Natawa naman ako dun sa inauguration ni Pres. Noynoy..
Hindi ko malaman kung inauguration ba talaga yun o parang... nagmukha yatang concert. May nakapagsabi nga na ASAP yata yun, sabi naman ng isa nabuhay na SOP, isama mo pa ang Party Pilipinas.
Star studded kasi... ang daming artista/singers na puro ang ginawa sa umpisa e kumanta kasi raw "napaaga" ang Presidente sa pagdating na dapat e alas dose ang start ng panunumpa. Biro mo mayroon pang kumanta na may kasamang rap. Ibinida pa nila yung pagbali daw sa Filipino time na "palaging late" (kasi nga on time umalis ito si Presidente sa bahay). Aba e dapat lang!
Sabihin na nating napaaga nga ang Presidente.. e kaso puro "intermission number" naman ang ginawa ng mga singer na nandoon. Ano ba yun, para ubos oras? Ang nakakatawa pa e habang kumakanta itong mga singer na naimbitahan e itong sina Aquino at Binay e wala namang ginawa kundi magdaldalan. Di man lang nakikinig dun sa kumakanta.
Naaliw ako sa pinaggagawa nila, kaniya-kaniyang reaksyon nga ang mga tao sa bahay. Natawa na rin ako dun kay Noel Cabangon kasi mukhang napagod na yata sa pagpapasaya ng mga tao at nang banggitin niya yung pangalan ni Vice Pres Binay e hindi niya na nasabi nang tama. Ay ewan!
At yung ibinalita na itong si Presidente e kakain daw ng Japanese Food dun sa lunch at dinner niya.. Naisip ko naman na sana Filipino Foods na lang ang kainin niya kasi Pilipino naman tayo. Try niya kayang kumain ng tuyo.
Sana panghawakan niya rin yung sinabi niyang KAPAG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP.
Bueno, kung may ikinagalak man ako nang totoo... yun ay ang pagkanta ni Charice ng Lupang Hinirang. Hanep.
No comments:
Post a Comment