Magdidire-diretso na sana ng takbo si Chloe papunta sa daan ng bahay namin pero bigla siyang huminto nang tahulan siya ng isang aso doon sa bahay na nadaanan niya. Sa totoo lang, nung napadaan kami doon sa bahay na iyon e init na init yung aso na iyon kay Chloe, pinagtatahulan ba naman niya si Chloe at parang gustong-gustong awayin.
At ayun nga nung tumakbo si Chloe pauwi, tinahulan siya nung aso. May kutob na akong ganun ang mangyayari kaya binilisan ko ang takbo ko. Tapos ito namang si Chloe talagang lumapit pa dun sa aso. May pagka maldita rin kasi, pag tinahulan siya, tatahulan din niya. Nahawakan ko ang tali ni Chloe at sinubukan siyang hilain pero nagwala nang nagwala ang asong salbahe at nakatakas sa pagkakatali! Ang bilis ng mga pangyayari. Nakalabas sa gate ng bahay ang aso na iyon kung saan may malaking butas, na doon mismo nakasilip ang aso!
Nagulat ako dahil bigla na lang itong aso na ito ay sumugod kay Chloe, at nandun na nga ako sa eksena dahil hawak ko na nga ang tali ni Chloe at tinatry ko na makuha siya. Hinabol ng aso si Chloe; hawak ko ang tali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinita ko ang salbaheng aso at binugaw ito, sabi ko "Shhh! Shhh!" Nang magkaroon ng pagkakataon ay binuhat ko si Chloe pero sa aking pagbuhat e gusto akong sugurin ng aso na salbahe at balak pa akong kagatin! Pero patuloy pa rin ang pagbugaw ko sa asong salbahe. May mga usisero na nakatingin lang dahil nagulat rin sila sa mga pangyayari.
Hanggang sa tuluyan kong nataboy ang aso na nagngingitngit sa galit. Nakita ko iyong pumunta sa direksyon kung nasaan si Pated. Natakot ako dahil baka si Pated naman ang pagbuntungan ng salbaheng aso. Nakita ko pa si Pated na lumayo. Itinakbo ko na si Chloe palayo. Tinanaw ko si Pated pero di ko na siya nakita. Umiba na siguro ng daan.
Lumayo kami ni Chloe at tumakbo ako papunta sa bahay. May kabigatan na siya ngayon dahil malaki na. Noong pag-uwi namin, nagkita rin kami ni Pated. Hingal na hingal ako at pawis na pawis, pati si Chloe ay ganoon din. Si Pated naman ay takot na takot.
Pinainom ni Pated si Chloe ng tubig pero di niya yun tinanggap. Nagkatrauma pa yata. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at isinalin sa lalagyan ng tubig ni Chloe. Ayun ininom niya. Napaka arte talaga ng aso na iyan. Haha!
Isinalaysay namin kay mama ang mga pangyayari. Pati si mama ay natakot. Hanggang sa makapasok si Chloe sa bahay ay hingal na hingal pa rin siya. Pero ngayon e okay na siya at nandito na naman sa kwarto ko, napagdiskitahan na namang ngatngatin yung tandayan ko.
Ay grabe yang aso na salbahe na yun. Dapat sa kanya maging azucena.
No comments:
Post a Comment