No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 12, 2010

Paano Ko Sasabihin Sa Kanya?

Anim na buwan na rin kaming magka-text ni Jenny. Almost everyday magka-text kami. Sa internet ko nakuha ang number niya. Aaminin ko, minsan napapabayaan ko na ang mga gawaing bahay dahil madalas kong hawak ang cell phone ko pero paano ko naman siya maiiwasan? Ang sarap niya kayang kausap!

Ang dating two-day-unlimited text ko sa Smart ay naging five-day-unlimited text na lumago sa pagiging five-day-call and text unlimited. Sulit na sulit naman at laging buo ang araw ko kapag nandiyan siya, kapag kausap ko siya sa text at kapag naririnig ko ang boses niya sa phone.

Sa loob ng anim na buwan, iba na ang nararamdaman ko para kay Jenny. Ang simpleng pakikipagkaibigan lang na sinabi ko nang magpakilala ako sa kanya ay lumalim na ngayon. Gusto kong maging akin siya pero parang napaka imposible dahil malayo kami sa isa't isa. Mahirap na ring masaktan. Siguro hanggang special friends na lang talaga kami.

Isang gabing magkausap kami ni Jenny sa phone, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap, nagpapalitan ng matatamis na salita, nakahiga ako, dagdagan pa ng patay na ilaw sa loob ng kuwarto. Napaka-romantic ng dating ng pag-uusap namin. Naisip kong kung hindi ko sasabihin ngayon, kailan pa? Alam kong pagtatawanan niya lang ako pag nalaman niya pero hindi ko na talaga kayang itago. Nakahanda ako sa anumang reaksyon niya.

"Jenny," pagtawag ko sa kanya.

Natigil ang sinasabi niya kanina. "O bakit?" tanong niya.

"Puwede bang... Puwede bang mag—" hindi ko kayang ituloy. Gusto ko na lang ibaba ang tawag. Nahihiya kasi ako kay Jenny.
"Puwedeng mag—? Mag ano?" tanong ni Jenny.
"Ano kasi e..." sabi ko.
"Maging tayo ba?!" pahabol na tanong niya. "Hehe," narinig ko ang ganoong pagtawa niya.
"Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ko. Gusto ko na talagang ibaba ang tawag. Di ko na kaya ang nararamdaman ko.
"Ano ba? Teka, Kevin, hindi ko maintindihan," sabi ni Jenny.

Nilakasan ko na ang loob ko para masabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin. "Kasi Jenny... Jenny puwede bang... mag-banyo muna ako? Lalabas na kasi e."

Tumawa nang malakas si Jenny, "Hahahahaha! Yuck! Kaya pala ang baho. O sige, mamaya na lang. Hahahahahaha!" Sabi ko na nga ba tatawanan niya ako. Pinaghandaan ko na yun.

"Yabang mo! Haha! Sige tawag ako maya ha? I love you!" Binaba ko na ang tawag. Sa totoo lang, first time kong sabihan ng I love you si Jenny. Teka, tama na nga ang ganitong drama. Ang sakit na talaga ng tiyan ko.

Bumangon ako, binuksan ang pinto at kumaripas ng takbo paibaba para pumunta sa banyo.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly