No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, September 30, 2011

Quiel

Bukas daw dadating si Quiel.

E ngayon pa nga lang ang lakas na ng ulan dito, siya na ba yan?

Kung bukas man siya dadating, kailangan ko na bang magdala ng extra tsinelas, pati payong at jacket? Bibyahe kasi ako pa-Maynila, baka bahain ako.

May report pa naman ako bukas, tapos celebration ng bday ng friend ko. Nakakawalang-gana naman kung paglabas namin baha.

Sana naman wag siyang dumating bukas... Sana... Sana sa Lunes na. LOL!

Hindi pa nga humuhupa yung baha sa ibang lugar e, babagyuhin na naman ang Pilipinas.

***

Nagpunta kami ng SM ni Ken kanina...

Sakto pag-order namin sa KFC, number 12 yung ibinigay ng cashier. Memorable na petsa daw kasi iyon.

Tapos binilhan niya ako ng cotton candy. Ang tagal ko nang hindi nakakakain nun.

Kaso sayang hindi nakuhanan ng picture. Hindi ko kasi dala yung phone ko. At wala ring dalang phone si Ken.

***

Mag-iisang linggo na mula nang nadeactivate yung FB account ko. Kaya ko naman palang mabuhay kahit na wala yun. Wag lang mawala ang tcaf. Hohoho.


***

Maulang gabi sa inyo. Biglang buhos ang ulan. Nakakatakot.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly