EKSENA SA FOURTH YEAR...
AKO: (Kumuha ng short bond paper at ipinakita sa klase) Bibigyan ko ng plus five ang sinumang makakagawa nito, bubutasan ninyo ang papel na ito at pagkakasyahin ninyo ang sarili ninyo mula ulo hanggang paa.
ESTUDYANTE 1: (Nagulat) Ma'am, seryoso kayo?
AKO: Seryoso ako.
ESTUDYANTE 1: Hala, paano yun? (Nilagay ang bond paper sa ulo) E ulo ko lang kasya rito.
AKO: Basta, gumawa kayo ng butas dito sa short bond paper tapos dapat magkasya kayo nang hindi napupunit ang papel.
ESTUDYANTE 2: (Medyo malaki ang katawan) Hala ma'am hindi na ako sasali diyan, hindi naman ako magkakasya diyan!
ESTUDYANTE 3: Ma'am pwede gumamit ng gunting?
AKO: Pwede.
(Ang daming nag-try pero hindi nila nagawa.)
AKO: Kanya-kanyang diskarte lang kasi yan sa paggupit ng papel.
HANGGANG SA...
ESTUDYANTE 3: O ma'am ito na. (Pinilit pinagkasya ang sarili sa short bond paper na may malaking butas sa gitna)
Matapos ang katakut-takot na tensyon... ayun nagawa niya.
Buti pa siya nagkasya roon, ang payat kasi. Nainggit ako bigla. O_O
Pero nagkasya rin naman ako nung sinubukan ko yun e... Diskarte lang talaga sa paggugupit ng papel. :p
No comments:
Post a Comment