No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, February 25, 2012

happy Saturday

EKSENA: Tinawag ako ni Bunso, kani-kanina lang, habang nagtu-toothbrush ako.

BUNSO: Ate, ate, dali, tumingin ka sa labas!

AKO: Ano ba yun? Teka, nagtutooth brush pa ako. *after mag toothbrush, sumilip sa labas*

BUNSO: Venus yata iyan. *draws an arc shape in the air*

AKO: E sira, yung moon yan e.

BUNSO: Ay moon ba yan?

AKO: Ang ganda naman ng moon na yan. Tara, picture-an natin.

BUNSO: Sige!

Kinuha namin ni Bunso yung cell phones namin. Lumabas ako ng gate.

AKO: *tinaas ang cell phone para kunan ang moon*

Then suddenly, may narinig akong suminghot. May lalaking nakatambay sa isang corner sa right side ko.

AKO: :whattha: Ay may tao pala! *Bigla raw ako nahiya pero go pa rin, tutok uli ng cell phone sa moon* (kay bunso) Rex, di naman kita.

BUNSO: Ba't sa'kin kita?

Then all of a sudden, may narinig ako.

ATE SHIRLEY: Ano yan, wala kang signal?

Si Ate Shirley pala, yung katiwala ng tindahan malapit sa amin.

AKO: Hindi po. Pinipicture-an ko lang yung buwan. (Sa isip-isip) Ayoko na nga, daming istorbo.  *mad*

Pumasok na ako sa bahay.

AKO: *nagtanong kay bunso* Ano, napicture-an mo?

BUNSO: Hindi e!

AKO: *himatay*

***

Happy Saturday.

<3: Bukas ha, 10 am sharp.

At nagbanta pa na may penalty raw ang male-late. Tapos siya naman pala itong late. Siya tuloy ang nagbigay ng penalty. ROFL!

AKO: *tanong sa kanya* Ano yan, ba't may lipstick ka sa bibig?  :?

At natawa na lang siya.  ROFL!

Friday, February 24, 2012

PPPP

Eksena: Kaninang 5:30 a.m., pagbaba ko... Gising na sina mama at bunso.

MAMA: Sinong kausap mo kanina?

AKO: Huh?

MAMA: Sinong kausap mo?

AKO: *hide*

BUNSO: Ang ingay ingay mo!  O-O


_mahina naman yung boses ko ah. bat dinig sa kabilang kwarto?  :?


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

ay naka earphones pala ako. ROFL!

Bakit ba? E masarap daw siya kausap e.  ^^

Wednesday, February 22, 2012

"Ok."

Kagabi nag PM sakin yung tatay ko (sa Facebook). Nangungumusta. Itinanong na naman niya yung walang kamatayang tanong niyang, "Anong balita?" At sinagot ko naman siya ng walang kamatayang sagot sa walang kamatayan niyang tanong, "Wala." ROFL!

Tapos nagtanong ako ng tungkol sa projector na inuwi niya. Kasi nung ginamit ko bigla na lang namatay. Ewan kung anong problema. May power naman. Sabi niya baka sa bulb. Maghahanap na lang siya ng bulb doon sa kanila.

Tapos nagtanong ako uli sa kanya.

AKO: Pa, magkano ba riyan yung notebook?

PAPA: Notebook? Netbook?

AKO: Netbook.

PAPA: Sinong bibili?

Nung una nag-hesitate pa ako kung itatype ko ba yung nasa utak ko. Kaso sabi ng mga daliri ko i-type ko na. Pero gumana daw yung pagkahiya ko kaya nagdadalawang-isip akong i-type yun. Pero sa bandang huli e tinype ko rin.

AKO: Ikaw! Haha! Bilhan mo ako! : ))))

Tapos tapos... Ang laki talaga ng smile ko sa mukha nung sinabi niyang...

PAPA: Ok.

"OK."

Yung OK na yun ang sinabi niya.

OK ibig sabihin approve.

Ibig sabihin ibibili niya ako nun.

AKO: Thank you, papa!  T_T

PAPA: Basta ikaw, walang problema. ;)

Tapos binigyan niya ako ng link. Sabi niya website daw yun ng appliance store dun sa kanila.

PAPA: Mamili ka riyan.

At talagang pinapili niya pa ako.

Tapos nung may napili ako, inapprove niya. Maganda raw yun. Magtitingin na raw siya.

Kung kelan ipadadala, ewan ko lang.

Pero bilib talaga ako sa tatay ko. Never niyang hindi binigay yung mga gusto namin. Minsan kahit di ka humihingi, bibigyan ka niya. Minsan lang naman ako mag-request sa kanya.

Sana yung mapangasawa ko in the future ganun din. Nag-ambisyon pa ako. ROFL!

Tapos nun nag bye bye na siya sa akin. Tapos sinabihan ako ng magic words.

"I love you." ^^

Tuesday, February 21, 2012

Nakakabwisit

Kanina habang naroon ako sa library e lumapit sa akin si Richmond, isang third year student.

"Ma'am pwede po ba mag-stay rito?" tanong niya.
"Ah, sige. Ano bang kailangan mo?" Baka kasi maghanap siya ng librong babasahin; baka matulungan ko na rin sa kung anong gusto niyang hanapin.
"Si Kuya K kasi, nagtanong ako kung pwede akong mag-stay sa clinic. Kaso pinaalis niya ako. Hindi raw pwede. Para lang daw yung clinic sa mga may malulubhang sakit. Hinihika kasi ako ma'am."

Si Kuya K (hindi tunay na pangalan) ang guard ng school namin. Kahit kailan talaga naging bwisit siya sa paningin ko. Ewan ko ba. Banas na banas ako sa tuwing kakatok siya sa classroom habang nagkaklase tapos magdadala ng baon ng kung sinu-sino. Na kung tutuusin e pwede namang gawin pag lunch time na, at pupwede namang yung mga estudyante na lang ang kumuha nun sa guard post. High school na naman yung mga yun.

Isang pang kinagalit ko e nung uwian na e umakyat siya sa classroom ng advisory class ko para sabihin na yung service ni ganito at ni ganyan ay nandiyan na. Sinabi kong, "Pupwede bang mamaya na, kasi naglilinis pa sila." Tapos ilang minuto ang lumipas e umakyat na naman siya at sinabi sa mga naglilinis sa harap ko pa mismo,
"Ano ba? Pinag-iinit ninyo ulo ng mga service nyo e!"

Nagpintig yung tainga ko doon kaya sinabihan ko siya. "Gusto mo bang ang ulo ko ang mag-init at ikaw ang paglinisin ko?" Umalis siyang tatawa-tawa.

Lalo akong nabwisit nang malaman kong dinodrawing niya ako habang nakatayo ako sa gate ng school namin at naghihintay ng sundo. Bakit niya ako dinodrawing?! Pinadodrawing daw ako ng staff ng maintenance.

At noon ngang sinabi ni Richmond na pinaalis siya ni Kuya K sa clinic e bumaba ako para hanapin si Kuya K. As usual nandoon lang naman siya sa guard post. Isinama ko si Richmond.

"Kuya K, pwede bang magamit yung clinic? Kasi sabi mo raw kay Richmond hindi pwedeng gamitin."
"Ma'am, hindi kasi pupwede na mag-stay dito yung mga gusto lang matulog."
"Kuya K, hindi ganoon. May hika po si Richmond."

Bumaling siya kay Richmond. "May hika ka ba? Wala ka namang sinabi."

"Sinabi ko sa iyo, kuya. Ang sabi mo sa akin ang pwedeng mag-stay lang doon e yung may malubhang sakit."

Wala nang nagawa si Kuya K kundi ang papasukin si Richmond sa clinic.

Maliit lang yung school. Kaunti lang ang population ng estudyante. Wala talagang attending physician. Kaya ang nangyayari e yung teacher na naka-assign doon ang nag-aasikaso. Na nangyayari rin naman sa ibang private schools dito sa amin. Pero it just so happened na pagpunta ni Richmond doon e walang tao. Sinabihan ko yung adviser ni Richmond. Ang response niya e,

"Bakit naman siya nagsasalita ng ganoon? Anong gusto niya, gugulong pa si Richmond at mahihimatay bago pag-stay-in sa clinic?"

_good noon. :wave:

Wednesday, February 15, 2012

Bastos kang bata ka!

EKSENA: Si BUNSO at AKO, naglalakad, pauwi na. Dumaan kami sa shortcut; maraming informal settlers.


AKO: *Naglalakad, nagpapalinga-linga, tingin-tingin sa paligid, may napansing batang nakaupo sa gilid (left side ko)*

BATA: *May hawak na laruan, kita ang bungi-bunging ngipin sa kanyang pagngiti*

AKO: *Napatingin sa bata*

BATA: *Nginitian ako... tapos may sinabing kakaiba* Ate, ang laki ng pwet mo.

AKO: :-O

AKO: *Sa isip* Fvck.  o_O


Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad.


AKO: *Kay Bunso* Narinig mo yung sinabi ng bata?

BUNSO: Sinong bata?

AKO: Yung bata dun sa gilid.

BUNSO: Hindi e. Ano bang sinabi?

AKO: Ang laki raw ng pwet ko.  o_O

BUNSO: O? Sinabi niya yun? As in bata talaga?

AKO: Oo, may 3-4 years old siguro.

BUNSO: Bwisit na bata yan! Bastos. Bugbugin ko yun e!

AKO: Pervert!  *mad*


_Ayoko na nga dumaan dun. Leshe!  *mad*

Monday, February 13, 2012

Dahil V-day bukas...

Bumili ako ng chocolate para sa mga high school.

Sana magustuhan nila.  ^^

Ang lakas ng ulan ngayong araw. Ang lamig-lamig pa.

Sana naman maganda ang araw bukas para di gloomy ang pag celebrate namin ng Valentine's Day.

Happy Puso Day sa inyo.  <3

Friday, February 10, 2012

Your smile is your asset

Di ako nakapanood ng laban ng basketball ng anakis kong si Jholo last Wednesday. Masama pakiramdam ko nun kaya maaga akong umuwi, binilin ko na lang sila sa head teacher.

Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin bago ako lumabas ng room,

JHOLO: Ma'am makakapanood ka ba mamaya?

AKO: I'll try. Pero sigurado, oo, pupunta ako.

JHOLO: Ma'am, manood ka ha! Kasi gagalingan ko talaga.

Tapos di rin ako nakapanood. Akala ko kasi second game sila, e almost 8 pm na yung second game pag mag-start. So nag-gayak ako ng ganoong oras. Tapos walang nagsabi sa akin na first game pala sila, 6 pm.  :mad: Wala na. Di na ko tumuloy kasi tinext ako ni Ken na wala na kaming aabutan dun.

Hinanap daw ako ni Jholo sa game pero di niya ako nakita. Hinanap pa naman daw ako nung commentator kasi ang sabi sa kanya,

"Sino ba adviser nito ni Viray? Ang galing na sa basketball, ang galing pa umakting." ROFL!

Kasama pala ang pag-acting sa larong basketball. Technique daw yun para makakuha ng foul. ROFL!

Hindi ko pa rin siya nalilibre nung inaawit niyang ice scramble. Sa Lunes na lang nga. May laban daw uli sila.

Tapos nagkuwento siya sa akin ng experience niya sa laban noong Tuesday naman.

JHOLO: Ma'am alam mo ba, may nakita akong magandang babae. Chinicheer niya ako, taga Eastern.

Eastern = kalabang team noong Tuesday; tinambakan kami ng 40 points

JHOLO: Sabi niya, "Go Jholo!" Tapos pagtira ko, tiningnan ko siya. Ang gandang babae, ma'am. Kamukha ni Ate Rickcyn. Wala nga lang salamin.

Rickcyn = super pretty Third Year Student

JHOLO: Nginitian niya ako. Tapos pagkakita ko bungal pala ma'am. Sabi ko na lang, "Wew!"

ANYD: Turn off yun!

JHOLO: Turn off nga ma'am. Sayang ganda pa naman, bungal pala.

Tapos yung kwento niya pang isa ganito,

JHOLO: Sayang talaga, ma'am, di ka nakapanood ng laban noong Wednesday.

ANYD:: Oo nga e, di ko naman kasi alam na first game pala kayo.

JHOLO: Ma'am nakita ko nga uli yung babaeng maganda. Yung kinukwento ko po sa inyo? Chinicheer niya ako. Kaso bungal talaga e.

Hirap talaga ngumiti pag di maganda yung ngipin mo.

Sayang talaga kasi di ko napanood yung game nila.

Nanalo raw ang Varsity Team namin. 40 points ang tambak sa kalaban noong Wednesday.

Ang galing-galing daw ni Jholo sabi ng mga kaklase niya.

Proud na proud naman ako sa kanya. ^_^

Wednesday, February 8, 2012

Tsinelas

Eksena: Kagabi, lalabas ako ng bahay at nang nasa labas na ako e di ko nakita yung tsinelas ko.

AKO: *hanap sa lapag, wala yung tsinelas* Ma, yung tsinelas ko?

MAMA: Nandiyan sa lalagyan, tingnan mo!

AKO: *hanap sa lalagyan ng tsinelas, wala; pasok sa loob ng bahay* Wala yung tsinelas ko dun.

MAMA: *nagtaas ng boses* Nandun lang yun! Maghanap ka!

AKO: *naghanap uli, wala talaga; pasok sa bahay* Wala nga!

MAMA: Hindi kasi naghahanap e!

AKO: *nairita, nagtaas na rin ng boses* Wala nga! Tingnan mo pa dun.

MAMA: Hanapin mo!

AKO: Anong hahanapin ko? E wala nga roon!

MAMA: Bakit ka sumisigaw?

AKO: E paano, sumisigaw ka rin!

MAMA: Naku, pag nahanap ko yan a, isasampal ko sa mukha mo yan. *Lumabas, hinanap ang tsinelas sa sinasabi niyang lalagyan ng tsinelas, walang nakita*

AKO: Sige, isampal mo sa akin!

MAMA: Ganyan ka na ngayon, purkit malaki ka na, purkit nakapagtapos ka na?

AKO: Sige, isumbat mo pa sa akin.

MAMA: Sigaw ka nang sigaw, ang ingay ingay mo!

AKO: Sino ba nangunang manigaw? Sabi mo pa sa akin isasampal mo yung tsinelas? Tama ba yun?

MAMA: *uumbagan ako*

AKO: Sige, saktan mo ako!

MAMA: *pasok sa loob ng bahay, tinawag si kuya* Saan mo ba nilagay yung tsinelas? Ikaw lang naman nagliligpit dito.


Pero in fairness natakot ako dun ah, muntik niya na ako suntukin. ROFL!

Pero bad trip na bad trip pa rin kagabi. Tapos kaninang umaga ginantihan ako. Hindi plinantsa yung uniform ko. Hindi rin ako pinaghandaan ng baon.  Banas.   O_o

Monday, February 6, 2012

kahit talo, happy pa rin :)

Ayun, kauuwi ko lang galing ng Inter-High School Basketball Tournament.

Nawalan na ako ng boses katitili. Tapos kada shoot ng mga bata talon kami nang talon ng co-teachers ko. ROFL!

Ang galing-galing ng anakis kong si Jholo. Kahit maliit, ayun, bilib, kasi nakakasingit. Ang dami niya pang free throw shots. Feel ko nga mas magaling pa siya sa ibang matatangkad na players.

Yung inaawit niya sa aking ice scramble, sa sahod ko na ibigay. Naririndi na ako kakakulit niya e. ROFL!

Enjoy kaka-cheer, kaso ganun e. Talo kami. Bawi na lang tomorrow.

Wala na talaga akong boses. So walang lesson bukas. *charing* At lahat puyat, may class picture taking pa naman tomorrow.

_tulog na ako. gudnyt.

Thursday, February 2, 2012

Abusado Ka!

Bad trip!

Yan na lang nasabi ko matapos akong sungitan nung tricycle driver kanina.

Actually sumakay pa nga kami ng nanay ko ng tricycle mula sa terminal dun sa lugar namin papunta dun sa school ko kung saan may katabing terminal din ng tricycle. So ang ibinayad namin e P30 na yun naman talaga ang tamang pamasahe, kasi yun ang nakalagay sa taripa.

Masyado kasing abusado itong mga tricycle driver na ito na yung mga walang taripa e nagmamayabang na maningil ng P35! At nagagalit sila pag kulang yung bayad mo.

So kanina nga sumakay kami ni bunso dun sa terminal ng tricycle na katabi ng school namin. Ang tagal kasi ng service namin. Nagpasundo ako ng 3:00 p.m., 3:10 na wala pa siya! E may lakad pa naman akong mahalaga kaya kailangan kong umuwi nang maaga.

Nang maihatid na kami sa bahay nitong abusadong tricycle driver, e nag-abot ako ng P40. So dapat may sukli pa akong P10. Aba si mamang tricycle driver hindi ba naman ako inabutan ng sukli. Nakababa na ako ng tricycle nang titigan ko siya at sinabi niya sa akin,

"Forty pesos na pamasahe."

Whattha! :O

Nung Linggo 30 pesos lang, after 4 days, naging 40 pesos na? Ako naman ay nagtanong,

"Kailan pa?"
"Last year pa," sagot ni manong driver.

Sh*t ka manong!

Nung Linggo, P30 lang ang siningil samin, tapos sasabihin mo sakin ngayon na last year pa 40 pesos ang pamasahe? You gotta be kidding me!

Nagpaliwanag ako, "Manong, dalawa lang kami ha! Di ba dapat 30 pesos lang? Nung Linggo sumakay pa kami ng tricycle, 30 pesos lang ang siningil."

"40 pesos nga ang hatid dito," pagpupumilit nung driver. Aba talagang niloloko mo ako! Magpapatayan pa yata kami sa sampung piso lang.
"30 pesos lang. 30 ang singil dito. 30 ang nakalagay sa taripa," sabi ko.

Matapos marinig ang magic word e biglang dumukot si manong driver ng sampung piso mula sa bulsa niya at inabot niya sa akin yun nang nakasimangot sabay harurot ng tricycle niya. Kundi ba naman loko-loko!  :mad:

Ako pa iisahan mo? E yung nakausap kong mabait na tricycle driver na si mamang pala kwento ang sabi sa akin, "30 pesos lang ang singil dito sa inyo. Yun ang nakalagay sa taripa. Member ako ng board. Hindi namin binabago ang presyo nito since 2008, kaya ako, 30 pesos lang ang singil ko. Pag siningil ka ng sobra, sabihin mo sa akin, isusumbong ko kay Pres."

Member pala ng board si manong driver na pala kwento... :blush: Kaya ikaw mamang abusado... Yung sinasabi mong 40 pesos ang pamasahe rito... Naku, hindi mo ako maloloko! *mad*

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly