No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, December 29, 2011

Alam mo yung feeling...

...na napainom ka ng tubig dahil sa masamang panaginip?
***

Nung nakaraang araw e napatulog ako dun sa kwarto ng nanay ko.

Magkatabi kami tapos nakatulog din pala siya.

Pag gising niya, kagigising ko lang din.

Tapos nag kwento siya sa aming magkakapatid ng tungkol sa panaginip niya.

Sabi niya: "Alam ninyo nanaginip ako. Mayroon daw tayong baby dito sa bahay. Bunso daw natin yun."

Kinilabutan naman ako bigla kasi nanaginip din ako nun.

Ang panaginip ko naman e nagka baby daw ako.

Baby girl.

Syit! *mad*

***

Kanina natulog ako.

At nang matulog ako e nanaginip uli ako.

Meron daw akong inaalagaang baby.

Baby girl.

Pati daw nanay ko inaalagaan yung baby na yun.

Pinicturan ko pa raw yung baby.

Syit! *mad*

***

Ngayon iniisip ko kung bakit ako nananaginip ng ganun.

Ito ba ay senyales na maaga akong lalandi at majojontis kaagad?

Nai-stress tuloy ako.

Minsan pa naman nagkakatotoo yung mga panaginip ko.

***

Tapos kumakanta pa si BUNSO ng theme song ng Angelito: Batang Ama.

Pwahahaha!

Ayoko na.

Thursday, December 22, 2011

Nangangaroling daw?

Nabuwisit ako dun sa batang nangaroling sa amin noong Tuesday.  O_O

 Sa kasarapan ng panonood namin ni Bunso at Kenshin ng Slumdog Millionaire (dahil ngayong taon lang ako nakaisip na bumili ng CD nun), e may nangaroling sa amin. Usually naman may nangangaroling pag gabi. Well anyway dahil busy nga kami sa panonood e dineadma namin ang bagets (pero nakinig naman ako sa kinanta niya). *evil*

Maya-maya e nangalampag na ng gate yung nangangaroling at sa sobrang kabwisitan ko dahil naiistorbo ang panonood ko e lumabas ako ng bahay. ROFL!

Paglabas ko ng bahay e sinilip ko kung sino ang nangangaroling at pagtingin ko, batang babae (mag-isa lang siya). Pero ang lubos ko pang ikinagulat e nung makita kong nirereach na ng bata yung bukasan ng gate namin, mukhang gusto pa yatang pumasok ng bagets.

"Bakit ka nangangalampag ng gate?!" tanong ko sa bata na medyo irritated.

Hindi nakapagsalita ang bagets. Pumasok ako uli sa bahay at padabog na isinara ang pinto. Tapos balik uli sa panonood. Ako na may attitude! *devil*

***

Kanina may nangaroling dito. Hindi ko naman ma entertain dahil kumakain ako. Matapos nilang kumanta ng kantang hindi naman natapos at mali-mali ang lyrics e sumigaw na sila ng,

"Namamasko po!"

Sinabihan ko si Bunso, "Oy may nangangaroling."

"Wala na tayong candy."
"Bigyan mo ng pera."

Tapos deadma si Bunso kasi naglalaro ng online game.

Sige sigaw ang mga nangangaroling at di pa nakuntento, nangalampag pa ng gate!

Kailangan talaga nangangalampag ng gate?  O_O

Saka sumigaw si Bunso ng, "Patawad!"

Umalis ang mga bata.

***

Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit ganyan na yung ibang mga nangangaroling ngayon.

Una, kakanta sila ng mali-mali ang lyrics.
Pangalawa, hindi nila tatapusin ang kanta.
Pangatlo, mangangalampag sila ng gate pag dineadma mo sila. Hindi pa ba nila naintindihan na hindi ka makapagbigay dahil sa maraming kadahilanan?

Bakit parang obligado ka pang magbigay ng pera sa kanila? Hay nakakainis lang. Nakakawalang gana tuloy. Hindi ka man lang maentertain dun sa mga nangangaroling. Paano ka naman gaganahan na magbigay kung ganyan lang?

Ay ewan!

Wednesday, December 21, 2011

Exchange Gift

Pagkagaling ko sa Manila noong Sabado (at umuwi na) e dumiretso ako sa SM Southmall para bumili ng exchange gift kasi may Church Christmas Party kami kinabukasan. Habang nasa byahe e nagtext si Sir J. at nagsabing magkita kami sa SM kasi nasabi ko ngang papunta ako dun. Nagkita naman kami dun at sabay na kaming namili ng panregalo.

Sa isang stall, may natipuhan siyang iregalo (unisex), at nagustuhan ko rin naman kasi nacute-an ako dun sa gift na ibibigay niya. Nakailang minuto rin kami sa pagpili ng kulay at design hanggang sa nagbayad na siya, at umuwi na rin kami matapos kumain at magkwentuhan.

Naging matagumpay ang pagdaraos ng party at dumating ang puntong nagbunutan para sa regalo (may number ang mga regalo). Number 6 ang nabunot ko. Nakailang tawag na rin at kakaunti na lang ang natitirang regalo nang biglang itinaas ng host ang isang green paper bag na pamilyar sa akin dahil yun yung balot ng regalo na binili namin ni Sir J.

Nagulat na lang ako nang biglang tawagin yung number ko.

"Number 6!"

Napatawa na lang si Sir J. nang makita akong tumayo at kinuha ang regalo.

"Alam ko na laman nito," sabi ko. Natawa na lang din ako.  *lol*

Noong araw pa naman na binili namin yun e nag-wish ako na sana ako makabunot nun kasi paniguradong magagamit ko yun.



Have a Merry Christmas! :)

Tuesday, December 6, 2011

Pancit

Sabi nung Pastor nung nakaraang Linggo,

"Hindi pancit ang nagpapahaba ng buhay, kundi ang salita ng Diyos."

_Natawa ako dun sa sinabi niya, pero kung iisipin, tama nga naman. Tamang-tama nasa handaan pa naman kami nun. Ang daming kwento ni Pastor. Ang dami ko tuloy tawa.  :lol:

***

Eksena sa classroom kanina...

May quiz.

FIRST YEAR: Ma'am ipapasa po ba?

AKO: Itatago yan, at pabubulukin sa bag.

IBANG FIRST YEAR: *tawanan*


_Hindi ko talaga maunawaan kung bakit may mga estudyanteng hindi pinapagana ang kokote. Kay simple-simpleng bagay na nga lang e. O_O

***

PINOY BIG BROTHER UNLIMITED

AKO: *Nagtanong sa isang First-Year* Pinsan mo ba talaga yung si Reg?

FIRST YEAR: A hindi ma'am, sa totoo lang, pamangkin ko yun. Yung tatay ng mama niya, kapatid ng daddy ko.

AKO: E bakit sabi mo dati sa message mo, pinsan mo siya?

FIRST YEAR: Baka po kasi magtaka kayo, kasi mas matanda siya sa akin, tapos pamangkin ko siya.

AKO: Hindi naman. May kamag-anak din naman kaming ganun.

FIRST YEAR: Tanggal na siya ma'am e.

AKO: Oo nga.

FIRST YEAR: Ma'am mag-au-audition ako sa PBB Teen Edition sa January.

AKO: Sige, God bless sa iyo.

_Ang liit ng mundo. Sana lang nga hindi siya makalimot sa pag-aaral.


***

Gandang hapon sa lahat.

Sunday, December 4, 2011

Maagang Pamasko

Gusto ko talagang bumili ng bagong bag at wallet. Pero dahil wala naman akong pambili e isinantabi ko na lang muna. LOL!

Kanina nagpunta ako dun sa bday ng anakis (student) ko. Inimbitahan kasi kami ng mother niya. Ilang araw nang di pumapasok si Hannah kasi na-dengue pero awa naman ng Diyos e bumuti na ang lagay niya. Makakapasok na siya bukas. Salamat naman.

Pagpunta namin dun e sinalubong kami ni Hannah. Nagkumustahan. Masasabi kong sa ilang beses naming pagkikita ng mama niya e napakabuti nitong ina. Napaka maasikaso pa. Delicate child kasi itong si Hannah. Mayroon siyang special case.

Ipinagdasal namin ang pagkain at siya. Kinantahan namin siya tapos ay dumulog na sa hapag-kainan. Habang nagkakainan e nilapitan ako ni Hannah. "Ma'am regalo ko po sa inyo," sabi niya sabay abot ng regalo. Wallet ang laman nun.

"Teacher buti talaga nakarating ka. May regalo kasi kami para sa iyo," sabi ng mama ni Hannah. Binigyan din nila ng regalo ang ilan naming kasama na pawang mga naging teacher din  ni Hannah.

Maya-maya e dumating ang grandparents ni Hannah. Nag-abot din ang lola ni Hannah ng regalo para sa amin. "May binili daw kasi siyang bag para sa adviser ni Hannah, pati regalo sa tutor ni Hannah," sabi ng mama ni Hannah. May regalo rin para sa iba.

Sa pag-alis namin, pinabaunan pa kami ng dessert.

Salamat sa Panginoon dahil iniligtas niya si Hannah sa kapahamakan. Salamat din kasi di ko na kailangan pang bumili ng bagong bag at wallet. :)

Published with Blogger-droid v2.0.1

Saturday, December 3, 2011

Ang Sumusundot nang Malalim

Sumakay ako sa FX. Doon ako sa likod sumakay dahil doon na lang may space. May katapat akong lalaki. Nang mapuno na nga dahil isa na lang ang kulang e bumiyahe na ang sinasakyan namin.

Bumaba na ang katabi ng lalaking katapat ko. Nang bumaba ito, tumagilid siya (lalaking katapat ko) ng upo at sinakop na ang buong puwesto ng upuan. Nagpatuloy ang byahe. Habang nasa byahe e nagulat na lang ako nang bigla siyang nagtanggal ng dumi sa ilong. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gumagawa nun... Pero sa palagay ko e hindi magandang tingnan kung gagawin mo yun sa isang publikong lugar.

Pupwede namang kumuha siya nang panyo para yun ang gamitin niya sa pagtanggal ng dumi sa kanyang ilong, para mas may class naman, pero hindi. Ang ginawa niya e ipinasok niya ang hintuturo niya sa kanyang ilong at sinundot yun nang pagkalalim-lalim. Ako naman e nakatingin lang sa kanya habang ginagawa niya yun. Ewan ko ba, na-star struck yata ako. O_O

Inuna niya yung kaliwang butas, tapos ay yung sumunod na butas. Nang makuha ang goal e pinitik-pitik niya ang nakuhang dumi sa lugar na pwedeng pagtapunan, sa espasyo sa ibaba ng sandalan ng upuan. Di pa nakuntento, at mukhang hindi matanggal, ipinahid na lang niya yun sa kanyang suot na pantalon.

Saturday, November 26, 2011

ang boring...

nakakabore yung subject namin kanina...

nakatulog na talaga ako dun sa pwesto ko.

nagising na lang ako kasi tinapik ako ni friend.

papano ba naman kasi dun kami sa likod nakaupo

tapos nakapatay pa yung ilaw gawa nang may gumagamit ng projector

binabasa lang naman ng reporter.

maya-maya si friend nagreklamo

FRIEND: May naaamoy ka ba?

AKO: Amoy paa?

FRIEND: Oo! Nahihilo ako!

AKO: *sabay nguso*

Yung mga tao kasi dun sa harap namin panay mga nakatanggal ang sapatos.

Pag ikot ng electric fan nangangamoy paa.

Di ko na lang nga pinansin yung amoy gawa nang lumilipad na isip ko. @-@ 

Pero napapamura na si friend gawa nang di niya ma-take ang amoy. :lol:

FRIEND: Sana pauwiin tayo ng 2:30. Hilong-hilo na ako! 

At nagdilang anghel siya kasi pinauwi kami nang maaga.

Hay grabe itong araw na ito. Nakahinga na lang nang maluwag pag labas ng room.

Published with Blogger-droid v2.0.1

Monday, November 14, 2011

About the Bench Card Issue

Image and video hosting by TinyPic



This afternoon, I (with my boy friend) went to the Bench Stall at a certain SM Branch. I went there to fix the issue regarding my Bench Card, because to my surprise, I found out that my card has 127,000+ points which is equivalent to 2400 e-purse. That really is impossible because I only purchased more than five hundred pesos but less than a thousand of the Bench items. Having that huge amount of points really bothers me.

I really do not have any intention of using the points (though some advised me to use those points), because I believe that those points are not mine, and taking something that is not yours is actually stealing.

I approached the lady in the counter, seeking of any help regarding the Bench Card. We had a conversation, and she even called the management regarding that card. She called many times through the telephone, seeming to be unsure of what to do, since I kept on asking questions because I wanted to clear things out.

To my disappointment, it took us how many minutes to fix the issue and in the end, she told me that the card that I have right now won't be valid anymore but they will just replace the card for a new one, with no fee or whatsoever. She handed me a new form. I asked her, "How about my points?" I have accumulated points since I purchased Bench items. "Is there a way to trace my original points?" I added. She called the management again, and I was so surprised when she told on my face that the points that I have will be FORFEITED!

I was silent for a while, getting really disappointed, then I asked her, "Back to zero?"

"Back to zero," she replied.

She told me that I have 500 points. 500 points is no joke. If those points will be forfeited, it's like throwing away 500 pesos. Well, you see, the main purpose that I purchased that card is to earn points since I am buying items from Bench, and to even use that in the future. This person is gotta be kidding me!

I started to get irritated, because I can't believe that she said that to me. If I am greedy enough, I probably would just use those points and let them suffer, but then I'm not, so how can she said that those points that I accumulated will be FORFEITED? Her reason is, "Nandito po kasi yung points ninyo." She was holding the card when she said that. "At papalitan na po yung card so ma fo-forfeit na yung points." She said that the points are not transferable, but then I told her,

"Bakit hindi ililipat yung five hundred points? Sayang naman yun. Hindi ko naman kasalanan na nagkaganyan yang card na yan."

She called the management again. The resolve is that they will hand it in the main office, and fix my card.

"Matagal yun?" I asked. I can see in her face that she is unsure.
"Hmm... Hindi naman po siguro."
"A month?" I asked again.
"Hmm... Mga weeks lang po. Tatawagan naman po namin kayo kung ano po ang magiging result."

I can't believe it. How come that an employee doesn't know the rules and transaction methods (whatever you call those) of their company? Shouldn't it be that they are trained in preparation of issues like this? This is not the first time that they encountered this, they claimed. But the question is... why are they so slow to resolve issues like this?

"Pag inabot ng one month at wala akong nareceive na call, babalik ako rito."

That ended our conversation. I do not even hear her saying the word, "Pasensya," or "Sorry."

After that incident, I was so disappointed. To my dismay, I even told myself I won't purchase anymore any of their items. Well, I will just hope for its progress.

Friday, November 11, 2011

A Tristancafe Story: True Love Waits (5)




OOO



OOO

 CHAPTER 5
First Aid


"Maghihintay ako, Sid. Hihintayin ko ang true love!"

"Ako rin."

-Usapan nina Dee at Sid bago tuluyang maghiwalay ng landas.





OOO



"Di kita malilimutan...

"...dahil ikaw ang...

"pinakamahahal kong..."

"...kaibigan."

Halos di makahinga si Dee sa mahigpit na pagkakayakap ni Sid, at dahil na rin siguro sa huling sinabi nito sa kanya. Inaasahan niya kasing mas higit pa dun ang sasabihin ng binata, pero hindi nga pala pupwede dahil mas marami pa siyang kailangang unahin.

Pagkatapos humiling ng isa pa uling shot ni Dee gamit naman ang kanyang camera para naman may remembrance siya kay Sid ay pinabaunan niya ng habilin ang kaibigan, "Mag-aaral kang mabuti ha?"

"Oo! Magpapayaman pa nga ako e!" pagmamayabang ni Sid.

Bago pa tuluyang maghiwalay ang landas ng dalawa ay binitiwan ni Dee si Sid ng isang pangako, "Maghihintay ako, Sid. Hihintayin ko ang true love!"

Ikinagulat ni Sid ang sinabi ni Dee sapagkat ganoon din ang pananaw niya kaya't gumanti siya ng ngiti.

"Ako rin," itinugon pa niya.

At nang tuluyan nang maghiwalay ang dalawa, naiwan kay Dee ang isang pag-asang balang araw ay handa na nilang harapin ni Sid ang isa't isa. Ang nakalulungkot nga lang, nang tumungtong na sila sa kolehiyo ay wala nang balita sina Sid at Dee sa isa't isa.

Hanggang sa muling pinagtagpo ang kanilang landas. Sa kabila ng ulan at pag-aalala, hindi mapaniwalaan ni Sid na nasa harap niya ngayon ang dating kaibigan.

Taong kasalukuyan...

Mariing nakatitig si Sid sa babaeng nakatayo sa pintuan. Sigurado siyang pamilyar ang babaeng yun. Pero bago banggitin ang pangalan niyon ay gusto niya munang makasiguro.

"Anong kailangan nila?" tanong ng babae kina Sid at Jackie na nabigla nang sila'y makita sa labas ng bahay.
"Dina?" pangingilala na Sid.

Napakunot-noo iyon, nagtaka kung bakit kilala siya ng estrangherong nakatayo sa labas ng bahay niya.

"Ako ito! Si Sid!" pagpapakilala ni Sid.

Hindi nakilala ni Dee si Sid. Paano kasi'y ibang-iba na ang hitsura nito kaysa noon. Lumaki ang katawan nito at... yun lang pala!

"Sid?" balik na tanong ni Dee. "Sid Gabriel?"
"Oo! Ako nga!"

Napatakip ng bibig si Dee, napapikit siya at umusal ng panalangin, "Ay Diyos ko. Salamat. Salamat po," pakiwari’y dininig na ng Diyos ang matagal niyang panalangin. Pagkatapos nun ay bumaling siya sa kausap, "Bakit ka naparito? Sino iyang kasama mo?"

"Mahabang kwento. Basta, naliligaw kasi kami e! Naabutan na kami ng malakas na ulan. Itong kasama ko, a, anak ko." Tinawag ni Sid si Jackie, "Halika, anak." At lumapit naman ito. Ipinakilala niya ito kay Dee. "Siya si Jackie."

Nabigla si Dee sa narinig. "A-a-ano? Anak?!"

"Yung isa ko pang anak, nawawala," nag-aalalang sabi ni Sid.

Ginulat muli si Dee ng pahayag na iyon, "May isa ka pang anak?!"

"Oo. Kanina'y magkakasama kami. Pero ewan ko ba kung saan na napunta."

Kahit na masakit, hindi na muna inisip ni Dee ang sariling kapakanan. "Mas mabuting hanapin natin siya. Maaaring nandiyan lang siya sa paligid. Iwan mo na muna rito ang anak mo. Mas magiging ligtas siya rito," mungkahi niya.

Hinawakan ni Sid ang mga balikat ni Jackie at kinausap ito nang face to face, "Jackie, anak, maiwan ka na muna sa loob. Hahanapin lang namin ang kuya mo."

"K," mabilis na tugon ni Jackie.
"Tara na," yakag ni Dee. Umalis na sila ni Sid at nag-share sa iisang payong. How sweet!

Naglakad ang dalawa sa basang kalsada. Walang tigil sa pagbuhos ang ulan. Habang palakas ito nang palakas ay paliit nang paliit ang pag-asa ni Sid na mahahanap niya pa anak.

"Saan ba kayo dumaan kanina?" tanong ni Dee kay Sid.
"Hindi ko na rin matandaan. Hindi ko na kasi kabisado ang lugar na ito," sagot ni Sid na puno ng pag-aalala. Umalis siya sa payong at nagsisisigaw sa paligid.
"Sid, ano ba? Mababasa ka!" puna ni Dee, pero naging matigas ang ulo ni Sid.
"Intoy! Intoy! Intoy, nasaan ka na? Buhay ka pa ba, anak? Intoy kung patay ka na, magparamdam ka!"

At isang himala ang nangyari. Nabunutan ng tinik si Sid nang marinig ang boses ng anak.

"Daddy!" sigaw ni Intoy.
"Intoy?" tila uhaw na uhaw si Sid sa paghahanap kung saan nanggagaling ang boses ng anak.
"Daddy! Tulong!"

Ramdam ni Sid na nasa malapit lang ang anak. Pinakinggan niyang mabuti kung saan nagmumula ang boses nito at natagpuan niya ito. Nandoon lang pala sa paanan niya.

"Intoy! O Diyos ko!" bulalas ni Sid nang makita ang anak. Ang kawawang si Intoy... Hayun nahulog pala sa isang man hole, at kung di napansin ni Sid yun e baka pati siya nahulog na rin. Samantala'y nakalapit na si Dee sa pwesto ni Sid.
"Daddy!" sambit ni Intoy at biglang napaiyak nang makita ang ama.

Hiningi ni Sid ang tulong ni Dee sa pagkakataong iyon. Ilang sandali pa'y naiahon na nila si Intoy sa man hole. Dinala na nila si Intoy sa bahay ni Dee para gamutin sapagka’t punung-puno iyon ng gasgas.

Si Jackie naman, habang hinihintay ang pagdating ng ama, ay nagmasid-masid sa loob ng bahay. Namangha siya sa mga naka display na di mabilang na medalya at kung anu-anong parangal. Isa pang ikinagulat niya ay nang makita ang isang picture frame. Naroon ang larawan ng kanyang ama kasama ang babae kanina; isa iyong graduation picture.

"Teka, si Daddy ito a," sabi niya sa sarili.

Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang amang si Sid, kuyang si Intoy at si Dee. Basa na ang mga iyon ng ulan.

Tuwang-tuwa si Jackie nang makitang muli ang kapatid. Akala mo naman ang tagal nitong nawala. "Kuya Intoy!" galak niyang pagkakasabi, at niyakap niya ito. Napa-aray naman si Intoy dahil natamaan ni Jackie ang mga sugat niya.

"Kukuha lang ako ng tuwalya at first aid," sabi ni Dee kay Sid.
"Sige, salamat," tugon naman ng isa.

Ibinigay na ni Dee kay Sid ang nakuhang tuwalya. Binigyan din niya ng tuwalya ang dalawang bata. Kumuha rin siya ng ilang damit para sa mag-aama. Nang makapag-ayos na ng sarili at nang makapagbihis na ng tuyong damit ang mag-aama, ginamot na ni Dee ang sugat ni Intoy.

"Araaayyyyy! Araaayyyy!" Napapahiyaw si Intoy sa bawat pagdampi ng bulak na may alcohol sa kanyang balat. Masyadong marami ang natamo niyang sugat. Pakiramdam niya'y tinuli siya for the second time.

Awang-awa si Sid sa sinapit ng anak. Hindi niya matanggap na pati ang mga anak niya e nadadamay sa kamalasan niya. Nasasaktan siya sa tuwing naririnig ang bawat pag-aray ni Intoy. Naiinis siya kasi wala siyang magawa! Hanggang sa nakatanaw siya ng isang bagay na nakapatong sa drawer sa malapit. Nag-abala siyang kunin iyon at ibinigay kay Intoy.

"Ano po ito, daddy?" tanong ni Intoy.

Walang anu-ano'y biglang gumawa ng dance step si Sid. "Pau Liniment! Walang aw sa Pau!"

"A thank you po," pagpapasalamat ni Intoy.

Matapos gamutin ay nakatulog na ang kawawang bata. Doon pinatulog ni Dee si Intoy sa silid na ginagamit dati ng kanyang mga magulang. Nakahinga na nang maluwag si Sid. Pero may isa pa pala siyang alalahanin. Saan na sila kakain at titira ngayon? Bago pa maipit sa sitwasyon e nakaisip na siya ng paraan.



…ITUTULOY…


Tanong:



1. Anong paraan kaya ang naiisip ni Sid?

Abangan.

A Tristancafe Story: True Love Waits (4)



OOO

OOO

CHAPTER 4
Rendezvous


"Dee, hindi raw makakarating si Sid. Hinabilin niyang ako na lang ang magsayaw sa iyo. May I have this dance?"

-Shann

OOO


Dumating na ang nakatakdang araw ng JS Prom. Magandang-maganda ang bihis ni Dee. Bumagay sa kanya ang suot na kulay asul na gown na pinalalamutian ng makikinang na beads na animo'y dyamante. Nakaayos ang kanyang buhok na gaya ng kay Cinderella. Taray! Imagine-in ninyo na lang. Dumating siya sa okasyon na may magandang ngiti dahil alam niyang espesyal na tao ang kanyang makakasayaw.

Umupo siya kasama ng kanyang mga kaibigan na puring-puri siya noong gabing iyon. Di rin siya nakatakas sa mga mata ni Shann, kaibigan ni Sid mula sa ibang section, na yayayain sana siyang makapareha noon pero puno na pala ng pirma ni Sid ang kanyang imbitasyon. Mariin iyong nakatingin sa kanya at tila nabighani sa mala-Diyosa niyang ayos.

Hinanap ni Dee si Sid sa paligid pero hindi niya iyon nakita; hanggang sa nagsimula na ang palatuntunan, at nang ipatugtog na ang musika para sa sayawan, mataimtim na nag-abang si Dee sa kinauupuan. Tinanggihan niya ang paanyaya ng ilang kalalakihan para isayaw siya sa pag-asang dadating si Sid, baka nahuli lang. At nilapitan siya ng isang lalaki.

"Dee," tawag nito sa kanya. Napatingin siya sa binatang si Shann. "Hindi raw makakarating si Sid," ang hatid na balita nito.

 Tila may kirot na naramdaman si Dee nang marinig iyon. Nagtapos ang maganda niyang pangarap.

"Hinabilin niyang ako na lang ang magsayaw sa iyo," patuloy ni Shann. Inalok niya ang kanyang kamay, "May I have this dance?" tanong niya, at dahil isang estranghero si Shann para kay Dee, ay di tinanggap ni Dee ang pagpapaunlak ng binata.
"Sorry ha," paumanhin niya. "Bigla kasing sumakit yung paa ko. Uupo na lang muna ako rito," kanyang idinahilan.
"A ganun ba. Sige. Pasensya ka na sa kapusukan ko. Napag-utusan lang naman ako," tugon ng binata. Umalis na ito.

Natapos ang sayawan. Natapos ang palatuntunan. Umuwing malungkot si Dee nang dahil sa nangyari. Inisip niyang sana pala ay hindi na siya pumayag sa alok ni Sid na maging Prom Date niya.

Nang sumapit ang isang panibagong araw, tinanong ni Sid si Shann tungkol sa nangyari noong JS Prom.

"Pre, hindi siya pumayag na makipagsayaw e!" balita ni Shann.
"Ano? Hindi pumayag si Kate?" hindi makapaniwala si Sid.
"Hindi pre e! Hindi naman daw kasi ako si Sid so bakit ako raw ang magsasayaw sa kanya? Ay naku nagmukha lang akong tanga dun. Muntik pa akong mabugbog ni JM."
"Talaga? Hmm… E si Dina?"
"Hindi rin pumayag, pre."
"Ha? E paano yun, magdamag wala siyang kasayaw?"
"Wala. Nakaupo lang nga siya magdamag. Sabi niya masakit daw ang paa e."

Nadismaya si Sid sa narinig mula kay Shann. Hindi pala umepekto yung pag proxy sana ni Shann para sa kanya.

"Ayan kasi. Ikaw kasi pag nakapangako ka na sa isang tao, tuparin mo," pangangaral ni Shann.
"Hindi ko naman kasi alam na maaalala pa akong yayain ni Kate dun sa sayaw-sayaw na yun," depensa ni Sid. Bumalik ang gunita niya sa nakaraan.

"Sid!" pagtawag sa kanya ni Kate na masayang-masayang inabot ang invitation. "Dance number two kita ha?"

Nagulat siya, "Ha? Dance number two?"

"Oo. Sorry ha. Nagtatampo ka ba kasi last year ikaw ang first dance ko, tapos this year si JM na?"
"Naku hindi! Alam ko namang si JM ang boyfriend mo, di ba? Pero kasi, Kate... Puno na yung invitation ko e."
"Puno na?"
"Oo. Si Dee kasi yung kasayaw ko." Napasimangot si Kate. Hindi kinaya ni Sid na makitang malungkot si Kate kaya’t binawi niya ang sinabi,"Hindi sige. Pwede namang gawan ng paraan. Sige, ako na yung number two dance mo."

At inilista na ni Sid ang pangalan niya sa imbitasyon ni Kate. Tuwang-tuwa naman ang bruhang si Kate. Pagkatapos ng gunita na yun ay bumalik na muli ang isip niya sa kasalukuyan.

“Syempre gusto ko rin yun! Kaso nakapangako na pala ako kay Dina na ako ang kasayaw niya magdamag. Ako pa ang nag prisinta, pre. E hindi rin naman ako makatanggi kay Kate, pre. Kaya para mas maganda, huwag ko na lang sila isayaw, di ba? Nahihiya tuloy ako sa kanila," paliwanag ni Sid.
"Pero pre, mali rin e! Alam mo kung sinipot mo lang si Dee, siguradong tuluyan mo nang makakalimutan si Kate. Ang ganda-ganda kaya niya noong JS."

Umiling si Sid. "Hindi, pre. Si Kate lang nandito," sabi niya sabay turo sa dibdib niya.

"So, ano na ang idadahilan mo sa kanila? Siguro sabihin mo na lang nagkasakit ka," tanong ni Shann.

Nag-isip si Sid. "Siguro kung mas may dapat akong paliwanagan, si Kate yun," sagot niya.

"Huh? E paano naman si Dee?"
"Mabait naman yun. Alam kong maiintindihan niya yun. Hindi ko na siguro kailangang magpaliwanag sa kanya kasi siya na mismo ang mag-iisip kung bakit wala ako sa JS."

Napailing na lang si Shann sa sinabi ng kasama.

Noong gabing yun, gumawa si Sid ng sulat para kay Kate. Ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya nakarating sa JS. Sinabi niya rin kung gaano niya kamahal si Kate. Hindi na niya nilagyan ng pangalan dahil sabi niya sa sarili'y alam niyang mababasa ni Kate nang direkta iyon.

Nang magkaroon na ng pasok, nasurpresa si Kate nang makakita siya ng sulat sa locker niya. Mukhang naipasok iyon doon sa pamamagitan ng pagsiksik sa mga siwang sa gilid. Binasa niya ang nilalaman ng sulat.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito. Siguro sisimulan ko ito sa paghingi ng tawad. Pasensya ka na kung hindi ako nakarating sa JS at hindi kita naisayaw…

Itinigil ni Kate ang pagbabasa nang mahulaang kay Sid galing ang sulat na iyon. "Wala naman akong pakialam. Hmp!" sabi niya sa sarili. Gusto sana niyang itapon yun pero dahil wala namang basurahan sa paligid e isiniksik na lang niya yun sa katabing locker sa kanan na gawain naman talaga niya. Minsan nga balat pa ng candy ang isinisiksik niya.

Nang makuha na ang mga kailangang gamit ay umalis na siya sa lugar. Nasalubong niya pa si Dee at binati niya ang schoolmate, "Hi Dee!" Tumugon naman ito ng, "Hi Kate."

Naalala bigla ni Kate na locker pala ni Dee ang katabi ng locker niya. Sa puntong iyon ay may isang malikot na planong naglaro sa kanyang isip.

“Umaayon nga naman talaga ang pagkakataon,” isip ni Kate. Para makaganti, binulungan niya si Dee, "Alam mo nakita ko si Sid. May nilalagay siya sa locker mo. Huwag ka na lang maingay ha? Hindi naman kasi niya alam na may nakakita sa kanya e."
"A, o sige," tugon ni Dee. Umalis na si Kate suot ang isang nakakalokong ngiti.

Pagbukas nga ni Dee ng locker ay nakita niya ang tinutukoy ni Kate. Nakakita siya ng papel at nang buksan niya iyon ay binasa niya ang nakasulat.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito. Siguro sisimulan ko ito sa paghingi ng tawad. Pasensya ka na kung hindi ako nakarating sa JS at hindi kita naisayaw. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko dahil sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos na nakikita kita ay lalong tumitindi ang pagmamahal ko sa iyo. Sa mga panahong pinagsaluhan natin... Sigurado na talaga akong mahal kita.

Natakot ako noong JS Prom natin. Natakot akong isayaw ka at mahawakan ang mga kamay mo. Natakot akong habang magkasayaw tayo at tinitingnan kita ay masabi ko sa iyo bigla na mahal kita kasi alam ko namang hindi talaga ako ang priority mo. Natakot akong mabaliwala at mapagtawanan. Pasensya ka na kung naging duwag ako at hindi kita hinarap.

Siguro sa araw ng JS natin ay nagtataka ka kung bakit hindi kita sinipot. Alam kong magagalit ka sa akin at baka hindi mo na ako pansinin. Pero sana pag nabasa mo ang sulat na ito ay maintindihan mong may pansarili akong dahilan kung bakit ko nagawa yun. Sana man lang ay maibsan ng sulat na ito ang galit at inis na nararamdaman mo para sa akin.

Malapit na tayong grumaduate. Hindi natin alam kung sino nga ba ang taong makakatuluyan natin balang araw, pero ito ang sinisiguro ko sa iyo, magsisikap akong mag-aral kasi alam kong ganun din ang gagawin mo. Magtatapos ako para hindi naman nakakahiya sa iyo. Kung kinakailangan na magpa gwapo ako at magpayaman ako ay gagawin ko.

Sana pagkabasa mo ng sulat na ito at makita mo ako e ipagpalagay mo na lang na hindi mo nabasa ito. Matapos ang labinlimang taon ay babalikan kita at ipinapangako kong handa na akong harapin ka. Sana mahintay mo ako dahil maghihintay rin ako sa iyo.

Lubos na nagmamahal,
True Love <3

Naging emosyonal si Dee nang mabasa ang sulat na iyon, ang sulat na hindi naman talaga para sa kanya. Hindi niya sukat akalain na mahal pala siya ng lalaking sa tingin niya ay gusto niya na. Ibinulsa niya ang sulat at nilagay sa locker ang dala-dalang mga gamit. Nang makabalik na sa classroom, bitbit niya ang mga umiiyak na mga mata.

Nakita siya ni Sid at kahit na nahihiya sa ginawang di pagsipot  sa kanya noong JS, ay nilapitan siya nito at naglakas-loob na itanong kung anong nangyari.

"Bakit ka umiiyak, Dina?"
"Ikaw kasi e!" sagot ni Dee sabay hampas sa braso ni Sid.
"Ako? Dina, kung yung sa JS yun--"

Pinahid ni Dee ang kanyang mga luha. "Huwag na nating pag-usapan yun, Sid. Tapos na yun e. Huwag mo na akong alalahanin. Magiging ok din ako mamaya."

"Sigurado ka?"

Tinugunan ni Dee si Sid ng isang ngiti kasabay ang pagsabi ng, "Oo."

Lumuwag naman ang pakiramdam ni Sid dahil sa tingin niya’y tuluyan na nga siyang napatawad ni Dee.

Lumipas pa ang ilang araw. Habang tumatagal ay palapit na nang palapit ang paghihiwalay nina Sid at Dee. Ang bawat oras ay tila buhanging bumabagsak at nauubos sa loob ng isang hour glass. Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng pagtatapos.

Noong araw na iyon, itinanghal na Valedictorian si Dee. Lubos ang galak ng mga magulang niya at mga kaibigan. Nakita ni Dee na lubos siyang pinapalakpakan ni Sid dahil sa kanyang tagumpay. Bago tuluyang maghiwalay, nakiusap si Sid kay Dee na paunlakan ng kahit man lang isang litrato.

Nang matapos na ang shot, nagulat na lang si Dee nang biglang siyang yakapin ni Sid at sinabi nitong...

"Di kita malilimutan...

"...dahil ikaw ang...

"pinakamahahal kong..."

At ang huling salitang binanggit ni Sid ang nagpakirot sa puso ng dalaga.


…Itutuloy…


Tanong:

1. Ano ang huling salitang binanggit ni Sid?

Abangan.

A Tristancafe Story: True Love Waits (3)




OOO






OOO



CHAPTER 3
JS Prom


"Mabait naman ba iyang Prom Date mo?"

"Masungit."
"Mayaman?"
"Kuripot."
"E pogi naman ba?"


-Usapan ng mag-inang Solita at Dee



OOO


Nilapitan ni Dee si Sid kasabay ang pagsabi ng, "Gusto kita, alam mo ba yun?"

"G-gusto mo ako?!" Nanginginig ang tinig ni Sid dahil sa labis na pagkagulat.
"Oo! Gusto kita! Gusto kita... Gusto kitang sampalin, batukan, tadyakan, kasi ang tanga-tanga mo!" nagagalit na sabi ni Dee. "Ang dami-dami pang babae diyan! Pag nag-College na tayo siguradong marami pa tayong mas makikilala! Huwag kang maging bitter dahil lang kay Kate."

Dahil sa sinabi ni Dee ay natauhan si Sid. Oo nga pala... Fourth year high school na sila. Halos isang buwan na lang ay magtatapos na sila. Paniguradong marami pang makikilala si Sid pag tungtong niya ng kolehiyo. Mas marami pa siguro siyang paiibigin, paiiyakin at... makaka-tutut. :tutut:

Ginantihan lang ng ngiti ni Sid si Dee, bagay na ipinagtaka ni Dee, lalo na nung sinabi nitong,

"Tara, hatid na kita sa inyo!"

Naguguluhan man ay pinayagan ni Dee na ihatid siya ni Sid at ang nakagugulat pa ay nang pahagingan na naman siya nito.

"Malapit na ang Prom," sabi ni Sid.
"So?!" pagtataray ni Dee.
"May trivia ako," sabi ni Sid. "Alam mo bang wala pa akong Prom Date?"

Naghihintay ng karugtong si Dee; medyo nangingiti siya dahil mukhang yayayain siya ni Sid na maging ka-date. Kung gayon e paniguradong papayag siya.

"Wala lang share ko lang!" pagpapatuloy ni Sid sabay tawa. Napasimangot ang kausap at ipinagtulakan siya palayo.
"Leche ka! Sinasayang mo panahon ko!" iritang pagkakasabi ni Dee. Tinawanan lang siya ni Sid at naglakad na ito palayo.

Nang makitang papasok na ng bahay si Dee ay gumawa ng eksena si Sid at sinamantala ang pagkakataon. Tinawag niya ang kaklase,

"Dina!"

Lumingon si Dee. "Ano?!" iritang tanong niya.

"Pwede bang ikaw ang maging Prom Date ko?!!!!!" sigaw ni Sid na sa sobrang lakas e gumawa ng echo. Naglabasan tuloy ang mga kapit-bahay.

Hiyang-hiya si Dee sa isinigaw ni Sid. Nag-aalala rin siya kasi baka narinig ng mama niya yun. Nasa loob pa naman yun ng bahay panigurado,  kaya kahit na gustuhin man niyang tumugon ng "Oo!", ang nasabi na lang niya ay, "Ewan ko sa iyo! Baliw!" At pumasok na siya sa bahay.

Tama nga ang kutob niya. Naroon ang mama niya sa sala. Tahimik siyang lumapit dito at nagmano. Matapos magmano ay tinanong siya ni Solita, "Kailan tayo bibili ng gown, anak?"

"Gown po?" nagtatakang tanong ni Dee.
"Para sa JS ninyo," sabi ng ina.

Naisip ni Dee na narinig talaga ng ina ang isinigaw ni Sid kanina kaya't nagpaliwanag naman siya, "Mama, kasi... Wala naman akong balak na umattend ng JS. Last year nga, hindi ako umattend, di ba?"

"Mukha kasing may dahilan ka na para umattend ngayon. Di ba, anak?"
"Mama naman..."
"Anong pangalan ng Prom Date mo?"

Di na rin nakapagtago si Dee sa kanyang ina at sinabi niya ang pangalan ni Sid.

"Sid Gabriel po..."
"Bibili tayo ng gown bukas na bukas."
"Mama!" angal ni Dee.
"Huwag ka nang umangal. Kailan ba ang Prom ninyo?"
"Sa last Friday po ng February."

Pinalapit ni Solita ang anak sa kanya para usisain pa.

"Mabait naman ba iyang Prom Date mo?"
"Masungit."
"Mayaman?"
"Kuripot."
"E pogi naman ba?"
"?"

Dahil naumay na si Dee sa tinatanong ng ina ay nagpaalam na siya at umakyat na sa kanyang silid. Gusto na raw niyang magpahinga. Pero, pagpasok naman doon ay nagtitili ang dalaga. Ngayon pa lang ay ini-imagine niya ang mangyayari sa JS Prom.

Nakaupo siya suot ang kanyang magandang gown at nag-aabang sa pagdating ni Sid para yayain siyang sumayaw. Lalapitan siya ni Sid. Iisipin niyang kahit hindi naman iyon ganun kagwapo ay malinis naman iyong tingnan at mabango pa. Hahawakan ni Sid ang kanyang kamay at dadalhin siya sa gitna ng entablado kung saan sila magsasayaw sa saliw ng isang sweet song. Pagkatapos ay magtititigan sila at unti-unti'y maglalapat ang kanilang mga labi.

"Nakakakilig!" sabi niya, pero tila natauhan siya. Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. "Hindi. Mali ito! Hindi ka dapat ganyan kay Sid! Hindi mo siya dapat iniisip. Magkaklase lang kayo, ok?" Hinawakan niya ang dibdib at dinama ang tibok ng kanyang puso. "Hindi ka dapat ma-in love sa kanya. Magtatapos ka pa ng College. Pag nangyari yun, dun ka lang pwedeng magmahal. Sige na, tama na ang pantasya, Dee. Kasalanan iyan," sabi ni Dee sa sarili.

Nang magkita sina Sid at Dee kinabukasan, ipinahatid ni Dee kay Sid ang pagpayag niya na maging Prom Date si Sid.

"Hindi nga?" tanong ni Sid kay Dee.
"Ay! Ayaw maniwala!"
"Walang halong charing?" tanong muli ni Sid.
"Wala nga."
"Ok lang sa iyo kahit hawakan ko yung kamay mo kapag inalalayan kita papunta sa entablado?"
"Ok lang."
"E yung baywang mo kapag nagsimula na tayong magsayaw ng sweet dance?"
"Ok lang."

Sumuko si Sid sa mga sagot ni Dee. "Ay! Hindi ko maintindihan. Akala ko ba conservative ka?"

"Friendly dance lang naman yun, di ba?"

Napaisip si Sid, "A... Oo naman." At may napagtanto siya, "A kaya pala. Kaya pala ok lang sa iyo. So papaano," inilabas niya na ang invitation na nanggaling sa eskwelahan. Doon ay ililista mo ang pangalan ng kaparehang gusto mong makasayaw sa saliw ng nakalistang kanta, "pumirma ka rito sa number 1 to 16. At ako naman ay pipirma rin sa invitation mo."

"Teka, teka," kontra ni Dee. "Ibig mong sabihin ay ako lang ang isasayaw mo buong gabi?"
"Natural. Tapos ikaw naman, ako lang dapat ang kasayaw mo. Bakit, gugustuhin mo pa bang magsayaw ng iba?"
"A hindi. Sige na, akin na," kinuha ni Dee ang imbitasyon ni Sid, at si Sid naman ay ganoon din.

Nang matapos magpirmahan, isang bagay ang ipinakiusap ni Sid kay Dee.

"Gusto ko... Ikaw ang maging pinaka magandang babae JS Prom."
"Huh? Anong sinasabi mo? Hindi naman ako maganda no!"
"Maganda ka! Dito," sabay hawak ni Sid sa dibdib niya.
"Alam mo... ang manyak mo."
"Puso kasi yung tinutukoy ko, di ba?"
"Ewan. Dami mong alam!"

Noong araw na yun, naging masaya si Dee. Tiningnan niyang muli ang invitation at inisip na mukhang magiging masayang-masaya ang gabi ng JS Prom nila. Hindi niya alam na may isang di inaasahang bagay ang nag-aabang sa hinaharap.



...Itutuloy...


MGA TANONG:


1. Sagutin ang tanong ni Solita, pogi nga ba talaga si Sid?


2. Ano nga kayang mangyayari sa JS?

Abangan.

Thursday, November 3, 2011

A Tristancafe Story: True Love Waits (2)


Bago natin simulan ang kabanatang ito e balikan natin ang mga tanong kahapon kasama ang mga nakakalokang sagot ng ating mga katambay. Kung ayaw mo naman e i-scroll mo na lang pababa. 

Mga tanong:

1. Saan na kaya napunta si Intoy?

Christian_16              : binalikan yung laptop nya sa bahay ni mama sang tey kasi di makakapag tcaf.
Mr_Manok                  : pumunta si intoy sa bahay ni shann upang makipag landian at makipag harutan habang ang kanyang ama at kapatid ay naliligo sa ulan
pasawaynaagentZERO  : sa tindahan pala ni aling rodelyn
cAPTAiN_sHaNn       : sa bahay ko. nangangati na xa. gusto na niang lumandi saken
invaliduser               : hinatak na naman ni shan si intoy tapos hinalay

2. Sino ang babaeng nakita ni Sid sa pintuan na naging dahilan para gunitain niya ang nakaraan?

Christian_16              : hmmm si otor? kate?
Mr_Manok                  : si kate ba? yung inindyan si sid
pasawaynaagentZERO  : eh sino pa ba??   c -
cAPTAiN_sHaNn       : ang babaeng ambisyosa na itinatangging lumalandi rin saken
invaliduser               : hindi natin masasabi kun sino.. sa dami ba naman ng mga babaeng nilandi ni sid e

3. Lumambot pa kaya ang puso ni Zhannel para sa mag-aamang Sid, Jackie at Intoy?

Christian_16              : uu naman isang kiss lang katapat nyan at mahalay na pagsusumamo. nakanakz! 
Mr_Manok                  : sa aking opinyon, hindi na siguro dahil may brain damage na. Akalain mo nag espanyol ang loka. "Asylum autem zhannel"
pasawaynaagentZERO  : oo naman. sa kyot ba naman ni jackie . ket sino lalambot ang puso
cAPTAiN_sHaNn       : according to my researchies "hindi na" grabe ng epekto ng pagiging rugby girl ni nay zhannel
invaliduser               : oo.. at un ay dahil sakin !

4. Mapansin pa kaya ni Kate si Sid?

Christian_16              : :shrug:
Mr_Manok                  : Siguro, nasa kamay niyo yan
pasawaynaagentZERO  : oo naman tas akin na lng c JM
cAPTAiN_sHaNn       : hindi rin! dahil ako nman tlga ang type ni fafa sid
invaliduser               : kung maghuhubad si sid at sasayawan niya si kate ng macho dancer baka ma inlove si kate

5. Ano ang dadatnan ni Dee pag-uwi niya sa bahay nila?

Christian_16              : yung mag aama?
Mr_Manok                  : ang nag-aalala niyang pet na si manok
pasawaynaagentZERO  : c intoy!
cAPTAiN_sHaNn       : ang NILALANDI niyang nakahubad na hulsam na si shann.  
  nasabi ko!
invaliduser               : makikita niya na nagkalat sa kwarto niya ang mga poster at mga picture ni intoy na krass na krass niya....

Eto na yung rekwes ni dduel, sabi niya kasi gusto niyang maisingit sa kalokohang story na ito.






OOO



CHAPTER 2

Valentine Date


"Pero kahit na ganun... Sa tingin ko mas magiging maswerte si Kate kung mapupunta siya sa iyo. Pero kung papayagan ng tadhana na sa akin ka mapunta, hay... sa tingin ko..."



--Dee






OOO


Narating na ng dalawa ang tahanan ni Dee, at bago pa tuluyang makapasok ang kasama ay pinasalamatan ni Sid ito,

"Salamat sa araw na ito. Hindi ko alam na enjoy ka pala kasama. Akala ko kasi puro libro lang ang trip mong kasama e."
"Oo na! Oo na! Ang dami mo pang sinasabi e!" sabi ni Dee na tila madaling-madali na sa pagpasok sa bahay nila.
"Itong mga bulaklak ba hindi mo kukunin?" tanong ni Sid sa kanya.
"Gusto mong patayin ako ng mama at papa ko pag nakita yan na hawak ko?"
"Edi wag mong ipakita!" sabi ni Sid sabay hablot ng shoulder bag ni Dee at inilagay sa loob ang mga bulaklak.
"Uy, ano ka ba! Alisin mo yan!" utos ni Dee.
"Ayoko nga!" sabi ni Sid at nakuha pang dumila.
"Sisigaw ako rito! Sasabihin kong gusto mo akong halayin!" pagbabanta ni Dee.
"Gusto mo totohanin ko pa iyan e!" ganti naman ni Sid sabay tawa. Isinabit niya muli ang bag sa balikat ni Dee. Humakbang na siya paatras at tuluyan nang nagpaalam. Habang papalayo, nagawa niya pang mang-asar nang sabihin niya ang, "Dina, yung project sa Physics ha! Bukas na ipapasa yun!"
"Leche ka!" tugon ni Dee at pumasok na siya sa bahay nila.

Nadatnan ni Dee na nanonood ng TV ang mama at papa niya. Lumapit siya sa mga ito at nagmano. "Sorry po at na-late ako ng uwi," paumanhin niya.

Paakyat na sana siya nang bigla siyang tawagin ng papa niya at tinanong,

"Dee..."
"Po?"
"Bakit amoy lalaki ka?"

Nagulat si Dee sa tanong na iyon. "Ano po?!" kabang-kaba niyang itinanong. Mabisto kayang nakipag-date siya?

Sandali silang nagtitigan ng papa niya. "Umayos ka ha!" sabi ng papa niya. Sa takot na baka kung ano pa ang sabihin nito ay kumaripas na si Dee ng takbo paitaas.

"Ikaw naman, Joel, tinakot mo yung bata," puna ni Solita, ang mama ni Dee.
"Walang tomboy sa pamilya natin, Solita," sabi nitong may matapang na mukha habang umiiling-iling. "Alam mo iyan!"
"Malay mo naman may nakatabi lang na lalaki sa jeep. Ikaw naman."

Isinawalang-bahala na ni Joel ang pangyayaring iyon, at ipinagpatuloy na muli ng mag-asawa ang panonood ng telebisyon.

Nang makarating na sa silid, agad na binuksan ni Dee ang bag at inilabas ang mga rosas na bigay sa kanya ni Sid. Kinausap niya pa ang mga ito.

"Alam ko namang napilitan ka lang na ibigay ito sa akin e. Akala mo ba hindi ko nakita at narinig kung paano ka tanggihan ni Kate kanina? Hay Sid, ewan ko sa iyo. Ang dami-dami namang babae riyan.
"Saka wala ka namang laban dun kay JM e! Mas gwapo kaya yun kaysa sa iyo. Mas mayaman pa yun, mas matalino, mas matangkad, mas matangos ang ilong, mas mapungay ang mga mata, mas magaling pang mag English!
"Mas talented pa yun. Mas tinitilian ng mga babae. Mas favorite pa ng teachers yun. Mas galante pa siguro yun kaysa sa iyo. Kanina nga nilibre mo lang ako ng fish ball. Sabi mo kasi mas mura yun kaysa dun sa gustong kong squid ball. Hay kawawang Sid!" Napabuntong-hininga siya.

Ilang sandali pa'y kumuha siya ng malinis na puting tela at ibinalot doon ang mga rosas na bigay ni Sid. Itinago niya yun sa isang drawer na may padlock habang sinasabi ang, "Pero kahit na ganun... Sa tingin ko mas magiging maswerte si Kate kung mapupunta siya sa iyo. Pero kung papayagan ng tadhana na sa akin ka mapunta, hay... sa tingin ko... wala, joke lang. Imposible naman yun e."

Pagkatapos, nagpalit na si Dee ng damit at nag-ayos ng sarili. Nagdasal muna siya bago tuluyang matulog.

Kinabukasan, sa eskwelahan, noong recess time, napag-usapan nina Sid at Kate yung tungkol sa okasyon kahapon. Masayang-masaya pa si Kate habang ikinukwento kay Sid ang mga nangyari sa date nila ni JM.

"Hay, alam mo ba, Sid, ang sweet-sweet ni JM kahapon. Napaka gentleman niya pa. Sinubuan niya pa ako habang kumakain kami," kilig na kilig na pagkakakwento ni Kate.
"A talaga?" tanong ni Sid sa di maipintang mukhang.
"Isinayaw niya pa ako," dagdag ni Kate.
"Ano, isinayaw?" gulat na tanong ni Sid.
"Oo. Hay nakaka in love siya. Tapos alam mo... Habang nagsasayaw kami, tinanong niya pa ako. Sabi niya... 'Would you be my girlfriend?'"

Lalong nagulat si Sid. Hindi niya na siguro kailangang itanong pa kung ano ang isinagot ni Kate dahil nagpatuloy pa iyon sa pagsasalita.

"And I answered 'Yes'," sabi nito.

Nanggalaiti si Sid sa narinig at walang kaabug-abog na tumayo sa kinauupuan at nag-walk out. Tinawag siya ni Kate at sinabing bumalik siya pero hindi niya ito pinakinggan. Dumiretso siya sa classroom nila. Tamang-tama walang tao. Doon siya naglabas ng galit at hinanakit.

"Hay nakakainis! Nakakainis!" sabi niya sabay sipa sa isang upuan. Di pa nakuntento, hinawi niya ang mga librong nakapatong sa desk nito at tumilapon ang mga iyon.

Ganitong eksena ang nadatnan ni Dee sa classroom nila na lubos na nakapag-painit ng kanyang ulo.

"Hoy Sid, ano ba?" iritang tanong niya rito. "Anong ginagawa mo?!"
"Naiinis ako! Naiinis ako kay JM!" galit na pagkakasabi ni Sid.

Hinampas siya ni Dee sa braso. "E sira ulo ka pala! Naiinis ka kay JM e yung mga gamit ko naman ang pinagdiskitahan mo! Bwisit to!"

Dahil sa sinabi ni Dee ay napakalma tuloy si Sid nang di oras.

"Ay... sa iyo ba yan?"
"Ay hindi! Kaya nga sabi ko, di ba, 'gamit ko'?" Inirapan ni Dee si Sid. Pinulot din niya ang mga nagkalat niyang libro at hinila na rin ang upuan ni JM para ibigay kay Sid. "O ayan, upuan ni JM. Yan ang sipa-sipain mo. Wala naman akong ginagawa sa iyo pati mga libro ko dinadamay mo."

Sa sobrang hiya, lumabas na lang si Sid ng silid-aralan. Napailing naman si Dee at mukhang nadismaya sa nangyari.

Nang mag-uwian na noong araw na yun, hinabol ni Sid si Dee na palabas na ng eskwelahan.

"Dina, teka lang," sabi niya sabay hatak sa shoulder bag nito.

Napahinto si Dee. "Bakit?" tanong niyang may pagtatampo.

"Sorry dun sa kanina," paumanhin ni Sid. "Nagalit kasi ako... Nalaman ko kasing isinayaw ni JM si Kate. Naiinis ako. Ibig sabihin nahawakan niya ang kamay ni Kate ko. Huhuhu."
"Ok lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ka talaga nagkakaganyan," sagot ni Dee.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sid.
"Sigurado naman akong alam mo rin na sina Kate at JM na. Hmm... Kalat na kaya sa buong school. Nagagalit nga yung fans ni JM e," sagot ni Dee.

Nalungkot si Sid at umiwas ng tingin. "Oo. Isa pa nga yung kinasasama ng loob ko. Kung alam mo lang, since Kinder nililigawan ko na yang si Kate."

Hinawakan siya ni Dee sa balikat, "Hay! Ano ka ba? Ok lang yan, Sid. Nandito pa naman ako e!"

Dahil sa sinabing iyon ni Dee ay napatingin bigla si Sid sa kanya. Agad na tinanggal ni Dee ang mga kamay niyang nasa balikat ni Sid. Maski siya ay nagulat sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Sid.
"A... Nandito pa ako! A... Ang ibig kong sabihin e... Nandito pa ako para ihanap ka ng kapareha," palusot ni Dee.
"A hindi, wag na, Dina. Kundi lang din si Kate ang makakatuluyan ko, I'd rather be single," malungkot na pagkakasabi ni Sid sabay lakad palabas ng eskwelahan.

Ang gayong sinabi ni Sid ang nakapagpanumbalik ng init ng ulo ni Dee. Hindi niya hinayaang tuluyang makalayo ang kaklase at tinawag niya ito, "Sid!" Lumingon naman si Sid. "Baliw ka talaga!" dugtong ni Dee. Di alintana ang pagdaan ng maraming tao, di napigilan ni Dee ang sarili at ipinahayag niya ang kanyang nararamdaman. "Gusto kita!"

Nagulat si Sid sa kanyang narinig.






...Itutuloy...

Mga Tanong:

1. Magtagal kaya ang relasyon nina JM at Kate?

2. Ano kaya ang irereply ni Sid sa sinabi ni Dee? 

A Tristancafe Story: True Love Waits (1)




CHAPTER 1
Rain Drops


"Sa di inaasahang pagkakataon... Sino nga bang mag-aakalang magtatagpo ang landas nating dalawa?"



-Sid


OOO


Tinatahak ng mag-aamang Sid, Jogie at Jackielyn, ang landas patungo sa kawalan. Hindi na alintana ni Sid ang pagod, pero mukhang kabaligtaran naman ang nararamdaman ng kanyang mga anak.

"Daddy, gutom na kami," angal ng nakatatandang si Jogie, o Intoy kung tawagin ng mga kaibigan.

Maalikabok ang daan at naiinis naman ang nakababatang si Jackielyn o Jackie, dahil nadudumihan ang puti niyang rubber shoes. "Dad, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya sa ama.

Walang ideya si Sid kung saan na sila pupulutin ng kanyang mga anak dahil pinalayas na sila sa tinitirhan ng kinakasama at mama-sang niyang si Zhannel. Sariwa pa sa isip niya ang mga nangyari thirty minutes ago.

"Walang hiya ka, tey! Matapos ko kayong bihisan ng mga anak mo at ibili ng kung anu-anong luho, ito ang igaganti mo sa akin, tey?" sigaw ni Zhannel, ang kinakasama ni Sid.

Nakaranas ng malagim na aksidente si Zhannel noon at nagkaroon ng damage ang kanyang utak. Dahil dito ay naapektuhan ang kanyang pagsasalita at dinadagdagan niya ng “tey” ang bawat pangungusap na sinasambit.

"Let me explain," pagmamakaawa ni Sid pero hindi niya na yun nagawa dahil binulag na si Zhannel ng galit at selos.
“No quiero oír tu explicación, tey! Salir de esta casa, tey!” galit na galit na sabi ni Zhannel.

Walang nagawa ang mag-aama kundi lisanin ang bahay ni Zhannel. Wala silang nadalang gamit, bagay na ipinangangamba ni Sid, dahil hindi pa niya naranasan na gamitin ang Side B ng kanyang underwear. Nang dukutin niya naman ang kanyang pitaka at tingnan iyon e balot lang ng Frenzy ang laman nun. Itinago niya na yun at baka makita pa ng mga anak.

At kung mamalasin ka nga rin naman, inabutan pa ng pagbuhos ng ulan ang mag-aama.

“Umuulan!” bulalas ni Intoy.
“I know right?” sabi naman ni Jackie.
"Takbo, Jackie, Intoy! Silong!" utos ni Sid sa mga anak.

Tumakbo ang mga bata hanggang sa narating ni Jackie ang isang bahay na masisilungan. "Daddy, dito!" tawag niya sa ama. Nasundan ni Sid si Jackie pero lubos na ipinangamba ni Sid nang hindi makita si Intoy sa paligid.

"Nasaan ang kuya mo?" alalang tanong niya sa anak.
"Hindi ko alam! Magkasunod lang naman kami kanina," sagot ng nalilitong si Jackie.

Tumingin si Sid sa kalangitan at nag-moment. "Diyos ko! Ano bang kamalasan itoooooo????!" kanyang isinigaw. Biglang bumukas ang pinto ng bahay na sinilungan nila. Nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na mukha. Doon niya napagtantong ang bahay na iyon ay may mahalagang parte pala ng kanyang kabataan.

Nanatili siyang nakatayo habang tinitingnan ang babaeng naroroon sa pintuan at may dala-dalang payong.

"Sa di inaasahang pagkakataon... Sino nga bang mag-aakalang magtatagpo ang landas nating dalawa?" isip niya. Bumalik ang gunita niya sa nakaraan.

Pebrero, taong kopong-kopong.

Masayang nakangiti si Sideros sa labas ng kanilang eskwelahan. Sid ang madalas na itawag sa kanya ng karamihan, pero iginigiit niyang Eros na lang para sosyal. Humahalimuyak ang mabangong amoy ng kanyang pabango na kahit na langaw sa katabing basurahan ay hindi na nakuha pang umaligid sa kanya. Nakatayo siya sa labas, malapit sa gate ng kanilang paaralan, habang naghihintay sa paglabas ni Karla Therese, kilala sa tawag na Kate, ang binibining kanyang sinisinta. Ilang sandali pa'y lumabas na nga si Kate. Bumilis ang tibok ng puso ni Sid nang makita ang dalaga, animo'y kinakabahan, kahit na araw-araw niya naman itong nakikita kasi magkapit-bahay lang sila.

Kinder pa lamang sila e crush na crush na ni Sid si Kate. Nagsimula ang lahat noong magtama ang kanilang mga kamay dahil ginabayan ni Kate si Sid sa pagsusulat ng malaking titik O na siyang nakasulat sa pisara para gayahin. Kasabay ng ganitong eksena ay narinig niya ang pagtugtog ng Huling El Bimbo mula sa canteen na katabi lang ng classroom nila kaya't lalong naging masidhi ang damdamin niya para kay Kate.

Ok, ipagpatuloy na natin ang huling tagpo. Sinalubong ni Sid ng mas malaking ngiti si Kate nang makita niya ito.

"Happy Valentine's Day, Kate!" bati ni Sid sa binibini, sabay abot ng mga rosas na binili niya nang tatlo-sampu.

Nagulat si Kate sa ibinigay ni Sid at nag-alangan pang tanggapin ito, pero pansamantala'y hinawakan niya na muna dahil mukhang may mahalagang sasabihin si Sid sa kanya.

"O ano, ready ka na ba sa date natin?" nakangiting tanong ni Sid na di magkamayaw sa nararamdamang saya nang makita ang dalaga.

Umiwas ng tingin si Kate. "A... ano kasi e..." pasimula niyang tila may malaking pag-aalinlangan at napakagat pa sa labi, mukhang may hatid na di magandang balita kay Sid, "Sorry, Sid, ha? Kasi naman... Niyaya ako ni JM e."

Nagulat si Sid nang marinig ang sinabi ni Kate. "Ni JM?" paglilinaw niya. Tumango si Kate. "Kailan?" tanong pa niya.

Nagtapat si Kate, "Kahapon."

"Kahapon? E nung November pa kita niyaya a! Hindi ba't pumayag ka pa nga? Doon pa tayo nagsumpaan sa puntod ng lolo ko!" paghihinanakit ni Sid.

Nagpaliwanag si Kate, "Oo nga. E... Hindi naman kasi ako makatanggi. Alam mo naman kasi na--"

Pilit na ngiti ang ipinakita ni Sid kasabay ng pagsingit niya sa sinasabi ni Kate. "Oo. Alam ko naman ang sasabihin mo. Sasabihin mong mas gusto mo siya kaysa sa akin. Sige ok lang," sabi niya. Pero sa loob-loob niya ay gusto niyang murahin nang bonggang-bongga ang kaklase niyang si JM dahil sa pag-epal sa kanila ni Kate.

"Sorry ha." Ibinalik ni Kate ang ibinigay na bulaklak ni Sid, pero sinabi ni Sid ang, "Huwag mo namang ipagkait ang pagkakataon na bigyan kita ng bulaklak, Kate."
"Marami na kasing ibinigay si JM na ganito," sabi ni Kate, at pagkasabi niyon ay lumabas ang ilang alalay ni JM dala ang batya-batyang red roses para kay Kate. Kabuntot din ng mga ito ang gwapong-gwapong si JM na tinalbugan ang porma ni Sid at mas mabango pa. Nanliit tuloy si Sid sa karibal.
"Shall we go, Kate, my dear?" tanong ni JM sa dalaga na hindi na inintindi kung naroon ba si Sid at kanya nang nasasaktan.

Tumango ang dalaga at lumakad kasama si JM. Binitawan niya ang mga bulaklak na ibinigay ni Sid sa kanya. Sumakay sila sa humintong itim at magarang kotseng pag-aari ng pamilya ni JM.

Kasabay ng pag-andar ng kotse na lulan ang iniibig ni Sid ay naglaho ang mga pangarap niya na isang araw, sila ni Kate, ay bubuo ng isang masayang pamilya. Mayaman si JM, matalino at gwapo, samantalang siya ay... ah! Nevermind!

Bigo ang puso ni Sid nang pulutin niya ang mga rosas na inalay niya kay Kate. Napailing na lang siya nang hawakan at tingnan ang mga iyon. Ilang saglit pa, sa kanyang kinatatayuan, ay may tumabing isang babae. Pag tingin niya'y si Dee pala, ang top one ng kanilang klase. Napansin nito ang malungkot na mukha ni Sid at tinanong ito,

"Tapos na ang undas, bakit ganyan ang mukha mo?"
"Wala!" sagot ni Sid na napataas ang boses.

Nairita nang kaunti si Dee sa inasal ni Sid at bumulong, "Sungit talaga nito." Inalis niya na ang mga mata kay Sid at naging abala na lang sa pag-aabang ng masasakyan pauwi.

Nakaramdam naman ng pagka-guilty si Sid kaya't sinubukan niyang kausapin si Dee habang hindi pa ito nakasasakay, at mukhang may naisip din siyang plano para di magmukhang tanga.

"Valentine's Day ngayon," sabi niya ritong tila nagpapahaging.

Napakunot-noo si Dee. "Alam ko," tugon niya at dahil likas na palabasa ay nagbigay pa siya ng trivia. "May trivia ako," sabi niya kay Sid, "Alam mo bang ang Valentine's Day ay dinaraos para alalahanin si Saint Valentine? Noong nabubuhay pa kasi siya..." blah blah blah. Ang haba ng sinabi ni Dee.

"Alam ko na iyan e! E ito, ako naman ang may trivia," bida naman ni Sid. "Alam mo bang wala akong ka-date ngayon?" Nagtaka si Dee sa sinabi ni Sid. "At alam mo bang sayang naman itong binili kong bulaklak kung wala namang akong pagbibigyan?"

Napataas tuloy ng kilay si Dee sabay tanong kay Sid, "So?!"

"So... Dee," sabi ni Sid. Nagulat na lang si Dee nang bigla na lang lumuhod ang kausap, inalay sa kanya ang bulaklak, at tinanong siya ng, "Would you be my Valentine Date?" May sinunod pang pagbabanta, "Yayakapin kita pag tumanggi ka!"

Konserbatibong babae si Dee at NBSB din. Sa takot na totohanin ni Sid iyon e pumayag na lang siya. Sadya nga namang sinuswerte dahil kahit na inindyan ng ka-date e nagkaroon ng Valentine Date si Sid noong araw na iyon sa katauhan ni Dee.

Naiilang man sa kasama e inisip na lang ni Dee na friendly date lang naman iyon. Sa huli ay naging matiwasay ang pagdaraos nila ng Valentine's Day. Mas magtatagal pa sana ang dalawa sa pag-uusap sa parke kundi lang nga tinawagan si Dee ng mama niya sa cell phone, na kinainggitan ni Sid dahil wala siya nito.

"Pauwi na po ako, ma. Sorry hindi na ako nakapagpaalam. Rush kasi yung paggawa ng project namin sa Physics. Bukas na ipapasa yun e!" dahilan ng dalaga. Ibinaba na niya ang tawag.
"Anong project sa Physics?" tanong ni Sid na natatawa pa.
"Shut up! Pagagalitan ako nun pag nalamang nakipag-date ako."
"Anong masama? That's part of growing up," katwiran ni Sid.
"Studies first. Bawal ang manliligaw," sagot ni Dee.
"E hindi naman kita nililigawan," sabi ni Sid.
"Sinabi ko bang nililigawan mo ako?!"
"E papaano sa akin ka nakatingin."
"Excuse me! Hindi ako magpapaligaw sa iyo no!" pagtataray ni Dee.

Nagbigay ng nakakalokong ngiti si Sid, "A talaga?"

"Talaga! Sige na, uuwi na ako," paalam ni Dee.

Akmang aalis na si Dee nang pigilan siya ni Sid, "Teka lang, Dina." Napatingin si Dee sa kanya. "Ihahatid na kita." Tila may mahika ang mga salitang iyon na binitiwan ni Sid dahil kahit na anong pagkubli ay hindi napigilan ni Dee ang kanyang mga ngiti.

"O bakit ka ngumingiti riyan?" tanong ni Sid sa kanya. "Kinikilig siya o!"

Agad naman itong dinepensahan ni Dee, "Kapal! Masaya lang ako kasi malilibre ako sa pamasahe."

At ganoon na nga ang nangyari. Umalis na ang dalawa sa pwesto. Inihatid na ni Sid si Dee sa bahay nito.


Itutuloy…


Mga tanong:


1. Saan na kaya napunta si Intoy?
2. Sino ang babaeng nakita ni Sid sa pintuan na naging dahilan para gunitain niya ang nakaraan?
3. Lumambot pa kaya ang puso ni Zhannel para sa mag-aamang Sid, Jackie at Intoy?
4. Mapansin pa kaya ni Kate si Sid?
5. Ano ang dadatnan ni Dee pag-uwi niya sa bahay nila?

Subaybayan ang mga iyan sa pagpapatuloy ng kwentong ito. 

May nagbasa kaya? 

Sunday, October 30, 2011

Ay. Patalastas.

Alam mo yung feeling...

na exciting part na yung pinalalabas

sumisigaw ka na nga e

tapos biglang

nag patalastas!

arrrgh... bad vibes. *mad*

Saturday, October 29, 2011

SEMBREAK daw... O_O


Pero ang dami namang trabaho. *mad*


-Checking of papers, books and notebooks

-Recording of grades

-Making of grades

-Lesson plan

-Monthly Test

-Form 1 and Form 2


Ito ba ang Sembreak?!

Thursday, October 27, 2011

gift for K :)

Cell phone chain, post anniversary gift.
Hehe... Ngayon lang nakabili e.
Nakalimutan pang kunin ni Kenshin kanina.
Excited pa naman akong ipakita sa kanya. X(


Image and video hosting by TinyPic

Tuesday, October 25, 2011

25 cents

EKSENA: Bumili kami ni Pated ng Rainbow Nerds sa isang candy store sa SM. Ang halaga e 99.75 PHP.

Image and video hosting by TinyPic


AKO: (Nagbayad ng P100, waiting ng sukli)

PATED: (Napansin na medyo nagtatagal na kami sa store) Halika na.

AKO: Teka lang.

MISS: (Napansin ako) Okay na po, ma'am.

AKO: P100 yung pera ko.

PATED: 25 cents lang naman.

AKO: P99.75 lang ito. May sukli pa ako.

MISS: (Inabot ang sukli)

PATED: Ay si ate, 25 cents lang naman yun.

AKO: Kung ako kaya ang magbayad ng kulang? O_O


_Pag nagbayad ng kulang, hindi pwede. Pag magsukli ng kulang, pwede? Huh! Unfair! O_o

Monday, October 24, 2011

5 to 9

Eksena: QUIZ, nagpa quiz si A.A. dahil siya yung nagreport...



A.A: Number 5 to 9...

THIRD YEAR: 5 to 9?

ISA PANG THIRD YEAR: 5 to 9?!

AKO: Ay hindi, 5 to 11! Sinabi na ngang 5 to 9, paulit-ulit?!


_nakakaloka! paulit-ulit mga High School.

Sunday, October 23, 2011

Adventure with Chloe and Pated

Kaninang umaga pinasyal namin ni Pated yung dog naming si Chloe. Tapos nung pauwi na kami, nag-act kami ni Pated na parang iiwan namin si Chloe. Si Chloe naman sumunod sa amin pero bigla siyang tumakbo papunta sa kabilang direksyon. Nag-try akong habulin siya pero dahil ang bilis niya tumakbo, hindi ko na naabutan, at hindi ko rin naabot yung tali niya. Si Pated naman ay naiwang humahabol sa aming dalawa.

Magdidire-diretso na sana ng takbo si Chloe papunta sa daan ng bahay namin pero bigla siyang huminto nang tahulan siya ng isang aso doon sa bahay na nadaanan niya. Sa totoo lang, nung napadaan kami doon sa bahay na iyon e init na init yung aso na iyon kay Chloe, pinagtatahulan ba naman niya si Chloe at parang gustong-gustong awayin.

At ayun nga nung tumakbo si Chloe pauwi, tinahulan siya nung aso. May kutob na akong ganun ang mangyayari kaya binilisan ko ang takbo ko. Tapos ito namang si Chloe talagang lumapit pa dun sa aso. May pagka maldita rin kasi, pag tinahulan siya, tatahulan din niya. Nahawakan ko ang tali ni Chloe at sinubukan siyang hilain pero nagwala nang nagwala ang asong salbahe at nakatakas sa pagkakatali! Ang bilis ng mga pangyayari. Nakalabas sa gate ng bahay ang aso na iyon kung saan may malaking butas, na doon mismo nakasilip ang aso!

Nagulat ako dahil bigla na lang itong aso na ito ay sumugod kay Chloe, at nandun na nga ako sa eksena dahil hawak ko na nga ang tali ni Chloe at tinatry ko na makuha siya. Hinabol ng aso si Chloe; hawak ko ang tali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinita ko ang salbaheng aso at binugaw ito, sabi ko "Shhh! Shhh!" Nang magkaroon ng pagkakataon ay binuhat ko si Chloe pero sa aking pagbuhat e gusto akong sugurin ng aso na salbahe at balak pa akong kagatin! Pero patuloy pa rin ang pagbugaw ko sa asong salbahe. May mga usisero na nakatingin lang dahil nagulat rin sila sa mga pangyayari.

Hanggang sa tuluyan kong nataboy ang aso na nagngingitngit sa galit. Nakita ko iyong pumunta sa direksyon kung nasaan si Pated. Natakot ako dahil baka si Pated naman ang pagbuntungan ng salbaheng aso. Nakita ko pa si Pated na lumayo. Itinakbo ko na si Chloe palayo. Tinanaw ko si Pated pero di ko na siya nakita. Umiba na siguro ng daan.

Lumayo kami ni Chloe at tumakbo ako papunta sa bahay. May kabigatan na siya ngayon dahil malaki na. Noong pag-uwi namin, nagkita rin kami ni Pated. Hingal na hingal ako at pawis na pawis, pati si Chloe ay ganoon din. Si Pated naman ay takot na takot.

Pinainom ni Pated si Chloe ng tubig pero di niya yun tinanggap. Nagkatrauma pa yata. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at isinalin sa lalagyan ng tubig ni Chloe. Ayun ininom niya. Napaka arte talaga ng aso na iyan. Haha!

Isinalaysay namin kay mama ang mga pangyayari. Pati si mama ay natakot. Hanggang sa makapasok si Chloe sa bahay ay hingal na hingal pa rin siya. Pero ngayon e okay na siya at nandito na naman sa kwarto ko, napagdiskitahan na namang ngatngatin yung tandayan ko.

Ay grabe yang aso na salbahe na yun. Dapat sa kanya maging azucena.


Ito si Chloe nung maliit pa. Ang cute-cute talaga niya.

Image and video hosting by TinyPic

Saturday, October 15, 2011

Muntik na.

Alam mo yung feeling... na nagcocomply ka ng requirements kasi Finals na.

Tapos... dahil sa kalituhan at pagmamadali...

imbis na yung take home exam ang ipapasa mo... ang naipasa mo dun sa first subject e yung term paper mo para sa next subject.

Nagulat ka na lang kasi nung magpapasahan na ng term paper sa second subject e nakita mo sa clear book na nawawala yun

at yung take home exam para sa first subject ang nasa clear book.

Hay grabe! Mali yung napasa ko. T_T Nakakaiyak!

Pero salamat sa mga mababait kong kaklase at kaibigan na sina Sir R. at Joza...

Naayos din ang gusot.

***

Ang dami kong pagod at sama ng loob ngayong araw...

Pero masaya pa rin kasi tapos na ang Finals.

Malapit na rin ang SemBreak.

Tapos Second Sem na sa November.

Ang saya mag-aral.

Wednesday, October 12, 2011

1 @ 12

Kenshin,

Thanks nga pala dun sa dress na bigay mo kahapon... Kahit na hindi ko favorite ang color violet. Haha! At sa cake at card na inabot mo kaninang lunch time. Talagang hindi ka pumasok sa klase nyo para puntahan ako sa work.

Sorry kasi nagtampo ako sa iyo kahapon at masama loob ko. Hehe... Lilipas din naman yun.

Salamat sa isang taong pinagsamahan. Happy First Anniversary!


***

Nasira na yung cake. Si bunso kasi hindi hinawakang mabuti e.

Salamat din pala kay Kuya Keyk (super_broken) at talagang nag-post pa para batiin kami ng Heypi Anniv.

Image and video hosting by TinyPic

Image and video hosting by TinyPic

Monday, October 10, 2011

10, 11, 12

10 ngayon. Lunes.

Sweldo dapat.

Kaso dahil masyadong mapamahiin yung nagpapasahod

e hindi kami nabigyan ng sahod kasi LUNES.

Malas daw maglabas ng pera according to the Chinese.

E hindi naman siya Tsino. At hindi rin naman kami.

Pero dahil nga sa pamahiin na yun e walang sahod.

Hindi ako pwedeng umangal.

Kahit na wala na akong pera e

hindi ako dapat umangal.

Sabayan pa iyon ng biglang buhos ng malakas na ulan.

May bagyo na naman ba?

May estudyanteng nanalangin na sana ay walang pasok.

Sinabi ni Sir J. na sana nga ay walang pasok bukas.

Pero binawi rin niya kasi kung walang pasok bukas

e wala kaming suswelduhin.

Wahahaha!

Ano ba yan!


11 bukas. Martes.

Ipinagtataka ko kung bakit wala na kaming devotion

na ginaganap pag Tuesday at Thursday, tuwing umaga.

Nalulungkot ako kasi gusto kong mag-aral ng salita ng Diyos

kasi tuwing Tuesday at Thursday lang ako nagkakaroon ng pagkakataon

na buksan yung bibliya ko.

Pero dahil wala na kaming devotion e hindi ko na nabubuksan iyon.

Siguro ay dapat akong maglaan ng oras para magbasa ng bibliya.

Hindi pala!

Talagang dapat ay maglaan ako ng oras para magbasa ng bibliya.


12 sa Miyerkules.

Siguro ay pangkaraniwang araw lang iyan para sa iyo.

Pero dahil may tatak sa puso at isip ko yang petsa na yan

e dapat akong magdiwang.

Bakit ako magdidiwang?

Kasi umabot na kami ni Kenshin ng 1 year.

Kaya...

Happy Anniversary Kenshin!


Dati si Tristancafe lang ang binabati ko pag nagcecelebrate ako ng anniv.

Pero may mahalagang tao na rin akong binabati ng heypi anniversary ngayon.

Nakakapanibago tuloy.

Pasensya na kung ganito ang sinasabi ko.

NBSB kasi ako! Chos lang!

Masaya lang kasi talaga ako.

So... maililibre pala ako sa 12, o kaya e one of these days.

Busy pa kasi.

May regalo raw si Kenshin para sa akin.

Haaano kaya yun? Excited na raw si ako. Hohoho.


***

Gandang gabi.
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly