Bacoor Day, walang pasok. Hindi na lang itinuloy-tuloy na walang pasok. O_O
Tuesday, walang pasok dahil sa bagyong Pedring.
Wednesday, may pasok dahil humina na raw si Pedring.
Thursday, walang pasok.
Friday, may pasok.
Ang pangit ng bungi-bunging sched. Nakakainis. :mad:
***
Gusto ko sanang pumunta sa mall ngayon dahil payday kahapon (na nadelay na, dapat nung Tuesday pa) e kaso naman ang dami kong dapat tapusin.
***
Well anyway, napadaan lang naman ako. Hindi kasi ako nakadaan kahapon gawa ng natulog ako ng bandang alas sais ng gabi tapos pag gising ko ala una na ng madaling araw.
Ang dami kong unread messages pag check ko ng cp ko.
***
Gandang umaga.
No comments:
Post a Comment