Hindi ito true to life. Hindi talaga.
"Bayad po, estudyante," sabi ko pagsakay ng jeep, sabay abot ng bente pesos. Doon ako malapit sa driver umupo. Tamang-tama kasi favorite place ko yun at saka maluwag ang jeep. Sinuklian ako ng katabing lalaki ng driver. Mukhang friends nga sila kasi mula noong sumakay ako ay nagkukuwentuhan na sila, at mukhang sila lang ang nakakakilala sa mga taong binabanggit nila.
Mula noong suklian ako ng lalaki, napansin kong sulyap na siya nang sulyap sa akin. Deadma lang naman ako kasi nagtetext ako at pag hawak ko na yung cell phone ko, hindi mo na ako makakausap. Nang umandar na yung jeep at habang umaandar ito, narinig kong sinabi nung lalaki,
"Diyan nag-aaral yung anak ko."
"May anak ka na ba?!" tanong naman ng driver.
"Hehe! Hindi, biro lang, wala pa akong anak. Binata pa ako."
Napatingin ako sa kanya pagkasabi niya nun at nakita kong nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung nagpaparinig ba siya, basta bumalik na lang ako sa pagkalikot ng cell phone. Kahit na hindi ko siya tinitingnan, nararamdaman kong tinitingnan niya na naman ako at palingon-lingon siya sa direksyon kung nasaan ako.
Nang malapit na kami sa labasan, ibinaba na siya ng driver. Ang laki ng dala niyang bagahe. Hindi ko alam kung mga gamit ba sa trabaho ang laman o magbabakasyon siya. Tiningnan ko siya pagbaba niya. Hmm. May hitsura rin naman pala. Nagpaalam na siya sa driver at sinabing,
"Ingatan mo yang nasa likod mo." Nagulat ako kasi nagsalita siya ng ganoon. Alam kong ako ang tinutukoy niya kasi ako lang naman ang nakaupo malapit sa driver at alam ko ring kanina niya pa ako tinitingnan. Nginitian niya rin ako.
"Sige," tugon naman ng driver.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ng lalaki. Nginitian ko na lang siya at sinundan ng tingin nang umandar na muli ang jeep.
Pages
No to Plagiarism!
ANYD's NOTE:
It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.
Sunday, February 28, 2010
Friday, February 19, 2010
Bawal Mag-Donate ng Dugo
Minsan lang ako manood ng TV kaya nga ba naaliw ako sa balita sa GMA 7 kagabi. Sama-sama sa sala yung mga kapatid ko habang nanonood ng 24 Oras. Ako naman ay nagcocomputer at nakikinig lang. Natawa kami sa balita kasi ang sabi bawal daw mag-donate ng dugo yung mga may kuto sa buhok. Kanya-kanya naman sila ng reaksyon.
KUYA: (Tawang demonyo, naaliw, kasi ang weird ng balita na bawal daw mag-donate ng dugo yung may kuto.)
ANYD: Parang ewan naman yung balitang yan.
Itong kapatid kong babae e todo react naman sa balita.
PATED: (Parang bitter) Bakit naman bawal mag-donate? Ano ba yun purkit may kuto lang?
Parang sinabi yata na need na healthy yung taong magdodonate kaya sorry na lang sa may kuto.
ANYD: (Tingin sa kapatid at tumawa) Bitter ka?!
KUYA: Bitter ka, palibhasa kasi may kuto ka!
PATED: (Tumawa) Ahaha! Bitter e! Ok lang, di naman ako magdodonate ng dugo.
Yun yon e! Kaya naman pala bitter.
KUYA: (Tawang demonyo, naaliw, kasi ang weird ng balita na bawal daw mag-donate ng dugo yung may kuto.)
ANYD: Parang ewan naman yung balitang yan.
Itong kapatid kong babae e todo react naman sa balita.
PATED: (Parang bitter) Bakit naman bawal mag-donate? Ano ba yun purkit may kuto lang?
Parang sinabi yata na need na healthy yung taong magdodonate kaya sorry na lang sa may kuto.
ANYD: (Tingin sa kapatid at tumawa) Bitter ka?!
KUYA: Bitter ka, palibhasa kasi may kuto ka!
PATED: (Tumawa) Ahaha! Bitter e! Ok lang, di naman ako magdodonate ng dugo.
Yun yon e! Kaya naman pala bitter.
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Monday, February 15, 2010
Hapi Balentayms Dei (6)
***
Hahalikan ko na si Jilliane nang may biglang kumalabit sa akin, "Kuya, palimos po." Nasira tuloy ang moment namin. Napadilat si Jilliane. Dumukot ako sa bulsa ko at ibinigay iyon sa batang lalaki. Tumakbo na ang bata palayo nang mabigyan ko siya ng limang piso. Para makaiwas sa kung anong puwedeng mangyari, nagsabi ako kay Jilliane na iuuwi ko na siya. Sumunod naman siya sa gusto ko. Inihatid ko siya hanggang gate ng bahay nila.
"Bukas ha," paalala niya.
"Anong oras ba?" tanong ko.
"Mga 12 p.m.," sagot niya.
Nagkaroon kami ng usapan kung saang lugar kami magkikita. Pumasok na si Jilliane sa bahay nila. Ako naman ay umuwi na rin dahil may trabaho pa ako kina Gerald.
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit puyat sa pagbabantay ng shop. Ngayon pa lang din ako bibili ng regalo para kay Jilliane. Nagpasama ako kay Gerald para mamili.
"Ibang klaseng ka-date ito, last minute na bumibili!" hirit ni Gerald.
"Pre, wala kasi akong time kahapon. Hanggang gabi kasi kami magkasama," dahilan ko.
"Okay, okay! Sige na, bilisan na natin." Nagmadali kami ni Gerald na maghanap ng kung anong puwedeng bilhin para kay Jilliane.
Bumili ako ng isang bouquet ng red rose at Ferrero Rocher na chocolate para kay Jilliane. Bumili rin ako ng kwintas na may heart pendant. Settled na lahat. Dahil wala namang ka-date si Gerald, sinamahan niya na lang ako papunta sa tagpuan namin ni Jilliane.
Saktong alas-dose, walang bakas ni Jilliane sa tagpuan namin. Naghintay kami ni Gerald ng ilang pang minuto. Kalahating oras ang lumipas pero wala pa rin. Pinayungan na ako ni Gerald dahil matindi ang sikat ng araw. Pinagpapawisan na rin ako. Nawala na tuloy yung poise ko.
"Indian pana kakana-kana. Indian pana kakana-kana," pang-asar na pagkanta ni Gerald.
"Tumigil ka nga! Sisipot yun!" inis kong pagkakasabi.
Alas dos na ng hapon. Wala pa rin si Jilliane sa tagpuan.
"Pre, hindi na yata dadating yun," palagay ni Gerald. "Two hours na tayong naghihintay rito. Buti na lang pala sinamahan kita. Siguro kung mag-isa ka lang, kanina ka pa nagmukhang tanga."
Iyan na rin ang naisip ko, na baka hindi na siya pumunta. Baka nagkaproblema na naman siya kay Prince. Nawalan na rin ako ng pag-asa. "Uwi na tayo, pre," yakag ko kay Gerald. Umuwi na lang nga kami.
Kahit na wala akong mabigat na ginawa, pakiramdam ko e pagod na pagod ako. Pagod ang kalooban ko, pagod ang isip ko. Hinubad ko ang pang-itaas na suot ko at sando na lang ang itinira. Binuksan ko ang electric fan. Inilapag ko sa isang tabi ang mga regalo para kay Jilliane at humiga ako sa kama. Pagkatapos nun, nakatulog na ako.
Gabi na nang magising ako. Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko, alas otso na. May nagsalita, "Tulog mantika a." Muntik na akong mahulog sa kinahihigaan nang makita kung sino ang nagsalita.
"Jilliane!" gulat na gulat ako. Nakaupo siya sa monoblock chair. Maganda ang bihis niya. Umalis siya sa kinauupuan at sinamahan ako sa higaan.
"Sorry," paumanhin niya. "Katakut-takot na persuasion ang ginawa ko kay Prince. Kinulong niya ako sa kuwarto buti na lang at pinalabas din niya ako. Settled na ang lahat sa amin, break na kami," sabi niya.
"Break na?" tanong ko, hindi makapaniwala.
"I told him to be happy with Megan instead, and finally he decided to let go of me."
"Yun lang yun?" parang nabitin ako sa kuwento niya, pero masaya na rin akong marinig na wala na nga sila ni Prince. At least wala nang mananakit sa kanya. "Paano ka nga pala nakapunta rito?" laking pagtataka ko.
"Nagpasa ka sa akin ng resumé, 'di ba?" pagpapaalala niya. Oo nga pala, lahat ng info tungkol sa akin nakalagay roon. "Pinapasok naman ako ng mama mo rito e. Ano, tuloy na ba tayo?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Sige, magbibihis lang ako para naman magmukha akong tao."
Natuloy rin ang date namin ni Jilliane. Hindi na kami nag-dinner sa labas, dito na lang sa bahay. Pinagtiyagaan na lang namin yung lutong bahay ni mama. Ibinigay ko kay Jilliane yung bouquet na binili ko na medyo nalanta na. Pinagsaluhan namin ang chocolate at pagkatapos, lumabas kami ng bahay. Isinuot ko sa kanya ang kwintas habang binabati siya ng, "Happy Valentine's Day!"
Napangiti si Jilliane nang hawakan niya ang pendant. "Thanks, Marc, for making my everyday so special," pagpapasalamat niya.
Niyakap ako ni Jilliane, at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Noong gabing yun, inamin ko sa kanyang espesyal ang nararamdaman ko para sa kanya. Unexpected, pero ganoon talaga. Hindi naman ako naghahangad na mahalin din niya ako. Alam kong hindi maganda ang mga pinagdaanan niya. Ang gusto ko lang ay mahalin siya. Gusto kong hayaan niya lang akong mahalin siya...
Natapos ang araw ng Valentine's. Naging maayos naman ang lahat sa amin ni Jilliane. Isang beses na magkasama kami, may binulong siya sa akin.
"I love you," sabi niya. Pumalakpak ang tainga ko doon.
"I love you, too," tugon ko. "So ano, tayo na?" pagbibiro ko. Tumawa si Jilliane. "Tinatawanan mo na naman ako," pagtatampo ko.
"Hayaan mo munang gumaling ang mga sugat ng nakaraan. Ok naman tayo kahit ganito pa lang tayo, 'di ba?" sabi ni Jilliane.
"Oo. Masaya rin naman ako kahit ganito pa lang tayo," tugon ko. "Hihintayin kita," pangako ko.
Lumipas ang isang taon. Suot ang maayos na damit, naglalakad ako sa daan dala ang bouquet ng bulaklak, chocolate na Ferrero Rocher at isang blue plastic folder. Narating ko ang bahay nina Jilliane. Hinihintay niya pala ako sa labas. Nakita ko ang masaya niyang mukha, maganda, walang bakas ng sugat o pasa. Nakatakas na siya sa pangit niyang karanasan.
Nilapitan ko si Jilliane. Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak, ang chocolate at ang blue folder.
"Resumé na naman?" natatawang tanong niya nang mapasakamay ang blue folder.
Nagbaka-sakali ako, "Puwede bang mag-apply na boyfriend mo?"
Binuklat niya ang resumé ko. "Hindi ko na pala kailangang i-display yun?" sabay nguso sa karatolang nakasabit sa gate na may nakalagay,
Happy Valentine's Day!
Wanted: Boyfriend
"You are hired!" deklara niya. Corny man tingnan ay naglululundag ako sa tuwa. Hinalikan niya pa ako sa labi. May bonus!
Sa pagkakataong ito, may napansin ako. Tama na ang spell ng "Happy Valentine's Day!" sa karatolang ginawa niya.
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Hapi Balentayms Dei (5)
***
"Ehemm," sinadyang pag-ubo ni Gerald. Nakatingin ako sa kanya. Sasagutin ko ba ang tawag? Aasarin na naman ako nito e!
Napansin siguro niyang iba ang tingin ko kaya nahiya na rin sa akin, "Sige na, sige na. Sagutin mo na. Alam ko namang si Jilliane iyan."
Lumabas ako sa computer shop. Medyo maingay kasi gawa ng mga lalaking murahan nang murahan habang naglalaro ng DOTA.
"Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
"Busy ka?" tanong niya pagkasagot ko.
"Hindi naman gaano, bakit?"
"Ang tagal mo kasing sagutin yung call." Humingi ako ng paumanhin. "Nasaan ka?" tanong niya.
"Nandito pa rin, kausap ka," masigla kong pagkakasabi.
"Hehe! Three days na lang pala," paalala niya.
"Anong meron, birthday mo?" biro ko.
"Weh!" pambabara niya.
"Biro lang," sabi ko.
Tinanong niya ako, "Saan mo nga pala gustong kumain sa Valentine's? Aristocrat ba o..." pinutol ko ang sinasabi niya.
"Wait! 'Di ba ako ang dapat na magtanong niyan?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Ililibre mo ako? Ako ang naghahanap ng ka-date, 'di ba? Hindi naman ikaw."
"Oo nga, pero 'di ba, ako ang lalaki. Ako ang dapat manlibre," paliwanag ko.
"Hindi ba puwedeng manlibre ang babae ngayon?" Ay ang kulit talaga ni Jilliane.
"Ako na," sabi ko.
"Ayan ka na naman e! Inilibre mo na nga ako sa cafeteria, tapos ikaw pa rin."
"A basta, ako na," paninindigan ko.
Ipinasya ni Jilliane na itigil na muna namin ang pag-uusap nang sabihin niyang, "Marc, sandali lang ha, may kumakatok e! Tawag ako mamaya." Agad niyang ibinaba ang tawag. Bumalik na ako sa loob ng computer shop at nakinig sa murahan ng mga naglalaro ng DOTA.
Hinintay ko ang tawag ni Jilliane. Hinintay ko ang tawag niya hanggang sa pagsara ng shop. Hanggang madaling araw hinihintay ko ang tawag niya. Hanggang sa makatulog ako. Nang magising ako, wala pa rin, kahit na isang missed call.
Mabagal ang lakad ko nang pumasok ako. Maaga pa rin naman kasi, hindi pa ako late sa klase ni Sir Macaraeg. Malayong-malayo pa ang oras. Habang dumadaan ako sa pasilyo, tinitingnan ko ang mga palamuting nakasabit. Sa malayo, may nakita akong babaeng nakasandal sa pader pero sa pagkakataong ito, hindi siya nakasalampak. Nakatayo siya, nakayuko, tahimik, hindi gumagalaw. Nakalugay ang buhok niya at nakatabon na naman sa mukha niya. Naglakad ako papunta sa kanya at nilapitan siya. Hinawi ko ang buhok niya pero mas mabilis pa ang naging paghawi niya sa kamay ko.
"Huwag. Huwag mo na akong tingnan," sabi niya. Umiwas siya.
"Ano na namang problema?" tanong ko. Nakayuko lang siya, ayaw ipakita ang mukha at nagsimula na siyang humikbi. Napabuntong-hininga ako, "Jilliane, tumingin ka nga sa akin."
Umiling siya, "Ayaw."
Naging mahinahon ako, "Tingin na." Umiling siya. "Sige na, dali na." Inangat ko ang mukha niya. Sinasabi ko na nga ba! Pinagbuhatan na naman siya ng kamay ni Prince. May sugat siya sa labi at mayroong mga kalmot sa mukha.
Nagsumbong si Jilliane sa akin, "Sabi niya sisirain niya na lang daw yung mukha ko para 'di na matuloy yung date natin, para raw ma-turn-off ka. Sorry kagabi 'di na ako nakatawag. Binasag niya kasi yung cell phone ko. Natatandaan mo pa yung sinabi kong may kumakatok? Siya yun."
"E bakit wala man lang ginagawa yung parents mo?!" laking pagtataka ko.
"Ang totoo niyan, may malaking utang ang pamilya ko sa pamilya ni Prince. Ako ang ginawang pambayad." Nadismaya ako sa narinig ko. Nagpatuloy siya, "Noong umpisa nagalit ako pero wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Sinubukan kong mahalin si Prince. Sinubukan kong maging masaya. Sa loob ng tatlong taon, inisip kong masaya ako sa kanya. Iniisip ko lang naman ang lahat ng iyon, pinipilit na maging masaya dahil inaalala ko ang pagkakautang ng mga magulang ko."
"Bakit ganoon? Bakit hinayaan mong maging kasangkapan ka nila?" tanong ko.
"Inuunti na naman nila ang pagbabayad. Nilubos ko lang ang pagkakataon dahil alam kong gustong-gusto ako ni Prince. Naging masunurin naman ako sa kanya pero dumating sa puntong umabuso siya. Hindi ako gaya ng ibang babae. May pangako ako sa sarili kong ibibigay ko LANG ang sarili ko sa lalaking pakakasalan ko. Iyon ang hindi niya maintindihan."
Kinuha ko ang kamay ni Jilliane. Gusto ko siyang dalhin sa clinic para magamot ang mga sugat niya. Sinabi niyang huwag na.
"Gusto kong pumunta tayo sa isang tahimik na lugar. Yung lugar kung saan walang makikialam sa mga kilos ko. Gusto ko tayong dalawa lang." Pinagbigyan ko ang hiling ni Jilliane.
Dinala ko siya sa Luneta. Siguro iisipin ng iba na baduy ako pero ito lang kasi yung lugar na alam ko kung saan makararamdam kang malaya ka. Isinakripisyo ko ang buong araw ko para samahan si Jilliane. Sinapinan namin ang damuhan at umupo kami. Mainit ang sikat ng araw, pero mahangin. Paalis-alis kami sa lugar para kumain tapos ay babalik uli. Nang sumapit ang gabi, mas dumami ang mga taong nagka-kanya-kanyang latag ng sapin. Ang ganda rin ng pinatutugtog na musika.
Tahimik lang si Jilliane na nagmamasid. "Nakakainggit sila," sabi niya nang may mapadaan sa puwesto naming magkahawak ang mga kamay.
"Bakit ka maiinggit diyan e kasama mo naman ako. Gusto mo maglakad din tayong naka-holding hands," pagbibiro ko pero mukhang sineryoso niya ang sinabi ko.
"Sige nga," sabi niya. Tumawa ako. Inabot niya ang kamay niya, "O ito, hawakan mo."
"Sigurado ka?" tanong ko. Tumango siya tapos ay nagtanong,
"Bakit, hindi mo ba kayang gawin?"
Kinakabahan ako. Sa totoo lang kasi never pa akong nagka-girlfriend o nakipag-holding hands sa kahit na sinong babae. 'Di naman sa torpe ako. Siguro kasi hindi pa talaga ako naiin-love. Nakatingin lang ako sa kamay niya.
"Hindi mo kaya?" tanong ni Jilliane.
"Hindi ko ba kaya?" tanong ko sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Alam ko, ngayon ko lang mahahawakan ito. Umusog si Jilliane at dumikit sa akin. Sunod, isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Marc," pagtawag niya sa akin. "Pangit na ba ako?" Natawa ako sa tanong niya. "Tinatawanan mo ako a," pagtatampo niya.
"Maganda ka naman e! Pero mas maganda ka kung wala yang mga pasa at sugat mo," sabi ko.
"Happy Valentine's Day..." malungkot niyang pagbati.
"Happy raw pero bakit ang sad mo?" tanong ko sa kanya.
"It's because nobody loves me," sagot niya.
"I am nobody," sabi ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakahiga sa balikat ko at tiningnan ang mukha ko. Na-conscious naman ako sa ginagawa niya kaya tinanong ko siya, "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"
"May I kiss you?" mahina niyang pagkakasabi.
"Ha? Kiss?" gulat na tanong ko.
Tumango siya, "Hmm-mmm." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumingin ako paligid. Busy naman ang lahat at mukhang wala man lang silang pakialam. "Kahit isa lang," hiling niya.
"Sige, pikit ka muna," sabi ko. Pumikit si Jilliane. Nilapit ko na ang mukha ko. Hahalikan ko na siya nang may biglang kumalabit sa akin.
***
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Thursday, February 11, 2010
Hapi Balentayms Dei (4)
***
Balik na naman uli kami ni Jilliane sa cafeteria. Kumuha kami ng table. Sinabi kong ako na lang ang mag-o-order para sa kanya at treat ko yun.
"Gumaganyan ka pa, Marc, e mas malaki pa nga allowance ko sa iyo," sabi niya sabay tawa.
Tampu-tampuhan naman ako, "Ang yabang mo. Nag-e-effort na nga ako para mailibre ka lang."
"Share na kasi tayo sa bayad," pagpupumilit niya pero pilit din naman akong tumanggi. In the end, ako rin ang nanalo.
Um-order na nga ako. Laki pa ng ngiti ko pag-alis ko sa table pero nang lingunin ko si Jilliane, nakita kong kasama niya na si Prince. Pinagmasdan ko sila habang nakapila ako. Nakayuko si Jilliane habang nagsasalita si Prince. Mukhang seryoso ang usapan nila. Nang makabalik na ako sa table, tiningnan muna ako ni Prince sabay alis. Kunwari na lang wala akong nakita.
"O bakit malungkot ka na naman diyan?" puna ko kay Jilliane.
Umiling siya, "Wala."
Umupo ako sa tabi niya. Inalis ko sa tray ang mga pagkain at inilatag ko iyon sa mesa. Ibinigay ko sa kanya ang pagkain niya, pati mga kubyertos at baso. Nilagyan ko na rin ng tubig ang baso niya.
Nagkasabay kami magsalita. "Feeling senyorita ako a," sabi niya. "Para sa prinsesa," sabi ko naman. Napangiti si Jilliane tapos ay sumubo. Tiningnan ko siya at nakita kong ngumingiti siya habang ngumunguya.
"Kanina ang haba ng nguso mo, ngayon naman ang lapad na ng labi mo; sala ka sa init at lamig," sabi ko sa kanya.
"Masaya lang ako," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko naman. Gusto kong sabihin niyang masaya siya dahil sa akin.
"Sa akin na lang yun," sagot niya.
"Ay daya o!" Para akong batang hindi napagbigyan sa hiling.
"Mamaya sasabihin ko sa iyo kung bakit," sabi niya. Nagpatuloy na siyang kumain at ngingiti-ngiti na naman.
Hinatid ko si Jilliane sa klase niya.
"Daanan mo ako mamayang uwian, ok lang?" pakiusap niya.
"A sige, walang problema," tugon ko.
Pumasok na siya sa classroom. Kinawayan ko siya bago ako umalis. Naglalakad na ako papunta sa klase ko nang may biglang kumalabit sa akin. Pag lingon ko, si Prince. Ano naman kaya ang kailangan ni Amboy?
"May I talk with you?" sabi ni Amboy.
"May klase ako," dahilan ko para makaiwas. Alam kong walang sense na naman ang mga sasabihin niya.
"It's about Jilliane, Marc," tila nagmamakaawa na si Amboy at kailangan niya talaga akong kausapin.
Gusto ko sana sabihing, "Pasuntok muna sa mukha, puwede?" pero pumayag na rin akong makipag-usap. Madali naman akong mauto. Pumunta kami ni Prince sa University gate at doon nag-usap.
"You know I really love her," pagsisimula niya. "We've been together for three years. My family knows her so much and hers knows me, too." Kailangan talaga lahat ng speech may introduction. "I know I made a mistake, but you see, I'm trying my best to save our relationship."
Save raw! Natawa ako sa sinabi niya. Nakapag-English din ako nang 'di oras, "How will you explain all Jilliane's bruises? Is that the way of 'saving' your relationship?"
"That's the only way," paninindigan at pagmamatigas ni Amboy. "She's so stubborn. I know I hurt her, but I've said sorry a million of times, still she can't forgive me."
"Nakakatawa ka talaga, Prince," nakangisi kong sinabi. "Hindi ganoon kadali yun. Para kang nanampal ng tao nang malakas na sa totoo lang ay sinadya mo talaga, tapos sasabihin mong hindi."
"You're a man, too. You see, Marc, I can't resist Megan. She's so hot," dahilan ni Prince.
"Ang manyak mo, tsong!" sabi ko. Naiinis na ako. "Hindi mo puwedeng sabihin kay Jilliane yung ganyan! Hindi mo puwedeng sabihing 'Jilliane, sorry kung nakipag-sex ako kay Megan. Ang hot niya kasi e!' Alam mo kahit hindi ka clown, nakakatawa ka. Nasisira ulo ko sa iyo."
Natameme si Prince. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita, "Are you courting my girlfriend?"
"Girlfriend mo pa rin ba siya o sa paniniwala mo na lang na girlfriend mo pa nga siya?" tanong ko sa kanya. Hindi na naman siya nakasagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita, "In the first place, wala ka rin namang dapat iligtas na relasyon kung wala kang ipinahamak." Iniwan ko na si Prince.
Gaya ng gustong mangyari ni Jilliane, sinundo ko siya noong uwian. Sinabi niya na rin kung bakit siya masaya. Ayon sa kanya, mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon kung ikukumpara sa mga nagdaang araw. Pinasasalamatan niya ako kasi ako ang nakapagpasaya sa kanya, kahit na alam ko namang iba pa rin talaga ang pakiramdam pag si Prince ang kasama niya. Ano ba naman ang tatlong taon? Kung tutuusin, hindi naman talaga niya ako napapansin noon. Ayoko rin naman kasing isiping kaya siya ganito sa akin ngayon kasi nagiging "rebound" niya lang ako.
Dumiretso ako sa computer shop nina Gerald at nagtrabahong muli.
"Matiyaga ka rin pala," sabi ni Gerald, nandedemonyo na naman.
Inunahan ko na siya bago pa niya ako asarin, "Tigilan mo nga ako."
"Baka gusto mong mapermanente rito, sabihin mo lang."
Tinawanan ko lang siya. "Hindi na, pre! Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa."
"In love ka ba sa kanya?" biglang naitanong ni Gerald.
Nabingi ako sa isang iglap, "Ha?"
"In love ka nga sa kanya," sabi ng kaibigan ko.
"High school crush lang," pag-amin ko.
"And College love?" hirit niya. Tinawanan ko siya. "Mahirap mag-assume, pre. 'Di natin alam ang purpose niya, baka panakip-butas ka lang."
Biniro ko si Gerald, "Selos ka lang siguro kasi 'di na kita kasabay kumain at umuwi."
"Asa ka naman, pre! Ano ko, bading?" Tumawa kami pareho. Naging tahimik bigla. "Ano nang mangyayari niyan after Valentine's?" tanong ni Gerald.
Maging ok pa rin ba kami ni Jilliane? Hindi ko rin alam.
"Alam ko namang panandalian lang ito. Anuman ang desisyon niya, irerespeto ko naman," sagot ko kay Gerald.
Napailing na lang siya, "Ang hilig mo talagang magparaya. Sure ako, after Valentine's wala na iyan."
Natahimik na lang ako. Kasunod noon ay ang pagtunog ng cell phone ko. Tumatawag si Jilliane.
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Wednesday, February 10, 2010
Hapi Balentayms Dei (3)
***
Ginising ako kinaumagahan ng tunog ng cell phone ko, may tumatawag.
"Hello?" sagot ko sa taong nasa kabilang linya.
"Hi Marc! Jilliane ito!" Si Jilliane pala. Bumangon ako sa pagkakahiga at inayos bahagya ang sarili ko.
"Jilliane, anong himala at napatawag ka?" tanong ko.
Nag-isip siya sandali, "Hmm. 'Di ba sabi ko tatawagan kita pag natanggap ka na?"
Napangiti ako, "Tanggap na ba ako?"
"Tanggap na," sabi niya. 'Di ko maintindihan kung bakit biglang lumundag ang puso ko. "Tanggap na pero..." lumungkot bigla ang tinig niya.
"Pero ano?" tanong ko naman sa kanya.
"Are you ready to take the risks?"
Tumahimik sandali. Anong risks ba ang tinutukoy niya? Bubugbugin ba ako ni Amboy? E tinakbuhan nga lang ako nun e!
"Yung bagyong Ondoy nga sinuong ko yung hanggang leeg na baha, 'yan pa kayang si Prince e isang suntok ko nga lang kahapon tumakbo na e!" pagmamayabang ko.
"Hehe... Sige, sa 14 ha! Malapit na yun. Thanks," ibinaba na ni Jilliane ang tawag.
Apat na araw na lang pala Valentine's Day na! Teka, may nakalimutan pala ako. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang wallet ko. Binuksan ko iyon at nakita ang kakarampot kong pera. Shit! Sabi ko na nga ba e! Short na ako sa pera. Lagi kasi kaming tinatadtad ni Sir Macaraeg ng kaka-project nang kaka-project na wala namang katuturan.
Nakiusap ako sa barkada kong si Gerald na pa-extrahin naman niya ako sa computer shop nila, for three days lang naman.
"Porma ka nang porma, poor ka naman!" pang-aalaska ni Gerald.
"Uy, hindi ko pinopormahan si Jilliane. Gusto ko lang siyang ilayo sa boyfriend niyang manyak," paliwanag ko.
"Pre, hindi mo alam ang gulong kinasasangkutan mo," sabi ni Gerald.
"Alam ko, kaya nga ako pumasok sa ganitong sitwasyon. Nakakatamad kasi kung puro si Sir Macaraeg ang kalaban ko," sabi ko sabay tawa.
Matapos ang ilang pakiusapan, pumayag si Gerald na pa-extrahin ako sa computer shop para man lang may pera ako pang-date namin ni Jilliane. Arawan ang sweldo ko. Malaki naman magbigay ang mokong kaya solb na solb ako.
Nang matapos ko ang trabaho ko at nang makuha ko ang sweldo ko noong araw ring iyon, nagpasama ako kay Gerald kasi gusto kong bigyan si Jilliane ng regalo. Pre-Valentine's gift ba. Todo naman ang pang-iinis sa akin ni Gerald.
"Alam mo, ikaw pre, 'di kita maintindihan. Sabi mo 'di mo pinopormahan si Jilliane e bakit bibigyan mo siya ng regalo?"
"Bakit ba? E pag binigyan ba kita ng regalo, pinopormahan na ba kita nun?" tanong ko.
"Tado!" Minura pa ako ng mokong.
Nang magpasukan, nagkita kami ni Jilliane sa cafeteria. Nauna akong dumating sa kanya. Nasa bulsa ko ang regalong ibibigay ko. Pagkadating pa lang niya, niyaya niya na akong lumabas. Gusto ko pa naman sanang kumain kami nang sabay. Sinabi niyang pumunta kami sa puno kung saan ko siya pinatahan.
"Hulaan ko, si Prince na naman ano?" sabi ko. Hindi siya sumagot, pero sa paghagulgol na ginawa niya, alam kong may problema na naman siya.
Hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort. Kung yayakapin ko siya, parang nakakahiya at ang bastos ko naman nun. Hinagod ko na lang uli yung likod niya. "Jilliane, tama na."
"Ang unfair niya, Marc. Ang unfair niya," sabi niyang humahagulgol.
"Bakit? Anong ginawa niya?" nag-aalalang tanong ko.
"Sa totoo lang, mula nang matanggap ko itong mga pasa ko, hindi na ako umuwi ng bahay. Nakikitulog ako kina Vina," pagtatapat niya. Kaya pala roon siya nagpahatid. "Umuwi ako kagabi kasi tinawagan ako ng parents ko. Nung umuwi ako sa bahay, nakita nila ang mga pasa ko. Nahihiya akong magsabing kagagawan ito ni Prince pero sinabi ko na rin sa kanilang ganoon nga, na sinasaktan niya ako."
"Tapos anong nangyari?" pag-usisa ko.
"Alam mo ba, sinermonan nila ako. Kinausap daw pala sila ni Prince. Ang sabi'y kung kani-kaninong lalaki raw ako sumasama kaya niya ako sinaktan," sumbong ni Jilliane sa akin.
Naasar na naman ako sa narinig ko. "Ha? Kita mo yang boyfriend mo, sira-ulo talaga yan!"
Nagpatuloy si Jilliane, "Hindi ko ma-defend ang sarili ko. Lahat sila ang tingin kay Prince mabuting tao."
Nanggigigil ako sa galit. "Gusto talagang makatikim na naman ng suntok ng Prince na iyan e!"
Nagbuntong-hininga si Jilliane, "I thought he is a dream come true, but sad to say that Prince is not really a prince."
Ayoko siyang makitang ganito. Dinukot ko sa bulsa ko at ipinakita sa kanya ang regalo ko para naman maiba ang mood niya. 'Di ko na binalot ang regalo.
"'Wag mo na siyang isipin. Ito na lang ang tingnan mo," sabi ko. Nang makita ni Jilliane ang regalo ko, napangiti siya. Simpleng rabbit na cell phone chain lang naman ang ibinigay ko pero mukhang sapat na iyon para pangitiin siya.
"Alam mo talaga kung ano ang paborito ko," sabi niya.
"Syempre! 'Di ba nung high school tayo puro Robby Rabbit ang mga gamit mo? Mula bag, notebook, lapis, ball pen, pambura. Kulang na lang pati mukha mo maging rabbit na."
Mariin siyang nakatingin sa ibinigay ko. "Marc," pagtawag niya. "Puwede bang ikaw na lang ang maging prince ko?"
Lumundag bigla ang puso ko. "Ano?" tanong ko kay Jilliane.
"Gusto ko yung totoong prince," sabi niya.
"Malabo yatang mangyari yan," sabi ko. "Gwapo ang mga prinsipe, fresh lang ako. Wala akong espada, korona at kapa. Wala rin akong kabayong puwedeng sakyan. Lampa ako at madalas late. Nakakasuntok lang ako pag gumagana ang adrenaline rush ko at nagkataon lang talagang duwag ang boyfriend mo kaya hindi niya ako pinatulan."
Nakatingin lang si Jilliane sa akin pero napapangiti siya.
Nahiya naman ako bigla sa kanya at dinagdagan ko ang sinabi ko, "Pero kung may training ang pagiging prinsipe, willing naman akong umattend, Jilliane. Hehehe! Kahit gaano pa kahirap ang training. Kahit sabihin pang 'wag akong ma-late at pumasok nang maaga."
Lumapit si Jilliane sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Natulala ako nang ilang segundo. Matapos, hinila niya ako at sinabing, "Tara, Marc. Kain tayo. Nagutom ako sa mga sinabi mo."
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Monday, February 8, 2010
Hapi Balentayms Dei (2)
***
Pinakiusapan ako ni Jilliane na iwan siya. Huwag na raw akong magpaapekto o makialam sa nangyayari sa kanya.
"Buhay ko ito, ako dapat ang umayos nito," sabi niya.
Hinayaan ko na lang siyang nakatayo sa pasilyong yun pero natapos ang klase ko nang hindi man lang ako nakapag-concentrate. Iniisip ko si Jilliane.
Nang mag-uwian, bumalik ako sa pasilyong pinag-iwanan ko kay Jilliane. Naroon pa rin siya, nakayuko at may hawak na piraso ng mga papel.
"Nandito ka pa rin?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. "Ano yang hawak mo?"
"Pangalan ng mga gusto akong maka-date, year and course at cell phone number pati (friendster or) facebook account," sagot niya.
Natawa ako, "Biro mo may pumatol sa trip mo?" Nilagpasan ko siya pero 'di pa ako nakalalayo nang lingunin ko siya. "Uwi na tayo," sabi ko.
Isinakay ko si Jillian sa isang taxi. Alam kong hindi siya sanay mag-commute kasi hatid-sundo siya ni Prince sa kotse.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.
"Sa bahay ninyo, iuuwi kita."
Tumanggi siya,"Hindi! Huwag! Huwag dun! Sa bahay na lang ni Vina mo ako ideretso."
"Bakit?" pagtataka ko.
"Dadaanan ko lang muna siya." Si Vina ang best friend niya. Itinuro ko naman sa taxi driver ang daan.
Napatingin ako sa hawak ni Jilliane. "Patingin nga niyan," ang tinutukoy ko ay iyong mga papel. Inisa-isa kong tingnan ang mga papel na inabot niya. Ang dami! Iba-ibang year, iba-ibang course! "Makikipag-date ka sa mga ito?" tanong ko.
"Mamimili lang," sagot naman niya.
"Good luck," sabi ko. Ibinalik ko na ang mga papel. Tahimik lang siya sa byahe.
Narating na namin ang bahay ni Vina. Bumaba siya sa taxi nang hindi man lang nagsasalita. Ni hindi man lang nagpasalamat. Inintindi ko na lang siya. Alam kong hindi mabuti ang lagay niya.
Nang makauwi, bago ako matulog, nag-type muna ako ng resumé na gagamitin ko kinabukasan. Natulog akong si Jilliane ang nasa isip ko.
Kinaumagahan, late na naman ako. Tumakbo ako papunta sa classroom. Akala ko suswertehin na ako kasi walang Jilliane sa corridor pero pag minamalas ka nga naman, ang maangas na si Prince ang nabangga ko. Kasama niya si Megan.
"Hey! Watch where you are going!" Tinulak niya ako.
"Prince, ang harsh mo naman kay Marc!" iritang pagkakasabi ni Megan. Biruin mong nakuha niya pa akong ipagtanggol? "Are you okay, Marc?" tanong niya sa akin.
"Ok lang," sagot ko. Iniwan ko na sila.
Pagpasok ko ng classroom, walang tao pero may nakasulat sa white board.
Sira ulo! Sulat ito ni Gerald, barkada ko. Nasaan na kaya yun? Lumabas ako ng classroom at naglakad-lakad. Sa locker area sa first floor, nakarinig ako ng sumisigaw. Nakiusyoso ako at tiningnan kung ano ang problema.
Kitang-kita ko kung paano sabunutan ni Prince si Jilliane. Sa pagnanasa kong makatulong, dali-dali akong sumugod at inundayan ng suntok ang lalaking nananakit sa kanya.
"Oh! It's you!" sabi sa akin ni Prince habang pinapahid ang dugo sa labi niya.
"Ang kapal naman ng apog mo para saktan si Jilliane!" galit kong pagkakasabi.
"This matter is not your concern!" sigaw niya.
"Mag-Tagalog ka muna! Gago!" Susuntukin ko siya ng isa pa pero tumakbo na si Amboy palayo.
Walang patid sa pag-iyak si Jilliane. Sinuklay ko ng mga kamay ko ang buhok niya. "Tahan na, tahan na," pagpapakalma ko sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang mga luha niya.
Pumunta kami sa labas at umupo sa lilim ng isang puno para mahimasmasan siya.
"Ano na namang eksena ng boyfriend mo?" naiinis na tanong ko.
"Nalaman niya kasi yung paghahanap ko ng ka-date. Nagalit siya sa akin. Sinaktan na naman niya ako," humihikbing sabi niya.
"Yun na yon? E siya nga mas grabe pa ang ginawa sa iyo! Alam mo bang magkasama na naman sila ni Megan?"
"Pastime lang daw niya si Megan. Nasa-satisfy daw kasi ni Megan yung sexual desires niya."
"Pastime? Sexual desire? E nuknukan pala ng kamanyakan yang boyfriend mo e!" asar na naman ako.
Imbis na mahimasmasan, lalo lang umiyak si Jilliane. Hinagod ko ang likod niya. "Tama na Jilliane, ang tapang-tapang mo noong high school tayo tapos ganyan ka na ngayon?"
Tumahan at tumahimik siya bigla. Pinaalala ko sa kanya kung gaano kalakas ang loob niya noon,
"Remember, 'di ba, siga ka noon? Ang dami ngang natatakot sa iyo kasi ang sungit-sungit mo para kang mangangain ng tao. Wala ngang gustong man-trip sa iyo kasi ang laki mong babae parang isang tapak mo lang durog na sila."
Tumawa si Jilliane, "Haha! Sobra ka naman!"
"Ako nga ang hilig mo kong pag-tripan noon. Madalas mo akong patirin pag papasok ako ng classroom."
"Ang lampa mo nga e, lagi kang nadadapa. Dapat pala kasama ka sa feeding program o kaya kumain ka ng balut." Tumawa na naman siya at nagdagdag pa ng pang-asar, "Tapos lagi ka pang late."
"Ngayon, may tanong ako," sabi ko kay Jilliane.
"Ano?" tanong niya.
"Nasaan na yung dating Jilliane? Yung masungit at matapang?" Hindi nakasagot si Jilliane.
May nilabas ako sa bag ko, isang blue plastic folder, at ibinigay ko iyon kay Jilliane.
"Ano ito?" pagtataka niya.
"Buksan mo," sabi ko.
Binuksan ni Jilliane ang folder. Una niyang nakita ang 2x2 picture ko. Tinawanan niya ang laman ng folder.
"Resumé?" natatawa niyang itinanong.
"Puwede bang mag-apply na BALENTAYMS date mo?" tanong ko.
Tumawa si Jilliane, "Seryoso ka?"
"Seryoso, o baka ikaw ang hindi seryoso?"
Isinara ni Jilliane ang blue folder. "Tatawagan na lang kita sakaling matanggap ka."
"Aasahan ko yan," sabi ko.
Buti naman at maayos na ang lagay ni Jilliane. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakita ko ang mga ngiti niya bago man lang kami maghiwalay ng landas ngayong araw.
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Sunday, February 7, 2010
Hapi Balentayms Dei (1)
Nagmamadali akong naglalakad sa pasilyo ng University kung saan ako nag-aaral. Wala nang tao sa paligid na nangangahulugan ng isang bagay lang.
"Shit! Late na naman ako!" sigaw ng isip ko. Ganito na lang lagi ang eksena ko tuwing umaga. Parang ayaw ko nang pasukan yung first subject ko kasi bubulyawan na naman ako ni Sir Macaraeg.
"Polinar! Always late!"
Para akong high school na pinagagalitan ni Sir Macaraeg pag nahuhuli sa klase. Palibhasa kasi yung crush niyang estudyante e may crush naman at dikit nang dikit sa akin kaya pinag-iinitan ako. Lately, tinantanan na rin ako ng babaeng may crush sa akin. Buti naman. Hindi naman ako gwapo pero mas fresh naman ako kay Sir.
Tiningnan ko ang relo ko. Fifteen minutes pa lang akong late. LANG! Dali-dali akong naglakad para maabutan ko pa ang first class. Tumakbo na ako nang biglang...
BLAG!
Aray ko po! Nadapa ako! After four years ngayon lang ako uli nadapa. Huling pagkakadapa ko e nung fourth year high school, nang pag-tripan ako ng classmate kong si Jilliane. Bumangon ako kaagad at nilingon kung ano ang naging dahilan ng pagkakadapa ko.
Shit! History repeats itself! Si Jilliane! Nakasalampak siya sa tiles na sahig, nakaunat ang mga paa; nakasandal sa pader; nakayuko siya; natatabunan ng buhok ang kanyang mukha at hindi siya gumagalaw.
Classmate ko si Jilliane noong high school; schoolmate ko siya ngayong College. Matangkad siyang babae; halos kasing tangkad ko na, long-legged kasi, tapos nakaunat pa yung mga paa niya kaya siguro natalisod ako pero teka, bakit siya nandito? At bakit siya ganito?
Tumingin muna ako sa relo ko. Wala na! Late na talaga ako! 'Di na ako papasok. Bahala nang mapagalitan ni Sir Macaraeg kinabukasan. Bwisit naman kasi itong Jilliane na ito! Pero dahil sa pagtataka ko kung ano bang nangyari sa kanya, nilapitan ko siya.
Nakakita ako ng karatola sa tabi niya. 1/8 illustration board ang ginamit. May mga salitang nakasulat-kamay,
Hapi Balentayms Dei!
Wanted: Ka-date
Binutasan ng puncher ang magkabilang dulo ng karatola at nilagyan ng tali para maisabit sa leeg. Pinaganda pa talaga at ginawang colorful para maka-attract. As if naman na maa-attract ako.
Tinawag ko si Jilliane, "Uy, Jilliane," pero hindi siya sumagot. "Jilliane!" sigaw ko. Wala pa rin. Bumaba ako nang kaunti para magka-level na kami ng pagkakaupo. "Jilliane."
"Bakit?" tanong niya. Gising naman pala.
"Anong ginagawa mo riyan?" Hindi na naman siya sumagot. "Ok ka lang?"
Tiningnan ako ni Jilliane at nakita ko na may pasa siya sa mukha. Nagulat ako.
"Ok lang," pilit ang ngiti niya nang sabihin niya yun. Yumuko siya.
"Halika nga!" sabi ko. Hinawakan ko siya sa braso; hinila ko siya patayo pero dumaing siya.
"Aray!" Napabitaw ako sa takot at nakita ko sa braso niya ang maiitim na pasa na hindi bagay sa maputi niyang balat.
"Sinong gumawa niyan sa iyo?" tanong ko.
"Sino pa," sabi niya.
"Si Amboy Prince?" pagkumpirma ko.
Pinulot niya ang karatola at humawak siya sa pader para makatayo. Awang-awa ako sa kanya kasi kitang-kita ko kung paano siya maghirap.
"Tulungan na kita," alok ko.
Tumanggi siya, "Hindi na. Makakatayo naman sana ako kung hindi mo inapakan yung paa ko."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "Ano? E ikaw nga itong tumalisod sa akin! Hindi na tuloy ako nakapasok sa klase ni Sir Macaraeg."
"Ano pa bang bago e lampa ka naman talaga at lagi kang late? Sinusuka ka na nga ni Sir."
"Sinong nagsabi niyan?" tanong ko.
"Si Sir Macaraeg," sagot niya.
"Talagang panot na yun! Tsinitsismis pa ako!" naiinis kong sinabi.
Iika-ikang naglakad si Jilliane palayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Dito lang," sagot niya habang papalayo.
Ano nga kayang nangyari sa kanya? Ayaw ko na munang mag-usisa. Pupunta na lang ako sa library para magpalamig.
Wala pang gaanong tao sa library. Kumuha ako ng libro sa isang istante at laking gulat ko nang may masilip ako sa kabilang panig.
Nakita ko si Prince, yung Amboy na boyfriend ni Jilliane, at si Megan, yung sinasabi kong crush ni Sir Macaraeg na may crush sa akin, na naghahalikan. Hindi kinaya ng loob ko ang nakita ko. Dahan-dahan kong ibinalik ang libro tapos ay lumabas ako ng library para hanapin si Jilliane at sabihin sa kanya ang nakita ko.
Nandoon pa rin si Jilliane sa pasilyong pinag-iwanan ko sa kanya kanina. Nakasandal siya sa pader na pinalalamutian ng ginupit na papel na hugis-puso at kupido. Oo nga pala, malapit na ang Valentine's Day. Ni hindi ko man lang napansin ang palamuti sa paligid dahil sa pag-iisip sa paghabol sa klase ni Sir Macaraeg. Suot-suot ni Jilliane ang karatolang may nakasulat na,
Hapi Balentayms Dei!
Wanted: Ka-date
Nainis ako sa ginagawa niya. Pilit kong tinatanggal sa pagkakasabit sa leeg niya ang karatola.
"Bakit mo tinatanggal?" galit niyang itinanong. Pilit niyang binabalik ang karatola sa leeg niya pero tinapon ko iyon. "Pakialamero ka talaga!"
"Nakita ko sina Prince at Megan," pagbabalita ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kung ano ang nakita ko kasi baka mabigla siya.
"'Di na bago yan." Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Ibig bang sabihin nito, alam niya kung ano ang kalokohan nina Prince at Megan?
"Alam mo na?" tanong ko.
"Nahuli ko sila. Nagpunta ako sa condo ni Prince. Nahuli kong may ginagawa sila."
"Paano?" tanong ko.
"One time pinahawak niya sa akin yung susi ng condo niya. Pina-duplicate ko yun para sana surpresahin siya sa anniversary namin last week. It's been three years, Marc, alam mo yan, pero ako pa pala yung nasurpresa."
Gusto kong malaman ang buong detalye pero ang pasilyong kinaroroonan namin ay hindi akma para sa usapang ganito. "Jilliane, huwag tayong mag-usap dito. Let's go somewhere," pagyayaya ko.
"Bakit? Makikitsismis ka sa love life ko?" sarkastikong pagkakatanong niya.
"Gusto ko lang sanang makatulong," tugon ko.
"Anong tulong ang magagawa mo? Makatutulong ka ba para mag-break kami?"
"Break?"
Tumaas ang boses niya, "Oo. BREAK!"
"Gusto mong makipag-break sa kanya? Kaya ka ba niya sinasaktan? Kaya ba puro pasa ka?" sunod-sunod na tanong ko.
Yumuko si Jilliane tapos ay nagsalita. "Sabi niya tanga lang daw ang makikipag-break sa kanya. Hangga't hindi ko raw ibinibigay ang pagkababae ko, hindi siya papayag sa gusto ko."
Nagalit ako sa narinig ko. "Gago pala siya e! Gusto ka pa niyang makuha, sumasawsaw na nga siya sa iba!"
Parang hindi narinig ni Jilliane ang sinabi ko at nagpatuloy lang siya sa sinasabi niya.
"Kung gusto ko raw makipag-break, ipakita ko raw na tanga ako. Kaya heto... nagpapakatanga ako rito ngayon. May boyfriend ako pero naghahanap ako ng ka-date sa Valentine's. Ewan ko na lang kung 'di pa katangahan ang tawag dito."
Nahabag ako kay Jilliane pero imbis na damayan ko siya sa kalungkutan niya, bakit hindi kaya pasayahin ko na lang siya? Pinulot ko ang karatolang itinapon ko kanina. Habang palapit ako sa kanya, biniro ko siya, "Tanga ka nga talaga, Jilliane. Spelling na nga lang ng Happy Valentine's Day, hindi mo pa alam."
Para namang hindi natawa si Jilliane sa sinabi ko. Nakayuko pa rin siya habang kinukuha ang karatola at habang sinasabi ang pamatay na linyang ngayon ko lang narinig,
"Ang love life ko ay parang spelling ng Happy Valentine's Day sa karatolang ito ―sablay."
Natulala ako sa sinabi niya. Sinuot niyang muli ang karatola. Kasabay noon ay ang pagtunog ng bell para sa second period.
***
Labels:
Hapi Balentayms Dei
Subscribe to:
Posts (Atom)