Pages
No to Plagiarism!
ANYD's NOTE:
It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.
Tuesday, November 20, 2012
Codenames
Kanina sa canteen...
Pagkakain ng lunch, inantok talaga ako at nalugmok ako dun sa mesa sa canteen. Hinigaan ko yung mga libro ko at ibang mga gamit dahil antok na antok ako. Hindi ako literal na humiga. Ah basta, alam nyo na yun, kung paanong higa yung tinutukoy ko. Wahaha! Katabi ko sa mesa yung ibang Grade Seven.
Naririnig ko sila, may balak silang masama. Hahaha!
BENNET: Kunin natin yung secret notebook ni Ma'am!
Nandun sa bag ko yung SECRET NOTEBOOK. Nakabukas lang yung bag ko. Pero di ko pinansin yung sinabi ni Bennet kasi super antok talaga ako at alam ko namang di nila kukunin yun.
Nakapaloob sa SECRET NOTEBOOK yung mga in-assign kong codenames sa kanila para sa exchange gift sa Christmas Party. Kasi nung unang attempt, nagsabihan sila ng codenames at nahalata agad sa sulat-kamay dun sa papel na naka-roll na binunot nila. So para may element of surprise, ako na lang nagbigay ng codenames, para sure na hindi nila alam at magkakagulatan na lang sa December 20.
Halos isang oras akong nakalugmok dun sa mesa na yun, at nagigising lang pag naririnig kong super ingay nila. Pero pinababalik din nila ako sa pagtulog kaya tulog uli ako. Tapos nung nagising na talaga ako kasi may klase na ako, sabi ni Celeste...
CELESTE: Ma'am ang haba ng tulog mo.
ME: Ah oo nga, inantok ako e!
CELESTE: Ma'am di namin pinakialaman yung secret notebook kasi love ka namin.
Napa-smile talaga ako nang bongga. :)
Tapos kanina, pag daan ko sa classroom nila...
BENNET: Ma'am kinuha namin yung secret notebook! Alam na namin yung codenames.
Dinilaan ko siya. Wahaha.
ME: Sabi ni Celeste, di nyo kinuha e!
Naasar si Bennet at parang gustong paluin si Celeste sa pagsasabi ng totoo. :)))
Labels:
Buhay Titser
Nagsabi rin ng tama. :p
RYANN: *nakita si Mariz, shouted* Ang pangit ni Mariz!
MARIZ: *napasimangot, answered back* Kelan pa ba ako naging maganda?
ME: I love that! May nasabi ka ring tama sa buhay mo!
MARIZ: *high pitched tone, as always* Ma'am naman e!
And they burst out laughing. :))
Labels:
Buhay Titser
Tuesday, October 9, 2012
Hindi Ako Makahinga
Tatlong araw na akong pinahihirapan nitong sakit na ito.
Dalawang araw na akong absent sa trabaho dahil sa iyo,
nakakainis ka.
Ang sakit sa dibdib, ang hirap huminga... Matinding ubo't
sipon... Buti na lang wala na yung lagnat ko ngayon. Ito na lang ubo't sipon.
Ang dami nang nasayang sa oras ko. Sakit ng ulo ko kauubo.
Pati likod ko sakit na rin kahihiga... Dahil ang payo ng doctor ko (mama) e
magpahinga lang ako. (Inaaliw ko na lang sarili ko sa panonood ng Parody ni Sir
Rex Kantatero.)
Kailan ka ba mawawala sa katawan ko? Gusto ko nang pumasok.
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Monday, October 1, 2012
The New High-Heeled Shoes
October 1, 2012; just this afternoon...
As I entered the Grade Six' classroom for the English class, the students eventually greeted me with their usual energetic and loud, "Good afternoon, Ma'am Ella! Christ is my Savior and Lord!"
I greeted them in return. What's odd and unusual is that a student, Esther, looked at me with a surprised face. I wondered why. As I looked at her, I saw her running towards another classmate, Geneveve. Afterwards, they asked for my permission, "Ma'am, may we go out?" I allowed them to do so, and off they went.
As I prepared my things for today's discussion, the two of them, Esther and Geneveve, entered the classroom. Esther was carrying something on her hand which I easily noticed; it's a small box with a lovely cover. She moved towards me with Geneveve behind her and said, "Ma'am we have a gift for you! But please close your eyes." With her pleading, I was convinced to close my eyes (though I already saw what she was holding) and when I opened my eyes, I saw the box that she was hiding. I asked her, "What's this?" and I peeped in the box. I saw monetary denominations of 1s, 5s and 20s. I also noticed that there were writings on the box' cover,
"If you love Ms. Ella, place your money here. Anything will do. (P1, P5, P10, P20)"
On the other side was, "SAVINGS FOR SHOES."
"We are supposed to give you shoes for December," they said. "But you already bought one."
I actually have the resources to buy a new pair of shoes, but I am not doing so because the flat shoes that I had were so comfortable that I wouldn't want to buy a new one. This is also because of the so-called sentimental value, for my father gave me that pair of shoes. However, I decided to buy a new one because the shoes that I had started to rip off due to excessive use.
I felt that my students were so disappointed seeing that I am wearing a new pair of high-heeled shoes which my boyfriend and I bought last Saturday (September 29).
"How much is the money that you have in the box?" I asked them.
"We do not know. We're not counting it."
I was really hesitant to accept the money that they're giving me, so I hand it to them and said, "Save your money. You will be needing that in the future."
I was overjoyed because of their simple but remarkable gesture. I didn’t forget to thank them. I wasn't expecting anything from them, but here they are, planning to give me a pair of shoes from their savings. Maybe students are really like that. You might not be aware that they are looking even at the smallest detail of your physical appearance or personality.
Now, I have realized the real reason why they would stand beside me and compare their shoes with mine. Because of the new high-heeled shoes that I bought, I'm sure that their endless query of, "Ma'am, anong size ng paa mo?" will now be over. :')
_HAPPY TEACHERS' MONTH TO ALL THE TEACHERS! :)
~anyD
Labels:
Buhay Titser
Thursday, September 6, 2012
Her Kiss
It's Mid January. It's her 20th birthday. She's supposed to be happy today, but she's crying. Not because of the joy that she's feeling but of the pain stuck in her chest. And here I am beside her. I am just staring at her. She's crying! Helplessly crying! She's crying like a child. I can stand this! I want to hug her but I just can't. I just can't...
--Jason
---
"Ano'ng problema mo, girl?" tanong ko habang umiiyak siya. Siya... yung bestfriend ko. Yung bestfriend ko... si Nadine, na walang ibang ginawa kundi iyakan yung lalaking yun. Yung lalaking yun... si Pete.
Hindi siya nagsalita. Pero mukhang alam ko na kung bakit siya umiiyak. "Si Pete kasi e!" yun lang naman ang madalas niyang sabihin. SI PETE KASI. Tapos wala na. Hindi ko na malalaman kung anong meron kay Pete, kung bakit niya iniiyakan si Pete. Pero may ideya na rin ako e. Babaero kasi yun. Palibhasa kasi gwapo kaya ang lakas ng loob magpaiyak ng babae.
Sa totoo lang, maraming beses ko nang narinig sa kanya yun. SI PETE KASI. Pero hindi niya nagagawang ituloy dahil pag sasabihin niya yung dahilan, lagi ko siyang inuunahan,
"E puta ka naman kasi, girl! Sinabi ko na ngang i-break mo na yang bf mong babaero e!"
Tapos yun, sangkatutak na mura na yung sasabihin ko. Wala na siyang ibang gagawin kundi umiyak. At wala naman din akong ibang gagawin kundi mag-sorry. Mag-sorry, dahil nasaktan ko na naman yung damdamin niyang mamon. Pagkatapos nun, patatahanin ko siya. At hahalikan niya ako, SA PISNGI. At kahit na minura ko na siya't lahat-lahat, sasabihin niyang SALAMAT dahil nandiyan ako para makinig sa kanya; para damayan siya pag may problema siya. Ano bang magagawa ko? Yun ang role ko e, ang makinig sa lahat ng kagagahan niya at kung anu-anong drama sa buhay. Ang kampihan siya at unahin siya kaysa sa ibang tao. BESTFRIEND e!
Pero itong araw na ito, hindi ko siya mapatahan. Umiiyak siya nang umiiyak.
"Nakipag-break siya sa akin!" sabi niyang humahagulgol.
Sa kabila ng umiiyak niyang mga mata, napangiti ako pero pilit kong tinago ang ngiting yun. Hindi ko aahasin si Pete, wag kayong mag-alala. Hindi ko siya type!
"Ano bang bago, e lagi namang ganyan ang eksena ninyo? Tapos ano, magbabati rin kayo! Para kayong mga sira!"
"Hindi best e! Iba ngayon e. Wala nang balikan!" sabi niyang tila may pag-aalala.
"Edi maganda! Wala nang UNGAS na magpapaiyak sa iyo. Dapat mag-celebrate tayo. Tara, nomo!" nagawa ko pa siyang yayain ng ganun.
Napailing siya kasunod nun ay ang pagsabi ng, "Hindi mo naiintindihan e! Best, buntis ako! Four months."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi halata na buntis siya. Ganun siguro yun pag araw-araw kayong magkasama. Hindi mo napapansin kung may pagbabago sa kasama o sa kaibigan mo.
"Wehhhh?! Walang halong charing?" ganun na lang ang naging reaksyon ko.
"Ayaw pa raw niyang maging tatay. Tinakasan ako ni Pete! Umuwi na sa probinsya nila!"
"Edi gooooo! Uso naman maging single mom ngayon e. Di ka naman nag-iisa. Bongga yan! Magpaka ulirang ina ka."
"Hay ano ka ba naman!" maktol niyang pagkakasabi. Pagkatapos, nagdabog siya at iniwanan niya akong nakatanga sa lugar na madalas naming tambayan. Iniwan niya akong bad trip ang mukha. Mukhang nairita sa akin. Alam kong malaking problema ang kinahaharap niya ngayon. Paniguradong madi-disappoint ang mga magulang ni Nadine dahil alagad pa man din sila ng simbahan. Gusto ko siyang tulungan!
Dalawang araw ang lumipas nang magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin si Nadine. Nag-sorry ako sa inasal ko nung nakaraan. Agad ko naman siyang nauto na patawarin na ako. Ganun talaga si Nadine e, mababa ang loob.
"Alam na nila?" tanong ko. Mahina lang ang boses ko. Baka may ibang makarinig. Nasa bahay pa naman nila ako.
"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin."
Hindi na ako magtataka kung ganun. Madalas wala sa bahay ang mga magulang ni Nadine dahil busy sa kaka-bible study sa ibang bahay. Hindi naman makasama si Nadine kasi hanggang gabi ang schedule niya sa Kolehiyo.
Hinawakan niya ako sa kamay at nakiusap. "Best, tulungan mo naman ako."
Tulungan siya? Iniisip niya bang tulungan ko siya para makumbinsi si Pete na balikan siya? No way! Ayokong makipagbalikan siya roon!
"Ano bang gusto mo? Pakasalan ka?" tanong ko.
"Syempre. Kawawa naman yung baby ko kung walang tatay."
"Gaga ka kasi, girl! Dapat kasi pinahugot mo sa animal mong bf! Gumamit kayo ng proteksyon! Ang dami-daming paraan e! Puro sarap kasi ang alam e!"
Pero habang sinasabi ko yun, nasasaktan ako. Naiinis ako kay Pete kasi hindi siya naging responsable. Madalas na nga niyang saktan yung bestfriend ko, ngayon, iniwanan niya pa.
"Ano bang gagawin ko? Natatakot ako."
Yung sinabi niyang yun ang nakapagpadurog lalo sa puso ko. Sinabihan ko siyang wag siyang mag-alala kasi gagawa ako ng paraan. Hindi ko siya pababayaan at iiwanan gaya ng pag-iwan sa kanya ni Pete.
Matapos ang pag-uusap naming yun, kinausap ko si mama. Simula't sapul kami na ang magkatuwang sa buhay.
"Ma, kung mag-aasawa ba ako, papayagan mo ako?" tanong ko sa kanya. Nasa hustong gulang naman na ako sa palagay ko, dahil dalawampu't lima na ako. Napatigil siya sa ginagawa. Nagluluto pa naman siya ng pananghalian nang mga oras na yun.
"Lalaki yan?"
Umiling ako, "Babae."
Natawa si mama. "Lol!!! May sakit ka yata, Jason."
"Si Nadine po," sabi ko.
Nabigla si mama. "Si Nadine? E di ba may boyfriend yun?"
Hindi na ako nahiyang mag-open kay mama kasi madalas naman namin itong ginagawa, "Yun na nga ang problema e. Di siya pinanagutan."
Lalong nagulat si mama. "Pinanagutan?! Buntis?" Tumango ako. "At ikaw ang aako?" Tumango uli ako. "Por Diyos por Santo!" di siya makapaniwala.
"Ma, di ba ino-open ko naman sa iyo yung problema ko tungkol kay Nadine... Alam mo naman di ba na... na mahal ko si Nadine. Matagal na! Ma, gusto ko siyang pakasalan."
"Hindi ko alam kung magandang ideya yan, Jason."
"Next month, ma."
"Hoy! Akala mo ganun kadali ang mag-asawa?"
Alam ko ayaw ni mama sa gagawin ko dahil unang-una ay magsisinungaling kami sa mga magulang ni Nadine na kaibigan pa man din niya. Pangalawa ay biglaan ang lahat. Pero dapat ko siyang mapapayag.
"Ma, para na lang dun sa baby. Isipin mo na lang na parang ako rin yung baby na yun."
At sa sinabi kong yun, lumambot ang puso ni mama.
Nang maiayos ko na ang lahat, pinuntahan ko si Nadine at inaya ko siyang lumabas tapos ay may ibinigay ako sa kanyang isang maliit na kahon.
"Ano ito?" tanong niya.
Inirapan ko siya. "Buksan mo kaya! Duh!"
Dahan-dahang binuksan ni Nadine ang kahon at nagulat nang makita ang laman nun. "Teka, bakit mo ako binibigyan nito?"
Inirapan ko uli siya. "Ay ang slow ni ate! Natural gusto kitang pakasalan!"
"Pakasalan?! Ako?!"
"Ay hindi! Hindi! Ako! Sarili ko papakasalan ko! Kakaloka ka!"
At ang tanong niya sa akin, "Jay, BAKIT?!"
"Bakit ba pinakakasalan ang isang tao, di ba, dahil mahal niya ito? Ibinibigay ko yan sa iyo di dahil napilitan ako kundi gusto ko talagang gawin ito kasi Nadine, mahal kita."
"Jay..."
At sa dinami-rami pa ng sasabihin ko, yun pa talagang "Bestfriend kita, di ba?" ang idinugtong ko. Hay... Ang duwag ko talaga!
Yung totoo, I am offering her a ring not to save her from the misery that she has, but because I love her. I love her, but I'm afraid to say that to her. I'm afraid to say that to her because I am thinking that she will make fun of me because I am a nobody. BAKLA ako, di ba? Sino namang babae ang papatol sa akin? Wala naman akong magagawa kung yun yung nararamdaman ko e. Matagal na rin akong nagsa-suffer dito sa feelings ko kay Nadine na di ko mapahayag dahil paniguradong di siya maniniwala at di niya ako tatanggapin.
Nadine is weak and she's so fragile. Oo, maaaring nagkamali siya at napagsamantalahan, pero hindi ako makapapayag na tuluyan na lang na mabasag ang mga babaeng kagaya niya.
That day, she cried. I know it's not of pain but of happiness. Deep in my heart kahit na hindi ko masabi sa kanya, I honestly love her. Matapos nun ay ipinaalam na namin sa mga magulang niya ang tungkol sa baby at ang tungkol sa kasal. Noong una, alam kong nag-alangan ang mga magulang niya dahil sa dinami-rami ba naman ng lalaki e sa akin pa siya mauuwi. Isa pang concern nila ay yung si Pete. Sinabi ni Nadine na nakipag-break si Pete sa kanya matapos malamang may nangyari sa aming dalawa at nagbunga ang aming ginawa. Na kung tutuusin ay walang katotohan. Sabi niya hihingi siya ng malaking tawad sa Diyos sa kasinungaling ginawa niya, namin. Pero sa kabila nun, hindi na nagawang tumutol o magtanong ng mga magulang ni Nadine dahil kilala naman nila ako at ang pamilya ko. Naging agaran ang kasal namin dahil conservative type ang mga magulang ni Nadine kasi nga, alagad sila ng simbahan at ayaw nila ng kahihiyan.
And here we are. At the altar we stand, saying vows to one another that we'll be together for richer, for poorer; for better, for worse. Alam kong mas gugustuhin niyang si Pete ang ikasal sa kanya. Pero hindi ko gugustuhing makasama niya habang buhay yung taong nanakit sa kanya. Nandito naman ako e! Handa kong ipagtanggol siya at tanggapin lahat ng kagagahan niya. Kung hahayaan niya ako. Sana hayaan niya lang ako...
Nadine is really pretty wearing that white gown. Nakakatawa, parang nagiging lalaki na yata ako. And when the ceremony is almost over, narinig ko yung pamilyar na linya sa tuwing may ikinakasal.
"I now pronounce you husband and wife! You may kiss the bride!"
Nakatingin at nakangiti sa akin si Nadine.
"Kiss daw!" sabi niya. Ang ganda ng ngiti ng bestfriend ko.
"Ha?" gulat na tanong ko. Tiningnan ko ang pari. Sinenyasan niya na ako na lapitan ko si Nadine.
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawin yun... yung halikan siya sa labi. Aaminin ko, sanay akong humalik sa lalaki pero sa babae? Hindi ko pa nasusubukan. Pero nilapitan ko si Nadine at inilapit ko ang mukha ko. At pagkatapos nun, I felt her lips. Her soft lips. Her kiss... Her warm kiss... Ganito pala yung feeling ng humalik sa isang babae. Kakaiba yung pakiramdam. Masarap... Passionate. Unexplainable. Masarap pala humalik ang gaga?
Nang maghiwalay na ang mga labi namin, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mas nagulat ako nang halikan niya ako uli. She started crying.
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.
"E... Ikaw kasi e!"
Hindi ko na siya tinanong kung bakit. Alam kong masaya siya dahil iba yung pag-iyak na yun kumpara sa pag-iyak niya kay Pete. Nagpalakpakan ang mga tao nang lumakad na kami palabas ng simbahan at habang naglalakad kami, may ibinulong siya sa akin.
"May daddy na si baby. Thank you for saving me."
"Ano palang pangalan ni baby?"
"Jason Jr."
"Bet ko yan ha!"
I smiled.
Labels:
Maikling Kuwento
Monday, August 27, 2012
A Tristancafe Story: True Love Waits (6)
Nightmare
"Akala ko hihintayin mo ako kasi sinabi mo noon na maghihintay ka... Akala ko lang naman pala yun..."
-Dee
OOO
Nagpasalamat si Sid dahil sa tulong na ginawa ni Dee sa kanilang mag-aama, "Salamat ha. Alam mo, Dina, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Mabait ka pa rin at maalalahanin."
Nginitian ni Dee si Sid. "Wala yun."
"Biro mo nga naman, di ba, patitirahin mo na nga kami dito, pakakainin mo pa kami. Ang bait mo talaga, Dina," patutsada pa ni Sid.
Hindi makapaniwala si Dee sa narinig, "Teka, teka, Sid. Parang nabibingi yata ako. Anong sinasabi mong patitirahin at pakakainin?!"
"Sinabi mo kaya yun kanina!" giit ni Sid.
"Wala akong matandaan. Alam mo, pag wala akong matandaan, ibig sabihin nun wala akong sinabi kaya wag kang mag-ilusyon diyan!"
Nagsimula nang mag-drama si Sid, "O Dina... O Dina... Maawa ka naman sa amin!" at nakuha pa niyang lumuhod at kumapit sa mga binti ni Dee.
"Ano bang kalokohan ito, Sid?" tanong ni Dee na sa loob-loob e nag-eenjoy din naman sa paghawak ni Sid sa binti niya.
Pagkatapos nun ay nagkaroon sila ng masinsinang usapan. Tumila na ang malakas na ulan at tulog na rin ang mga bata. Ang lakas pa nga ng hilik ni Jackie.
Ipinagtimpla ni Dee ng kape ang kaibigan at dinagdagan pa iyon ng cinnamon. "Para mas masarap ang I love you!" isip niya, at kinikilig-kilig pa, pero sa isip lang din. Ibinigay na niya ang itinimplang kape kay Sid tapos ay kinumbinsi niya itong magkwento tungkol sa buhay niya. Ilang minuto ring hinalo ni Sid ang kape bago siya nagsimulang nagkwento tungkol sa naging buhay niya.
"Sinusubukan kong maging mabuting tao," pasimula niya, tapos ay humigop ng kape, "pero sadyang," higop muli ng kape, "nagiging," higop ng kape, "mapait," higop ng kape...
"Leche naman, Sid o! Nabibitin ako sa kwento mo e!" angal ni Dee.
"Pasensya ka na, ang sarap kasi ng kape mo e. Anong kape ba ito?"
"Nescafe 3-in-1, dinagdagan ko ng cinnamon," nang-aakit na pagkakasabi ni Dee, animo'y iniindorso ang kape. "Sige na, tuloy mo na yung kwento mo!"
"3-in-1 pala ito. Kaya pala..." Biglang humikab si Sid. "Inaantok na ako Dina, bukas na lang." Umakyat na siya at tinabihan ang mga anak sa pagtulog.
"Pambihira! Tinulugan ako?! Feel niya naman bahay niya ito," reklamo ni Dee.
Habang tulog ang mag-aama, pinagmasdan sila ni Dee. Mahimbing silang natutulog; mukhang di alintana ang pagod gawa ng mga pangyayari.
Habang mahimbing na natutulog ay nagkaroon ng kakatwang panaginip si Sid. Napanaginipan niya ang mga babaeng nagdaan sa buhay niya: sina Kate, Rei at Zhannel. Galit na galit daw ang mga iyon at sinisisi siya sa lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay nila. Lubos na humingi ng tawad si Sid pero di siya pinakinggan ng mga iyon.
"Wala kang kwenta!" sigaw sa kanya ni Kate.
"I h8 u!" naman ang sentimyento ni Rei.
"Huwag na kayong babalik sa bahay ko, tey! Inuubos ninyo lang ang stock ko sa ref, tey! Lalo ka na, ang lakas-lakas mong lumafang, tey Sid!" paghihinanakit naman ni Zhannel. Umalingawngaw pa sa diwa niya ang huling salita ni Zhannel, "Tey! Tey! Tey!" Paulit-ulit. Nakakaloka!
Nang magising si Sid ay lumuluha na pala siya. Bumangon siya at pinunas ang kanyang mga luha. Suminga na rin siya sa suot na t-shirt. Labis na ikinagulat niya nang makitang wala na ang kanyang mga anak sa kanyang tabi. Bumangon siya at bumaba upang tingnan kung naroroon ang mga iyon. Tama nga siya. Nilapitan niya ang mga iyon.
"Bye po. Mag-iingat po kayo," paalam ni Jackie sabay kaway kay Dee.
"Bye!" eksena naman ni Intoy, hindi papakabog.
"Sino'ng binababye-an ninyo mga anak?" tanong ni Sid.
"Si Ms. Dee, daddy," sagot ni Intoy. "Umalis na siya e."
"Umalis?" pagtataka ni Sid.
"Papasok daw po sa work. Iniwanan niya na tayo ng almusal. Meron na rin daw para sa tanghalian at sa hapunan. Sakaling mahuli siya ng uwi mamaya, tayo na lang daw po ang magluto," patuloy ni Intoy. "Ang bait-bait ni Ms. Dee, ano daddy?"
"Oo. Tama ka," tugon ni Sid sa anak.
Napakasarap ng umaga ngayon. Habang tinatahak ang daan papasok sa trabaho, hindi mawala sa isip ni Dee ang mga narinig niya kay Sid noong nananaginip ito, "Kate... Rei... Zhannel..."
Napaisip tuloy siya bigla, "Sino sila?"
Nang magkaroon ng libreng oras, tila nakatulala sa kawalan si Dee habang iniisip kung sino nga kaya ang mga yun. Di niya namalayang dumating na pala sa faculty room ang co-teacher na matagal na ring sumusuyo sa kanya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha," puna ni Shann na kung matatandaan ay kaibigan ni Sid at kanilang school mate noong high school.
"Medyo," sagot ni Dee at kunwari'y nagpaka busy sa ginagawa.
Gaya ng sinuman e malaki na rin ang ipinagbago ni Shann. Mas naging mature at lalaking-lalaki ang kanyang hitsura, hindi kamukha noon na patpatin at totoy ang dating. Malinis at maayos siyang tingnan. Pormal na pormal pa siyang manamit at wholesome na wholesome. Di rin maikakaila ang kanyang kagwapuhan at sa hitsura pa lang ay mukhang mabentang-mabenta na sa mga matrona.
"Gusto sana kitang yayain na mag-dinner mamaya, ok lang ba sa iyo?" tanong ni Shann kay Dee.
"Mukhang magpapass muna ako, Sir Shann. Marami kasi akong gagawin ngayon e," sabi ni Dee.
"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna ang mga gagawin mo para sa akin?" tanong muli ni Shann.
"Hindi!" sagot ni Dee.
"Ang sweet sweet mo talaga, Ms. Dee," nakangiting sabi ni Shann, pero sa loob-loob ay tila nawalan siya ng pasensya sa kausap.
Para makatakas kay Shann e gumawa ng excuse si Dee, "A sige, Sir Shann. Maiwan na kita. May aasikasuhin lang." Lumabas na siya ng faculty room. Siya namang pasok ng isa pang co-teacher na si Ms. Charmaine, o Ms. Charm kung tawagin ng karamihan. Siya ang bestfriend ni Shann. Napuna niyang masama na naman ang loob ni Shann kaya't tinanong niya ang kaibigan.
"Rejected na naman ang offer mo?"
"Ano pa nga ba?" tugon ni Shann, tapos ay napabuntong-hininga.
"Ay naku, Shann! Kailan pa ba kayo magkakatuluyan ni Dee? Siguro may apo na ako at lahat-lahat, wala pa rin."
"Wag mo na ngang dagdagan ang frustration ko, Charm! It's been 15 years. Ganun katagal ko na siyang sinusuyo! Kaso parang wala namang talab."
Natatawa lang si Charm sa kamartiran ni Shann. "Alam mo ba kung bakit di ka sinasagot ni Dee?"
Napakunot-noo si Shann, "Bakit?"
"Kasi hinihintay niya si... True Love! Wala kang laban dun, Shann. Kaya kung ako sa iyo, maghanap ka na lang ng iba."
Samantala, sa bahay ni Dee, abalang-abala ang mag-aama na gumagawa ng kung anumang putaheng pwedeng ulamin.
"Alam mo, Daddy, namimiss ko na yung luto ni Tita Zhannel," pagtatapat ni Jackie.
"Ano bang namimiss mo dun e ang hilig lang namang lutuin ng Tita Zhannel mo e hotdog at eggs. Palibhasa kasi mahilig siya dun," tugon ni Sid.
"Minsan kaya nagluluto rin siya ng footlong," sabi naman ni Intoy.
"Mahilig kasi sa mahahabang pagkain yun," paliwanag ni Sid. "Kung gaano naman siya nahilig sa mahahaba e ganun naman kaiksi ang pasensya niya."
"Sana makabalik na tayo sa bahay ni Tita Zhannel," panalangin ni Jackie na tila na hohome sick na.
"Hindi na tayo pababalikin ng Tita Zhannel ninyo. Galit yun sakin," sabi ni Sid. Inapura na niya ang mga bata, "Hay bilisan na nga nating magluto. Ipagluto natin si Tita Dee ninyo para naman pa-stay-in niya pa tayo rito."
Bandang alas kwatro ng hapon nang makauwi si Dee sa bahay niya. Sinurpresa siya ng mag-aama na labis niyang ikinatuwa at ikinagulat. Hinandaan siya ng mga ito ng masarap na putahe para pawiin ang gutom niya. Pagkatapos nun ay natuloy na rin ang masinsinang usapan nila ni Sid. Nagkakape na naman uli sila.
"Sinusubukan kong maging mabuting tao," pasimula ni Sid, "pero sadyang nagiging mapait ang kapalaran para sa akin. Maayos naman sana dapat ang buhay ko kundi nga lang nabulag ako ng pag-ibig."
Nakikinig lang si Dee sa pahayag ni Sid. Nagpatuloy si Sid.
"Dalawang taon ang lumipas mula ng grumaduate tayo, nagkaroon kami uli ng ugnayan ni Kate. Tinawagan niya ako tapos ay nagkita kami. Umiiyak siya. Paano kasi'y nagkakalabuan na sila ni JM. Nangibang-bansa si JM para raw mag-aral tapos ay nalaman niyang may ibang babae pala ito.
"Noong nagkita kami, may di inaasahang nangyari sa amin ni Kate. Di ko akalaing magbubunga ang aming kapusukan. Di tumutol ang mga magulang ni Kate dahil akala nila kay JM yun. Pero di ginusto ni Kate ang bata. Gusto nga niyang ipalaglag yun pero di ako pumayag. Ipinaglaban ko ang baby namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang pagbubuntis niya.
"Alam kong marami siyang hirap na pinagdaanan dahil nililibak siya ng mga matang nasa paligid dahil sa maaga niyang pagbubuntis. Ipinagtanggol ko siya laban sa mga matang yun. Hanggang sa isinilang niya na ang sanggol. Pinangalanan niyang 'Jogie' ang baby namin na ang ibig sabihin ay 'Sumpa'.
"Lumipad si Kate papunta sa ibang bansa para roon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hinabilin niya ang bata sa akin na labis ipinagtaka ng kanyang mga magulang. Kalauna'y sinabi rin niya ang katotohanan sa kanila.
"Umalis din patungong ibang bansa ang kanyang mga magulang para takasan ang kahihiyan. Kahit na matagal nang magkakaibigan ang aming pamilya ay kinahihiya nila ang nangyari. Doon ay sinimulan kong harapin ang aking buhay bilang si Sideros, ang batang ama.
"Bilang isang ama ay kailangan kong kumayod. Pero nahihirapan ako kasi nag-aaral din ako. Hanggang sa isang araw ay isinuko ko ang pag-aaral ko at nagdesisyon na magtrabaho na lang."
Labis na ikinalungkot ni Dee ang narinig mula kay Sid.
"Marami pa akong gustong ikwento pero saka na lang muna. Nahihirapan lang ako pag naaalala ko ang nakaraan," pagtatapos ni Sid sa kwento niya.
"Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang sama ng loob mo. Gagawin ko ang lahat, Sid. Sumaya ka lang uli," isip ni Dee.
Kinagabihan, hindi nakatulog si Dee. Marami pa siyang gustong malaman tungkol kay Sid kagaya na lamang ng tungkol dun sa mga pangalang Rei at Zhannel na binanggit nito. Gusto niya ring malaman kung si Jackie ay anak niya rin ba kay Kate. Dismayadong-dismayado siya sa mga nalaman. Pakiramdam niya e baliwala lang ang ilang taon niyang paghihintay.
"Akala ko hihintayin mo ako kasi sinabi mo noon na maghihintay ka... Akala ko lang naman pala yun..." sabi niya sa sarili. Di niya namalayang nilukuban na siya ng antok at siya ay nakatulog.
...Itutuloy...
OOO
Mga Tanong:
1. Sino sina Rei at Zhannel sa buhay ni Sid?
2. Kaninong anak kaya si Jackie?
Abangan.
Labels:
True Love Waits
Sunday, August 19, 2012
Sapi
Naniniwala ka ba sa himala?
Nag-uumapaw sa dami ng tao ang bahay-dalanginan ni Apo Manlo sa paanan ng Bundok Trololol. Lahat ay kating-kati na masaksihan ang himalang ginagawa ng dati niyang kasambahay na si Luca, ngunit kung tawagin na ngayon ay "Mahal na Luca". Mula sa maliit na kumpol ng tao noong mga nakaraang buwan ay nadagdagan ito at umabot ng daan-daan ang dumarayo para makita at mahawakan ang Mahal na Luca. Umaasa silang mapapagaling sila nito nang hindi magbabayad ng ganun kamahal. Mula sa baryang natatanggap ni Apo Manlo ay nadagdagan na ang donasyon ng mga tao kaya't ang dating barung-barong na gawa sa kahoy ay naipasemento niya na at nakapagpatayo na rin siya ng bahay dalanginan na magsisilbing kanlungan ng Mahal na Luca sa tuwing gagawa ito ng himala.
Espesyal si Luca para sa karamihan. Paano kasi ay sumasapi sa kanya ang Sto. Niño na dinadasalan ng maraming Katoliko. Marami nang napagaling ang Mahal na Luca sa simpleng pagdura niya sa kanyang palad at pagpahid na animo'y lotion sa parteng apektado ng kahit anong karamdaman. Sunod nun ay hahagurin ng Mahal na Luca ang parteng masakit at babatak-batakin o di kaya'y mamasa-masahihin ang parteng ito. May ilang nakapagsabing mainit-init ang likidong ipinapahid sa kanila at masarap iyon sa pakiramdam. May nakapagsabing sa pamamagitan ng likidong iyon na tatawagin nating "banal na malapot na laway ng Mahal na Luca na may halong malunggay" ay gumiginhawa ang pakiramdam ng sinumang madampian ng espesyal na likido at kahit masakit ang gamutan ay sulit naman.
"Nagpapasalamat ako sa Mahal na Luca," sabi ng isang matandang lalaking pasyente. "Dahil sa kanya ay nagawa kong makalakad. Dati ni hindi ako makatayo pero mula nang pahiran niya ako ng banal na malapot na laway na may halong malunggay (at karate-hin) ang paa ko ay gumaling ako. Nakakapagpagaling pala talaga (ang malunggay! Ay hindi...) ang laway niya (pala)."
May isa ring patotoo na nakapagpamangha sa mga tao. Iyon ay ang pahayag ng isang dalagitang kabilang din sa mga taong nasa dalanginan. "Madalas akong duguin pero mula nang magpagamot ako sa Mahal na Luca ay bumuti ang lagay ko. Itinapat niya sa tiyan ko yung kanang kamay niya at nagsabi ng dasal. Pinahiran niya ako ng banal na malapot na laway na may halong malunggay. Matapos niyang gawin yun ay binulungan niya ako. (Bumili raw ako ng Modess with wings.) Tapos sinabunutan niya ako. (Wag daw akong tanga. Nasa puberty stage na raw kasi ako.) Nawala ang masamang espiritu (ng katangahan) sa katawan ko."
Isang binata naman na may malaking problema sa mukha ang lumapit noon at humingi ng tulong sa Mahal na Luca. "Dati punung-puno ng tighiyawat itong mukha ko pero mula nang magpunta ako rito at humingi ako ng tulong sa Mahal na Luca ay nawala ang mga tighiyawat ko. Dinuraan ako ng Mahal na Luca sa mukha at hinagod niya ang banal na malapot na laway na may halong malunggay sa mukha ko. Matapos umusal ng dasal (na hindi ko naman maintindihan) ay binulungan niya ako. (See me after this, sabi niya.) Matapos ang seremonya ay (inabutan niya ako ng papaya soap. Use three times a week daw.) guminhawa ang pakiramdam ko. Isang buwan makalipas ay nawala ang tighiyawat sa mukha ko."
Ang mga simpleng pahayag na yun ang nakapagpasikat sa Mahal na Luca kaya daan-daan na ang dumarayo para magamot niya. Kabilang sa mga dinadaing ng mga tao ay ang pagsakit ng ngipin, pagkakaroon ng higanteng tutuli sa tainga, pagkabingot, rayuma, pagsakit ng likod, panlalabo ng mata, mataas na lagnat, pagkakaroon ng putok, pamamaho ng paa dahil sa alipunga, at kung anu-ano pang mga sakit na kung tutuusin ay common sense na lang ang paraan ng gamutan. Nariyan din ang bigating sakit gaya ng cancer at yung malalaking bukol na tumutubo sa katawan. Lahat ay naniniwalang kaya silang pagalingin ng Mahal na Luca.
Bandang alas sais ng hapon ay dumating na ang Mahal na Luca sa dalanginan. Isa siyang babaeng may kalakihan ang katawan, mabilbil, hanggang baba ang itim na buhok, pawisan, nakasuot ng shorts at t-shirt at may kapang pinaghalong pula at puti ang kulay. May kabuntot siyang dalawang alalay, isang lalaki at isang babae.
"Magandang hapon po, Mahal na Luca," bati ng mga tao.
Nilibot ng Mahal na Luca ng tingin ang bawat taong nasa paligid niya. Hindi siya umimik. Ilang saglit pa'y tumirik ang kanyang mga mata, nangisay at nahimatay. Bumagsak ang mahal na Luca sa isang malambot na kutson. Binili iyon ni Apo Manlo para sakaling hihimatayin ang Mahal na Luca ay hindi siya gaanong masasaktan. Kinabahan at napasigaw ang mga tao. Sinubukan siyang tulungan ng lalaking alalay pero binalaan iyon ng babaeng alalay.
"Huwag mo siyang galawin! Sumasapi sa kanya ang banal na kaluluwa ng mahal na Sto. Niño!" Nanatiling nakatanga ang lalaki at di alam ang gagawin kahit na paulit-ulit naman nilang ginagawa iyon. Yun ang papel niya, ang magtanga-tangahan sa tuwing sinasapian si Luca. Kapansin-pansin din ang isang bag na dala niya. Naglalaman iyon ng ilang bimpo, alcohol at baby powder para sa Mahal na Luca sakaling manlagkit ito at pagpawisan.
Nagpatuloy ang alalay na babae, "Lahat kayo! Itaas ninyo ang mga kamay ninyo sa langit at sabay-sabay na sabihing AMEN! AMEN! Purihin ang kabanal-banalang Sto. Niño. Purihin ang Mahal na Luca!"
Parang parrot na sumunod ang mga tao.
Nang nagkamalay ay hindi dumilat ang Mahal na Luca. Bumangon lang siya, ngumiti at nagsalita sa maliit na boses. Patunay ito na nakakulong na sa kanya ang espiritu ni Sto. Niño.
"Magandang araw sa inyo," bati niya sa mga tao nang nakapikit at nakangiti na parang isang hibang. Pagalaw-galaw ang leeg niya, nagpapa-cute at todo effort sa pag-ipit ng boses. Ito kasi ang bilin ni Apo Manlo sa kanya noong nagsisimula pa lang sila sa (panloloko) panggagamot sa mga tao, "Pag sinasapian ka ng Sto. Niño, dapat palaging maliit ang boses mo. Kahit sinong napapanood sa TV e ganun ang feature and characteristics! That is a requirement!" Yun ang palaging tinatandaan ni Luca. Nagpapractice rin siya gabi-gabi.
"Sino sa inyo ang gustong gumaling?" Nagtaasan ng kamay ang mga tao. "Simulan na natin," pang-eengganyo niya. Nauna sa gamutan ang unang taong dumating sa dalanginan. Nakapaskil kasi sa labas ng dalanginan ang isang notice, "First Come, First Serve."
Habang naghihintay ang iba na sila'y magamot, may isang dalagita na kilala bilang apo ni Apo Manlo ang lumibot sa paligid at nag-abot ng isang sisidlang may nakadikit na, "Kaunting donasyon para sa Mahal na Luca. Kahit singkwenta lang." At hindi siya aalis sa harap mo hangga't di ka nagbibigay.
Natatapos ang gamutan nang tatlong oras dahil nakapaglalagi ang espiritu ni Sto. Niño sa loob ng katawan ni Luca nang ganun katagal. Parang nagiging isang bukas na tindahan ang katawan ni Luca dahil bumabalik si Sto. Niño araw-araw. Kung makapagsasalita lang ang katawan ni Luca e sasabihin nitong, "Thank you! Come again!" Pero tila masyado na itong abala at pagod sa kadudura nang kadudura sa mga tao.
Hindi pa natatapos ang eksena sa panggagamot sa isang taong may malaking bukol sa mukha ay bigla na lamang nangisay ang Mahal na Luca. Mukhang time's up na at kailangan nang umalis ni Sto. Nino sa katawang ito. Di bale, marami namang naduraan, nasabunutan, nabulungan ng pekeng dasal na sa paniniwala ng iba ay mula sa Diyos pero di naman maintindihan, at nasaktan ng kalamnan. Mukhang umabot na rin ang grupo nina Apo Manlo sa quota kaya stop na muna. Bukas uli. Nanghinayang ang mga tao sa pangingisay na yun, lalo na yung mga di nakaabot. Nangangahulugan kasi na kailangan pa nilang bumalik bukas at maghulog na naman ng panibagong singkwenta pesos.
"Magpapahinga na ang Mahal na Luca!" sabi ng babaeng alalay. Bumuntot ang lalaking alalay. Pumasok sila sa isang pinto na nasa altar ng bahay dalanginan. Naiwan si Apo Manlo at ang apo niya at kinukumbinsi ang mga tao na umuwi na para makapagpahinga (at para makapagbilang na rin sila ng pera at mapaghati-hatian na nila yun).
Nang wala nang tao sa paligid, nagtipon-tipon sila sa salas ng tahanan ni Apo Manlo. Isinalansan ng dalagita sa mesa ang nalikom na pera. Binilang iyon ni Apo Manlo. Ipinasa iyon sa Mahal na Luca. Matapos ay pinaghahati-hati niya iyon, pinanalangin, inabot sa mga alipores at sinabi, "Tanggapin ninyong lahat ito. Ito ay katas ng aking katawan na ibibigay ko sa inyo at sa ating lahat." Inabot niya ang halaga kay Apo Manlo, sa dalagitang apo ni Apo Manlo, sa babaeng alalay, tapos ay sa lalaking alalay.
Lingid sa kanilang kaalaman na may hidden camera sa bag na dala ng lalaking alalay. "Alalayan mo na papunta sa kuwarto si Luca. Pagpahingahin mo muna tapos maghanda ka ng pampaligo," utos ng babaeng alalay. Agad na sumunod ang lalaki.
Nang maihatid na sa kuwarto si Luca, naghanda na ang lalaki ng pampaligo. "Mga walang hiyang manloloko! Mayayari na kayo kay Mike Marquez!" isip ng asset ng programang "Imbestigahan Mo".
Labels:
Maikling Kuwento
Thursday, August 9, 2012
Di na nakatutuwa
Oo, minsan gusto kong walang pasok.
Para makapag-pahinga.
Pero jusme naman, wag naman yung aabutin ng three to four days suspension.
Last week four days suspended yung klase.
This week naman three days nang suspended.
Though hindi kami nabahaan (at may mga nagsabi rin na hindi nila dama yung baha rito sa lugar namin), still worried pa rin dahil some parts of Bacoor ang lubog sa baha. (And some areas of Luzon.)
May nabasa akong comment ng isang taga-Bacoor saying na hindi naman daw dapat isuspend ang classes kasi wala naman daw baha sa Molino II. Sayang naman daw ang mga araw. Move on na raw. Kalahati sa utak ko e nag-a-agree sa sinabi niya.
Pero isipin na lang din ang safety ng ibang ka-lugar namin. Hindi naman daw masasayang ang araw dahil may make-up classes namin, sabi ng isang nag-comment. Tama siya. Though mahalaga ang edukasyon, mas mahalaga pa rin ang safety ng bawat isa. Pasalamat nga kami dahil hindi binabaha itong place namin. Sa ngayon. Pero wag naman sana.
Hindi naman bagyo yung nanalasa pero parang mas matindi pa kay Ondoy ito. Nakakatakot yung tunog ng hangin at ulan. Kahit nasa bahay lang ako, natatakot ako.
Maigi nga lang at wala nang ulan dito ngayon. Maganda-ganda na ang araw. Sana humupa na yung baha sa ibang lugar. :pray:
Para makapag-pahinga.
Pero jusme naman, wag naman yung aabutin ng three to four days suspension.
Last week four days suspended yung klase.
This week naman three days nang suspended.
Though hindi kami nabahaan (at may mga nagsabi rin na hindi nila dama yung baha rito sa lugar namin), still worried pa rin dahil some parts of Bacoor ang lubog sa baha. (And some areas of Luzon.)
May nabasa akong comment ng isang taga-Bacoor saying na hindi naman daw dapat isuspend ang classes kasi wala naman daw baha sa Molino II. Sayang naman daw ang mga araw. Move on na raw. Kalahati sa utak ko e nag-a-agree sa sinabi niya.
Pero isipin na lang din ang safety ng ibang ka-lugar namin. Hindi naman daw masasayang ang araw dahil may make-up classes namin, sabi ng isang nag-comment. Tama siya. Though mahalaga ang edukasyon, mas mahalaga pa rin ang safety ng bawat isa. Pasalamat nga kami dahil hindi binabaha itong place namin. Sa ngayon. Pero wag naman sana.
Hindi naman bagyo yung nanalasa pero parang mas matindi pa kay Ondoy ito. Nakakatakot yung tunog ng hangin at ulan. Kahit nasa bahay lang ako, natatakot ako.
Maigi nga lang at wala nang ulan dito ngayon. Maganda-ganda na ang araw. Sana humupa na yung baha sa ibang lugar. :pray:
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Sunday, August 5, 2012
Countdown
Eksena: Sa Manila, sakay ng jeep papunta ng Rizal Park. Inabot sakin ni Ar-Ey yung phone niya, may ipinababasang story na gawa niya.
ME: *Nagsimula nang basahin yung story* Sabihin mo sakin pag malapit na tayo.
HIM: Ok. *Silip sa labas ng bintana* Nasa'n na ba tayo?!
_Haha! Um-OK pero di niya pala alam yung place. Ang tawa ko talaga. So ang ending nun, sa kasarapan ng pagbasa ko... Ayun, pag silip ko sa bintana, lagpas na pala kami. :))
Tapos sorry siya ng sorry. Di daw niya kasi alam yung place. :))
Tagal pa bago magkita uli. Magka-countdown na naman kami... 21 days...
ME: *Nagsimula nang basahin yung story* Sabihin mo sakin pag malapit na tayo.
HIM: Ok. *Silip sa labas ng bintana* Nasa'n na ba tayo?!
_Haha! Um-OK pero di niya pala alam yung place. Ang tawa ko talaga. So ang ending nun, sa kasarapan ng pagbasa ko... Ayun, pag silip ko sa bintana, lagpas na pala kami. :))
Tapos sorry siya ng sorry. Di daw niya kasi alam yung place. :))
Tagal pa bago magkita uli. Magka-countdown na naman kami... 21 days...
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Thursday, August 2, 2012
Decode
Share ko lang...
July 23, 2012
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa na matutulog na e hindi naman ako nakatulog kaya gumawa na lang ako ng poem entitled Reminiscing At Dawn. Hindi naman talaga ako mahilig gumawa ng poem... pero para sa pag-appreciate sa mga nagawa niya para sa akin e nagsulat ako.
Kaya naman ganun ang title nun e dahil ibinagay ko sa initials ng pangalan niya. "R.A.D." Sumakto naman yung title kasi madaling araw na nun.
At nung morning pagkagising ko e nakatanggap ako ng message galing sa kanya.
You have a secret message! Try to decode it! :p
J MPWF ZPV TFSFOFMMB
Zpv bmxbzt tvsqsjtf nf.. Uibol zpv EZOB gps fwfszuijoh.. Gps uif mpwf, gps zpvs ujnf tqfou po nf, gps zpvs ubmfou uibu bmxbzr bnbaf nf. Zpv epou lopx ipx mvdlz J bn nffujoh zpv.. J ipqf up cf uifsf gps zpv, xifuifs zpv offe nf ps opu. J xbou up cf uif pof xip bmxbzt csjoh tnjmf vqpo zpvs gbdf. J xbou up cf zpvs sfbtpo gps cfjoh jotqjsfe. J xbou zpv up sfbmjaf uibu zpv epou offe up mppl gps puifs mpwf. J xjmm ep nz cftu up cf fopvhi gps zpv, ps up nblf zpv gffm Jn upp nvdi, uibu zpv epou offe up uijol pg gjoejoh puifs nbo. Zpv epou offe up sfnfncfs zpvs qbtu fyqfsjfodft cfdbvtf J xjmm qvu ofx, xf xjmm dsfbuf ofx nfnpsjft uphfuifs.. J mpwf zps NBSJF..
I asked him kung paano i-decode yun and he said na umatras daw ako ng isang letter para ma-unlock ko yung message niya. And that's what I did. Sooooobrang na-touch ako dun sa message na bigay niya... Kaso ang hirap i-decode. Nyahaha!
At dahil doon e nagbigay na naman ako ng poem para sa kanya... Sakit ng ulo ko sa poem.
LOVE, INDEED
It started with a simple friend request and
Landed into something deeper.
Our simple Hi's evolved into
Visions of wonderful love:
Enchanting, breath-taking,
Your memories now everlasting.
On your presence, my world becomes a
Utopian scenario:
Remarkable, rhapsodic, romantic,
Anticipating a bright future.
Love, care and trust:
Fruits of refined friendship.
A new page of our story
Now starts to unfold
Deal with it, embrace it,
Run with it, enjoy it.
Every second, every minute, every hour,
Wish for it, long for it,
Desire for it, hope for it.
Our paths now cross each other,
May we have the same footsteps forever.
It is the beginning; the beginning of
New wonders, of new captivating experiences.
Go with the flow,
Sing with the song,
Indulge this feeling, this great feeling...
LOVE, indeed.
May secret message diyan sa poem ko. Kung sino makahula, lilibre ko sa bday ko. Hohoho!
July 23, 2012
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa na matutulog na e hindi naman ako nakatulog kaya gumawa na lang ako ng poem entitled Reminiscing At Dawn. Hindi naman talaga ako mahilig gumawa ng poem... pero para sa pag-appreciate sa mga nagawa niya para sa akin e nagsulat ako.
Kaya naman ganun ang title nun e dahil ibinagay ko sa initials ng pangalan niya. "R.A.D." Sumakto naman yung title kasi madaling araw na nun.
At nung morning pagkagising ko e nakatanggap ako ng message galing sa kanya.
You have a secret message! Try to decode it! :p
J MPWF ZPV TFSFOFMMB
Zpv bmxbzt tvsqsjtf nf.. Uibol zpv EZOB gps fwfszuijoh.. Gps uif mpwf, gps zpvs ujnf tqfou po nf, gps zpvs ubmfou uibu bmxbzr bnbaf nf. Zpv epou lopx ipx mvdlz J bn nffujoh zpv.. J ipqf up cf uifsf gps zpv, xifuifs zpv offe nf ps opu. J xbou up cf uif pof xip bmxbzt csjoh tnjmf vqpo zpvs gbdf. J xbou up cf zpvs sfbtpo gps cfjoh jotqjsfe. J xbou zpv up sfbmjaf uibu zpv epou offe up mppl gps puifs mpwf. J xjmm ep nz cftu up cf fopvhi gps zpv, ps up nblf zpv gffm Jn upp nvdi, uibu zpv epou offe up uijol pg gjoejoh puifs nbo. Zpv epou offe up sfnfncfs zpvs qbtu fyqfsjfodft cfdbvtf J xjmm qvu ofx, xf xjmm dsfbuf ofx nfnpsjft uphfuifs.. J mpwf zps NBSJF..
I asked him kung paano i-decode yun and he said na umatras daw ako ng isang letter para ma-unlock ko yung message niya. And that's what I did. Sooooobrang na-touch ako dun sa message na bigay niya... Kaso ang hirap i-decode. Nyahaha!
At dahil doon e nagbigay na naman ako ng poem para sa kanya... Sakit ng ulo ko sa poem.
LOVE, INDEED
It started with a simple friend request and
Landed into something deeper.
Our simple Hi's evolved into
Visions of wonderful love:
Enchanting, breath-taking,
Your memories now everlasting.
On your presence, my world becomes a
Utopian scenario:
Remarkable, rhapsodic, romantic,
Anticipating a bright future.
Love, care and trust:
Fruits of refined friendship.
A new page of our story
Now starts to unfold
Deal with it, embrace it,
Run with it, enjoy it.
Every second, every minute, every hour,
Wish for it, long for it,
Desire for it, hope for it.
Our paths now cross each other,
May we have the same footsteps forever.
It is the beginning; the beginning of
New wonders, of new captivating experiences.
Go with the flow,
Sing with the song,
Indulge this feeling, this great feeling...
LOVE, indeed.
May secret message diyan sa poem ko. Kung sino makahula, lilibre ko sa bday ko. Hohoho!
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Friday, July 27, 2012
Expectation vs. Reality
Daily Meal Consumption
EXPECTATION...
BREAKFAST: Eat like a KING.
LUNCH: Eat like a QUEEN.
DINNER: Eat like a PRINCESS.
REALITY (for Anyd)...
BREAKFAST: Eat like a KING.
LUNCH: Eat like a KING.
DINNER: Eat like a KING.
RESULT...
MAMA: Tumataba ka na ah. Hindi ka na sexy. Magpapayat ka nga!
_Bakit ba? Eh sa masarap kumain e!
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Wednesday, July 25, 2012
Toothbrush ko, toothbrush mo rin?!
Eksena noong Lunes ng umaga,
sa kusina habang nagpeprepare sa pagpasok...
ANYD: Bakit basa itong toothbrush ko? *takang-taka, tanong kay mama* Ma, sinong gumamit nitong toothbrush ko?
MAMA: *kompyus* Ewan ko.
ANYD: *tinuloy na lang ang pag toothbrush*
***
Eksena kahapon ng umaga,
sa kusina habang nagpeprepare sa pagpasok...
ANYD: *hawak yung toothbrush, nilagyan ng toothpaste*
BUNSO: *nakatingin sa akin nang biglang...* Ui akin yan!
ANYD: Ano?! Akin to noh! Wangya ka! Ikaw pala gumagamit ng toothbrush ko!
BUNSO: Iyo ba iyan?! *tumingin dun sa isa pang lalagyan ng toothbrush at may kinuhang toothbrush* Ito pala yung toothbrush ko. Akala ko akin yan. :p
.
.
.
.
Pag tingin ko sa toothbrush niya... Pareho pala kami ng kulay ng toothbrush. Pero meh gawd naman! Di ba siya nagtutoothbrush para di niya mamukhaan na magkaiba ng design yung toothbrush namin? Lol! :))
ANYD: Kadiri ka! Yuck! (linya ko habang nagtutoothbrush. nyahaha!)
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Monday, July 23, 2012
LOVE, Indeed
For my hubbybebelove Ar-Ey Dee... :D
07.23.12
Habang naghihintay ako sa iyo e gumawa ako ng poem. Hehehe! May secret message din ako. Hanapin mo. :p
LOVE, INDEED
It started with a simple friend request and
Landed into something deeper.
Our simple Hi's evolved into
Visions of wonderful love:
Enchanting, breath-taking,
Your memories now everlasting.
On your presence, my world becomes a
Utopian scenario:
Remarkable, rhapsodic, romantic,
Anticipating a bright future.
Love, care and trust:
Fruits of refined friendship.
A new page of our story
Now starts to unfold
Deal with it, embrace it,
Run with it, enjoy it.
Every second, every minute, every hour,
Wish for it, long for it,
Desire for it, hope for it.
Our paths now cross each other,
May we have the same footsteps forever.
It is the beginning; the beginning of
New wonders, of new captivating experiences.
Go with the flow,
Sing with the song,
Indulge this feeling, this great feeling...
LOVE, indeed.
~anyD
Labels:
Tula-Tulala
Reminiscing At Dawn
07.23.12
Free verse poem. On the spot poem making. Haha! Patula lang. Hindi talaga ako makatulog e. :/
It isn't everyday that you'll find that someone
who would care for you,
That someone who would sacrifice time just to talk to you
in the middle of the night until dawn.
It isn't everyday that you'll find that someone
who would hug you in the midst of the storm,
That someone who would make you laugh
despite all your problems in life.
It isn't everyday that you'll find that someone
who wishes and longs to be with you,
That someone who would paint a smile in your face
with a permanent marker.
It isn't everyday that you'll find that someone
who would brighten up your day with sweet and hopeful words,
That someone who would make you realize
that happy endings do not only happen in stories, but in reality as well.
It isn't everyday that you'll walk the street
and meet someone who will make your head turn,
And tell yourself that
this person is the one.
This person will come to your life only once,
and when this person drops by to your doorstep and knocks at your heart's door,
Let this person in
for he might never return.
With overwhelming gladness,
You took away the sadness,
Because of you I will not be blue,
I love you so much, my Ralf Andrew.
~anyD
Labels:
Tula-Tulala
Sunday, July 22, 2012
When the Magic Disappears
07.22.12
WHEN THE MAGIC DISAPPEARS
The magician appears.
Joy,
Mirth,
Delight,
Felicity,
Excitation,
Some pleasures that cannot be measured.
Confusion,
Sadness,
Regret,
Guilt,
Pain,
When the trick is over, when the magic disappears.
_A poetic afternoon to all.
~anyD
Labels:
Tula-Tulala
Saturday, July 21, 2012
Bagyong Ferdie: Ondoy the Second
Kung alam ko lang na masususpend din pala yung klase, di na lang sana ako pumasok. Katakut takot na baha pa yung inabutan ko sa SM Manila kasi dun yung way ko pauwi. hayst!
Dear Ferdie,
Wag mong gayahin si Ondoy... Wala kang originality. Lol!
Love,
Anyd
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Friday, July 20, 2012
Patis
Nilagang baka ang ulam namin. Masarap sanang parisan ng patis gaya ng nakagawian ko. Kaso natanga ako sa paghahanap ng patis kanina. Sa malayo kasi ako tumitingin dun sa kusina... Hindi ko napansin na malapit na lang pala sa akin yung patis.
May bigla akong napagtanto. Bakit kaya ganun? Yung mga bagay na nasa harap na nga natin, hirap pa nating makita. Hanap pa tayo ng hanap sa iba, sa malayo. Kung saan pa yung malayo, doon pa nakatingin. Yung malapit, hindi natin napapansin.
Dahan-dahan ka sa pagbuhos ng patis, dahil kapag napasobra, maaaring maging masama ang lasa ng nilaga. Pero kung sapat lang yung patis na ilalagay mo, masasarapan ka at nanamnamin mo yung ulam na nakahanda.
Try mo i-connect sa love, parang pareho lang sila.
~anyD
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Thursday, June 14, 2012
Anong Pangalan Mo?
May isang babae doon sa kuhaan ng NSO (sa SM Southmall). Ang kuwento niya noong nanganak daw siya, tinanong siya kung anong ipapangalan niya sa anak niya. Wala siyang maisip na pangalan kasi di raw siya handa. E kailangang-kailangan na raw yung pangalan para sa birth certificate.
Nag-isip siya. E nanonood din daw siya ng TV nung araw na yun. Kaya ang ipinangalan daw niya sa anak niya ay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
JU MONG!
*tawang wagas*
Ipinangalan pa sa Korean! Kawawa naman yung bata. Paano na kaya paglaki nun? Nandoon nga si Ju Mong e! Patakbo-takbo din sa NSO.
_antawa ko sa kwento ni mama. antawa ko rin sa tawa niya. maswerte pa rin pala ako sa pangalan ko. : ))
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Sunday, May 20, 2012
Isang Malamig Na Gabi
Kung anumang damdamin ko para sa iyo e unti-unti ko nang pinapatay yun.
Nawawalan na ako ng rason para ipagpatuloy itong pag-ibig na sa palagay ko e kahibangan lamang.
Nawawala na yung init na parang apoy sa kaloob-looban ko. Nawawala na yung kurba sa mga labi ko.
Ang tanging naririto na lamang e yung malamig na pakiramdam at patay na ekspresyon.
Isang paglimot sa kahapon... Sa kahapong kay tamis at puno ng pag-ibig at ngiti. Paalam sa iyo, kahibangang pag-ibig, paalam.
Nawawalan na ako ng rason para ipagpatuloy itong pag-ibig na sa palagay ko e kahibangan lamang.
Nawawala na yung init na parang apoy sa kaloob-looban ko. Nawawala na yung kurba sa mga labi ko.
Ang tanging naririto na lamang e yung malamig na pakiramdam at patay na ekspresyon.
Isang paglimot sa kahapon... Sa kahapong kay tamis at puno ng pag-ibig at ngiti. Paalam sa iyo, kahibangang pag-ibig, paalam.
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Saturday, May 12, 2012
A Motherly Advice
ANYD: Ma, wala ba kayong ibang picture ni papa na magkasama (bukod sa nakasabit sa wall)?
MAMA: Meron. Ito. *pakita ng picture*
ANYD: Ilang taon ka diyan?
MAMA: Twenty.
ANYD: Akala ko ba twenty-one ka nung nagkakilala kayo ni papa?
MAMA: Ano ka ba? Twenty-one ako nung nagbuntis ako sa kuya mo. Eighteen ako nung nagkakilala kami.
ANYD: Ba't ang aga mo nagbuntis? Ba't ako? Mag tu twenty-two na nga ako e!
MAMA: Edi magpabuntis ka rin!
ANYD: Hahaha!
_Ang ganda ng advice ng nanay ko. Wangya yan. ROFL!
MAMA: Meron. Ito. *pakita ng picture*
ANYD: Ilang taon ka diyan?
MAMA: Twenty.
ANYD: Akala ko ba twenty-one ka nung nagkakilala kayo ni papa?
MAMA: Ano ka ba? Twenty-one ako nung nagbuntis ako sa kuya mo. Eighteen ako nung nagkakilala kami.
ANYD: Ba't ang aga mo nagbuntis? Ba't ako? Mag tu twenty-two na nga ako e!
MAMA: Edi magpabuntis ka rin!
ANYD: Hahaha!
_Ang ganda ng advice ng nanay ko. Wangya yan. ROFL!
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Sunday, May 6, 2012
Dear Diary
May 6, 2012
Dear Diary,
It was Saturday afternoon; kahapon yun, mga 1 p.m. Nakatanggap ako ng text message mula kay Jeffrey. Sino si Jeffrey? Siya yung taong sobrang espesyal sa buhay ko.
“Punta aq jan s inyo mmya.”
Kung tutuusin, hindi niya na naman kailangang magpaalam. Puwede naman siyang pumunta anytime kasi magkatabi lang yung mga bahay namin. Napaisip na naman nga ako e. Ano na naman kaya ang dahilan kung bakit pupunta ang mokong na yun? Siguro eeksena na naman siya ng walang katapusang,
“Iniisip ko na naman si Jeanne.”
O kaya yung mga linya niyang,
“Hindi na ako mag-gi-girlfriend! Gusto ko na lang maging bachelor for life!”
Paulit-ulit niyang sinasabi yung mga salitang yun na masakit na sa tainga ko. At kahit na ilang beses ko pang sinasabi sa kanyang, “Huwag mo nang isipin yun. Nandito naman ako. Nandito lang naman ako para pasayahin ka,” pakiramdam ko hindi niya napapansin yun.
Palibhasa kasi ang tingin niya sa akin e kaibigan lang. Pero kahit paulit-ulit niyang sinasabi yung mga linyang binanggit ko kanina riyan sa taas, e paulit-ulit lang din naman akong nakikinig sa kanya. Kung alam niya lang yung nararamdaman ko… yung masakit na pakiramdam pag nakikita ko siyang umiiyak, umiinom, o kaya e tumutugtog ng malulungkot na tugtugin sa piano niya.
Ilang taon na rin siyang ganyan. Ilang taon na siyang ngumangawa sa akin ng tungkol kay Jeanne. Madalas ko namang sabihin sa kanya,
“Jeff, tama na nga! Mahal naman kita. Nandito lang ako.”
Kaso lagi niya akong tinutugunan ng, “Alam ko. Salamat dahil naging kaibigan kita.”
Kaibigan lang naman ako sa paningin niya e. Yun lang naman ako. Pero umaasa akong isang araw makikita niya rin ako, na ako yung taong nandiyan para pasayahin siya.
Bilang pagtugon sa text message na pinadala niya, nagsabi ako ng,
“Cge, punta k.”
Hinintay ko yung pagdating niya. 3 p.m. nang kumatok siya sa pinto ng bahay namin. Kung alam mo lang, diary, kung gaano ako kasaya nang makita ko siya. May dala-dala siyang few bottles of beer at ilang packs ng junk food.
“Jeanne again?” tanong ko. Ngumiti siya bahagya.
Inayos ko na yung place para makapagsimula na yung drinking session with Jeffrey. Hmm… Hindi naman ako umiinom at wala akong ibang iaambag kundi kuwento lang talaga. Gusto ko lang siyang samahan at damayan sa kalungkutan niya…
Nang makailang bote na siya, nagsimula na naman yung walang katapusan niyang litanya tungkol sa kasawian niya sa pag-ibig. Madilim na sa labas. Habang dumadaldal ang loko e biglang pumasok sa isip yung nabasa kong note sa Facebook profile niya.
Dear future girlfriend...
Every day that passes is a day closer to you. Our paths are slowly getting closer and closer together. I wonder how long it will take for me to realize that you are… YOU.
I can’t promise that every day will be perfect. I can’t promise to be cool 100% of the time. But I do promise to always try my best for you. I can’t say that there won’t be any failure because knowing me, there will be a few. But that’s not to say that we won’t have perfect days too. My point is.. as long as we are together i won't give a damn...
If you can’t sleep at night, I’ll play the piano for you.
On your worst days, I’ll be right there for you to hug
I’ll do anything you ask me, and if I can’t do it teach me how to do it, we’ll learn together.
I’ll text you when you leave and tell you how much I miss you, and I promise to stay on the phone until you say you have to go and I’ll never hang up first.
But there's one thing i have to ask you.........
Please hurry up. Because I’m almost starting to lose hope.
-Jeff
At that moment, nakatingin lang ako sa kanya. Lumilipad yung isip ko habang inaalala yung bawat salitang sinabi niya roon na nabasa ko. Kung alam niya lang kung ano yung nasa isip ko. Sana ako na lang. Sana ako na lang…
Naistorbo ako sa pag-iisip nang sinabi niyang, “Punta lang ako sa CR.” Tumayo siya sa puwesto.
Naalerto ako dahil nang tumayo si Jeffrey ay bigla na lang siyang natumba. Buti na lang at nasalo ko siya agad. Lasing na talaga siya. Hindi niya na kaya ang sarili niya. Nagulat na lang ako nang tinitigan niya ako nang mata sa mata. Doon ko na-realize na sobrang lapit namin sa isa’t isa. Kinilabutan ako. Sobra! Malapit na malapit yung mukha niya sa mukha ko. Na-conscious nga ako bigla.
“Shit!” sabi ng isip ko. And at that moment… I’ve fallen for him totally.
Nakatingin ako sa mga mata niya. Bigla na lang tumakbo sa isip ko yung kanta ng Never The Strangers.
“Inch by inch, we're moving closer… Feels like a fairytale ending… Take my heart, this is the moment… I'm moving closer to you…”
Will this be Jeff and I’s first kiss? I hope so.
Naging mabilis ang mga pangyayari. He leaned towards me. I closed my eyes. And suddenly, I felt something wet. Yun pala… sinukahan ako ni Jeffrey! Shit! Huminto bigla yung kantang nasa isip ko...
Mga 9 p.m. nang medyo nawala na yung tama niya. Nagpaalam na siya sa akin. Sinundan ko siya nang lumabas siya sa bahay namin.
“Sorry. Hindi na mauulit!” sabi niyang puno ng pag-aalala at mukhang hiyang-hiya.
“Wala naman sa’kin yun,” tugon ko.
At habang naglalakad siya palayo, tinitingnan ko siya. I love him; everything about him. No matter what his past was or how he looks like. Pero alam ko naman na hindi niya ako nakikita and he would never like me the way I like him. Pero kung dadating man yung panahong mahuhulog siya sa akin, sasaluhin ko siya, at hahawakan nang mahigpit na mahigpit, as if I don’t want to let him go. Hindi gaya ng ibang babaeng nang-iwan lang sa kanya...
“I love you, Jeff…” bulong ko sa hangin. Gusto ko talagang sabihin yun sa kanya e! Pero hindi ko alam kung paano at natatakot ako sa puwedeng maging tugon niya. Ayoko rin namang masira na lang basta yung pagkakaibigang binuo namin.
Hay… Tama na nga itong drama ko. Ang sakit na ng kamay ko. Ang haba na pala ng nasulat ko. Saka baka magsalita ka na, sabihin mo umaambisyon na naman ako. Until next time, diary!
Love lots,
GARDO
_Dedicated to someone close to my heart. Haha! Sorry di ko kinaya yung on-the-spot na story na pinagawa mo sa akin nung isang araw. Pero hayan, tinapos ko kanina habang wala ka pa. :)
Labels:
Maikling Kuwento
Saturday, April 28, 2012
Si Macho
MACHO: All i'm asking is please take your time and have a better man.
ANYD: Ikaw ba yung better man na yun?
MACHO: ay hindi. undergrad ako. may saltik. may tattoo. imposible na magustuhan ako ng parents mo kahit ligawan ko pa sila ng 50years :))
ANYD: e ano yung sinasabi mong sana ikaw na lang ulit?
MACHO: sabihin nalang natin na you're a part of me that i can't let go and there's a part of me na i want to be your man once again even just for a day. you know.. yung tipong gusto kong makita yung pinakanatural na saya tsaka ngiti mo.
ANYD: wow beyonce ikaw ba yan? "even just for a day"
MACHO: ay kabog sister
_ "yung tipong gusto kong makita yung pinakanatural na saya tsaka ngiti mo..." saan kaya napulot ni MACHO yung line na yun?
ANYD: Ikaw ba yung better man na yun?
MACHO: ay hindi. undergrad ako. may saltik. may tattoo. imposible na magustuhan ako ng parents mo kahit ligawan ko pa sila ng 50years :))
ANYD: e ano yung sinasabi mong sana ikaw na lang ulit?
MACHO: sabihin nalang natin na you're a part of me that i can't let go and there's a part of me na i want to be your man once again even just for a day. you know.. yung tipong gusto kong makita yung pinakanatural na saya tsaka ngiti mo.
ANYD: wow beyonce ikaw ba yan? "even just for a day"
MACHO: ay kabog sister
_ "yung tipong gusto kong makita yung pinakanatural na saya tsaka ngiti mo..." saan kaya napulot ni MACHO yung line na yun?
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Thursday, April 26, 2012
Boyfriend, Girlfriend
EKSENA: Ako, kausap si papa sa Skype kagabi...
PAPA: Ano nga ba yung pangalan ng boyfriend mo dati?
AKO: *sabi ng pangalan*
PAPA: Ah oo, yun nga pala.
AKO: Wala na yun.
PAPA: E yung isa mo pa uling naging boyfriend?
AKO: *sabi ng pangalan*
PAPA: A oo. Ang pogi nga nun e! (Ironic) Ikaw, mahilig ka talaga sa endagered species.
AKO: *tawa-tawa lang* LOL!
PAPA: Lapitin ka ng maligno e no? Punta ka kaya sa Quiapo bumili ka ng agimat.
AKO: Grabeeeeee!
PAPA: Bumili ka na rin ng kontra usog.
Wangya! ROFL! Lagi mo na lang ako inookray, papa!
***
EKSENA: Si mama at papa, nag-uusap.
MAMA: Nakita ko yung girlfriend ni *name of cousin*. Hindi maganda!
PAPA: *nakikinig lang*
MAMA: Pareho talaga sila ng taste ni RR (kuya ko). Hindi sila mahilig sa magaganda!
PAPA: Oo, parang AKO.
MAMA: T*rantado!
LOL! :))
PAPA: Ano nga ba yung pangalan ng boyfriend mo dati?
AKO: *sabi ng pangalan*
PAPA: Ah oo, yun nga pala.
AKO: Wala na yun.
PAPA: E yung isa mo pa uling naging boyfriend?
AKO: *sabi ng pangalan*
PAPA: A oo. Ang pogi nga nun e! (Ironic) Ikaw, mahilig ka talaga sa endagered species.
AKO: *tawa-tawa lang* LOL!
PAPA: Lapitin ka ng maligno e no? Punta ka kaya sa Quiapo bumili ka ng agimat.
AKO: Grabeeeeee!
PAPA: Bumili ka na rin ng kontra usog.
Wangya! ROFL! Lagi mo na lang ako inookray, papa!
***
EKSENA: Si mama at papa, nag-uusap.
MAMA: Nakita ko yung girlfriend ni *name of cousin*. Hindi maganda!
PAPA: *nakikinig lang*
MAMA: Pareho talaga sila ng taste ni RR (kuya ko). Hindi sila mahilig sa magaganda!
PAPA: Oo, parang AKO.
MAMA: T*rantado!
LOL! :))
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Wednesday, April 25, 2012
Parte ng Isang Pangarap (Ang Pagwawakas)
***
Parte ng Isang Pangarap (Tagpo 42-48)
TWEETY: Ryan! Alam ko na kung bakit nasabi ni Lena na si Ran ang may kagagawan ng hindi niya pagsipot sa laban! Pinainom ni Ran ng pampatulog si Lena dahil gusto niyang makasama at mapanood ang Championship! Gusto niyang siya ang pumalit kay Lena!
RYAN: (Magtataka) Bakit daw?
TWEETY: Hindi mo ba nakukuha? Si Ran ay may gusto sa iyo at siya ay kagaya ko!!!
RYAN: (Magugulat) What??? Is that true? O hindi! I’d rather die!
TWEETY: Shaks, pa emote-emote pa itong lalaking ito!
SA SILID-ARALAN…
LENA: (Nakaupo)
RAN: Lena, may sasabihin sana ako sa iyong isang mahalagang bagay.
LENA: Kung ano man iyan, huwag mo nang ituloy dahil alam ko na. Sinabi na ni Millie ang buo mong pagkatao. (Iiwas)
RAN: Lena, teka lang… Kailangan nating… (Hihinaan ang boses) mag-usap…
LENA: Wala tayong dapat pag-usapan! Naiintindihan mo?
RAN: Sinabi mo na kaibigan mo ako, di ba? Gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan dahil sila lamang ang tumatanggap sa negatibong ugali ng isang tao. Nalaman ko kay Millie na ikaw pala ay taga-hanga ko. Sa ipinapakita mo ngayon sa akin, parang hindi mo kayang tanggapin ang buo kong pagkatao. Kung kaibigan nga ang tingin mo sa akin, bakit ganyan ka? Hindi ko gustong saktan ka. Pasensya na dahil kahit kailan, hindi ko kayang tanggapin ang pag-ibig na inaalay mo. Hindi sa natatakot ako pero dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi babae ang gusto ko…
LENA: Pero, pwede ka pa rin namang magbago kung gugustuhin mo, di ba?
RAN: Hindi mo ba ako kayang tanggapin?
LENA: Ang sa akin lang naman ay nakakapanghinayang ka, Ran. Matagal na akong humahanga sa iyo at masakit talagang malamang ganyan ka.
RAN: Gusto kong intindihin mo ako. Irespeto mo kung ano man ang katayuan ko. Igalang mo kung ano man ang nasa loob ko. Tanggapin mong kahit kailan ay hindi tayo pwede!
RYAN: (Biglang papasok sa eksena) Dapat ay sinabi mo na sa amin iyan dati pa nang sa gayon ay hindi na humantong sa ganito ang lahat.
LENA: Ryan…
RYAN: Bakit ganoon Ran? Bakit nilihim mo sa amin na isa kang… kagaya ni Tweety?
TWEETY: Pwede ba, ako ang orig at iba na talaga pag orig.
RYAN: Ikaw Ran, ang taong pinaka mimithi ni Lena. Bakit nagawa mo siyang lokohin?
RAN: Pasensya na kung nagawa ko iyon. Kung nagulo ko man ang buhay ninyo, humihingi ako ng kapatawaran. (Luluhod sa harap ni Lena) Patawad, pinagsisisihan ko ang lahat ng naging kasalanan ko.
LENA: Tumayo ka na riyan. Hindi ako sanay na may taong lumuluhod sa harap ko.
RAN: (Tatayo)
TWEETY: (Kay Lena) Ano na ang balak mong gawin ngayon, girl?
LENA: Ang bawat tao ay may karapatang magpatawad at patawarin, kahit gaano man kabigat ang kasalanang nagawa. Ang Diyos nga nagawang magpatawad, tao pa kaya. (Kay Ran) Pinapatawad na kita, Ran. Basta, huwag mo nang gawin ang bagay na iyan sa iba. Maliwanag ba?
RAN: Lena, pangako…
RYAN: (Aakbayan si Ran) Ran, pare ko, kailangan mong maintindihan na… ang gusto ay isang babae at wala na akong ibang gusto kundi si Lena.
RAN: (Malulungkot)
RYAN: Huwag kang sumimangot. Magiging kamukha ka ni Tweety, sige.
RAN: Ano? Sige, ngingiti na ako. (Ngingiti)
RYAN: Sana maintindihan mo na si Lena lang talaga ang gusto ko. Kahit na hindi ako ang gusto niya, siya pa rin ang babae sa puso ko.
TWEETY: Kinikilig ako!
RYAN: (Hihingi ng tawad kay Lena) Lena, so-sorry na, ha! Sorry sa masasakit na sinabi ko.
TWEETY: (Tutulak-tulakin si Lena)
LENA: Oo na!
TWEETY: Okay, ha! Nagkapatawaran na tayo. Sa ngayon, mas makabubuti kung iisipin natin ang nalalapit na graduation!
LAHAT: Tama! Ang graduation!
ARAW NA NG PAGTATAPOS…
RYAN: (Nakaupo sa bench) Nakakatawa! Dati, bola lang ang hawak ko. Ngayon, magiging diploma na. Minamahal kong court, iiwan na kita. Minamahal kong paaralan, iiwan na kita. Minamahal kong Lena…
LENA: (Uupo sa tabi ni Ryan) Tinawag mo ako?
RYAN: Lena! Uh… Pasensya na kung nagiging ma-drama na ako ngayon. Syempre, di ba, graduation na tapos, magiging college na tayo. Tapos… Tapos, wala na…
LENA: Bakit wala na? Nakalimutan ko, hindi ba’t ang sabi mo sa akin ay sasabihin mo yung babaeng gusto mo sa graduation?
RYAN: (Mapapangiti) Nga pala, nagtapat na ako sa kanya, alam mo ba iyon? Kaso, ang sabi niya, hindi daw iyon dapat dahil magkaibigan lang kami. Kaibigan lang, kaibigan lang, kaibigan lang…
LENA: Talaga? E, sino ba siya?
RYAN: Huh? A… e…
LENA: Di bale, kilala ko na naman siya. Ryan, paano kung… nagbago ang isip niya. Tapos, bigla na siyang pumayag?
RYAN: (Masayang-masaya) Hindi ba siya nagbibiro?
LENA: Bakit naman siya magbibiro, hindi naman oras ng pagbibiro ngayon?
RYAN: (Yayakapin si Lena) Lena, ikaw lang ang mahal ko. Kahit mawalan man ng hangin ang bolang gamit ko, ikaw lang talaga.
LENA: Pati ba naman dito, ina-apply mo pa rin ang basketball?
RYAN: Syempre naman! Pero alam mo, mas mahalaga ka pa rin kaysa sa bola ng basketball. Dahil iyon, may presyo, nabibili ng kahit na sinumang tao. Samantalang ikaw, wala at di basta-bastang nakukuha ng ibang tao. Isa lang talaga ang dapat na magmay-ari sa iyo.
LENA: At ikaw iyon?
RYAN: Well, sino pa nga ba? E, ako lang naman ang nandito.
LENA AT RYAN: (Magtatawanan)
***
RAN: Ang pagiging Valedictorian ko ay bunga ng aking pagsisikap sa pag-aaral at ng aking mga inspirasyon sa buhay. Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa Panginoon, sa mga magulang ko, sa mga kaibigan kong sina Lena Madrid, Ryan Cristobal at Timothy a.k.a. Tweety Santos. Kay Millie na walang sawang sumuporta at nagpaliwanag sa akin ng lahat. Sa minamahal kong gitara dahil kung wala ito, wala akong kadamay sa panahong ako’y nalulungkot. Sa aming guro at kaklase, sa ating minamahal na punong-guro, sa mga estudyante, alam kong kumalat na ang tsismis tungkol sa akin. Hindi ko ikinahihiya ito. At sa mga taong tumanggap sa tunay kong pagkatao. Basta, ito lang ang masasabi ko: GGG, Girls, Guys and Gays, mabuhay kayong lahat! Salamat po.
***
MILLIE: Lena… (Ibabalik ang kwintas)
LENA: (Tatanggapin ang kwintas)
MILLIE: Huwag kang mag-alala, alam namin ni Ran na sa iyo lang talaga ang puso ni Ryan. Sana ay maging maligaya kayo at sana, matupad ninyo ang lahat ng iyong mga pangarap.
***
RYAN: (Hawak ang kwintas) Lena, sa totoo lang, ang kwintas na ito ay bigay sa akin ni mama. Ibigay ko raw ito sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Pero… (Itatapon ang kwintas)
TWEETY: Ano ka ba, bakit mo tinapon?
RYAN: Tweety, hindi pwedeng hatiin ko ang kwintas para sa inyong dalawa.
TWEETY: (Na touch) Ryan! Nakakainis ka talaga!
RYAN: (Aakbayan sina Lena at Tweety) Kayong dalawa ang mga taong pinaka importante sa buhay ko!
TWEETY, RYAN at LENA: (Magyayakapan)
***
LENA: Alam ninyo, napagtanto ko na mahirap, malungkot at nakakaiyak talaga ang pagtatapos. Mahirap, dahil marami tayong pagsubok na pinagdaanan. Pero, nalampasan natin ang lahat ng iyon. Malungkot, dahil nalaman kong kauri pala nito ni Tweety si Ran.
TWEETY: Aba! Masaya ako doon, no!
LENA: At nakakaiyak dahil—
(Dadating ang Varsity Team)
NIKE: Oki doks, picture-picture tayo!
(Magkakagulo ang Varsity Team, makikisali rin ang iba)
RYAN: Uy, huwag naman kayong manulak! (Maaapakan si Lena) Lena, ano nga pala yung sinasabi mo?
LENA: Ang pagtatapos… nakakaiyak ito dahil… Ryan, inapakan mo ang paa ko! Aray ko!!! (Paghahampasin si Ryan)
RYAN: (Tumatawa pa) Teka, hindi ko naman sinasadya!
LENA: (Mag-iisip) Tanggap ko na ang lahat. Si Ran, parte lang siya ng aking pangarap at si Ryan, siya talaga ang katotohanan. Hindi na ako hihiling ng kahit na ano pa. Tinatanggap ko na si Ryan sa aking buhay…
(Kanya-kanyang pose sila. Nag flash na ang ilaw ng camera)
***W A K A S***
OoOoO
PAGPAPAKILALA SA MGA TAUHAN
Pangunahing Tauhan
Lena Madrid- Mabait, maganda, kaso mahiyain. Nasa ika-apat na taon sa mataas na paaralan, ang tangi niyang pangarap ay maging kaibigan at kaklase ang taong pinakagusto niya, si Ran. Tinanggihan niya ang pag-ibig ng kanyang matalik na kaibigan, si Ryan, ngunit sa huli’y tinanggap rin ito. Kanya ring natanggap na si Ran ay parte lang ng kanyang pangarap at si Ryan talaga ang katotohanan.
Ryan Cristobal- Matalik na kaibigan ni Lena na naging kaklase niya mula unang pangkat sa Mababang Paaralan hanggang ikatlong taon sa Mataas na Paaralan. Kaligayahan niya ang nakikitang masaya sa piling ni Ran si Lena ngunit sa kabila nito ay nasasaktan rin. Siya ay magaling maglaro ng basketball at kasapi sa Varsity Team ng paaralan.
Ran Arnaiz- Isang gwapo at matalinong tao. Ang pinakagusto at hinahangaan ni Lena dahil sa kanyang talento sa pagtugtog ng gitara. Mayroong isang lihim na pinagkatagu-tago ngunit natuklasan rin ng grupo ni Lena. Sa kabila nito, hindi siya ikinahiya ng grupo. Malaki ang kanyang pasasalamat sa pagdating ni Lena sa kanyang buhay.
Timothy Santos- Mas kilala sa tawag na Tweety, siya ang kaibigang matalik nila Lena na kasapi sa ikatlong kasarian. Humahanga rin kay Ran ngunit nagkaroon ng sama ng loob sa kanya nang malamang niloloko lang pala sila nito.
Millie Deogracias- Kaibigan ni Ran na tanging sumusuporta sa kanya. Pilit niyang inilalagay si Ran sa tamang landas. Siya ang nagsiwalat ng lihim nito.
Iba pang tauhan
Lara-Ate ni Lena at kanyang kasundo sa lahat ng bagay.
Rey- Ama ni Lena na magaling rin sa basketball.
Nike, Mac, Kevin at Jay- Miyembro ng Varsity Team na kasama ni Ryan sa paglalaro. Lahat sila ay nagmula sa seksyon 1.
Mai at Jane- Magkaibigang walang ginawa kundi ang magpapansin.
Bb. Laxa- Guro ng Seksyon 1.
Coach Miguel- Coach ng Varsity Team.
Bakla #1, 2 at 3- Mga baklang kaibigan ni Tweety na nag-uusap-usap tungkol sa isang bagong ka-pederasyon.
ANG TAGPUAN
•Sa eskwelahan, unang araw ng klase- ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mag-aaral sapagkat makikita na naman nila ang kanilang mga kaibigan, mga dating kamag-aral at ang mga taong gusto nila. Ito ang araw na nalaman ni Lena na kamag-aral niya si Ran. Dito rin naganap ang pagtatapat ni Ryan ng pag-ibig kay Lena pati na rin ang masayang graduation (pagtatapos).
•Sa Principal’s office- dito kumukuha sina Lena at iba pang mag-aaral ng kanilang seksyon at permit upang makapasok sa silid-aralan.
•Ang silid-aralan ng seksyon 1- dito inihatid ni Ryan si Lena matapos malamang seksyon 1 pala siya. Ito rin ang silid kung saan naganap ang unang pag-uusap nina Lena at Ran.
•Bahay ni Lena- kasama niya dito ang kanyang ate at ama. Sa kabilang street ay ang bahay ni Ran.
•Bench- kung saan madalas mag-usap sina Lena at Ryan.
Labels:
Parte ng Isang Pangarap
Subscribe to:
Posts (Atom)