Hindi ko pa rin mabawi yung tulog ko.
Ilang linggo pa ring puyat.
Wish ko lang bakasyon na, pero sa April kasi may pasok pa kami. T_T
Sana may bakasyon ako this year. Pero ok lang kahit wala, basta may trabaho sa summer. *pray*
Natapos na rin lahat ng ceremonies namin sa school.
Kagabi bago ako lumabas ng school e nagkasabay kami ng admin officer at tinapik niya ako sa likod. "Galingan mo bukas!" sabi niya.
Tapos kaninang morning program, Recognition Day, nagulat na lang ako kasi tinawag niya ang pangalan ko sa mikropono, matapos niyang banggitin ang mga salitang, "The Most Outstanding Teacher of the Year is..."
Nakakatuwa. T_T Kung iisipin mo, sa dinami-rami ng teachers sa school namin mula Pre-School hanggang High School, at yung iba mas nauna pa sa akin doon, e ako yung nabigyan ng ganung award. T_T
Tapos kanina nang matapos naman ang afternoon program, Graduation Day, ako kasi yung nag-emcee, sinabihan niya ako ng, "Good job!"
Ang sarap sa pakiramdam pag may mga nakaka-realize ng effort mo; na kahit pagod na pagod ka na e may dahilan ka para ipagpatuloy ang trabaho mo dahil sa mga taong naniniwala sa iyo. ^^
.
.
.
.
.
At dahil busy ako magdamag e less talk tuloy kami ni Prince.
Di bale, makakabawi rin ako sa iyo.
Sensya na kung natulugan kita kagabi.
Madalas naman akong ganun.
11 x 13.
:-*
Pages
No to Plagiarism!
ANYD's NOTE:
It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.
Friday, March 30, 2012
Wednesday, March 28, 2012
Paranoid
Kanina naka open ako sa Skype.
Tapos nagulat ako kasi nakita kong online yung tatay ko.
Alam ko kasi galit siya sa akin.
Tapos di ko pinansin.
Maya-maya nag-PM siya.
PAPA: Open skype?
Di ko pinansin.
PAPA: Hello.
Tapos nireplyan ko na.
AKO: Hello.
Tapos kinabahan ako kasi nagmessage siya ng ganito:
PAPA: I need your email
PAPA: and password
Sh*t, di kaya spam ito? Yun yung nasa isip ko.
Kasi naman nung nakaraang araw nagulat na lang ako bigla
nang may umappear na contacts sa Skype account ko.
Yung iba nag PPM.. Tapos may tumatawag. Mayroon nag PM sakin na, "Do you like sex chat?" Kaya yun... Imbyerna lola mo...
Tapos mayroon pang mga picture ng ari ng lalaki. Yayks! Di ko alam bat bigla na lang lumitaw yung contacts na yun.
Like... 16 yata yun na sunod sunod. Block ko nga lahat.
Kaya nga yun nung nag message tatay ko, nagdalawang isip ako kung ibibigay ko baka kasi spam madali pa ako.
Tapos nagpatuloy pa siya.
PAPA: I need it to install your norton antivirus.
AKO: Antivirus? E may anti virus na ako.
PAPA: It's for your new netbook.
Wow! At ang request ko na akala ko di na matutupad kasi bad shot ako e ibibigay pala niya.
Tapos ayun tatay ko pala talaga yun. Kasi nag Tagalog na at nangumusta tungkol sa eskwela, sa trabaho...
Masyado lang talaga akong naparanoid. Nakakatawa na lang.

Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Huli ka! Tetris ka pa ha!
Kanina nandoon ako sa Sanctuary ng school kasama yung ibang teachers at busy kami magprepare para sa event tomorrow at sa Friday.
E medyo napagod na ako tumunganga :roll: kaya bumaba na lang ako at pumunta sa computer lab para magtanong sa isang teacher regarding sa programme ng graduation on Friday (emcee kasi ako).
Nakapagtanong na ako at di naman ako nakaalis kaagad kasi bigla akong niyaya nung isang co-teacher na maglaro ng Tetris Battle.
Edi nag open ako ng isang unit at naglaro kami. Tawang-tawa ako dun sa co-teacher ko kasi panay ang sigaw niya everytime na nake-K.O. siya at nanghingi pa ng tulong sa isa naming co-teacher. Sa kasarapan ng paglalaro namin e biglang pumasok yung admin officer ng school at feel ko talaga nakita niya akong naglalaro kasi malapit ako sa pinto nakapwesto at halos nasa tabi ko lang siya. ROFL!
Tapos bigla ba naman niyang sinabi, "Yung iba tumulong na lang dun sa taas. Kasi masyado na kayong marami rito."
Tapos bigla niyang tinawag yung pangalan ko at pina-aakyat ako. Ako pa talaga unang tinawag. Ewan ko kung pina-aakyat ako kasi nahuli akong naglalaro. ROFL!
Pero nakaisip ako ng palusot na ewan kung lumusot. "Opo ma'am. Nandun naman po talaga ako kanina sa taas (sanctuary). Bumaba lang po ako kasi may tinanong lang ako. (At naglaro na rin po ng Tetris)."
At umakyat na nga ako nun kasama yung ibang teachers na pinaakyat. Masaya pa kasi may libreng dinner. ^_^

Monday, March 26, 2012
Minsan na lang nga...
Minsan na lang maglilinis ng kwarto,
at magpapalit ng mga punda ng unan at kutson...
Iihian pa ng aso. T_T
I hate you, Chloe! *mad*
Nakalimutan ko lang na isara yung pinto ng kwarto ko kasi ang dami kong inasikaso kaninang umaga...
Nung papalabas na ako ng kwarto kasi maliligo na ako, I stepped on something wet!
Pagtingin ko wiwi pala ni Chloe.
Ayun basa yung bedsheet ng kutson ko; pati yung bag ko na nakalagay sa lapag, nabasa rin. Pati yung gamit sa loob ng bag ko. Ultimo yung cell phone ko nabasa! T_T
AKO: *sabi kay mama* Wag nyo na ngang patatambayin yan si Chloe sa labas ng kwarto ko. Umihi dun sa kwarto ko! *mad*
Tapos hanap ako ng basahan na pwedeng ipunas sa phone ko.
AKO: *amoy amoy* Syets amoy ihi! *mad*
Pati wallet ko, wala na ngang laman nangamoy ihi pa. ROFL!
At pumasok ako ng school na hindi ko sinusuot ang ID ko kasi nabasa rin. At nagpalit tuloy ako ng bag. Paborito ko pa namang bag yung inihian niya.
Tapos pag uwi ko... Hindi ko kiniss si Chloe. Ayoko na siyang i-kiss, salbahe siya. *mad*
_gandang hapon pala. ^^

Monday, March 12, 2012
hilong-hilo
Di ko kinaya yung hilo ko kanina.
Ewan ko ba.
Pakiramdam ko mahihimatay na ako.
Napagod siguro sa dami ng ginawa.
Pero at least napasa ko na yung mga dapat ipasa.
Ako kasi yung mahilig sa rush e.
Kasi pag nangangarag ako, lalo akong nagsisipag.
Tapos kung suswertehin ka nga naman...
Hindi kasi ako nakapag baon ng lunch kasi nawala na ako sa mood gawa nang nabad trip ako sa bahay.
Umagang-umaga sermon.
Lagi na lang pinakikialaman yung mga kilos ko.
Ayun... nagkasagutan na naman kami ng mahal kong ina. :hmm:
Akala kasi nila batang paslit ako na di marunong mag-isip ng kung ano ang tama at mali.
Sinasabing, "Pumili ka ng matinong lalaki!"
Pero nagagalit naman pag nakipagkilala ako sa iba.
Ang weird lang.
Gusto yata magpakamongha na lang ako.
Tapos yun nga... nung bandang lunch time sa school... may nag-abot sakin ng Jollibee.
Bday pala ng co-teacher ko.
Tapos dahil sa sinumbong ako ng mahal kong ina sa tatay ko...
Hindi na tuloy ibibigay ng tatay ko yung netbook na hinihiling ko.
Ang gara nila. Panira ng kaligayahan talaga.
Pag sila naman may kalokohan hindi ko naman sila pinakikialaman.
"Ba't si kuya nung nakipag-meet, di mo sinumbong?" tanong ko.
"E kasi lalaki yun!"
Katwiran... Sus... Lalaki o babae man, pareho lang naman na tao.
Wala, gusto nila sila masunod.
La ba akong karapatang maging masaya man lang?
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Wednesday, March 7, 2012
Good bye
It started and ended too fast...
Now, we bid each other good bye...
It was the most uncomfortable and painful feeling that I felt...
I will miss you...
The way you kiss me
The way you hold my hand
The way your eyes (behind your eyeglasses) glitter when you smile
Your warm touch
Your sweet voice
Your laughter
Your words full of love and promise (which are actually my weakness)
Your "I am not worthy of your tears" dialogue
Our stay-up-late conversation (because my day is your night and my night is your day)
And even your last statement, "From now on, you're free." (though that torn the already shattered pieces of my heart...)
Probably we've already reached the climax (too soon...)
And this is the end.
Good bye.
I wish for your happiness.
Labels:
Kung Anu-Ano Lang
Tuesday, March 6, 2012
I love you
YOU,
I do not really know how I can thank you,
Maybe I'll just whisper in your ears the words, "I love you".
Would that be enough? :D
Hindi ka naman talaga sakin e; hindi kita pagmamay-ari.
Pinagpalagay ko lang na akin ka kasi mukhang hindi ka naman hinahanap ng totoong nagmamay-ari sayo. Napansin kaya niyang nawawala ka?
Ni hindi nga ako nagpaalam e! Kinuha na lang kita bigla. Kung ako lang ang masusunod, hindi na kita ibabalik. Nakawin na lang kaya kita? Tapos itatago kita rito sa puso ko. Magaling akong magtago kaya walang maghihinala na nandito ka.
<3
***
Hindi ako maka-move on dun sa menyak noong Monday.
Nagkasunog kasi sa likod-bahay namin. Muntik na ngang umabot yung apoy sa bahay.
Buti na lang may dumating na bumbero.
Ang masaklap pa e nagkakagulo ang mga tao sa bahay. Tapos si kuya ko umakyat na sa pader na may hawak na hose para subukang patayin ang apoy. Kaso sa pagbaba niya, nahulog siya. Sumabit siya sa kung ano... Nagkaroon ng sugat sa kamay. Natuklap ang balat, kita raw yung laman. Nataranta ako at agad namin siyang dinala sa hospital. Nakapambahay pa ako nun. Yung terno ba na pantulog.
Tapos dun sa jeep, magkakatabi kami nina Pated (sister ko) at Kuya. Nasa gitna nila ako. Tapos mayroong isang ewan na lalaki dun sa jeep. Kasi nung sumakay kami, hindi siya umusog. E hindi makaupo yung kuya ko. Tapos sinabihan ko siya ng, "Baka pwedeng umusog?" Hanggang sa nakaupo na nga si kuya.
Nakatabi ni kuya yung ewan na lalaki. Nang may bumaba dun sa kabilang side, pinalipat ba naman niya si kuya. Tapos si kuya naman, lumipat ng pwesto. So, ako na yung nakatabi ng lalaking ewan. Tapos bwisit yung lalaking ewan na yun. Dinidikit ba naman niya yung legs niya sa legs ko.
Takot na takot ako dun sa lalaki. Ewan kung nakainom ng alak or sabog. Menyak! Tapos yung sister ko, tinitingnan din pala yung lalaking menyak kasi nakakatakot daw yung hitsura. Tapos umuusog ako papunta sa side ni Pated para hindi ako mapadikit kay menyak. Kaso naman si menyak sige lapit pa rin.
Nung pababa na kami, tiningnan ako ni kuya. "Baba na," sabi niya. Parang worried na ewan. Tapos nung pababa na ako, hindi ko alam kung paano ako bababa kasi katabi ko si menyak, baka pagbaba ko biglang hawakan yung pwet ko o ano. :mad: Buti na lang hindi nangyari yun. Tapos nung pababa na ako, sabi ni menyak, "Thank you." Gumanun. Weird! Narinig pala ng sister ko. Tapos sabi niya nagtaka siya sa sinabi ni menyak.
Ang masama pa, nung bumaba na kami, sumilip pa si menyak sa bintana ng jeep. Nakakatakot! Akala ko ako lang ang nakapansin sa kilos ni menyak pero napansin din pala ng sister ko at ni kuya. Tapos yun pinag-usapan namin si menyak. Injured na si kuya, nakipag tsismisan pa? :roll: Galit na galit nga e. Gusto raw niyang suntukin. As a conclusion, sinabi ni Pated,
"Dapat pala dinirty finger ko na nung sumilip siya sa bintana!"
Tapos si kuya may pang-asar pa, "Kahit pala pangit minamanyak din."
"Leshe ka, kuya," reply ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)