No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, June 27, 2010

GOD is GOOD

Mabait ang Panginoon. Iyan ang napatunayan ko sa naranasan ko kanina. Alam kong hindi niya ako pababayaan, pati na rin kayo.

Kagagaling ko lang sa review class nang may di inaasahang taong nag-text sa akin na nagpapaalam kung pwede raw ba akong sunduin. Pumayag naman ako kaso nagsabi ako na kung susunduin niya ako e gabi na ako makakakauwi. Sabi naman niya hihintayin niya ako.

Ilang oras din ang biyahe mula Manila pauwi sa amin. Matapos ang ilang oras na iyon ay nakarating na rin ako sa lugar namin. Ididiretso niya na sana ako ng uwi sa bahay kaso sabi ko mamaya na ako uuwi at tumambay muna kami tutal wala pa namang alas nuebe (para matagal pa kaming magkasama).

Naglalakad na kami at naghahanap ng lugar na matatambayan. Dumaan kami sa may palengke at balak pumunta malapit sa school na pareho naming pinagtatrabahuhan. Habang naglalakad, tanaw ko sa malayo ang ilaw ng isang motor na kung pagmamasdan ay ang takbo ay padiretso ang baybay sa pinaglalakaran namin. Sa aming kanan naman ay may daan din at mula roon ay may tumatakbo ring isa pang motor.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang isang motor na padiretso ang takbo at ang isa pang motor sa kanan namin ay nagsalpukan at sumadsad mismo sa harapan namin! Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak sa akin ng kasama ko paatras para hindi masanggi ng nagsalpukan na mga motor. Natulala ako dahil kaunting-kaunti na lang ay masasagi na kami ng nagsalpukan na mga motor. Isa pang inalala ko ay ang kasama ko dahil baka nasaktan siya. Salamat sa Diyos dahil wala sa aming dalawa ang nasaktan.

Kitang-kita ko mismo ang pagkatumba ng mga sakay ng motor. Ang lulan ng motor na padiretso ay natumba, gayundin ang dalawang lulan ng motor na nanggaling sa aming kanan. Naipit pa ang isang sakay. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko kasi ngayon lang ako nakasaksi ng ganun, na kung nagkataon ay kasama rin kami sa mga nahagip ng motor.

Kinuha ng kasama ko ang kamay ko at dinala ako sa isang tabi.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.
"Kaunti na lang, pati tayo mababangga ng motor!" Mula sa likuran ay niyakap niya ako. "Wag mo nang pansinin."

Nilingon ko pa ang mga natumbang sakay ng motor. May mga taong lumapit sa kanila. "Hindi ba natin tutulungan?" tanong ko.

Nagtuloy-tuloy na kami ng lakad. "Huwag na tayong magpa-involve diyan," sabi niya.

Habang naglalakad ay nakatulala pa rin ako, iniisip na kung sumadsad pa ang mga motor ng ilan pang pulgada ay damay na kami sa aksidente.

"Huwag mo nang isipin yun," sabi niya sa akin. "Habang nandito ako, safe ka." Lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly