Sabi nung Pastor nung nakaraang Linggo,
"Hindi pancit ang nagpapahaba ng buhay, kundi ang salita ng Diyos."
_Natawa ako dun sa sinabi niya, pero kung iisipin, tama nga naman. Tamang-tama nasa handaan pa naman kami nun. Ang daming kwento ni Pastor. Ang dami ko tuloy tawa. :lol:
***
Eksena sa classroom kanina...
May quiz.
FIRST YEAR: Ma'am ipapasa po ba?
AKO: Itatago yan, at pabubulukin sa bag.
IBANG FIRST YEAR: *tawanan*
_Hindi ko talaga maunawaan kung bakit may mga estudyanteng hindi pinapagana ang kokote. Kay simple-simpleng bagay na nga lang e. O_O
***
PINOY BIG BROTHER UNLIMITED
AKO: *Nagtanong sa isang First-Year* Pinsan mo ba talaga yung si Reg?
FIRST YEAR: A hindi ma'am, sa totoo lang, pamangkin ko yun. Yung tatay ng mama niya, kapatid ng daddy ko.
AKO: E bakit sabi mo dati sa message mo, pinsan mo siya?
FIRST YEAR: Baka po kasi magtaka kayo, kasi mas matanda siya sa akin, tapos pamangkin ko siya.
AKO: Hindi naman. May kamag-anak din naman kaming ganun.
FIRST YEAR: Tanggal na siya ma'am e.
AKO: Oo nga.
FIRST YEAR: Ma'am mag-au-audition ako sa PBB Teen Edition sa January.
AKO: Sige, God bless sa iyo.
_Ang liit ng mundo. Sana lang nga hindi siya makalimot sa pag-aaral.
***
Gandang hapon sa lahat.
No comments:
Post a Comment