No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, June 6, 2010

Mayonnaise

Steamed tilapia ang ulam namin. Simpleng ulam pero masarap para sa akin. Nawiwirduhan ka ba? Hindi ka pa siguro nakakatikim nun.

Ayos na sana ang pagkain ko kaso naalala kong kailangan pala ng sawsawang mayonnaise para sumarap ang putaheng ito na una kong natikman nang hainan kami ni tito noong buhay pa siya. Nagbakasyon kasi kami sa kanila noon at dahil mahilig siyang magluto, iyon ang ipinatikim niya sa amin.

Binuksan ko ang ref namin, wala akong nakitang mayonnaise. Kumuha na lang ako ng pera sa pitaka ko at lumabas para bumili ng mayonnaise na nasa pack. Kaso paglabas ko, sarado na yung tindahang malapit sa amin. Lagpas alas nuebe na kasi. Wala akong ibang choice kundi ang bumili sa tindahan sa kabilang kalye kasi paniguradong madaling-araw pa iyon magsasara.

Nag-isip ako. Ayoko kasing bumili dun kasi baka si Sungit yung nagtitinda. Sino si Sungit? Siya yung binatilyong kapatid ng may-ari ng tindahan na hindi ko alam ang pangalan kaya Sungit na lang. Bakit Sungit? Sa tuwing bumibili kasi ako sa tindahan nila parang lagi siyang galit. Pag nagpapa-load nga ako, ang laging sagot e "WALA." Pero dahil yun na ang sunod na malapit na tindahan, pinuntahan ko na lang.

Nang makarating ako sa tindahan, walang tao. "Pabili po," sabi ko, at kung mamalasin ka nga naman, si Sungit yung lumabas.

"Ano yun?" tanong niya. Nakakatakot ang boses niya.

Natanaw ko na yung kailangan kong Lady's Choice mayonnaise. Nasa kaliwang gilid ng kinatatayuan ni Sungit yun, naka-thumb tacks sa sinasabitang cabinet kasama ang ilan pang tinda.

"Mayonnaise nga, yung maliit," sabi ko.

Sige hanap naman si Sungit kung nasaan ang mayonnaise. Pansin ko ngang natatagalan na siya sa paghahanap.

"Nasaan ba?" tanong niya sa akin. Sa totoo lang, nasa harap niya na nga yung hinahanap niya.
"Ayan o, sa tabi ng Bear Brand," sagot ko. Nang makita niya yun, tinanggal niya na sa pagkaka-thumb tacks yung binibili ko. "Alam mo kuya, kung ahas lang iyan kanina ka pa natuklaw," pagbibiro ko.

Higit na kagulat-gulat... sa unang pagkakataon e nakita kong ngumiti si Sungit at lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi. May dimple pala siya. Naku-cute-an pa naman ako sa mga taong may dimple.

Binigay niya na sa akin yung binibili ko at inabot ko naman ang bayad ko. Pagkabigay ng sukli, naglakad na ako pauwi.

"Marunong din naman pala siyang ngumiti," isip ko habang naglalakad ako.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly