JS Prom
"Mabait naman ba iyang Prom Date mo?"
"Masungit."
"Mayaman?"
"Kuripot."
"E pogi naman ba?"
-Usapan ng mag-inang Solita at Dee
Nilapitan ni Dee si Sid kasabay ang pagsabi ng, "Gusto kita, alam mo ba yun?"
"G-gusto mo ako?!" Nanginginig ang tinig ni Sid dahil sa labis na pagkagulat.
"Oo! Gusto kita! Gusto kita... Gusto kitang sampalin, batukan, tadyakan, kasi ang tanga-tanga mo!" nagagalit na sabi ni Dee. "Ang dami-dami pang babae diyan! Pag nag-College na tayo siguradong marami pa tayong mas makikilala! Huwag kang maging bitter dahil lang kay Kate."
Dahil sa sinabi ni Dee ay natauhan si Sid. Oo nga pala... Fourth year high school na sila. Halos isang buwan na lang ay magtatapos na sila. Paniguradong marami pang makikilala si Sid pag tungtong niya ng kolehiyo. Mas marami pa siguro siyang paiibigin, paiiyakin at... makaka-tutut. :tutut:
Ginantihan lang ng ngiti ni Sid si Dee, bagay na ipinagtaka ni Dee, lalo na nung sinabi nitong,
"Tara, hatid na kita sa inyo!"
Naguguluhan man ay pinayagan ni Dee na ihatid siya ni Sid at ang nakagugulat pa ay nang pahagingan na naman siya nito.
"Malapit na ang Prom," sabi ni Sid.
"So?!" pagtataray ni Dee.
"May trivia ako," sabi ni Sid. "Alam mo bang wala pa akong Prom Date?"
Naghihintay ng karugtong si Dee; medyo nangingiti siya dahil mukhang yayayain siya ni Sid na maging ka-date. Kung gayon e paniguradong papayag siya.
"Wala lang share ko lang!" pagpapatuloy ni Sid sabay tawa. Napasimangot ang kausap at ipinagtulakan siya palayo.
"Leche ka! Sinasayang mo panahon ko!" iritang pagkakasabi ni Dee. Tinawanan lang siya ni Sid at naglakad na ito palayo.
Nang makitang papasok na ng bahay si Dee ay gumawa ng eksena si Sid at sinamantala ang pagkakataon. Tinawag niya ang kaklase,
"Dina!"
Lumingon si Dee. "Ano?!" iritang tanong niya.
"Pwede bang ikaw ang maging Prom Date ko?!!!!!" sigaw ni Sid na sa sobrang lakas e gumawa ng echo. Naglabasan tuloy ang mga kapit-bahay.
Hiyang-hiya si Dee sa isinigaw ni Sid. Nag-aalala rin siya kasi baka narinig ng mama niya yun. Nasa loob pa naman yun ng bahay panigurado, kaya kahit na gustuhin man niyang tumugon ng "Oo!", ang nasabi na lang niya ay, "Ewan ko sa iyo! Baliw!" At pumasok na siya sa bahay.
Tama nga ang kutob niya. Naroon ang mama niya sa sala. Tahimik siyang lumapit dito at nagmano. Matapos magmano ay tinanong siya ni Solita, "Kailan tayo bibili ng gown, anak?"
"Gown po?" nagtatakang tanong ni Dee.
"Para sa JS ninyo," sabi ng ina.
Naisip ni Dee na narinig talaga ng ina ang isinigaw ni Sid kanina kaya't nagpaliwanag naman siya, "Mama, kasi... Wala naman akong balak na umattend ng JS. Last year nga, hindi ako umattend, di ba?"
"Mukha kasing may dahilan ka na para umattend ngayon. Di ba, anak?"
"Mama naman..."
"Anong pangalan ng Prom Date mo?"
Di na rin nakapagtago si Dee sa kanyang ina at sinabi niya ang pangalan ni Sid.
"Sid Gabriel po..."
"Bibili tayo ng gown bukas na bukas."
"Mama!" angal ni Dee.
"Huwag ka nang umangal. Kailan ba ang Prom ninyo?"
"Sa last Friday po ng February."
Pinalapit ni Solita ang anak sa kanya para usisain pa.
"Mabait naman ba iyang Prom Date mo?"
"Masungit."
"Mayaman?"
"Kuripot."
"E pogi naman ba?"
"?"
Dahil naumay na si Dee sa tinatanong ng ina ay nagpaalam na siya at umakyat na sa kanyang silid. Gusto na raw niyang magpahinga. Pero, pagpasok naman doon ay nagtitili ang dalaga. Ngayon pa lang ay ini-imagine niya ang mangyayari sa JS Prom.
Nakaupo siya suot ang kanyang magandang gown at nag-aabang sa pagdating ni Sid para yayain siyang sumayaw. Lalapitan siya ni Sid. Iisipin niyang kahit hindi naman iyon ganun kagwapo ay malinis naman iyong tingnan at mabango pa. Hahawakan ni Sid ang kanyang kamay at dadalhin siya sa gitna ng entablado kung saan sila magsasayaw sa saliw ng isang sweet song. Pagkatapos ay magtititigan sila at unti-unti'y maglalapat ang kanilang mga labi.
"Nakakakilig!" sabi niya, pero tila natauhan siya. Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. "Hindi. Mali ito! Hindi ka dapat ganyan kay Sid! Hindi mo siya dapat iniisip. Magkaklase lang kayo, ok?" Hinawakan niya ang dibdib at dinama ang tibok ng kanyang puso. "Hindi ka dapat ma-in love sa kanya. Magtatapos ka pa ng College. Pag nangyari yun, dun ka lang pwedeng magmahal. Sige na, tama na ang pantasya, Dee. Kasalanan iyan," sabi ni Dee sa sarili.
Nang magkita sina Sid at Dee kinabukasan, ipinahatid ni Dee kay Sid ang pagpayag niya na maging Prom Date si Sid.
"Hindi nga?" tanong ni Sid kay Dee.
"Ay! Ayaw maniwala!"
"Walang halong charing?" tanong muli ni Sid.
"Wala nga."
"Ok lang sa iyo kahit hawakan ko yung kamay mo kapag inalalayan kita papunta sa entablado?"
"Ok lang."
"E yung baywang mo kapag nagsimula na tayong magsayaw ng sweet dance?"
"Ok lang."
Sumuko si Sid sa mga sagot ni Dee. "Ay! Hindi ko maintindihan. Akala ko ba conservative ka?"
"Friendly dance lang naman yun, di ba?"
Napaisip si Sid, "A... Oo naman." At may napagtanto siya, "A kaya pala. Kaya pala ok lang sa iyo. So papaano," inilabas niya na ang invitation na nanggaling sa eskwelahan. Doon ay ililista mo ang pangalan ng kaparehang gusto mong makasayaw sa saliw ng nakalistang kanta, "pumirma ka rito sa number 1 to 16. At ako naman ay pipirma rin sa invitation mo."
"Teka, teka," kontra ni Dee. "Ibig mong sabihin ay ako lang ang isasayaw mo buong gabi?"
"Natural. Tapos ikaw naman, ako lang dapat ang kasayaw mo. Bakit, gugustuhin mo pa bang magsayaw ng iba?"
"A hindi. Sige na, akin na," kinuha ni Dee ang imbitasyon ni Sid, at si Sid naman ay ganoon din.
Nang matapos magpirmahan, isang bagay ang ipinakiusap ni Sid kay Dee.
"Gusto ko... Ikaw ang maging pinaka magandang babae JS Prom."
"Huh? Anong sinasabi mo? Hindi naman ako maganda no!"
"Maganda ka! Dito," sabay hawak ni Sid sa dibdib niya.
"Alam mo... ang manyak mo."
"Puso kasi yung tinutukoy ko, di ba?"
"Ewan. Dami mong alam!"
Noong araw na yun, naging masaya si Dee. Tiningnan niyang muli ang invitation at inisip na mukhang magiging masayang-masaya ang gabi ng JS Prom nila. Hindi niya alam na may isang di inaasahang bagay ang nag-aabang sa hinaharap.
MGA TANONG:
1. Sagutin ang tanong ni Solita, pogi nga ba talaga si Sid?
2. Ano nga kayang mangyayari sa JS?
Abangan.
No comments:
Post a Comment