No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, September 19, 2011

May boypren ka na noh?

EKSENA: Nagco-computer si Pated, may ka-chat.

AKO: (Napadaan, nasilip na may ka-chat si Pated at nakita na yung ka-chat ni Pated ay may naka-display na photo at yun ay yung picture ni Pated, nagulat , at nagduda nang bahagya )

PATED: (Nang mapadaan ako ay biglang pinindot ang minimize box ng Yahoo Messenger, kumilos na natural lang)

AKO: (Umupo sa sofa, nag-isip muna ng dapat sabihin bago mang-asar magsalita) Uyyyy... may boyfriend na siya.

PATED: (Inosente epek) Huh?

AKO: May boypren ka na noh?

PATED: (Napangisi, idenedeny, tutok uli sa computer) May online shop dito sa FB. Gusto mong mag-order ng wrist band?

AKO: Oi, wag mong ibahin ang usapan.

BUNSO: (Biglang nanggatong) Uyyyy, may boyfriend na siya!

PATED: (Parang walang narinig) Makabili nga ng wrist band.

AKO: Iniiba usapan o!


>Nahiwagaan tuloy ako bigla. Hindi kasi siya mahilig magsabi ng mga bagay tungkol sa ganun... Pero one time may nakita akong nakakalat na papel... Binuksan ko tapos may nabasa akong di ko dapat mabasa kaya sinara ko uli at ibinigay ko sa kanya. Napatili siya nang makita ang papel. Something's fishy?

Wala siyang ideya na may nabasa ako dun sa papel na yun. Ang sabi ko lang e nakakalat, na wala akong nabasa. Galing yun sa lalaki.

Sadyang malihim si pated. Pero... in fairness... dalaga na siya. Kaso, hindi pa ito ang tamang panahon para diyan. Maraming dapat unahin kesa sa lablyp.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly