dala ang mga bisikleta namin.
AKO: Bhe, ayusin ko muna yung burger. Natanggal na sa buhol yung plastic e.
PATED: Di na, ate, wag mo na ayusin yan.
Edi di ko na inayos.
Malapit na kami sa subdivision namin. Nagbisikleta uli kami. Pababa ang daan. Ang bilis ng andar ng bisikletang sakay ko nang biglang......................... HUMPS! *Break!* Pero tumilapon pa rin ang laman ng basket.
AKO: Bhe, yung burger!
Tatlong burger ang tumalsik. Ang isa naiwan sa basket. Dalawa ang nasagip ni Pated. Isang burger pa ang kailangang iligtas, isang burger na nakahandusay sa lupa (pero malinis pa yun noh. may supot e). Biglang may dumaan na multicab! (Yung tulad sa mga nasasakyan pag papunta ng MOA) Masasagasaan ang burger!
TO BE CONTINUED... (nyahaha!)
Hindi nasagasaan ang burger. Buti na lang at huminto ang multicab. Kapit-bahay pala namin yung nagmamaneho. Safe ang lahat ng burger. :p
P.S.
Ang sakit ng balakang ko sa humps. I hate them!

Monday, April 18, 2011
Saan Aabot ang Twenty Pesos Mo?
Kanina naisipan kong mag-ayos ng gamit at maglinis... Tapos dun sa kailaliman ng dina-dagang drawer na pinagpapatungan ng PC namin e may nakita akong pera.
"Wow bente!" sabi ko sa sarili. Madalas kasi sa drawer na yun e nagtatapon ako ng pera. Alam ko minsan dun din kumukuha yung mga kapatid ko. *mad*
Pagbuklat ko ng bente, nalungkot na lang ako.
Pera na naging bato pa. :/
PATED: Papalit mo kaya sa bangko, ate.
AKO: Papalit ko sa bangko, pamasahe ko pa 'teh, magkano?
PATED: Haha! *lol* Kasi naalala ko yung kay mama, yung 1000 niya may parang punit sa gilid, pinapalit niya.
AKO: "Parang punit" pa ba ito? *roll*
Para sa mga susyalin na nagne-net sa cp, kung di ninyo makita yung picture na nilagay ko, bibigyan ko kayo ng clue.
CLUE: Secret! *lol*
Dapat pala naglinis ako nang mas maaga. Siguro nasagip ko pa si kawawang Quezon. :/
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Sunday, April 17, 2011
Time Travel (6)
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
HULING EKSENA:
Sa harapan ko ay isang maliit na sinaunang relo, wristwatch yun. Chain of gold ang design ng strap nito.
"A-ano po iyan?" tanong ko.
"Pasalubong. Nakuha ko sa isang bazaar sa disyerto. Napagkatuwaan ko. Sa'yo na lang." Inabot sa akin ni lolo ang relo. Tiningnan ko yun. "Sabi ng nagbebenta niyan e may powers daw iyan. Kaya ka raw niyang dalhin sa future or pabalik sa past." Nagulat ako sa sinabi ni lolo. At nagpatuloy siya habang nag-aayos ng ibang gamit, "Akala naman niya e maniniwala ako sa kanya e tumanda na lang ako, wala pa akong nalaman sa kasaysayan na may taong nakabalik sa past o nakapunta sa future. Alam mo naman ang mga negosyante, gagawin ang lahat makabenta lang." Nabaling ang tingin niya sa akin at nagtanong, "O, why that loook, Davy?"
Sumagot ako, "Wala po, grandpa! Na-amaze lang ako sa kwento ninyo."
"Lapit... Halika... Hawakan mo ako..."
--bulong
CHAPTER 6
Whisper
Nagulat ako nang pumasok ako at nakita si Hannah na nasa klase namin. Magkausap sila ni Erick. Napatingin si Erick sa akin pagdating ko.
"Morning bro!" bati niya.
Gulo-gulo ang mga upuan. Yun pala'y nagkaroon ng palm reading session bago pa ako pumasok. Courtesy of Hannah.
"New classmate?" tanong ko kay Hannah nang lapitan ko sila. Tiningnan lang niya ako tapos ay lumipat siya ng ibang puwesto.
Umupo ako sa tabi ni Erick, tapos ay kinalabit niya ako at may sinabi sa akin sa pinakamahina niyang boses.
"Bro, I can't believe this. Do you know what Hannah told me? Na nasa inyo raw siya kagabi! Nasa kwarto raw kayong dalawa!" Gulat na gulat si Erick. Tiningnan ko si Hannah. Kausap niya ang ilang kaklase naming babae. Di ko alam kung ano ang motibo niya para sabihin pa yun sa kaibigan ko.
"Mamaya ko na ikukwento," sabi ko sa kanya. Kasabay nun ay ang pagdating ng prof.
Nag-focus lang muna kami sa lecture. Nang magkaroon ng vacant time e saka kami nagkuwentuhan.
"Oo, nasa kwarto nga kami kagabi," sabi ko kay Erick.
"Woaahh! And meron... meron bang nangyari sa inyong dalawa?" usisa ng kaibigan ko. "Alam ni Tita Yna na nagdala ka ng babae sa room mo? Bro, binata ka na!" patuloy niya.
"Alam mo ikaw, minsan, may pagka-green minded ka rin. Wala bro, walang kakaibang nangyari," sagot ko, at ikinuwento ko ang mga nangyari mula dun sa paghawak ko sa diary ni Hannah tapos yung strange feelings and weird vision. Hindi makapaniwala si Erick sa mga sinabi ko at ang conclusion ko e, "She's different gaya nga ng sinasabi mo, bro. I bet she can travel through time, go to different places and even read people's minds!"
"Nakakatakot! Hindi na ako lalapit sa kanya!" sabi ni Erick while doing a shiverring act. Pero kinontra ko siya,
"Hindi. Hindi, bro. Mas dapat pa nga tayong lumapit sa kanya e!"
"Bakit naman?! Mamamatay ako sa takot sa mga sinasabi mo! Buti nga at hindi ako yung nakakaranas ng weird visions na yan. Mamaya hell pa yung mapuntahan ko."
"Sira! Basta. Gusto ko ring malaman kung bakit niya gustong mawala sa landas niya yung kuya niya."
"What?! Mawala sa landas? At... may kapatid siya?"
Tumango ako. "Yun ang nabasa ko sa diary."
"Paanong mawala sa landas? Like papatayin? Ganun? tanong ni Erick.
"Siguro," sagot ko na lang.
Ang dami kong gustong malaman. Unang-una, sino nga kaya talaga si Hannah? Sa anong panahon siya nabuhay? Sino yung kuya niya na gusto niyang mawala? At bakit niya kaya ako tinulungan noon, noong bata pa ako?
Bago tuluyang umuwi e pumunta muna kami ni Erick sa garden para gawin yung parusa sa amin. Nakakairita lang dahil panay ang siko sa akin ni Erick sa tuwing mapapadaan si Celine.
"Ikaw yata may crush diyan e," sabi ko kay Erick na ginagantihan lang niya ng tawa.
Umuwi ako ng bahay na maraming iniisip. Dumiretso ako sa kwarto para makapagpahinga. Binuksan ko ang lamp shade, dating gawi. Humiga ako sa kama. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Pumikit ako at nakatulog na.
Nagising na lang ako sa tunog ng piano. Umaga na pala. Laking gulat ko nang may makita akong babae. Kasama ko siya.
"A, naabala ba kita sa iyong pagtulog?" tanong ng babae sa akin. Huminto siya sa pagtugtog.
"Hindi. Hindi naman," sagot kong tila naliligaw, takang-taka. Panaginip yata ito.
Nakikilala ko ang babaeng kasama ko ngayon. Siya yung babaeng madalas na naroon sa mga pangitain ko.
"Napagod ka yata sa ipinagawa ni papá sa iyo. Hayaan mo't ilang sandali lang at maghahapunan na. Siguradong masarap ang ilulu--"
"Sino ka pala?" siyang tanong ko.
Natigilan ang babae dahil sa itinanong ko tapos ay napangiti.
"Celina."
Celina... Celina... Yun pala ang pangalan niya. Ilang sandali pa'y may narinig kaming tunog ng kampana.
"Tara, maghapunan na tayo, David," pagyaya niya.
Umalingawngaw sa isip ko ang huling pangalang binanggit niya, David. Kasunod nun, wala na akong maalala.
Kinaumagahan, habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko si Celine. Nakalagpas na siya nang lingunin ko siya at tawagin, "Celine!"
Huminto siya. "Bakit?" tanong niya.
"Sabay tayo kumain mamaya," sabi ko. Nagtaka siya. "Lunch time," dugtong ko tapos ay tumalikod ako at naglakad na.
Nang magtanghalian e magkakasama kami nina Erick at Nicole. Tila nagulat sila nang malamang kasabay pala naming kakain si Celine.
"Niyaya ko siya, bakit ba?" bulong ko kay Erick nang sikuhin niya ako. Parang ang gustong itanong e bakit nandito si Celine. Napangiti naman ang kaibigan ko sa isinagot ko.
"Anong gusto mo?" itinanong ko kay Celine nang pumila na kami upang bumili ng makakain.
"A, hindi ko alam," nahihiyang sagot niya.
"Meatballs na lang para pareho tayo. Paborito ko yun e," mungkahi ko.
Nang matapos akong kumain ng tanghalian e tinanong ko si Celine, "Bukas ba pwedeng sabay tayong mag-lunch uli?"
Nasamid si Erick sa narinig niya. Agad namang hinagod ni Nicole ang likuran niya at pinainom siya ng tubig.
Hindi ko na pinagtatakahan pa ang mga nangyayari. Si Celina sa panaginip ko... Alam ko at sigurado akong siya si Celine. Sa panaginip ko tinawag niya akong "David". Sa pangitain nakita ko siya. Nginitian niya ako. Niyakap pa niya ako. Ako ba si David? Hindi, hindi! Dave ang pangalan ko e! Ano ang kaugnayan nina David at Celina sa isa't-isa? Hindi kaya may kinalaman na naman si Hannah dito?
Nang magkaroon ng pagkakataon na makatakas mula kay Erick e agad kong hinanap si Hannah. Alam ko kasing bubuntot na naman sa akin si Erick at pag nangyari yun e hindi na ako makakadiskarte. Sakto namang nakita ko si Hannah na mag-isang naglalakad sa school grounds. Sinabayan ko siya sa paglalakad niya.
"May gagawin ka ba?" tanong ko kay Hannah.
"Alam ko na ang pakay mo," sabi niya.
"A talaga?" ganti ko naman. "Si Celine at Celina ba e..."
Huminto si Hannah. "Isang tao lang," sabi niya.
"Naguguluhan ako. Bakit palagi siyang nasa pangitain ko?" tanong ko.
"Simple lang. Dahil may kaugnayan kayo. Hindi ka ba nag-iisip?" sagot naman ni Hannah.
Medyo hindi ko nagustuhan ang tono niya kaya tinanong ko siyang muli.
"Bakit ba parang ang sungit mo sa akin?"
"Wala. Gusto ko lang."
Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad. Sinundan ko na naman siya.
"Ano ang kaugnayan namin sa isa't isa?" tanong ko.
"Bakit ba tanong ka nang tanong sa akin? Bakit hindi mo tuklasin mag-isa?"
"Paano ko gagawin yun e wala naman akong powers gaya mo."
Huminto na naman si Hannah. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong nagkaroon ka na ng kaugnayan sa kapangyarihan ko? Kaya sa ayaw ko man e meron ka na rin nun."
Nakakadismaya lang. Hindi ako makakuha ng kumpleto at makabuluhang sagot sa kanya. Nagdesisyon na lang akong huwag siyang kulitin at wag na sundan.
"Sige, salamat na lang," sabi ko. Pagtalikod ko e bigla naman siyang nagsalita.
"Kasintahan mo si Celina!" sabi niya. "Sa nakaraang panahon ikaw si David." Nagulat ako. Tumakbo siya palayo pagkatapos.
Kasintahan... Ibig sabihin girlfriend. Girlfriend ko si Celine noon? Pero... paano? At... iisang tao lang sila? Paano yun? Ibig sabihin from the past e pumunta siya rito sa panahong ito? Pero bakit? Hay! Dumami lalo ang tanong ko.
Nang matapos ang araw ay umuwi ako agad. Tinapos na ni Mr. Sanchez ang parusa niya sa amin. Hindi na rin ako sumama sa gimik nina Nicole, Erick at ng iba pa naming kaibigan kahit na nagyaya sila.
Makulimlim ang langit. Mukhang uulan kaya nagmadali na rin akong umuwi. Pagdating ko sa bahay e agad akong dumiretso sa kwarto. Buti at di ako naabutan ng ulan. Gaya ng palagi kong ginagawa e lamp shade lang ang binuksan ko. Sa pagkakataong yun ay umulan na.
Humiga ako sa kama, tulala. Nagulat na lang ako sa tunog ng hangin na humampas sa kurtina ng bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at isinira ang bintana. Pagsara ko nun ay namatay bigla ang ilaw ng lamp shade.
"Psss! Brownout!" bugnot na pagkakasabi ko. Kasunod nun ay may narinig akong bulong. Naalarma ako.
"Lapit... lapit..." sabi ng bulong.
TCAF LINKS:
ll CHAPTER 1 ll CHAPTER 2 ll CHAPTER 3 ll CHAPTER 4 ll CHAPTER 5 ll
Labels:
Time Travel
Saturday, April 16, 2011
10:20
10:20 p.m.
Natanggalan ng ipin yung aso namin. May nginangatngat siya... Tapos ewan ko bigla na lang tumalsik. Nakita ni bunso.
Ano kayang magandang gawin dito? :esep: Itago? Itapon sa bubong tapos magdasal sa tooth fairy para tubuan uli ng bagong ipin si Chloe? O gawing kwintas? *lol* Ang cute ng ipin. May dugo pa. :p
Galing ako sa check-up ngayon kaya bukas na lang ako mag a-update ng mga dapat i-update. Ang dami kong sakit... *cry* Sinisipon, inuubo at paos na naman ako. As in wala akong boses kaya pag makikipag-usap ako e senyas-senyas lang. Buset. *mad* Kinakantahan ko na ang softdrinks at kung anu-anong malalamig na inumin ng "O tukso layuan mo ako." Kagabi nga nagtaka pa yung kapatid ko.
PATED: Ate, ba't di ka uminom ng Royal?
AKO: *Walang imik, walang boses e.*
PATED: Ayaw mo ba nito? Sige, bahala ka. *sabay inom*
Sa loob ko, "Gusto ko niyan!" Haha! Pero dineadma ko lang ang Royal. Sakit sa puso. Bawal ang malamig. Huhu.
May check-up pa pala akong isa kanina... Sa ngipin naman... I'll be having my braces. Wew. :D
May napanaginipan pala ako kaninang isang tao from my past. Bakit ko kaya siya napanaginipan? Hindi ko naman siya iniisip. Nevermind na lang. Hindi ko na rin naman matandaan yung panaginip ko. Pagkatapos nun... Habang naghahalungkat ako ng gamit, may nahawakan akong papel... Tapos tapos... Pagbukas ko, yun pala yung poem na ginawa niya para sa akin.

Wednesday, April 13, 2011
KSP... Kaloka!
Eksena ng estudyante namin sa Kindergarten Summer Program...
Reynald: *lumapit sa akin* Teacher, tatae po ako.
AKO: Ha? Tatae ka?
Reynald: Opo.
AKO: *sinabi kay Ma'am Shena* Ma'am, tatae raw si Reynald. Samahan ko muna.
Sa CR ng boys...
Reynald: Teacher, may tao po yata.
AKO: Hindi, wala yan. Walang tao.
Sa tanan ng buhay ko, noong Lunes lang ako nakapasok sa CR ng boys. Sabi kasi alalayan daw namin ang mga bata pag pupunta sila sa CR. Ganun pala hitsura ng CR ng boys. *lol* In-insist ko pa kay Reynald na walang tao dun sa loob, pagtulak ko ng pinto... Nandun yung guard ng school namin. Buset na yan. :bop: Sa akin na lang kung anumang nakita ko... *lol* Napatingin pa sa akin ang guard dahil napasigaw ako.
AKO: Hala! *sabay sara ng pinto, tingin kay Reynald* May tao nga!
Reynald: Teacher, sabi ko nga po sa inyo may tao e. :p
Namroblema pa ako kung sino ang maghuhugas kay Reynald. Nakiusap ako sa mga kasama naming estudyanteng nag-aassist. Nagtuturuan pa sila kung sino ang maghuhugas. Wala rin yung mama ni Reynald sa area ng abangan ng parents. Sabi ni Reynald umuwi ang mama niya. Kinantyawan pa ako ng isang estudyante ko, "Ma'am kaya mo yan! Training mo rin yan!" Wala na akong nagawa... Talo ako sa kanila, puro mga lalaki kasi. *mad*
P.S.
Hindi ako ang naghugas kay Reynald. Buti na lang at marunong siya maghugas ng pwet niya. Thank you po at mayroon siyang toilet training. :pray:

Friday, April 8, 2011
Hanep!
Ang galing.
Kahapon nalungkot ako kasi di ko nakuha yung license ko sa PRC...
Tapos nakalagay pa dun sa post ko kahapon yung... Siguro kung pagbalik ko sa PRC e may kalakip na P 500.00 yung lisensya ko e matutuwa ako ng bongga. Pero asa pa.
Sobra kasi panghihinayang ko sa ginastos namin... tapos wala naman kaming napala ni Kenshin.
Tapos tapos... kanina... after namin mamili ng co-teachers ko ng gagamiting materials for the decoration of rooms para sa Kindergarten Summer Program e tinipon kami... Kinausap kami ng pastor about dun sa incentives na marereceive namin. Tapos sabi niya hindi pa raw alam kasi malay daw namin madagdagan pa yun. Habang nag-uusap-usap kami, maya-maya may lumapit sa aming isang staff at binigyan kami ng P 500.00 as Love Gift.
Wow! Pumasok kaagad sa isip ko yung nasa post ko kahapon. Ang galing. Nabawi rin yung perang ginastos. Sobra pa nga kasi nga P 500 yung natanggap ko.
Tapos ang sabi pa sa amin e... May ipoprovide daw na bicycle para sa aming teachers... para raw makabawas sa gastos sa pamasahe. Sa Monday raw ibibigay yung bicycle. Ang galing talaga.
Tapos kanina may phone call akong nareceive galing dun sa fafabol na nakasabay namin ni Kenshin sa FX nung pag-uwi namin. *lol* Selos nga ako kasi sabi ni Kenshin type niya yun. *mad* Yung fafabol e nag-aalok ng business. Ok sa olrayt daw yung business kasi ina-advertise daw yun ni Papa Jack. Super kwento naman ako sa nanay ko at mga kapatid ko. *lol*
Saya-saya. Thank you po sa blessings.

Excited na nga e...
April 7, 2011
Kanina pumunta kami ni Kenshin sa PRC.
Excited pa akong makuha yung lisensya ko. Pumila ako sa window na nakasaad dun sa papel. Binigay ko ang stub dun sa lalaki sa window. At ayun nakuha ko na. Nahawakan ko. Napangiti pa nga ako. Habang papalabas e chinecheck ko ang mga nakasulat doon tapos nagtaka ako sa isang part.
Valid until: 02/28/2013
Bago ako lumabas ng pintuan kung saan ako pumasok e nag-isip ako.
02? February yun. Bumalik ako sa window 22. Wala na ang lalaki. Nagtanong ako sa lalaki sa window 21.
AKO: Sir, ito po bang valid until... di ba ho ito yung birthday?
SIR: Oo, yan yun.
AKO: E sir nakalagay po kasi e "02". February po yun. August ako pinanganak kaya di po ba dapat e "08"?
SIR: Aba e hindi ikaw yan.
AKO: *nagtaka* E picture ko ito e. Pangalan ko rin.
SIR: Teka, check ko. *check sa files sa computer* Passer ka ba?
Windang naman ako sa tanong ni sir. Naisip kong hindi naman siguro ako pipila roon kung hindi ako passer.
AKO: Opo, sir.
SIR: Teka. *check sa files, check sa kung anong papel* August... mali ito.
Tapos finorward nya na sa isang babae dun.
Inentertain ako ng babae at sa bandang huli e... sabi ng babae...
MA'AM: Balik ka na lang next week.
AKO: *himatay*
MA'AM: Taga saan ka ba?
AKO: Cavite pa po.
MA'AM: For reprinting na lang ito.
AKO: Anong exact date po next week?
MA'AM: Anytime next week pero para sure mga Tuesday na lang pataas.
Tapos may kung anong form ang ipinapirma sa akin.
AKO: Sige po, salamat po. *exit*
Hindi na tuloy ako excited. Nanghinayang pa ako sa gastos namin.
Pamasahe - Cavite to Las Pinas - P 20.00
Pamasahe - Las Pinas to Lawton (Ordinary Bus) - P 54.00
Pamasahe - Lawton to PRC - P 16.00
Jollibee Snack - P 177.00 :p
Pamasahe FX - Lawton to Las Pinas - P 90.00
Pamasahe - Las Pinas Terminal to Cavite - P 22.00
Mani - pang-alis ng bad mood - P 5.00 :p
TOTAL P 384.00
Siguro kung pagbalik ko sa PRC e may kalakip na P 500.00 yung lisensya ko e matutuwa ako ng bongga. Pero asa pa.

Tuesday, April 5, 2011
Should I Let Go? (A Letter to Yuji)
Minsan ang ganda ng timing mo. Pag nakahiga ako sa kama, pupunta ka rin doon tapos tatabihan mo ako. Ayan na. Syempre magkatabi tayo, di maiwasang hahawakan kita, hihimasin. Ikaw naman, tahimik lang. If I know deep inside enjoy ka sa ginagawa ko. (lol!) Tapos magugulat na lang ako kasi didilaan mo yung leeg ko, pababa... sa kamay tapos sa legs. Minsan nga napapasigaw ako ng "Shit!" Bakit? Nakikiliti kaya ako! Buti na nga lang hindi yung *censored* ang dinidilaan mo. Ay joke lang. :p
Ayoko lang nung minsan pag nakaupo tayo sa sofa e hinihila mo yung damit ko. Tapos matataon pang tayong dalawa lang sa sala? Hindi ako ready makipagharutan, ano. Naku. Minsan talaga naiinis ako kasi yung kiliti ko sa tagiliran e nasasagi mo. You're so insensitive. Pag sinabi kong stop, tinutuloy mo pa rin. I hate it! When I say stop, stop na!
Ang hindi ko rin gusto e yung mood swing mo. Minsan sobrang lambing mo, tapos magbabago, bigla kang mang-aaway. Naiinis ako roon. Minsan nga sumasagi sa isip kong gusto na kitang iwasan kaso pag naiisip ko yung memories nating dalawa... Yung pamamasyal natin sa playground nang magkasama, paglalakad, paggala, tapos yung mga panahong paghahandaan kita ng pagkain at sabay tayong kakain (kahit na minsan choosy ka sa pagkain)... Pati yung pag umuuwi ako ng bahay e makikita kitang nandiyan, napapangiti kaya ako. For the past three months marami na tayong napagdaanan. Kaya ang hirap... Ang hirap din palang mag-let go.
Kahit na minsan makulit ka... Siguro nga e may part pa rin sa aking nagsasabing ayaw kitang mawala. Ngayon pa't nalaman kong type ka ng kapit-bahay namin at gusto ka niyang kunin sa akin? Uminit nga ulo ko roon e. Paano kasi lagi ka niyang nakikita, nagkainteres tuloy sa 'yo. Sabi kasi niya ang cute mo raw. Alam niya namang sa akin ka e tapos ganun siya? Ano ba yun? Nakakainis. Nalaman ko yun kasi sinabi ni mama, na nalaman niya sa isang tsismosang kapit-bahay. Arrgh!
Before naisip ko yang tanong na, "Should I let go?" Pero ngayon napag-isip-isip kong lalo kitang mamahalin. Pagtitiisan ko yung kakulitan mo, hahabaan ko ang pasensya ko at iintindihin kita. I will promise you that I'll love you more than you could ever imagine. In return, please promise me also that you'll be the greatest man's best friend, Yuji. I'll take care of you always. Mwaah!

Maikling Kuwento
Sunday, April 3, 2011
Bitin... :p
Eksena: Si pated nanonood ng animé.
PATED: *kilig* Ayan na magki-kiss na sila!!!
BUNSO: Hindi. Hindi magki-kiss yan.
PATED: Ayan na!
Biglang...
PATED: Ay... buffering. :(
BUNSO: *lol*
Nandun na e! Nabitin pa. :p
PATED: *kilig* Ayan na magki-kiss na sila!!!
BUNSO: Hindi. Hindi magki-kiss yan.
PATED: Ayan na!
Biglang...
PATED: Ay... buffering. :(
BUNSO: *lol*
Nandun na e! Nabitin pa. :p
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Kindergarten Summer Program
Ang kulit lang.
Kahapon nag-screen kami ng mga bata, ages 5-7, kasi yung school kung saan ako nagwowork e may summer program na Libreng Pag-aaral sa Kinder.
This program is for the less fortunates na walang kakayahang mapag-aral ang mga anak nila sa Kinder.
Itong program na ito e crash course. Ibig sabihin pag ganun, ang kukunin e mga batang sabihin na natin, e maalam na sumulat, magbasa at magbilang. Yun ay sa kadahilanang short lang ang span ng program, 8 weeks. (Para kang nag summer class sa College, yung tipong ia-advance mo yung iba mong subjects.) At kung hindi naman makakapasa ang mga bata e hindi sila pupwede. Ang mga hindi pa maalam magbasa, magbilang at magsulat, ultimo yung sa pag-identify ng colors, ay need na mag-apply for a whole school year program kasi di sila uubra sa summer program.
May mga iilan kaming na-screen na wala talagang background, hindi marunong magsulat, magbasa at magbilang. Ibig sabihin nun e hindi na sila kasama sa program kasi hindi na na-meet ang qualifications.
Although nakakapagod dahil ang dami talagang dumating para magparegister e masaya naman. Nakakatawa ang mga bata. Habang ini-screen ko sila e ito ang mga katuwa-tuwang napansin ko.
PAGSUSULAT...
AKO: Marunong ka na bang magsulat?
BATA: Opo.
AKO: Kaya mo na bang isulat ang pangalan mo?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga. Bibigyan kita ng papel at lapis tapos isusulat mo yung pangalan mo. *bigay ng papel at lapis*
BATA: *sulat sulat*
Tapos napansin ko na ginagaya niya lang pala yung isang pangalan na nakasulat doon sa papel.
AKO: Teka, teka. Hindi mo gagayahin yang pangalan na yan. Isusulat mo kung ano ang pangalan mo.
BATA: Ay, hindi ko po alam e. :razz:
PAGBABASA...
AKO: Alam mo ba kung ano itong nasa papel na hawak ko?
BATA: Opo.
AKO: Ano ito?
BATA: ABC
AKO: Very good! Ang tawag dito ay alphabet. Alam mo ba kung ano ang mga ito?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga titingnan ko.
Noong una, tinuro ko ang pagkakasunod-sunod ng alphabet at nagawa naman ng bata iyon.
AKO: Wow! Ang galing na pala mag-ABC e!
Tapos nagturo ako ng letters (random letters) at doon ko nalamang alam ng bata ang pagkakasunod-sunod ng alphabet pero noong tinuro ko na yun isa-isa (random) e hindi niya na alam. :p
PAGBIBILANG...
AKO: Alam mo na ba kung paano magbilang?
BATA: Opo.
AKO: Sige nga. Meron ako ditong popsicle sticks. Pwede mo bang bigyan si teacher ng five na popsicle sticks?
BATA: *bigay ng popsicle sticks*
AKO: Ang galing a! Ngayon naman bigyan mo ako ng SIYAM na popsicle sticks.
BATA: Hindi ko alam e!
AKO: A o sige. Bigyan mo na lang ako ng seven popsicle sticks.
BATA: *bilang* One, two, three, four, five, six, seven
Doon ko napansing english pala magbilang ang bata. Kaya pinaulit ko yung isa.
AKO: Sige, sige. Bigyan mo ako ng nine na popsicle sticks.
At ayun... nagawa niya. Hindi niya alam kung ano ang SIYAM. Ang alam niya... NINE. :p
Hanggang dito na lang yung ikukuwento ko. Ang haba na e. :roll:

Saturday, April 2, 2011
Time Travel (5)
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
"I can't believe this. Do you know what Hannah told me? Na nasa inyo raw siya kagabi. Nasa kwarto raw kayong dalawa! Meron... meron bang nangyari sa inyo?"
--Erick Villa
CHAPTER 5
An Unexpected Guest
Nang makauwi ay agad akong dumiretso sa kwarto. Isinara ko nang maigi ang pinto para walang ibang pumasok at ang tangi ko lang na binuksan ay ang lampshade na nakapatong sa study table ko. Inilabas ko sa bag ang diary ni Hannah at sumalampak sa higaan. Mariin kong tiningnan ang pabalat ng diary. Hinintay ko munang magdilim at gumabi bago ko tuluyang binuksan iyon. Gusto ko kasi ng may thrill na environment bago ko basahin yun, parang yung sa horror movies ba.
"Ano kayang meron dito?" ang nasa isip ko bago ko buksan. At hayun, binuksan ko na nga. "Dis. 25," ang petsang nakita ko sa unang pahina ng diary. "Dis.? December?" tanong ko sa sarili. Wala man lang taon kung kailan isinulat ang entry pero mukhang matagal na ring nag-eexist ito dahil luma na ang pabalat. Binasa ko ang nilalaman ng diary.
Pasko ngayon. Wala akong ibang natanggap kina mamá at papá kundi ang talaarawang ito. Nakakainis! Walang kwenta! Nagagalit ako kay kuya kasi siya ang paborito ng lahat. Ngayon nga ang dami niyang regalong natanggap. Bakit? Dahil ba espesyal siya? Dahil may sakit siya at malapit nang mamatay? Kung ako kaya ang magiging espesyal, mapapansin kaya ako nina mamá at papá? Kung gagawa siguro ako ng paraan para madugtungan ang buhay ni kuya e matutuwa sila sa akin. Pero hindi e! Mas maigi na nga sigurong mamatay na lang siya.
Nangilabot ako sa nabasa ko. Gusto ni Hannah na mamatay ang kuya niya? "Pero bakit?" tanong ko sa sarili.
"Bakit gusto mong malaman?" isang boses. Napatingin ako malapit sa pintuan dahil doon ko narinig ang boses at mula sa kung saan, malapit sa pintuan, ay lumabas si Hannah!
Nagulat ako nang makita siya na nasa loob na ng kwarto ko. Agaran kong isinara ang diary at sinabihan siya ng, "Trespassing!"
"Invasion of privacy!" ganti niya.
Natahimik ako at tiningnan ang diary. Gusto ko sana itong itago pero sigurado nang nababasa ni Hannah ang mga kilos ko.
"Akin na," sabi niya. "Alam ko ang mga mangyayari. Ibibigay mo iyan sa akin." Nilapat niya ang mga kamay niya, yung tipong gustong kunin ang diary.
Pero hindi, hindi pa sapat ang alam ko. Gusto ko pang lalong makilala si Hannah at makaalam ng mga bagay tungkol sa kanya.
"Kung gusto mo akong makilala edi magpapakilala na lang ako sa iyo," sabi niya.
Pambihira! Nasa isip ko pa lang yun!
"Sasabihin ko sa iyo, wala kang mapapala sa diary ko," patuloy ni Hannah. "Nakasaad na... na ibibigay mo sa akin iyan pagbilang ko ng isa..." Nagsimula na nga siyang magbilang ngunit naging matigas ako.
"Hindi ko ibibigay," sabi ko.
"Dalawa."
"Hindi ko ibibigay."
"Tatlo!"
"Hindi ko ibibigay!"
Pagkasabi ko nun e bigla na lang napatingin si Hannah sa pintuan. May mga yabag ng paa. May palapit sa kwarto ko!
"Daaaave!" pagtawag ni mommy. Lumakad nang paatras si Hannah at kitang-kita ko, sa pamamagitan na rin ng kakarampot na ilaw ng lampshade, kung paano siya nawala. Tumagos siya sa pader.
Kumatok si mommy sa pinto ng kwarto. Pinatay ko ang lampshade at binuksan ang ilaw sa kwarto. Habang binubuksan ko ang pinto ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig, the same old feeling pero di ko pinansin.
"Bakit 'my?" tanong ko nang sumilip ako sa pintuan at nagulat na lang ako nang may makita akong isang dalaga, at kasabay nun ang pagbabago ng lugar sa paligid ko. Tiningnan ko ang paligid. Nag-iba na ang ayos ng kwarto ko. "Sabi na," bulong ko.
Balik uli ang mga mata ko sa dalaga. Tiningnan ko siya. Nakasuot siya ng uniporme, naka-slacks na itim at blusang puti.
Mulat sa likuran ko ay may tumabig sa aking isang kamay, kamay ng lalaki. Nagulat ako nang hawakan ng taong iyon ang door knob at tuluyan niyang binuksan ang pinto at hindi man lang niya ako napansin.
"Pasok," sabi ng lalaki.
Pumasok ang dalaga. Inilapag niya sa lamesita ang dalang shoulder bag at dumaing sa lalaki.
"Ang hirap ng exam," sabi niya.
Ngumiti lang ang lalaki at isinara na ang pinto.
"Hay! Naturta yung utak ko," patuloy ng dalaga. Humiga siya sa kama. "Gene, pahubad nga ng sapatos ko."
"Yes, my princess," tugon naman ng lalaki.
Nakikilala ko kung sino ang dalagang yun: si mommy. Noong maliit pa ako, hilig niya ring pahubarin sa akin ang sapatos niya pag galing siya sa trabaho. Pero... sino... sino si Gene?
Sa isang iglap ay naglaho ang pangitain.
"Sunod ka na lang sa baba ha, Dave!" narinig ko na lang.
Bumalik na pala ako sa reyalidad at nakita ko si mommy na palayo na, pababa na ng hagdanan. Nataranta ako bigla. Itinago ko muna ang diary sa bag ko at gaya ng sinabi ni mommy e bumaba ako. Pag baba ko e nakakita ako ng di inaasahang tao: si lolo! Nag-uusap sila ni mommy.
"Oh my, Davy is here!" sabi ni lolo nang makita ako.
"Grandpa!" Na-excite naman ako nang makita si lolo, my mom's dad! Ang tagal niya na kasing hindi umuuwi sa Pinas. Agad kong nilapitan si lolo at umangkas sa likod niya.
"Ay ay ay! Ang rayuma ko!" pabirong sabi ni lolo. Tinawanan ko lang siya. Na-miss ko yung ganun. Noong bata pa kasi ako madalas ko siyang sakyan sa likod.
"Dave!" saway naman ni mommy pero hindi ko siya pinansin.
"Kumusta, grandpa?" tanong ko kay lolo.
"Heto, pogi pa rin at matinik sa chicks," sabi ni lolo sabay kindat.
Hinampas siya ni mommy sa braso. "Dad, mamaya maniwala sa iyo yang si Dave. At naku ha... ang age!"
"Kalabaw lang ang tumatanda," tugon naman ni lolo. "Itong mommy mo talaga nakapa KJ! Hindi na lang maki-ride," sabi ni lolo sa akin. Ngumisi ako. Pagkatapos nun ay inakbayan ako ni lolo at niyaya sa kwartong tinutuluyan niya pag umuuwi siya rito sa bahay. Sabi niya ay may ipapakita siya sa akin.
"Dad, hindi ko pa naipalinis yung kwarto," sabi ni mommy.
"Nevermind, Yna. Lagi namang ganyan ang sinasabi mo sa tuwing umuuwi ako. At huwag ka nang sumagot dahil alam ko na kung ano ang isasagot mo. Sasabihin mo na namang 'E biglaan ka kasi umuwi!'" sagot ni lolo na nakangisi.
Si Artemio Rubio, o Art para sa karamihan ang paborito kong lolo. Noong bata pa ako e madalas kaming magkita pero habang lumalaki ako e naging bihira na lang. Nangibang-bansa kasi siya, somewhere in U.A.E. raw sabi ni mommy at ang kwento pa ng katulong namin e marami siyang hidden agenda. Sixty five years old na si lolo at sa kabila ng edad e malakas na malakas pa rin ang pangangatawan.
"How's life?" tanong ni lolo nang magpunta kami sa sa kwarto niyang nasa first floor ng bahay namin. Naroon na ang ilan niyang maleta. Mukhang kabubukas lang ng kwarto. Ang ibang gamit sa loob ay natatakluban pa ng kumot para hindi maalikabukan.
"Maayos naman po," sagot ko.
"Kinuwentuhan ako ng mommy mo, madalas daw kayong mag-away ni Rick," sabi ni lolo.
"Grandpa, hindi ako ang nang-aaway. Siya ang umaaway sa akin," sagot ko.
Tiningnan ako ni lolo at napailing. Kasunod nun ay nagbukas siya ng maleta at may inilabas doon, ipinakita sa akin. Sa harapan ko ay isang maliit na sinaunang relo, wristwatch yun. Chain of gold ang design ng strap nito.
"A-ano po iyan?" tanong ko.
"Pasalubong. Nakuha ko sa isang bazaar sa disyerto. Napagkatuwaan ko. Sa'yo na lang." Inabot sa akin ni lolo ang relo. Tiningnan ko yun. "Sabi ng nagbebenta niyan e may powers daw iyan. Kaya ka raw niyang dalhin sa future or pabalik sa past." Nagulat ako sa sinabi ni lolo. At nagpatuloy siya habang nag-aayos ng ibang gamit, "Akala naman niya e maniniwala ako sa kanya e tumanda na lang ako, wala pa akong nalaman sa kasaysayan na may taong nakabalik sa past o nakapunta sa future. Alam mo naman ang mga negosyante, gagawin ang lahat makabenta lang." Nabaling ang tingin niya sa akin at nagtanong, "O, why that loook, Davy?"
Sumagot ako, "Wala po, grandpa! Na-amaze lang ako sa kwento ninyo." Nagawa ko pang magpasalamat, "Thanks dito sa watch. I like it. Very unique!" Nginitian ako ni lolo.
Hindi nagtagal ang pag-uusap namin dahil dumating ang katulong dala ang walis. Aayusin daw muna ang kwarto ni lolo. Sinundan iyon ng pagdating ni mommy at sinabihan niya akong aalis muna sila ni lolo dahil pakakainin daw niya si lolo roon sa resto na pagmamay-ari ng kaibigan niya. The best daw kasi ang pagkain doon. Sinabihan naman ako ni lolo na bukas na lang kami magkwentuhan. Marami rin siyang gustong itanong sa akin. Bumalik ako sa kwarto dala ang relong ibinigay ni lolo. Ipinatong ko lang yun sa study table at hindi na ginalaw. Sa pagpasok ko pa e bigla kong naalala ang diary. Nagmadali akong tingnan ang bag na pinaglagyan ko nun. Pagbukas ko ay napailing na lang ako. Wala na ang diary ni Hannah. Bakit ko ba kasi iniwan? Hay... Di ka talaga nag-iisip, Dave!
Labels:
Time Travel
Friday, April 1, 2011
Aptitude Test for Kids
I was reminded of an assignment that was given to us, that was to search for an aptitude test, and my co-teacher saw this in YouTube... the MARSHMALLOW TEST. Soooo COOL! :D
Labels:
Buhay Titser
Minsan...
Minsan hindi ko rin maintindihan si Madam Principal...
MADAM: Pag may tanong kayo, sa akin kayo magtanong, huwag sa co-teachers ninyo.
Dahil end of classes na e kung anu-anong forms ang pina-a-accomplish sa amin... na wala akong kamalay-malay kung paano fill-up-an kasi nung nag-aaral pa ako sa Kolehiyo e hindi naman kami na-exposed sa kung anu-anong forms.
Hindi ko alam ang gagawin dun sa binigay na tinatawag nilang "Form 18" (na na-delay nang ibigay ng Admin office kaya kaming mga high school teacher e hindi agad nakapag-pa-clearance at nahuli na ang sahod namin, kasi di pa kami pirmado ng Principal) e lumapit ako kay Madam, pero bago ako lumapit sa kanya e nagtanong ako sa co-teacher ko (ako na pasaway, sige!).
AKO: Ma'am, ano po bang ilalagay rito? *turo sa form*
Ma'am A: Hindi... ko alam e.
AKO: A sige po, salamat po.
Lumapit na ako kay Madam para magtanong.
AKO: Ma'am, ano po bang ilalagay rito?
MADAM: Hindi mo ba nakita yung gawa ng ibang teachers?
AKO: Hindi po e.
MADAM: Itanong mo kay Ma'am A...
Windang naman ako dun kasi siya na mismo ang nagsabi na kung may tanong e sa kanya lumapit at wag sa co-teachers.
MADAM: Itanong mo kay Ma'am A... *continuation* ... ALAM NIYA YAN.
AKO: E ma'am lumapit na po ako kay Ma'am A, sabi niya po di niya po alam. :confused:
MADAM: Itanong mo sa office.
AKO: A, sige po. *out*
Ayun... Nagtanong na lang din ako sa ibang teacher. Tapos kanina nung na-accomplish ko yung form (kasi sabi ng ibang teachers ganun daw ang dapat ilagay) at ipinasa ko na kay madam e may nakita siyang error.
MADAM: O bakit hindi naka-decimal ito?
AKO: E ma'am sabi po kasi ng ibang teacher fraction po ang ilagay e.
MADAM: Ayan kasi, di ba sabi ko pag may tanong kayo, sa akin kayo magtatanong. Kasi pag sa iba, mali-mali yan. O tingnan mo. Palitan mo iyan.
Hay... Ayun... Nalilito ako sa kanya. Pabago-bago ang isip. Wala. Tahimik na lang ako. Sabi niya kasi sa akin noon, siya ang boss kaya dapat siyang sundin. Ayaw niya kasing nagdadahilan ka e, hindi ka niya pakikinggan. Pero may times naman na mabait siya talaga.
At ayun... natapos din pirmahan ang clearance ko. Nakuha ko na yung sweldo... pati 13th month pay... tapos may binigay pa na pera para dun sa mga umattend ng 2-day-seminar. Ang galing. Nag-seminar ka na, may free lunch, tapos may pera ka pa.
May schedule pa next month. Busy busy ako...
April 4 - 8 (Seminar)
April 11 - June 3 (Summer Program, Project 1-11)...
With incentives. Salamat sa blessings... Hindi ako pulubi sa bakasyon. Haha!

Subscribe to:
Posts (Atom)