Kanina nagpunta ako dun sa bday ng anakis (student) ko. Inimbitahan kasi kami ng mother niya. Ilang araw nang di pumapasok si Hannah kasi na-dengue pero awa naman ng Diyos e bumuti na ang lagay niya. Makakapasok na siya bukas. Salamat naman.
Pagpunta namin dun e sinalubong kami ni Hannah. Nagkumustahan. Masasabi kong sa ilang beses naming pagkikita ng mama niya e napakabuti nitong ina. Napaka maasikaso pa. Delicate child kasi itong si Hannah. Mayroon siyang special case.
Ipinagdasal namin ang pagkain at siya. Kinantahan namin siya tapos ay dumulog na sa hapag-kainan. Habang nagkakainan e nilapitan ako ni Hannah. "Ma'am regalo ko po sa inyo," sabi niya sabay abot ng regalo. Wallet ang laman nun.
"Teacher buti talaga nakarating ka. May regalo kasi kami para sa iyo," sabi ng mama ni Hannah. Binigyan din nila ng regalo ang ilan naming kasama na pawang mga naging teacher din ni Hannah.
Maya-maya e dumating ang grandparents ni Hannah. Nag-abot din ang lola ni Hannah ng regalo para sa amin. "May binili daw kasi siyang bag para sa adviser ni Hannah, pati regalo sa tutor ni Hannah," sabi ng mama ni Hannah. May regalo rin para sa iba.
Sa pag-alis namin, pinabaunan pa kami ng dessert.
Salamat sa Panginoon dahil iniligtas niya si Hannah sa kapahamakan. Salamat din kasi di ko na kailangan pang bumili ng bagong bag at wallet. :)
Published with Blogger-droid v2.0.1
No comments:
Post a Comment